A Kiss in the Middle of the Night
"Bye" sabi ko saka ikinaway ang kanang kamay ko. Nginitian niya 'ko.
"Bye, sweetdreams" sabi niya at ikinaway niya ang kamay niya sakin.
"Ingat ka" sabi ko.
"Tsss. Diyan lang bahay namin oh, nag-aalala ka pa" sabi niya habang nakangiti.
"Sino nagsabing nag-aalala ako sayo?" nakangiting tanong ko.
"Tsss, halata sayo, sinabi ko na, hindi ka magaling magtago, kaya 'wag ka ng magkaila, may gusto ka na sakin 'no?" nakangiti niyang tanong.
"Umuwi ka na nga, mamaya magkaroon pa ng whirl wind dito," sabi ko kaya natawa siya.
"Sige na, matulog ka na, susunduin kita bukas" sabi niya at tumango ako. Tinaas niya ang salamin ng bintana niya saka umalis. Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan niya at napangiti na lang ako. Hindi naman siya ganon kasama. Actually, ang saya nga niyang kasama eh.
Tumalikod ako at papasok na sana ako sa loob ng bahay pero napatigil ako ng may makita akong blue roses na nakatali ng isang blue ribbon na may design na violet at may mga glitters ito. Yumuko ako at pinulot ko ang roses. Nasa mga sampung piraso ata ang mga roses at may nakita akong napansin akong isang sticky note na hugis puso at may design na blue rose pero faded ang kulay. Binasa ko ang nakasulat.
"Sorry?" bulong ko sa sarili ko at kumunot ang noo ko. Para san 'tong sorry na 'to? Tsaka anong nagawa niya? Sino ba kasi 'tong lalaking to at hindi na lang magpakita sakin ng diretsiyahan? Hindi naman ako masungit ah? Hindi din naman ako mabilis magreject ng tao, tsaka hindi naman ako tumitingin sa itsura ng tao. Sa loob ako tumitingin. Papasok na sana ako sa loob ng gate ng biglang nahulog ang note kaya huminto ako para kunin iyon at may nakita akong nakasulat sa likod ng note.
Tumayo ako ng matuwid at binasa ko ito.
‘Sorry kung hindi ko masabi sayo ng direkta, sorry kung hindi ko kayang humarap sayo, sorry kung may hindi ako nasasabi sayo, sorry kung wala akong lakas ng loob na humarap sayo, sorry kung natatakot akong humarap sayo, natatakot lang naman ako dahil baka layuan mo 'ko, natatakot ako nab aka mawala ka sakin kapag nalaman mo kung sino ako, oo, kilala kita, at kilala mo 'ko pero ayokong magpakilala sayo dahil natatakot ako, pero sana balang araw, magkaroon din ako ng lakas ng loob para makapagpakilala sayo, baka sa susunod na mga araw, hindi na 'ko matatakot na humarap sayo at magpakilala sayo‘ sabi sa note.
So kilala pala talaga niya ko? Sino ba kasi ang taong to bakit ganon na lang ang takot niya nab aka mawala ako kapag nalaman ko na may gusto siya sakin. May napansin pa 'kong nakasulat sa baba kaya binasa ko. ‘P.S. Mahal na mahal kita kahit 'di mo alam‘ basa ko sa note. Mali pala 'ko, akala ko gusto lang niya 'ko, pero mahal na daw niya 'ko. Sino ba kasi siya? Hindi ko malaman kung ano bang ikinakatakot niya. Natatakot siyang mawala sakin? Bakit naman ako mawawala? Isa lang ang hint ko kung sino siya, malapit lang siya sakin at kilala niya 'ko. I think we always meet but I didn’t know him. Sana magpakilala na siya.
Ang tagal na kasi. Nacu-curios na 'ko kung sino ba ang lalaking 'to, o kung lalaki ba siya. Kilala siya ni Grey pero hindi naman sinasabi sakin ni Grey kasi ang gusto niya, 'yung taong 'yun mismo ang magpakilala sakin hindi siya. Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung sino man ang lalaking 'to. Napagod na 'ko, tsaka hindi pa ko kumakain ng hapunan pero feeling ko busog ako dahil kumain kami kanina ni Marcus at siyempre sagot niya. Naalala ko, pagkatapos ng bukas, birthday na ni tita, sana hindi ako makalimutang sunduin ni Grey kahit na nagkabalikan sila ulit ni Ynah.
***
Paglabas ko ng gate ay may nakita naman akong chocolates na dairy milk, siguro nasa mga lima sila, at magkakapatong at nakatali ng red ribbon. Yumuko ako at kinuha ko ito. Mauubos ko kaya 'to? Napangiti na lang ako at binasa ko ang nakalagay sa note. ‘Have a nice day :D‘ sana nga magkaroon ako ng magandang araw ngayon.
"Aba may karibal na ata ako sa panliligaw sayo ah" sabi ng nasa gilid ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya at nakasakay sa sasakyan niya.
"Hindi nga siya nagpapakilala sakin eh" sabi ko.
"Ang hina naman niyan manligaw, kelan pa 'yan nagsimulang manligaw?" tanong niya.
"Last month? Pero mas nauna siya sayo" sabi ko. Kasi hindi ko pa siya kilala, may mga nakikita na 'kong mga ganitong bagay sa labas ng bahay.
"Ang hina niya manligaw, baka mamaya mapasagot na kita" sabi niya habang nakangiti.
"Wag kang mayabang, mamaya hindi kita sagutin diyan eh" sabi ko.
"Whatever, sakay na" sabi niya at umikot ako saka sumakay sa loob ng sasakyan niya.
"Kilala mo siya?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sino?" tanong ko.
"Yung nanliligaw sayo" sabi niya.
"Hindi eh, pero si Grey, kilala niya" sagot ko.
"Ahh, okay" sabi niya. Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa school. Pinarada niya ang sasakyan niya at naunang lumabas ng sasakyan niya. Bubuksan ko na sana ang sasakyan ng siya ang nagbukas nito para sakin.
"Thanks" sabi ko at lumabas ako ng sasakyan niya.
"Tara na" sabi niya at naglakad kami papunta sa building. Napatingin ako sa hindi kalayuan ng may mapansin akong pamilyar na tao sakin. Nakita ko si Grey na kasama si Ynah at ang saya saya nila. Talagang binalikan nga ni Grey si Ynah. Bahala siya kapag nasaktan ulit siya diyan pero parang hindi ko naman kayang tiisin siya kapag nasaktan siya. Minsan ako ang nasasaktan kapag nasasaktan siya kasi minsan nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya binalaan sa isang bagay na 'yun. Mahirap makitang nasasaktan ang kaibigan mo, lalo na kapag wala kang magawa para pagaanin ang loob niya.
Sobrang hirap dahil wala kang magawa para sa kaniya. Pero ngayon, sinabihan ko na siya tungkol kay Ynah, pero kung masaktan na naman siya diyan, hindi ko kayang panoorin lang na nasasaktan siya ng ganyan dahil kapag makita ko lang na nasasaktan na naman siya at kahit na umiyak siya kapag nangyari 'yun, hindi ko alam ang magagawa ko kay Ynah kahit na kaibigan ko lang si Grey. Alam kong umiiyak din naman siya, pero bihira lang, kapag umiiyak na 'yan siya, 'yun na 'yung time na nasasaktan na talaga siya ng sobra.
Minsan ko na siyang nakitang umiyak pero simula nun, dalawang beses ko pa lang siya ulit na nakitang umiyak. Una, ng mawala ang mother niya, at si Ynah, pero simula ng iwan siya ni Ynah, nangako siya sa sarili niya na kapag nagkaroon siya ng susunod na mga girlfriends hindi na siya ang iiyak sa kanila. Kaya nga siya na ang unang nang-iiwan dahil ayaw niyang naiiwan. He hates the feeling of being lonely and a feeling of being rejected.
"Nagkabalikan na pala sila, kelan pa?" tanong ni Marcus kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hindi ko alam" sabi ko.
"Bakit 'di mo alam? Kaibigan mo siya?" tanong niya. 'Yun nga ang mahirap eh, kaibigan ko siya pero minsan magugulat na lang ako sa mga ganap sa buhay niya dahil minsan, hindi na niya sinasabi sakin ang mga nangyayari sa kaniya. Pero minsan hindi ako nagagalit dahil, bakit naman ako magagalit? Kaibigan niya lang ako, pero minsan pinaliwanag naman niya sakin na okay lang na magalit ako sa mga desisyon niya na hindi niya sinasabi sakin dahil kaibigan ko siya, dapat daw alam ko ang mga nangyayari sa kaniya at alam din niya ang mga nangyayari sakin.
Pero ngayon, ayokong magalit sa kaniya, naiintindihan ko ang desisyon niya. Okay lang. Dahil baka katulad ko siya na may gusto ding patunayan sakin, at sana lang hindi siya masasaktan sa ginagawa niyang 'yan.
"Okay lang 'yan," sabi ko.
"Parang binabawian ka niya ah?" tanong niya. Napakunot ang noo ko.
"Binabawian?" tanong ko.
"Baka naman alam na niya na nililigawan kita at hindi mo sinabi sa kaniya kaya binabawian ka niya" sabi niya.
"Parang hindi naman ganon si Grey, pero sana hindi ganon." Sabi ko. Sana hindi niya alam, dahil baka nasaktan ko siya kapag alam na nga niya. Pwede din naman, kaya niya siguro ako hindi sinasabayan? Pero sanay naman na 'ko simula ng maging sila ni Bella. Baka alam na niya nung kay Bella pa lang? Pero parang hindi. Ayoko munang pangunahan dahil baka mali ako.
"Baka naman hindi, ikaw pinapangunahan mo" sabi ko.
"Ano bang sabi ko? 'Di ba sabi ko, baka? Hindi ko naman sinabi na alam na niya" sabi niya. Sa bagay.
"Pero nagtataka lang ako dahil nung kahapon, ng hapon, iba namang babae ang kasama niya dito sa school pero bakit kagabi si Ynah na ang kasama niya? Sabi pa nga niya sakin, may bago siyang nililigawan eh" sabi ko. Nakapagtataka lang.
"Isa lang sagot diyan, hindi siya seryoso kay Ynah, baka nga pagtripan niya 'yan si Ynah dahil sa ginawa niyan dati sa kaniya" sabi niya.
"Pano mo naman nasabi 'yan?" tanong ko.
"Sabi mo, may nililigawan siya kahapon? Sinong matinong lalaki ang i-two-two time niya ang babaeng mahal niya n gang reason lang ay dahil nagsasawa na siya o di kaya ay gusto lang niya? Walang ganon, dahil kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka gagawa ng ikakagalit niya at ikakadahilan nagpaghihiwalay niyo, pero kung masaktan man niya ang taong mahal niya, siguradong may magandang dahilan siya at baka hindi niya talaga sinasadya 'yun" sabi niya.
"Lakas mong humugot ah?" nakangiti kong tanong.
"Hindi 'yun hugot, tha‘s the truth" sabi niya at sumeryoso ang mukha ko at napatango-tango. Sa bagay. Totoo naman 'yun. Naglakad lang kami papunta sa room namin at dahil sa parehas kami ng subject namin ay classmate ko siya. Hindi siya Finearts pero classmate ko lang talaga siya ngayon, si Grey, hindi ko siya classmate ngayon, mamaya pa. Pagpasok namin sa room ay umupo ako sa tabi ni Cally.
"Ang sweet ah, mukhang hatid sundo ka na ni Marcus" sabi ni Cally kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sweet na ba 'yun sayo?" tanong ko.
"Oo kaya," sabi niya. Natahimik na lang ako. Sa bagay, halos araw-araw ata, kasabay ko na siya. Hindi naman masama na kasama ko siya palagi. Wala naman akong jowa, wala din naman siya, ang masama 'yung may jowa siyang iba tapos alam ko pero hinahayaan ko lang siya. Ayoko kayang maging third party. Gusto ko ako lang, lahat naman ng tao 'yun ang gusto.
"Wala namang masama kung kasama ko siya ah?" sabi ko.
"Wala ngang masama, pero sa bestfriend mo, meron" sabi niya. Alam ko naman na maiintindihan niya 'ko kapag nalaman niya. Oo, aaminin ko, unti-unti ng nahuhulog ang loob ka sa lalaking 'to at nakakalimutan ko na kung ano mang kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko kay Grey. Alam kong may kakaiba na sa nararamdaman ko para sa kaniya pero unti-unti ng nawawala 'yun dahil kay Marcus. Alam kong medyo na-re-rebound ko na si Marcus pero wala naman akong balak na gamitin lang siya para mawala ang kakaibang nararamdaman ko kay Grey. Pero wala naman akong balak na saktan si Marcus kung sakaling totoo man ang nararamdaman niya para sakin.
"Alam kong maiintindihan niya 'ko, may tiwala ako sa kaniya" sabi ko. Dumating na ang prof namin kaya umayos na 'ko. Tumabi si Marcus sa kabila kong tabi at hinayaan ko lang siya.
"George," tawag sakin ni Marcus kaya napatingin ako sa kaniya.
"Problema?" tanong ko.
"Palagi bang problema dala ko?" tanong niya. Umiling ako.
"Medyo" sagot ko.
"Umiling ka tapos medyo? Ang gulo mong tao, baka mamaya kapag sinagot mo 'ko, oo, na medyo? Dapat kasi hindi na lang nadiscover 'yang salitang medyo" sabi niya.
"Baliw ka ba? Minsan kasi parang may gusto tayo na parang ayaw din natin, nagawa 'yan kasi isa 'yan sa nararamdaman natin, kaya magtigil ka nga" sabi ko. Kung hindi nadiscover ang salitang medyo, may mga mapipilitan sa mga gusto nilang gawin kaya mabuti na din na nagawa ang salitang medyo.
"Baliw naman talaga ako sayo" sabi niya habang nakangiti.
"Ewan ko sayo, ang cheesy mo" sabi ko at nakinig na lang ako sa prof namin.
"Totoo naman ang sinasabi ko, ewan ko ba kung bakit parang ayaw mong maniwala" sabi niya. Tinignan ko siya ng seryoso at nakatitig lang siya sakin habang nakapout.
"I hate cheesy lines" sabi ko.
"But it makes you satisfy" sabi niya.
"Sa panong paraan?" tanong ko.
"Sa cheesy lines ko lang kasi nasasabi ang totoong nandito sa puso ko, ganon din naman lahat 'di ba? Cheesy na kung cheesy, pero 'yun ang totoo" sabi niya. Sa bagay, pero hindi naman lahat ng cheesy, totoo. Minsan, dinadaan pa nila sa biro, tapos kapag sineryoso mo, sasabihin ng nagsabi sayo nun dati na biro lang 'yun at hindi totoo ang lahat ng 'yun.
Hindi ka naman, makapagsalita, kasi first pa lang, biro na talaga ang lahat. Ako lang ang nagseryoso. Katulad ni Nate, binibiro niya lang ako, pero sineryoso ko kagad 'yun at nagpadala ako sa lalaking 'yun. Nakakainis siya! Napakapafall! Tapos nagsawa din naman sakin at 'yun, naghanap na ng ibang chicks *-*
"May mga cheesy kasi na hindi naman totoo" sabi ko.
"Bakit, may lalaki ka na bang sineryoso dahil sa cheesy lines niya pero iniwan ka din niya?" tanong niya kaya tinitigan ko siya ng seryoso.
"'Wag mo ng ibalik ang dati" sabi ko saka nag-iwas ng tingin.
"Magandang balikan 'yun, para kapag nagsawa ka na sa kakaisip dun at kapag narealize mo na napakatanga mo dahil nagpauto ka sa kaniya, sa susunod, hindi mo na uulitin, tsaka maganda kayang ulit-ulitin, para magsawa ka sa nangyari dati, para unti-unting mawala ang sakit, hindi mo naman kasi kailangang kalimutan siya o ang nangyari dati, ang kailangan mo lang, ay kalimutan ang nararamdaman mo sa kaniya" seryoso niyang sabi. Kapag nagsasalita siya ng mga ganyan, tumatagos sa puso ko. Ewan ko kung anong pinagdaanan niya sa nakaraan niyang buhay at bakit parang sobrang dami na niyang karanasan tungkol diyan, para bang minsan sa buhay niya eh nagmahal na talaga siya ng totoo pero nasaktan siya ng sobra. Para bang siya ang naging biktima sa nakaraan niya.
"Tama ka naman, pero sadyang hindi lang ako ganon, ayokong balikan 'yun dahil nabibwisit ako, ayokong balikan 'yun kasi naiinis ako sa kaniya, ni makita nga siya eh ayoko na, kaya ayoko ng balikan pa 'yun dahil---"
"Dahil nasasaktan ka?" tanong niya na agad kong ikinatingin sa kaniya.
"Bakit naman ako masasaktan? Eh wala na ngang kami, tsaka ano bang sinasabi mong masasaktan ako? Hindi na kaya, kahit maghanap pa siya ng maraming babae diyan sa tabi na mas maganda sakin, wala na 'kong pakialam" sabi ko sabay crossarms at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Nakamove-on na kaya ko sa lalaking 'yun!
"Talaga lang ah?" nakangiti niyang tanong. Tumingin akong muli sa kaniya.
"Oo nga" sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Eh bakit kung umasta ka parang hindi? Alam mo kasi, hindi naman mahirap na sabihin ang totoo, na sabihin mo ang gustong sabihin ng puso at isip mo, stop pretending, just be yourself, mas maganda ngang ilabas ang lahat ng 'yan, para mawala na talaga, hindi naman nakakahiya na ilabas lahat ng 'yan, lahat naman tayo nasasaktan, and all people can feel that," sabi niya. Lakas talagang makareal talk ng lalaking 'to. Natapos ang buong klase namin at wala ako sa sarili ko dahil iniisip ko ang mga sinabi ni Marcus. Nakaramdam na kaya siya ng ganito? Kaya alam niya? Oo aaminin ko, may konting sakit pa kapag nababalitaan ko na may iba na siya, masakit parin kahit papano, pero dahil kay Grey, hindi ko na nararamdaman yun. He always makes me feel comfortable with him.
***
Tumayo ako at inayos ko ang mga gamit ko para makauwi na 'ko. Napatingin ako sa gilid ko ng may kumuha ng mga gamit ko at napatitig lang ako sa kaniya. Tinignan niya ko saka ngumiti. Iginilid niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Ako na" sabi ni Marcus at hinayaan ko siya.
"Tara na" sabi ko at nauna na 'kong naglakad dahil ang awkward lang para sakin 'yung ginagawa niya. Ganito din naman ang ginagawa dati ni Nate pero ngayon, mas feel ko kapag si Marcus ang gumagawa. Sana hindi ako magkamali kay Marcus this time. Sana patunayan niya na mali ang sinasabi ng iba na lolokohin niya lang ang kahit sinong babaeng nagiging girlfriend niya. Naglakad lang kami ng tahimik hanggang sa binasag niya ito.
"Gusto mong manood?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ay ayoko ng manood ng fireworks" sabi ko habang nakangiti.
"Sino ba nagsabing fireworks? Manonood tayo ng sine" nakangiti niyang sabi. Akala ko fireworks na naman.
"Tsaka bakit ayaw mo na ng fireworks? Ang ganda ganda kaya ng fireworks," sabi niya.
"Basta ayoko na nun, pero teka, anong papanoorin natin?" tanong ko.
"Ikaw, ano bang gusto mo?" tanong niya.
"Gusto ko 'yung massacre" sabi ko habang nakangiti.
"Huh? Sa dami-dami ng genre ng palabas na pwedeng panoorin, bakit yun pa?" tanong niya.
"Yun nga gusto ko eh, ayaw mo ba?" tanong ko.
"'Wag kang magrereklamo kapag magsusuka ako" sabi niya kaya natawa ako.
"Anong nakakatawa?" seryoso niyang tanong. Hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko kaya tumalikod ako sa kaniya.
"Alam mo para kang si Grey," sabi ko sabay harap sa kaniya habang nakangiti.
"Kaya pala…" sabi niya at sumeryoso ang mukha ko.
"Kaya pala ano?" tanong ko.
"Wala, may naalala lang ako" sagot niya at napatango lang ako.
"Ex mo?" tanong ko.
"Hindi," sagot niya.
"Eh sinong naalala mo?" tanong ko.
"'Yung kapatid ko" sagot niya.
"May kapatid ka pala? Babae ba?" tanong ko.
"Oo, katulad mo siya, makulit" sabi niya at ginulo niya ang buhok ko. May kapatid pala siyang babae? Akala ko wala, parang 'yun kasi ang expectations ko sa kaniya. Para siyang walang kapatid.
"Hindi ko akalain na may kapatid ka pala" sabi ko.
"Ano tingin mo sakin, walang pamilya?" tanong niya habang nakangiti.
"Hindi naman sa ganon, parang first empression ko lang" sabi ko. Naglakad lang kami papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan niya 'ko ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob. Umikot siya saka sumakay din sa sasakyan niya.
"Anong first impression mo sakin nung una mo 'kong makilala?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"First impression ko? Manloloko ka" sagot ko at bigla niyang napreno ang sasakyan niya. Muntikan akong sumubsob pero nakahawak ako sa balikat niya at sa upuan ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Seryoso?" tanong niya.
"Siraulo ka talaga, bakit bigla kang prumeno? Muntikan pa 'kong mapasubsob dahil sayo" sabi ko.
"Hindi design sa kotse ang seatbelt" sabi niya at pinaandar muli ang sasakyan niya. Hinanap ko ang seatbelt sa gilid ko at nagseatbelt ako.
"Seryoso ka ba? 'Yun ba talaga ang first impression mo sakin?" tanong niya.
"Oo nga, coz you‘re such a player" sabi ko.
"Ang sakit mong magsalita" sabi niya.
"Totoo naman, 'yun naman talaga ang first impression ko sayo. Pero simula ng makilala kita ng sobra, about sa buhay mo, not only sa mga simple information about you, but deep information about you, nag-iba lahat 'yun. Hindi ka naman pala sobrang sama katulad ng iba, you have a good side after all" sabi ko. Medyo napangiti siya.
"This is the second time I heard those words, coming from the other" sabi niya.
"Whose the first?" tanong ko.
"My sister" sagot niya kaya napatango ako.
"Alam mo, aakalain ko na ngayon na iba na ang kaharap ko at hindi na si Marcus kung iba lang ako" sabi ko. Natawa lang siya ng bahagya.
"By the way, how old is your sister?" tanong ko. Hindi naman masamang makitsismis sa buhay niya dahil nanliligaw siya sakin.
"23," sagot niya at binuksan niya ang phone niya. May pinindot pindot siya dun saka binigay sakin. Tinanggap ko naman ang phone niya.
"That was her, when we were highschools" sabi niya. Ang ganda naman pala ng kapatid niya. Ang puti niya at aakalain mo na kapag dumikit siya sa pader na kulay puti ay hindi mo na siya makikita. Kulay blonde ang buhok niya at bakit ganon? Parang ang putla niya? Bakit parang ganiyan ang putla ng mukha niya?
"Ang puti naman niya" sabi ko. Nilipat lipat ko pa ang pictures, and it seems like they are so very close at their pictures. Pero bakit wala silang pictures ngayon? Bakit puro nung highschools lang? Nalaman ko kasi sa uniform at sa mukha ni Marcus na medyo bata pa kesa ngayon, na medyo nagmatured na.
"Bakit wala kayong pictures ngayon? Nasa states ba siya?" tanong ko.
"Yup" sagot niya. Napatango tango ako.
"Edi nag-uusap kayo palagi? Kahit sa video call?" tanong ko. Nagtingin tingin pa 'ko.
"Nope. We can‘t do that anymore" sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Tinignan ko siya. Bakit hindi nila magagawa 'yun? Nag-away ba sila?
"Bakit? Nag-away ba kayo?" tanong ko.
"Of coarse not. Ever since we argue when we are 16, we never argue again, we‘re so close, like bestfriends, I even tell all about me to her, and that is what she did too, we argue when we were 16 and it takes two weeks before we mend our argument. We even argue, all the time, but in the nice way" sagot niya. Eh bakit sila hindi na pwedeng mag-usap? Baka naman may family na sa malayo? Pero mayaman naman sila, kasi kabusiness partner ng lola ni Grey ang mga magulang niya at may malalaking kompanya ang pamilya niya, pero bakit ganon? Baka naman, nag-away ang magulang nila? Kaya siguro sa meeting nila mama last time, nung sumama ako, 'yung mother niya lang ang kasama niya? Baka nga.
"Naghiwalay ba ang parents niyo kaya ganon?" tanong ko.
"Of coarse not" agad niyang sagot. Eh bakit nga kasi?
"We can talk even our parents our separated. But our parents doesn’t separated, they love each other so much" dugtong pa niya. Sa bagay pwede naman silang mag-usap kahit na naghiwalay ang parents nila kung gugustuhin nila. Pero hindi naman pala naghiwalay ang parents nila. Pero bakit hindi sila pwedeng mag-usap?
"Bakit nga kasi?" tanong ko pero hindi siya sumagot at nakangiti lang siya. Pero sa ngiti niya, parang may kakaiba, parang I saw an endless coldness.
"It was okay if don’t want to talk about---"
"I lost her when we are 18" putol niya sa sinasabi ko kaya napatingin ako ng seryoso sa kaniya. Ano daw? Tama ba ang narinig ko?
"Sorry" sabi ko
"It‘s okay, but until now, my heart doesn’t okay, wala kang kasalanan, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'yun. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari at kung bakit siya nawala, It was all my fault, and until now, I‘m still blaming myself to what happen to her" sabi niya. Namatayan pala siya ng kapatid? Ano kayang kinamatay? Baka naman may sakit? Kaya siguro maputla ang mukha ng kapatid niya? Ayoko ng magtanong, baka mamaya mas lalo pa siyang malungkot.
"Dont blame yourself, your sister won‘t be happy if she knows that her brother is blaming himself about what happen to her" sabi ko.
"I hope so" sabi niya at natahimik na lang kami. Tahimik lang kaming sa buong biyahe. Ayokong mag-ingay, ang awkward kasi na-open namin ang tungkol sa kapatid niya. Hindi ko alam na mabigat na pala ang pinagdadaanan niya.
"Okay lang na nabuksan mo ang topic na 'yun, kaya 'wag kang magworry if you ever feel that it makes me alone, and makes me hurt, it was okay. Hindi ako sanay na hindi ka maingay" sabi niya.
"Pero---"
"It makes me happy, kung mag-iingay ka, mas lalo akong nalulungkot kapag mas naiisip ko 'yun at hindi mo dini-distruct ang isip ko kaya mag-ingay ka na. Because it makes me uncomfortable when you‘re not noisy" sabi niya kaya napangiti ako.
Natapos namin ang movie ng hindi siya nagsusuka. Buti naman. We even warch a funny movie, sinadya ko 'yun para makalimutan niya kahit papano ang mga na-topic namin kanina. I know, na nasaktan siya, kaya gusto ko naman na maging masaya siya. Tagumpay naman ako because we laugh nonstop, dahil nakakatawa naman talaga sobra ang movie. Pagkatapos ay lumabas kami ng sinehan at tawang tawa parin ako samantalang siya ay nakangiti lang. Tinignan ko siya pero tawang tawa parin talaga ako.
"Ngayon ko lang nalaman na ang sarap sa pakiramdam na magpangiti ng mga babae, imbes na paiyakin sila," sabi niya at unti-unting sumeryoso ang mukha ko.
"Simula kasi ng mawala ang kapatid ko, hindi ko na gustong makakita ng babaeng nakangiti. I hurt them because they‘re the one who hurt me so much, including my sister, she hurt me, dahil nangako kami sa isa‘t isa na hindi namin iiwan ang isa‘t isa, pero she leave, pero hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, because I understand her" sabi niya.
"Sana masaya na siya," sabi niya.
"Just be happy, and trust me, she‘ll be happy" sabi ko habang nakangiti.
"Sana nga" sabi niya.
"Tara nagugutom ako, kain tayo" sabi ko at hinawakan ko ang wrist niya saka siya hinila. Dinala niya 'ko sa isang Japanese restaurant. Natatawa lang ako sa kaniya kapag kumakain siya. Ang arte niyang kumain, parang si Grey.
"Bakit ka tumatawa?" tanong niya.
"Wala lang, masama bang maging masaya?" tanong ko habang nakangiti.
"Okay lang ang ngumiti at umiyak mag-isa, pero parang hindi na normal ang tumawa mag-isa" sabi niya.
"Sakin normal lang yun" sabi ko.
"Pano 'pag may nakakita sayo?" natatawa niyang sabi habang kumakain.
"Hindi na 'ko ang mag-aadjust para sa kanila" sabi ko. Alangan naman mag-a-adjust pa 'ko sa mga taong wala namang pakialam sakin. Sila nga walang balak mag-adjust para sakin, tapos ako pa ang mag-a-adjust para sa kanila? Wow lang ah.
"Tss" Pinagpatuloy lang niya ang pagkain niya.
"Hindi sila VIP para mag-adjust ako" sabi ko. Napangiti na lang siya habang kumakain. Kumain na lang ako ng kumain at hinawakan ko ang baso ko at napatingin ako sa kaniya ng pinunasan niya ng panyong puti ang gilid ng labi ko. Nakangiti lang siya.
"Ang kalat mong kumain" sabi niya pero hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Unti-unti na ata akong nagkakagusto sa lalaking 'to? Hindi ko alam. Hindi ko pa maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko pa maintindihan. Kaya hangga‘t maaari eh, ayoko munang magpadala.
Natatakot pa 'ko, pero alam ko naman na hindi ko siya mapaghihintay ng sobrang tagal. Hindi ko naman siguro mapapaabot ng taon tulad ng sa iba. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos na kaming kumain. Lumabas kami ng Japanese restaurant.
"Gusto mong maglakad lakad?" tanong niya. Ngumiti ako saka tumango. Naglakad lakad kaming dalawa sa buong park. Ang ganda naman ng gabing 'to, malamig pero medyo umiinit dahil maraming tao sa paligid.
"Ang ganda ng gabi 'no?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Oo nga," sang-ayon ko. Naglakad lakad pa kami hanggang sa makarating kami sa medyo wala ng tao. Medyo lumalamig na ah? Nakat-shirt lang pala ako. Nagcross arms ako at hinimas himas ko ang braso ko dahil nilalamig na 'ko. Nagulat ako at napatingin ako sa kaniya ng i-jacket niya sakin ang jacket niya. Tatanggalin ko sana ang jacket niya kaso pinigilan niya 'ko at mas inayos pa ito.
"Nilalamig ka na, tapos tatanggalin mo?" tanong niya kaya hindi ko na tinanggal ang jacket na sinuot niya sakin. Inayos ko na lang ang jacket niya sakin.
"Thanks" sabi ko.
"Saan?" tanong niya.
"Dito sa jacket" sagot ko. Hindi na lang siya umimik at naglakad na lang kami.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya at napatingin ako sa kaniya. Tumango lang ako. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan niya ko ng pinto ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob at tahimik lang ako sa biyahe hanggang sa huminto siya sa tapat ng gate ng bahay namin. Tinignan ko ang relo ko at mag-ni-nine na pala. Baka lagot na 'ko nito kay mama. Lumabas siya ng sasakyan niya saka ako pinagbuksan niya 'ko ng sasakyan niya. Lumabas ako habang nakangit sa kaniya. Huminga akong malalim at tumayo ako sa tapat niya. Ngumiti ako sa kaniya.
"Pano? Bukas na lang ulit" sabi niya.
"Okay, goodnight" sabi ko.
"Have a nice night," sabi niya at napangiti ako sa kaniya.
"Sige, una ka na, uwi ka na" sabi ko habang nakangiti.
"Ikaw na maunang pumasok, saka ako aalis" sabi niya.
"Ikaw na mauna" sabi ko.
"'Wag kang makulit, ikaw na mauna" sabi niya at napangiti lang ako. Tumango na lang ako at tumalikod ako. Napahinto ako dahil may meteor shower. Wow. Parang hindi ko nabalitaan na may meteor shower ngayon? Siguro kasisimula pa lang nito? Ngayon ko lang nakita eh, kanina naman, naglalakad lakad kami, wala naman akong napansin.
"They‘re beautiful" sabi ni Marcus sa gilid ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakita ko kung gano kalapit ng mukha niya sakin. Hindi ako makagalaw, para bang napako ang mga paa ko. Yumuko siya habang nakangiti at unti-unting nilalapit ang mukha sakin at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong meron at ang alam ko na lang na ginawa ko ay pumikit ako ng maramdaman kong ilapat niya sa labi ko ang labi niya.
He kissed me! And this is first. Shit! Naramdaman ko ang isang kamay niya sa pisngi ko at ang isa ay nasa bewang ko. Unti-unti niyang nilayo ang mukha niya sa mukha ko at unti-unti kong binuksan ko ang mga mata ko. Tinitigan kong maigi ang mga mata niya. What exactly happened?
"Goodnight, and…" pabitin niyang sabi at nilapit niya ang labi niya sa tenga ko.
"I love you" bulong niya at tinignan niya ko habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...