Chapter 42

10 2 1
                                    

Mahal kita…

‘They both deserve the truth’ paulit ulit ang mga salitang ‘yan sa utak ko kahit na two days na ang nakakalipas ng i-message sakin 'yan ni Grey pero ang hindi ko lang maintindihan ay pagkatapos ng araw na 'yun, hindi na nagmessage sakin si Grey, dati naman araw-araw ‘yun, hindi rin siya pumasok for two days, at kahit pinuntahan ko na siya sa mga lugar na kadalasan niyang pinupuntahan ay wala siya.

Tinadtad ko na din siya ng mga messages and chatmessages pero wala parin, hindi niya ‘ko nire-repply-an. Kahit mga phone calls ko, hindi niya din sinasagot. Ewan ko ba kung bakit. Nag-aalala na 'ko sa kaniya, pero wala parin talaga ‘kong balita sa kaniya. Ano na kayang nangyayari sa lalaking ‘yun?

“George, kumain ka na kaya? May klase na kayo mamaya” sabi ni Marcus at tinignan ko ang pagkain ko. Hindi parin talaga ‘ko mapakali lalo na’t hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya ngayon.

“Okay lang kaya si Grey?” bulong ko sa sarili ko.

“Bakit ano bang nangyari kay Grey?” tanong ni Marcus. Napatingin ako sa kaniya.

“Kasi…Two days na siyang hindi pumapasok at nagpaparamdam sakin kahit sa mga messages ko at sa mga phone calls ko” sagot ko.

“Baka naman may sakit?” tanong niya.

“Imposible naman na may sakit lang siya, kasi pumunta na ‘ko sa kanila pero wala siya eh, tsaka kahit naman may sakit ‘yun hindi naman siya ‘yung hindi magre-repply sa mga message ko. Alam kong may hindi magandang nangyayari sa taong ‘yun” sabi ko.

“Baka naman sadyang gusto niya lang ng time para sa sarili niya?” tanong niya at napaisip ako. Oo nga, pwede din naman ‘yun kasi nung last message niya sakin, nag-open siya tungkol sa nararamdaman niya nung nakaraan. Baka nga gusto niya lang ng oras para makapag-isip?

Pero bakit ‘di niya sinabi sakin? Baka naman may dahilan siya kung bakit niya ‘yun ginawa. Pero nangako na kasi kami na mag-o-open kami sa isa’t isa kaya bakit naman ‘di niya sinabi sakin kung ano mang dahilan niya. Pero baka nakalimutan niya lang, baka may ginagawang importante sa business ‘yun.

“Pano kung itanong ko kay Bella” sabi ko habang kumakain. Napatingin sakin si Marcus ng seryoso.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala naman, pero ikaw, kung anong gusto mong gawin” sabi niya. Naalala ko, ex pala ni Marcus si Bella.

“Sa tingin mo, seryoso kaya si Bella kay Grey?” tanong ko at saglit siyang napaisip.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon