Chapter 41

7 2 3
                                        

Bestfriend’s Problem

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang tinitignan ko ang kwintas na binigay sakin kagabi ni Marcus. Ang ganda talaga ng kwintas na binigay niya sakin. Hugis heart na may nakasulat na I love you forever sa loob ng heart. Tinignan ko lang ito ng mabuti habang nakasuot sa leeg ko.

“Huy! Kanina ka pa diyan” sabi ni Cally at tinignan ko siya. Nakita kong may hawak siyang ballpen at nakaheadset habang nagsusulat ng ewan ko kung ano man 'yun.

“Ano 'yun?” tanong ko habang nakangiti.

“Kanina ka pa nakangiti diyan, may gagawin ka pa oh,” sabi niya at tinignan ko ang isang libro sa harapan ko. Oo nga pala, may mga susulatin pa pala ako.

Kinuha ko ang bag ko sa likod ko at nilagay ko ito sa lap ko. Kinuha ko sa loob ang notebook ko at hindi ko sinasadyang mlaglag ang kwintas na binigay sakin ng kung sino man. Pinulot ko ito at huminga akong malalim. Still mystery parin talaga para sakin kung sino man ang nagbigay nito sakin.

Matagal na din sakin 'to, siguro mga nasa one month na. Matagal tagal na rin pero hanggang ngayon, hindi ko parin siya mabuksan. Ano kaya kung pagawan ko ng susi? Kaso baka masira lang, 'wag na lang saying pa naman. Binalik ko lang ito sa bag ko at nagsulat na lang ako.

“Nga pala, magkaayos na ba kayo ni Marcus?” tanong niya.

“Oo naman,” sagot ko habang nakangiti at nagsusulat ako. Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya 'yun kahapon.Grabe talaga, hindi ko alam na may plano siyang ganon.

“Akala 'ko, hindi niya sinabi sayo kung anong nangyari? Pero, ano nga bang ginawa niya?” tanong niya. Tumigil ako sa pagsusulat at tinignan ko siya.

“Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yun,” sabi ko habang nakangiti.

“Ang alin?” tanong niya.

“Sinurprise niya kasi ako, kaya din hindi niya pinaalam sakin dahil dun, kaya…yun” sabi ko habang nakangiti at napangiti siya.

“Mukhang wala ka na talagang gusto kay Grey ah?” tanong niya.

“Hindi ko masasabi 'yan, pero mas maganda na rin 'yun, kesa naman ipilit ko pa? Kahit na may boyfriend na 'ko, mali naman na 'yun” sabi ko. Ayokong makasakit ng ibang tao kaya mas magandang hindi ko na lang ipilit ang gusto ng puso ko. Hindi naman kasi lahat ng gusto ng puso ay tama. Minsan, nagkakamali din ang puso. Kaya nga nobody’s perfect eh.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon