=====Chapter 60.1=====
The Secret Admirer
GEORGES P.O.V.
Hanggang kelan ka ba magiging ganyan? tanong ni Cally sakin pero parang wala akong naririnig at nakatingin lang ako sa plato ko. Ilang araw na kong hindi makakain.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Kung bakit mas malala pa ang nararamdaman kong sakit kesa ng niloko ako ni Marcus. Parang sobrang sakit na iniwan ako ng kaibigan ko. Ang hirap mag-isa lalo na kapag nasanay ka na palaging may kasama.
Palagi naman akong may kasama, si Cally, palagi kong kasama, kaso iba talaga kapag nasanay ka na for nineteen years na kasama mo siya. Ang hirap kalimutan lahat ng yun sa isang iglap. Parang madali lang para sa kaniya, pero para sakin hindi.
Alam ko naman na kahit papano, nahihirapan din siya na kalimutan lahat ng yun, pero bilang lalaki katulad niya, at dahil kilala ko siyang tao, alam kong medyo madali sa kaniya ang magmove-on na lang kesa sakin.
Sana kahit kaibigan na lang, matatanggap ko. Kahit hindi na kasing close ng dati, matatanggap ko. Kahit na minsan na lang niya ko kausapin, or kung hindi na niya ko maalalang kausapin dahil may mga iba na siyang bestfriend na mas makikinig sa kaniya, yung hindi pasaway katulad ko, okay lang, matitiis ko.
Kahit masakit, tatanggpin ko. Kasi ako dati yung kausap niya, yung kinukulit niya, pero kung kaibigan na lang talaga, at hindi na kami bestfriends, okay na sakin.
Pero parang sa kondisyon namin na to, kahit ang bagay na yun, hindi na niya maibibigay pa. Parang wala na talaga. Pero kahit ganon, susubukan ko parin. Kahit alam kong wala na talaga, susubukan ko parin. Wala naman ng mawawala sakin, lahat nawala na. Hindi rin masamang sumugal kahit alam kong sa dulo, ako parin ang talo.
George tawag sakin ni Cally kaya tinignan ko siya.
Alam mo, ngayon na nga lang tayo magkakasama, tapos ganyan ka pa? tanong niya at napasimangot ako.
Sorry na sabi ko habang nakapout.
Alam mo, naiintindihan naman kita dahil may pinagdadaanan ka ngayon, pero hindi naman ata tama na magpakalugmok ka diyan sa nangyayari, alam ko naman na sobrang lapit sayo ni Grey kaya kahit kaibigan mo lang siya, hirap na hirap kang kalimutan siya, pero George, ayusin mo naman yang sarili mo, kumain ka naman sabi niya at naramdaman kong may tumulong luha galing sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan. Ngumiti lang ako ng mapait sa kaniya.
Sa totoo lang, walang iiyak ng ganyan para sa kaibigan niya, kaya sigurado akong sobrang lapit niyo talaga, mula elementary tayo hanggang high school, magbestfriend na kayo, hanggang ngayon, sana naman matauhan si Grey na wag itapon ng ganon ganon lang yun sabi niya at tinignan ko siya.
Hindi lang naman yun ang dahilan, nasaktan ko din siya hindi bilang kaibigan, nasaktan ko ang nararamdaman niya para sakin, naiinis din siya sakin dahil hindi ko siya sinunod kaya ito, tsaka, lumalayo na din siya kasi pabitin kong sabi saka yumuko.
Gusto na niyang magmove-on sabi ko at nagtuloy tuloy na ang pag-agos ng luha ko.
Wala na kong malapitan na pagsasabihan, gusto ko sana dati na siya ang unang makaalam ng iniwan ako ni Marcus kaso lahat ng accounts niya, blinock niya ko, gusto kong malaman niya na tama siya, at mali ako, pero wala eh, kahit saang accounts niya wala talaga, alam mo naman na siguro yun di ba? tanong ko at tumango siya.
Sa tingin mo, matatanggap pa kaya niya ko? Mapapatawad pa kaya niya ko? tanong ko at pinunasan ko ang luha ko.
Sa tingin ko kasi, hindi naman sa pang-o-offend sayo, pero pasensiya na ah, feeling ko kasi, parang wala na siyang balak na bumalik kayo sa dati. It takes time bago bumalik sa ganon. Minsan pa nga, hindi na bumabalik sa dati. Kilala mo naman si Grey, what he said, is what he do, lahat ng sinasabi niya, pinapanindigan niya. Kaya pasensiya na ah sabi niya at tumango ako. Hindi ko naman masisisi kung ganyan siya. Hindi ko siya masisisi kung ayaw na niyang bumalik kami sa dating pagiging magbestfriend. Konting lapit ko nga lang ngayon sa kaniya, lumalayo na siya kagad. Yun pa kaya?

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Roman pour AdolescentsFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...