Marcus‘s move
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ng nasa kabilang gilid ko kaya napatingin ako sa kaniya ng gulat. Nakahinga ako ng maayos ng malaman kong si Marcus lang naman pala.
"'Wag ka ngang nanggugulat" sabi ni Cally sa kaniya.
"Oh, im sorry?" nakangiti niyang sabi. Akala ko si Grey na.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko.
"Napadaan lang naman ako, dapat nga magpasalamat pa kayo sakin kasi nagmamalasakit pa 'ko sa inyo para lang pumunta na kayo sa room dahil may klase na tayo" sagot niya sa tanong ko. Wow, ang hangin niya. Hindi naman namin sinabi na tawagin niya kami.
"Edi sana hindi mo kami tinawag?" masungit kong sabi.
"Bakit ang sungit mo?" natatawa niyang tanong sakin.
"Hindi ako masungit, natural lang 'to sakin" sabi ko. Hindi naman ako ganito sa iba, pero siguro sa sinabi na din sakin ni Grey kaya ganito ang ugali ko sa kaniya. Natatakot na din akong masaktan. Alam ko naman na tama naman si Grey at alam niya ang makakabuti sa hindi. Ang gusto lang naman niya ay hindi ako mabiktima ng mga katulad niya, ayaw niya 'kong masaktan dahil nga sa kaibigan niya 'ko. Kaya alam kong kilala niya talaga kung sino ang tao sa likod ng pagbibigay sakin ng mga kung ano-ano.
Halata naman kasi nga ayaw niya 'kong nasasaktan, at alam niyang kumilatis ng lalaking hindi magloloko. Kaya feeling ko, narealize ko lang ngayon, seryoso siguro ang taong 'yun, kasi parang tinutulungan pa niya. Kung alam naman kasi niya na hindi seryoso sakin ang isang lalaki, sasabihan niya 'ko. Kaya feeling ko talaga seryoso ang lalaking 'yun.
"Ako na nga 'tong mabait----"
"Anong ginagawa niyo dito?" biglang tanong ng nasa gilid ni Cally at napatingin kaming lahat sa kaniya. Lagot.
"Kailangan, sabay-sabay talaga kayong tumingin sakin?" tanong ni Grey samin.
"Saglit, bakit magkakasama kayo?" tanong niya. Napatingin ako kay Cally. Nag-iwas siya ng tingin sakin at tinignan ko muli si Grey na nakatingin sakin at para bang naghihintay ng sagot namin.
"Napadaan lang si Marcus dito, tapos nagpasama ako kay Cally na hanapin ka" sabi ko habang nakangiti. Sana naman maniwala siya. Kumunot ang noo niya saka nagpalipat lipat ang tingin saming tatlo. May tiwala naman ako sa kaniya na maniniwala siya sakin.
"Bakit mo 'ko hinahanap?" tanong niya sakin. Ngumiti lang ako ng awkward at nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya saka ko siya hinila palayo sa kanilang dalawa. "Hey, why are you looking at me?" Napasunod na lang siya kahit na feeling ko, puno pa rin ng katanungan ang kaniyang isipan.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...