Practice for Prom
GEORGE’S P.O.V.
“(Whistle)” ring ng phone ko kaya napatingin ako. Tumigil ako sa pagsusulat. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa mga libro kong patong patong. Inayos ko ang salamin ko sa mata at tinignan ko kung sinong nagmessage sakin.
“Cally?” tanong ko sa sarili ko at kumunot ang noo ko. Bakit ‘to nagmessage ng ganitong oras? In-open ko ang message ni Cally saka binasa. ‘Friend pasama saglit dito sa labas, bibili lang ako ng libro para sa research papers natin’ message ni Cally.
‘San ka?’ message ko at kinuha ko na kagad ang jacket ko. Binitawan ko ang phone ko. Buti na lang at nakapantalon pa ‘ko.
‘(Whistle)’ ring ng phone ko. Kinuha koi to at binuksan ko ang message ni Cally.
‘Send ko sayo’ message niya at lumabas ako ng kwarto ko. Bumaba ako.
“Oh George, may lakad ka?” tanong ni mama kaya napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya. Ngumiti ako.
“Oo ma, pero saglit lang naman ako, sasamahan ko lang si Cally, pwede ba?” tanong ko habang nakangiti.
“Sige, saglit ka lang ah,” sabi niya habang nasa sala nanonood. Wala pa si papa? Mag si-six pa lang naman baka parating na ‘yun.
“Opo ma,” sabi ko.
“’Wag magpapagabi” sabi niya at ngumiti ako.
“Nga pala ma, sinong kasama mo dito?” tanong ko.
“Nandiyan kuya mo, sa kusina, tsaka pauwi na rin ang papa mo, mag-iingat ah” sabi niya. Andito naman pala si Kuya. Hindi naman umaalis ‘yun ng ganitong oras.
“Sige po, alis na ‘ko” sabi ko at lumabas na ng bahay. Lumabas ako ng gate at naglakad na ‘ko.
‘(Whistle)’ ring ng phone ko kaya kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Binuksan ko ang message ni Cally. Malapit lang naman pala kung nasaan siya, lakarin ko na lang, trip ko rin naman na maglakad ngayon.
Hindi na ‘ko magpapasama kay Marcus kasi baka maging third wheel lang si Cally. Habang naglalakad ako, napatingin ako sa mga grupo ng magkakaibigan na may lalaki, may babae, halo sila. Naalala ko tuloy si Grey.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Genç KurguFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...