Sumbatan
"Pag-isipan mo muna kasi bago ka magdesisyon, isipin mong mabuti kung ano ang magiging resulta ng desisyon mo kung sakaling 'yun ang gawin mo, pero ang mahalaga, isipin mo kung tama ba ang gagawin mo" sabi niya. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Marcus. May mga bagay na tama satin, pero para sa iba, mali.
"Sige alis na 'ko, naghihintay na sakin sila Iñigo" sabi niya at napatango ako. Naglakad siya papasok sa loob ng building. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may sumalubong sa kaniya na isang lalaking nakangiti at isang babae. May pinag-uusapan sila at mukha namang masaya ang pinag-uusapan nila dahil nakangiti sila. Napatingin sakin 'yung lalaki habang nakangiti at kinidatan ako. Problema niya? Agad din naman siyang tumalikod at naglakad sila. Hindi ko parin naaalis ang paningin ko sa kanila.
"Babycakes, nandito ka pa?" tanong ng nasa likod ko kaya napaharap ako sa kaniya.
"Grey?" tanong ko at kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Tara na, sabay ka na sakin, umuulan oh" sabi niya habang nakangiti at may hawak-hawak na isang payong na kulay itim.
"Akala ko umuwi ka na?" tanong ko.
"Sino nagsabi?" tanong niya.
"Si Ronnie, classmate mo siya 'di ba?" sabi ko. Tinignan niya 'ko at kinuha niya ang bag ko saka siya ang nagbag dahil wala naman siyang bag na.
"Baka akala nila umuwi na 'ko kasi hinatid ko kanina si Bella," sabi niya.
"Siguro" tipid kong sabi.
"Pero bumalik ako ngayon ngayon lang kasi nung pumunta ako sa bahay niyo kaso wala ka sabi ng papa mo, tapos umulan pa ng malakas, kaya pumunta ako dito kasi baka hindi ka pa makauwi dahil ang lakas ng ulan, kaya sinusundo na kita," sabi niya habang nakatingin sakin. Naalala pa pala talaga niya 'ko.
"Buti naman naalala mo pa 'ko" sabi ko.
"Eh tawag kaya ako ng tawag sayo kaso hindi ka sumasagot, tsaka akala ko ba kasabay mo si Marcus? Eh bakit kanina nung naglakad lakad ako sa village namin, nandun naman na siya, at ikaw nandito ka pa?" tanong niya.
"Ah hindi kasi, pinauna ko na siya kasi may ginagawa pa siya, kaya ako na lang mag-isa" sagot ko. Kaya pala ang tagal din niyang dumating kasi tawag pa siya ng tawag sakin. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Ronnie. Kung sakaling maging kami man ni Marcus, at magalit sakin si Grey, wala ng kaibigan ko na pupunta dito sa school para sunduin ako dahil umuulan. Wala ng makakaalala sakin na ayos lang kaya siya? Kaya nagdadalawang isip pa talaga 'ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...