National Bookstore
Naglalakad ako pabalik ng bahay kasama si Matt, pinsan ko. Gabi na rin pala, anong oras na ba? Ay wala pala akong suot na relo ang tanga ko talaga kahit minsan.
"Matt anong oras na?" tanong ko sabay tingin sa kanya. Napatingin siya sakin. Naalala ko may dala pala akong gitara? Nakalimutan ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa gitara, pero mahilig lang ako sa music. Wala akong pakeelam sa mga instruments na ginagamit para makagawa ng isang song or music, basta ako, nakikinig lang ako. Kaso kasi, regalo 'to ng magaling kong babycakes nung last birthday ko, kaya tr-i-ny ko na rin. Wala namang mawawala kasi galing naman sa kanya, hindi naman ako ang bumili. Tsaka sayang naman kung hindi ko gagamitin. Baka mas maagang masira. Pero kahit isa wala pa 'tong gasgas ah. Alaga ko 'to.
"6:47 na" napatango na lang ako. Naglakad lakad na lang kami sa kalsada na ang daming batang naglalaro sa kalsada, mga taong may kanya-kanyang gawin tulad ng may naglalaba kahit na gabi na, may mga lasenggerong nag-iinuman habang nag-vi-video oke, mga taong nasa labas lang talaga, may mga mag-asawang nag-aaway, may mga mag-jowa, may mga nagliligawan, marami, ano pa ba kasing iisipin ko eh nasa Maynila kami. Kaya okay lang yan, aware na 'ko diyan.
"Nga pala, kamusta ang buhay college?" tanong niya habang naglalakad.
"Eto, hasle, mamatay na nga ata ako eh," natatawa kong sabi. Nakarating din kami sa bahay nila Matt. Sa wakas! Kanina pa 'ko napapagod kakalakad namin eh. Binuksan ni Matt ang gate at tinulungan ko siya. Dito muna kami nagpunta sa isa nilang bahay dahil baka makasalubong ko na naman si Grey na may kasama tapos ako na naman palilinisin niya sa gulo niya.
Tapos, baka madamay pa 'ko sa gulo nila. Baka kasi kung dun kami sa village, kulitin na naman niya 'ko. 'Di ko pa naman matiis ang taong 'yun kapag humihingi ng favour.
"Babycakes! Babycakes!" tawag sakin sa likod at bigla niyang hinawakan ang magkabila kong braso saka iniharap sa kanya. Taas kilay ko siyang tinignan. Iniiwasan ko nga siya, nakita ko naman siya dito, haish, sigurado may gulo na naman 'to.
"Bakit? Hingal na hingal ka ah?"
"Basta! Nandiyan na sila. Kaya sige na! Tago mo na 'ko!" hingal na hingal niyang sabi. Kumunot ang noo ko.
"Paullll! Hayop ka magpakita ka samin! Magpaliwanag ka!" rinig kong galit na sabi sa hindi kalayuan samin. Hay na ko! Babae na naman. Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali. May pinagsabay na naman siguro 'to? Ang narinig ko kasi 'samin'. Puro kalokohan talaga siya. Ako na naman ang mag-aayos ng gulo niya. Ang sarap talaga niyang patayin! Nanggigigil na 'ko sa kanya! Kung hindi ko lang 'to bestfriend, kinatay ko na 'to eh.
"Sige naman na ah," binuksan ko lang ulit ang gate namin para makapasok siya sa loob.
"Sige na ah, mamaya na yan! Papatayin na nila 'ko!" sabi niya habang niyuyugyug niya ang braso ko kaya hindi ko mabuksan ng maayos ang gate namin. Hayop naman oh! Pano ko siya maitatago kung ang kulit kulit niya?
"Sandali nga!" sigaw ko kaya binitawan niya 'ko. Alam na ang hirap hirap buksan 'to ang kulit kulit niya.
"Kailangan pa talaga na 'yan ang unahin mo? Mamatay na 'ko oh," sabi niya habang nagpapapadyak-padyak. Para siyang babae. Tsaka ang exaggerated naman niya kung mamamatay siya sa mga babae niya. Pero sa bagay, kahit ako din naman ang nasa posisyon ng mga babae niya, bago ko siya katayin, kakalbuhin ko muna siya.
"Manahimik ka nga! Nagpapatulong ka lang!" sabi ko at nabuksan ko na ang gate namin. Sa wakas!
"Ano na----" hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil hinawakan ko ang braso niya ang tinulak ko siya papunta sa loob ng gate nila Matt. Sinara ko kagad ang gate. Hindi naman puro bakal na may mga design na kita parin ang loob.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...