Chapter 36

4 4 0
                                        

Wrong call



Nakangiti akong naglalakad papasok ng campus habang nakaheadphones at may dala-dalang mga notebooks. Masaya lang talaga 'ko ngayong araw dahil natapos ko sa loob ng isang gabi ang mga notes ni Grey. Tsaka buong magdamag ko siyang kausap. Buti na lang at hindi niya 'ko natulugan, actually, hindi ko din naman siya natulugan. Siguro mga 3 na ng madaling araw akong nakatulog dahil sa nalibang ako ng sobra habang kausap si Grey. Nakita ko si Ynah na nakaupo sa isang table sa field kaya nilapitan ko siya at umupo ako sa tapat niya. Nilapag ko sa table ang mga dala-dala kong notebooks. Napatigil siya sa pagbabasa at tinignan ako. Sinabit ko ang headphone ko sa batok.


"Thanks sa mga notes mo" sabi ko at binalik ko sa kaniya ang pito niyang notebooks. Naiwan lang ang apat na notebook sakin kasama ng mga libro ko.


"Ang bilis mong magsulat ah" puna niya sakin kaya napangiti ako. Hindi ko akalain na may iaayos pa naman ng ugali si Ynah. Hindi naman siya kasing sama tulad ng naiisip ko dati.


"Para sa bstfriend ko eh" sabi ko habang nakangiti. Napatango tango na lang siya.


"Sige, una na 'ko, may gagawin pa 'ko" sabi ko.


"Sige, bye" sabi niya habang nakangiti. Tumayo ako at kinuha ko ang mga notebook ko.


"Bye" sabi ko habang nakangiti at naglakad na 'ko. Naglakad ako papunta sa locker‘s corner at sakto naman na wala ng tao dahil may kaniya kaniya na silang klase, sadyang kaming finearts lang ang wala pang klase ngayong oras.


Mamayang 9:30 pa ang pasok namin. Pumasok ako ng medyo maaga dahil may gagawin ako. Huminto ako sa tapat ng locker ni Grey at binuksan ko ito. Nilagay ko sa locker ni Grey ng maayos ang notebooks na dala-dala ko. Kinuha ko sa bag ko ang sticky note na shaped circle na kulay blue. Kinuha ko ang ballpen ni Grey sa locker at nagsulat ako.


‘Ginawan na kita ng notes para sa finals kaya magreview ka na - BABYCAKES‘ sulat ko sa note at dinikit ko sa notebook na magkakapatong patong. Nagsulat pa 'ko ng isang note. ‘Hi BABYCAKES! Have a nice day! :D‘ sulat ko sa note at dinikit ko sa pinto ng locker niya. Sinara ko ang pinto ng locker ni Grey.


"Anong ginagawa mo George?" rinig kong tanong ng nasa gilid ko kaya napatingin ako sa kaniya. Medyo napatalon ako at gulat ko siyang tinignan.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.


"Dapat nga ako ang magtanong kung anong ginagawa mo sa locker ni Grey eh" sabi niya.


"Ah wala, may nilagay lang ako" sagot ko.


"Ano?" tanong niya saka binuksan din ang locker niya sa di kalayuan.
"Secret, wag mong sasabihin kay Grey na may nilagay ako diyan" sagot ko.


"Sabihin ko?"tanong niya habang nakangiti.


"'Waaaag" sabi ko.


"Eh ano nga kasing nilagay mo diyan?" tanong niya. Huminga akong malalim. Wala akong choice, mamaya sabihin pa niya.


"Notes ni Grey" sagot ko.


"Balita ko, magdamag kayong magkausap kagabi?" tanong niya.
"Pano mo nalaman?" tanong ko.


"Kinwento sakin ni Grey" sabi niya kaya napatango ako.


"Sige, una na 'ko" sabi ko at tumango siya. Naglakad ako paakyat sa room namin at nakita ko si Grey sa hallway at nagbabasa siya. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na napatingin din siya sakin. Ngumiti ako sa kaniya.


"Goodmorning" sabi ko pagdaan ko sa harapan niya. Naglakad ako papunta sa room at umupo ako sa upuan ko. Napatingin ako kay Cally ng umupo siya sa tabi ko.


"Hindi mo kasabay si Marcus?" tanong niya.


"Hindi. Sabi ko kasi na mamaya na lang kami sabay. Pumasok na ba siya?" tanong ko.


"Oo, hindi mo ba nakita?" tanong niya saka ako umiling bilang tugon.


"Nga pala, may nahahalata lang ako sayo" sabi niya at seryoso ko siyang tinignan. Nahahalata sakin?


"Ano 'yun?" tanong ko.


"Bakit parang ang saya ng mukha mo ngayon?" tanong niya habang nakangiti. Napangiti na lag ako sa tanong niya.


"Masama bang maging masaya?" tanong ko habang nakangiti.
"Hindi naman sag anon pero ang saya ng mukha mo, bakit?" tanong niya.


"Nakausap ko na kasi si Grey, kaso hindi parin siya namamansin sakin ng personal kasi pinapansin niya 'ko through text messages and calls" sabi ko habang nakangiti.


"Pero pinapansin ka na niya ah hindi katulad ng dati" sabi niya.


"George" tawag sakin ng nasa likod ko. Napalingon ako sa kaniya. May nilapag siyang dalawang transparent na baunan na magkapatong at tatlong plastic ng wafers na marami ang laman sa isang plastic pa lang. Tinignan ko ang classmate ko.


"Para kanino 'to?" tanong ko.


"Para sayo daw," sagot niya. Siguro si Marcus nagbigay nito?


"Sino nagbigay?" tanong ko at tinignan ko ang chocolate wafers. Alam naman na din naman ni Marcus na favourite ko ang wafers.


"Bestfriend mo, pinaabot niya sakin kanina" sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bestfriend? So si Grey? Luh.


"Si Grey?" tanong ko.


"Oo, sino pa bang bestfriend mo? Sige ah, alis na 'ko, pinag-utusan lang naman ako, nga pala sabi niya, ubusin mo daw 'yan" sabi niya bago umalis. Binigay 'to ni Grey? Wow ah, dati kahit magbestfriend kami, hindi niya 'ko binibigyan ng ganito.


Tinanggal ko ang mga wafers sa ibabaw at may nakita akong yellow sticky note. Binasa ko ang nakasulat. ‘Goodmorning, ubusin mo 'to ah, saying effort ko para sayo, I made this for you, yeah I know how to cook :D‘ basa ko sa note. Siya nagluto?


Wow, effort nga talaga ang ginawa niya. Ako, natatakot ako sa tumatalsik na mantika pero siya, okay lang sa kaniya, siguro nga, marunong siya. Tinignan ko ang loob ng baunan at nakita kong breakfast foods pala 'to. Inamoy ko at ang bango ng amoy. Ang laman ng baunan ay fried rice, bacons, scrambled eggs, ham, at iba pang food for breakfast.


Talagang niluto niya 'to para sakin? Wow ah. Effort? Tinignan ko ang isa pang baunan na may lamang rice at may isa pang maliit na baunan sa loob. Binuksan koi to at naamoy ko ang mabangong amoy ng adobo. Amoy pa lang masarap na ah? Sinarado ko ang mga baunan at inayos ko.


"Ma-effort sa bestfriend ah?" tanong ni Cally sa tabi ko kaya napangiti ako. Tinignan ko ang relo ko, 8:30 pa lang naman pala, may isang oras pa 'ko. Kakain na nga muna 'ko ng binigay ni Grey. Nagugutom na din naman ako. Nagbreakfast naman ako sa bahay pero saying kung hindi ko kakainin. Nag-effort pa naman siya para dito.


***

Naglalakad ako papunta sa locker ko at maraming nagkalat na mga students. Yung iba may kinukuha sa locker nila, 'yung iba may kausap, 'yung iba naglalakad lang papunta sa mga rooms nila. Maingay dahil kahit nakaheadphones ako, naririnig ko parin sila. Hay…


Napakabusy ko talaga nitong ilang araw. Pagkatapos ko namang magsulat ng mga notes ni Grey, mag-i-start naman akong magreview. Napatingin ako sa gilid ko. Sa di kalayuan, nakita ko si Grey na tinitignan ng mabuti ang mga notebook na nilagay ko sa locker niya. Nakakunot ang noo niyang nakatitig sa mga notebook at unti-unti siyang napangiti kaya napangiti na din ako.


Tumaas ang dalawa kong kilay ng bigla siyang mapatingin sakin at ngumiti. Nag-iwas siya ng tingin sakin at umiling iling. Nilagay niya sa bag niya ang mga notebook na binigay ko at umalis na. Mabuti naman nakita niya. Binalik ko ang tingin ko sa locker ko. Kinuha ko ang phone ko ng biglang nagring. Nakita ko ang message ni Grey sakin kaya natuon ang pansin ko sa phone ko. Binuksan ko ang phone ko. Binasa ko ang message niya.


‘Para sakin pala ang sinusulat mo kaya ayaw mong magpatulong sa iba, kahit sakin‘ text niya kaya napangiti ako. Buti naman nalaman niya ang dahilan ko kung bakit ayokong magpatulong sa iba.


‘Sana hindi mo na 'ko pinag-aksayahan pa ng oras, kaya ko naman eh‘ text niya.


‘Kaya mo? Talaga? Eh hindi nga kita nakikitang nagsusulat‘ reply ko.


‘Tss, pero may itatanong ako,‘ text niya.


‘Ano 'yun?‘


‘Ganon ba talaga 'ko kahalaga sayo? Kaya mo to ginagawa?‘ text niya at saglit akong napaiwas ng tingin sa phone ko. Huminga akong malalim saka ibinalik ang tingin ko sa phone ko. Mahalaga ka sakin Grey, higit pa sa inaakala mo. You mean that much to me.


‘Ngayon mo lang ba nalaman?‘ reply ko.


‘Hindi naman, matagal ko ng alam‘ text niya.


‘Eh bakit nagtatagong ka pa? Nagdududa ka ba?‘ message ko.


‘Hindi naman, nagtatanong lang ako‘ text niya at sinara ko nang tuluyan ang locker ko. Inayos ko ang bag ko at naglakad na 'ko sa hallway papunta sa room namin habang nakatingin parin ako sa phone ko.


‘Nga pala, inubos mo 'yung binigay ko?‘ text niya. Nga pala, ang sarap kaya ng niluto niya.


‘Oo, ang sarap kaya, ikaw talaga nagluto nun? Hindi mo binili o pinaluto?‘ message ko.


‘Hindi ko ginawa 'yun. Ako nagluto niyan kaya, kapag nalaman kong hindi mo kinain 'yan, mas lalo talaga 'kong magtatampo‘ text niya. Napangiti na lang ako. Sino bang tatanggi sa niluto niya? Kahit sino magugustuhan ang luto niya dahil masarap naman talaga. Kahit 'yung mga hindi matakaw, tatakaw dahil masarap ang luto niya. Nakakainggit kasi hindi ako marunong magluto. Marunong naman ako, pero basic lang.


‘Naubos ko, at ako ang kumain, hindi ako nagbigay kasi ang sarap ng luto mo, kaya 'wag ka ng mag-alala‘ text ko.


‘Mabuti naman‘ reply niya.


‘Bukas ulit, pwede ba?‘ text ko pero hindi na siya nagreply.


"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa harapan ko kaya agad akong napatingin. Nakita ko si Grey na yakap yakap si Bella at pawing nakangiti silang dalawa. Talagang nakahanap na siya ng babaeng seseryosohin niya.


Pero…Hindi naman sa sinisiraan ko siya sa isip ko, pero parang ang bilis lang kasi. Dinaig pa niya ko eh, isang araw lang sa kanila. Hindi ko alam kung totoo man 'yung sinasabi ni Ynah nung nakaraan na gustong gusto daw talaga ni Bella si Grey kaya ganon.


"Kanina ka pa dito?" tanong ni Bella habang nakangiti.


"Hindi naman, kanina lang ako dito" sagot ni Grey habang may ngiti sa mga labi niya. Sana maging masaya na talaga si Grey sa kaniya, sana hindi niya lokohin si Grey katulad ng ginawa ni Ynah sa kaniya. Pero alam ko naman na may dahilan si Ynah kung bakit niya 'yun ginawa. At kung ano man 'yun, siya na lang ang nakakaalam.


"Okay ka lang?" tanong sakin ng nasa likod ko kaya humarap ako sa likod ko at nakita ko si Marcus n nakatayo.


"Oo naman, tara na, lunch na tayo?" tanong ko at tumango siya. Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan niya 'ko sa noo ko.


"What was that for?" tanong ko.


"I just miss you" sagot niya kaya napangiti ako.


"Tara na nga, ang cheesy mo na naman" sabi ko habang nakangiti at maglalakad na sana ako kaso natigilan ako ng hawakan ni Marcus ang kamay ko saka inenterwine ito. Ngumiti lang ako. Siya na ang naunang maglakad at sinabayan ko na lang siya dahil magkahawak ang kamay namin.


"Ang sweet nila Bella at Grey ano? Pero may mga naririnig ako na seryoso daw si Grey ngayon sa kaniya ah" sabi ni Marcus habang naglalakad kami. Tinignan ko siya.


"Oo, seryoso siya kay Bella ngayon, sinabi niya sakin" sabi ko.


"Mabuti naman, magseseryoso na ang kaibigan mo, may balak pa pala siyang gawin 'yun sa ibang babae?" tanong niya na dahilan ng pagkunot ng noo ko.


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.


"'Di ba hindi naman si Bella ang gustong babae ni Grey? Pero parang bumabaligtad na ah? Mukhang nagmo-move-on na siya sa babaeng 'yun. Pero kung tutuusin, mas titino siya kung sa babaeng 'yun siya mapupunta, mas titino siya dun sigurado ako" sabi niya. Oo nga, sinabi din naman sakin dati ni Grey na hindi si Bella ang gusto niyang babae.


Pero malay ko, baka napamahal na siya? Hindi naman masamang mapamahal sa iba, lalo na kung alam niyang wala na siyang pag-asa dun sa babaeng 'yun. Masaya naman na daw 'yung babaeng 'yun sa ibang lalaki kaya okay na daw 'yun. Masaya na siya kung saan man sasaya ang babaeng yun.


"Eh hindi naman daw siya mahal nung babaeng yun" sabi ko kaya natawa siya ng mahina.


"Bakit ka tumatawa? Totoo naman diba?" tanong ko.


"Alam kong 'yung baabeng 'yun, mahal din siya nun, mahal na mahal siya nun, ang kaso parehas silang takot" sabi niya habang nakangiti.


"Pano mo nalaman?" tanong ko.


"Obvious naman sa kanila, kahit itanggi pa nung babae, iniyakan na nga niya si Grey dati, tsaka, yung babaeng 'yun, mahal siya nun, kitang kita ko sa mga mata niya, sa kilos niya, lahat. Kahit ikaw nga alam mong mahal siya nung babaeng yun, kaso pinangungunahan lang talaga sila ng takot" sabi niya.


"Takot?" tanong ko.


"Takot nab aka kapag nagtapat ang isa sa kanila, baka iisa lang ang nahulog sa kanilang dalawa, pero halata ko na parehas na silang nahulog, 'yung babae, kelan lang pero sa tingin ko, matagal na siyang may nararamdaman kay Grey, at si Grey, two years na ata?" sabi niya.


Ang tagal na ah. Two years na pala siyang may gusto dun eh bakit hindi pa niya masabi at sa loob ng two years, palagi parin siyang nambabae? Tsaka two years na? Ibig sabihin nagsimula siyang magkagusto dun sa babaeng yun nung naghiwalay sila ni Ynah? Sino kaya 'yun?


"Bakit 'di mo na lang sabihin sa kanila para hindi sila nahihirapan? Lalo na si Grey" sabi ko. Hindi pa kasi nila sabihin na lang kay Grey para matapos na, para hindi nasasaktan si Grey ng ganyan pati 'yung babae.


"I want him to figure it out by hiself, and that girl too. Hindi man ako ang magsabi sa kanilang dalawa, tadhana naman ang gagawa ng paraan para sa kanila, pero kung hindi talaga nila malaman laman at nabwisit na 'ko, ako na lang ang magsasabi sa kanila!" sabi niya na medyo napalakas na ang boses niya dahilan para mapangiti ako sa kaniya dahil sa reaksiyon niya.


"Why are you laughing?" tanong niya.


"Wala lang, but…Why didn’t you tell them now?" tanong ko. Hindi na lang kasi sabihin ngayon eh, ang dami pa nilang alam.


"There‘s a right time honey, and we‘re not in the right time" sabi niya.


"Kelan ba ang right time?" tanong ko. Ang dami kasing tao na nagsasabi kung klan ang right time pero hindi naman sila sinasabi kung kelan.


"Ewan, pero sa hindi mo maipaliwanag na dahilan, malalaman mo na lang na right time na 'yun ng hindi moa lam kung pano o anong dahilan" sagot niya. Right time, two words, madaling ipaliwanag kapag magkahiwalay.


Madaling ipaliwanag kapag hindi mo pa nararanasang masabihan ng; ‘Sa right time, magagawa ko rin 'yan, pero hindi pa ngayon.‘ Pero tama naman si Marcus, hindi mo alam, isang araw, magigising ka na lang, at mare-realize mo na right time na pala, hindi natin alam kung kelan ang right time, pero may mahika si Destiny para malaman natin 'yun ng hindi alam kung pano.


There‘s a lot of ‘Right time‘ s definitions, and no need to explain it because as a human, as a normal human, you know it. Pagdating namin sa canteen ay kumuha kami ni Marcus ng table na nasa gilid ng glass wall.


"Anong gusto mong lunch?" tanong sakin ni Marcus habang nakaupo sa tapat ko.


"Ahhmmm…" sabi ko habang nag-iisip. Naalala ko, may lunch pala 'ko.


"Naalala ko, may lunch pala 'ko" sabi ko.


"Nagbaon ka?" tanong niya.


"Hindi, binigay lang ni Grey" sabi ko at napatango siya. Saglit kaming natahimik hanggang sa binasag ko na ito.


"'Wag kang magseselos sa kaniya" sabi ko kaya natawa siya.


"Of coarse not, hindi ako mababaw. And I know you two were so close as a friends. But nothing more, and he has a girlfriend too, at isa pa, hindi ako seloso" sabi niya kaya napangiti ako.


"Mabuti naman" sabi ko at tumayo siya.


"San ka?" tanong ko.


"Bili lang ako ng lunch ko" sabi niya saka umalis. Buti na lang at hindi siya mababaw. Yung iba kasi napakababaw na mga tao. Buti na lang at hindi ganon si Marcus. 'Yung iba kasi kahit na may boyfriend or girlfriend na bestfriend ng jowa nila, magseselos parin sila.


Nilabas ko ang baunan na binigay sakin ni Grey at saktong nilapag naman ni Marcus ang tray niya. Nilagay niya sa tabi ng baunan ko ang tatlong cheese wafers. Dalawang tao na ang nagbibigay sakin ng wafer ah? Bestfriend ko at si Boyfriend ko.


"Thanks" sabi ko habang nakangiti.


"Try ko kayang ipagluto ka din? Magustuhan mo kaya?" tanong niya.


"Marunong ka ba?" tanong ko.


"Basic lang ang alam ko, at natutunan ko din 'yun kay Grey ah, pero pwede naman akong mag-aral magluto para sayo" sabi niya. Napailing iling na lang ako saka binuksan ang baunan ko. Nagstart na 'kong kumain at ganon din siya.


"Ayos na ba kayo ni Grey?" tanong niya.


"Hindi pa naman masyado, nag-o-open lang naman siya sakin sa messages and calls niya" sagot ko.


"Hindi na masama" sabi niya. Oo nga, hindi na masama katulad ng dati na hindi niya 'ko pinapansin kahit sa text messages, tsaka ngayon, tinatawagan na niya 'ko, hindi katulad dati na hindi din niya 'ko sinasagot sa mga phone calls ko.


"Pero anong nakain niya at pinagluto ka niya?" tanong niya.


"Hindi ko alam, baka sinipag lang magluto at naisipan niya 'kong bigyan" sagot ko.


"Nga pala, 'di ba dalawang coarse din ang kinukuha mo? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ko. Ang alam ko, mahirap ang magmangae ng ganiyan. Lalo na kung dalawang coarse. Parang si Grey. Ewan ko ba kung bakit pa nila pinagsasabay kung pwede naman na sa susunod na lang ang isa. Ang hilig kasi nilang pagsabayin ang mga bagay-bagay.


"Hindi naman, madali lang naman," sagot niya saka uminom ng tubig.


"Madali kasi matatalino kayo" sabi ko.


"I don’t accept that" sabi niya habang nakangiti.


"Matalino ka naman 'di ba?" tanong ko.


"Who knows? Lahat tayo matatalino, may utak pero hindi ginagamit" sabi niya kaya napangiti ako.



***



"Goodnight" nakangiti niyang sabi at hinalikan ako sa noo.


"Goodnight, magi-iingat ka sa daan ah" sabi ko habang nakangiti.


"Palagi mong sinasabi 'yan samantalang nandiyan lang ako malapit sa bahay niyo" sabi niya kaya mahina akong natawa.


"Mamaya, maagaw ka pa ng iba diyan, lalo na, marami pa naman ang mang-aagaw ngayon" sabi ko kaya natawa siya.


"Wag kang mag-alala, hindi ako magpapa-agaw, trust me" sabi niya habang nakangiti.


"Talagang gagawin mo 'yan dahil kung hindi, hahayaan kitang patayin ni Grey" sabi ko kaya mas lalo siyang natawa.


"Oo nga, ang kulit mo, hindi ako magpapa-agaw, sige na, pasok ka na sa loob. Kung ano ano ng pumapasok sa isip mo" sabi niya habang nakangiti. Masama bang maging praning minsan sa boyfriend mo? Alam ko, normal lang naman 'to sa girlfriend, basta 'wag lang sosobra.


"Masama bang maging praning?" tanong ko.


"Hindi naman, basta 'wag ka lang sosobra" sabi niya kaya napangiti ako. Parehas lang kami ng naiisip. Alam ko naman kung hanggang saan ang hanggang kaya sana hindi ako maging katulad ng ibang babae na na-o-over na.


"Ngayon lang naman ako naging praning ah?" tanong ko.


"Alam ko, kaya sige na pasok ka na, hindi ako makakauwi ng hindi ka pumapasok sa loob" sabi niya kaya napangiti ako. How I deserve this kind of Man?


"Bye…" sabi ko sabay wave ng kamay ko sa kaniya saka pumasok. Narinig ko ang pag-andar papaalis ng sasakyan ni Marcus kaya pumasok na 'ko sa loob ng bahay. Naalala ko, si Grey kaya? Bakit parang hindi ata siya nagparamdam sakin ngayong hapon? Okay lang kaya siya? Tawagan ko kaya?


Or i-text ko kaya? Baka busy naman? 'Wag na lang baka si Bella ang makasagot at sabihin bakit ako tumatawag sa kanila. Pero may karapatan naman ako sa kaibigan ko ah? Kaya okay lang naman siguro 'yun. Pagpasok ko sa kwarto ko ay tinext ko si Grey.


‘Grey asan ka?‘ type ko pero in-erase ko din kagad ang t-in-ype ko. Parang ang pangit naman ng text ko. Ano kayang maganda? Ah alam ko na…Umupo ako sa study table ko at nag-type ng muli.


‘Grey kumain ka na ba?‘ type ko na muli ko na namang binura. Ano bang klaseng tanong 'yun? Hay, 'wag na nga 'yun, iba na lang.


‘Grey okay ka lang ba?‘ type ko pero pipindutin ko pa lang sana ang send ay agad kong tinaob ang phone ko saka sumubsob sa study table ko. Ano ba talagang gagawin ko? Hindi ko alam kung anong itatanong ko sa kaniya. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko saka hinarap muli ang phone ko.


‘Grey‘ type ko at i-se-send ko pa lang sana ay biglang nagring ang phone ko. Tinignan kong mabuti ang tumatawag sakin at nakita ko ang pangalan ni Grey. Sasagutin ko ba o hindi? Siyempre oo! Mamaya importante pala 'di ba? Pinindot ko ang phone ko para sagutin ang tawag ni Grey.


"I need you now, please, pumunta ka ngayon dito sa bahay" sabi niya at magsasalita pa lang sana ako ay bigla niya ng pinatay ang tawag. Tama ba narinig ko? Pinapapunta niya 'ko sa bahay nila? Ano naman kayang nakain niya at pinapapunta niya 'ko sa bahay nila? Bahala na nga.


Tumayo ako at kinuha ko ang jacket ko saka ito j-in-acket. Buti na lang at nakamaayos pa 'kong damit dahil kakauwi ko lang galing school. Naglakad ako agad agad palabas ng kwarto ko at nagmamadaling lumabas ng bahay. Naglakad ako sa gilid ng kalsada dito sa village namin at ilang lakad pa lang ay nakarating na 'ko sa isang malaking bahay na may kulay puting gate.


Ang bahay nila Grey. Tama kaya na pumunta ako dito? Pero siya naman na ang nagpapunta sakin dito kaya okay lang naman siguro. Huminto ako sa tapat ng puting malaking gate at napakataas.


"Kayo po pala mam, papasok po ba kayo?" tanong ni kuya guard.


"Ah…Opo." Sagot ko saka niya 'ko pinagbuksan ng gate. Dahan-dahan akong naglakad at huminto ako sa tapat ng pinto ng bahay nila Grey. Kumatok ako. Bumukas ang pinto at ang bumungad lang sakin ay ang maid nila.


"Ahm, kayo po pala mam, may kailangan po ba kayo?" tanong niya.
"Si Grey kasi, pinapunta niya 'ko dito, nandiyan ba siya?" tanong ko. Ang laki laki ng bahay nila pero parang walang tao. Silang dalawa lang naman ng lola niya dito eh.


"Opo mam, gusto niyo po bang tawagin ko para sa inyo?" tanong niya.


"Hindi na po, ako na lang po ang pupunta sa kaniya, okay lang po ba?" tanong ko.


"Opo mam, halika po, pasok" sabi niya at bahagyang gumilid sa pinto. Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat ako kagad sa taas. Hinanap ko ang kwarto ni Grey. Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Grey hahawakan ko na sana ang door knob kaso napatigil ako ng medyo umawang ang pinto. Itutulak ko pa lang sana ang pinto ng may marinig ako na agad na nakapagpahinto sakin.


"Ang cute cute mo" rinig kong sabi ni Bella? At medyo natawa pa ng mahina si Bella. Nandito siya? Akala ko ba, kailangan niya 'ko? Pero parang hindi naman.


"Kaya ka nga na-in love sakin eh," sabi ni Grey habang natatawa.


"Wow, so ako pa ang naunang na in love sayo hindi ikaw? 'Di ba nung simula pa lang ikaw 'tong nag-umpisang magparamdam at magsabi na may gusto ka sakin at nanligaw sakin, ikaw din ang unang nagsabi sakin na gusto mong makipagbalikan sakin" sabi ni Bella at natawa si Grey. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bakit niya 'ko tinawagan at pinapunta dito samantalang may kasama naman siya.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisip kong sumilip. Nakita ko na nakaupo si Grey sa sofa at nakaupo sa harapan niya si Bella at pawang masasaya naman ang mga mukha nila. Nakasuot ng pantalon si Grey at nakasando lang siya na kulay itim na malaki ang hati sa magkabilang gilid, at si Bella naman ay nakamaiksing maong short na kulay itim at nakajacket na croptop na kulay yellow.


Nakapulupot ang mga kamay ni Bella sa leeg ni Grey at ang mga braso naman ni Grey ay nakapulupot sa bewang ni Bella. Masaya silang dalawa, halata naman sa mga mukha nila. Alam ko naman na alam na alam ni Grey ang mga limitasyon niya at kung hanggang saan lang siya kaya may tiwala ako sa kaniya.


Nakita kong unti-unting hinalikan ni Bella si Grey at hindi umangal si Grey. Para bang may unti-unting sumasaksak sa puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Unti-unti kong sinara ang pinto at hindi naman nila napansin dahil busy silang dalawa sa isa‘t isa. Alam kong hindi magagawa ni Grey ang nasa isip ko dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya pero ang hindi ko alam ay kung bakit ako nalulungkot at hindi ko alam kung anong meron sa mga nakita ko at para bang sinasaksak ako sa puso ko.


Parang ang sakit. Ewan ko kung bakit ko 'to nararamdaman. Naglakad ako saka humingang malalim. Bumaba ako sa sala. Dapat hindi koi to nararamdaman pero bakit? At sa anong dahilan? Hindi ko alam, magulo ang utak ko sa ngayon sa dami ng nangyayari.


"Mam, aalis na po kayo?" tanong ng maid nila at ngumiti lang ako ng peke.


"Opo, kailangan ko na pong umuwi" sabi ko habang nakangiti.


"Mam okay ka lang?" tanong niya na agad na kinakunot ng noo ko.


"Opo naman, bakit?" tanong ko.


"Mam umiiyak po kayo" sabi niya na agad na kinagulat ko. Pinahid ko ang kamay ko sa pisngi ko at naramdaman kong may luha na sa pisngi ko. Ano bang nangyayari? Bakit ako umiiyak?


"Okay lang ako," sabi ko at nagmamadali akong lumabas ng bahay nila Grey. Naglakad ako sa kanto at hindi ko alam kung bakit pero parang nanghihina akong napaupo sa kalsada at yumuko ako. Yumuko ako at niyakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko alam pero umagos ang luha ko sa pisngi.


Ano bang nangyayari sakin? Bakit para akong nasasaktan? Hindi ko 'to dapat nararamdaman kasi may Marcus na 'ko at may Bella na si Grey kaya hindi 'to dapat. Mali tong nararamdaman ko. Dapat hindi ko 'to nararamdaman!


Pero kahit anong protesta ko sa sarili ko na 'wag masaktan at umiyak ay hindi ko parin napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagdudusa ng ganito samantalang nandiyan naman si Marcus para sakin. Sinagot ko siya kaya ibig sabihin, mahal ko siya, totoo yun at nararamdaman ko. Pero bakit ko parin 'to nararamdaman kay Grey?


Oo inaamin ko na sa sarili ko, nagkagusto ako kay Grey, pero matagal na 'yun, nakalimutan ko na lahat ng 'yun pero bakit ganito?! Bakit parin ako nasasaktan!? Humikbi lang ako saka umiyak ng umiyak.


Tama na! Hindi ko na kaya! Bakit ko 'to nararamdaman?! Bakit!? Hindi ko alam pero pang-asar din talaga 'tong luha ko at mas lalo lang akong naiyak ng naiyak. Ang sakit pero hindi ko talaga alam kung bakit ako nasasaktan.


Bumalik sa alaala ko ang mga nakita ko at mas lalo pa 'kong naiyak sa mga naalala ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa braso ko na ipinatong ko sa tuhod kong nakatupi. Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan?!


Napatingin ako sa phone ko ng biglang magring at tinignan ko kung sino ang nagmessage sakin. Nakita ko na si Grey ang nagmessage sakin. Yumuko muna 'ko bago 'ko binuksan ang message ni Grey. Inangat ko ang ulo ko at binasa ko ang message niya.


‘George sorry, hindi ko sinasadya, na-wrong call ako sayo, tuloy pumunta ka pa dito, sana nagpakita ka sakin kanina, sorry talaga ah, hindi ko alam na ikaw ang natawagan ko, sorry. Para sana kay Bella ang tawag na 'yun, sorry talaga hindi ko sinasadyang abalahin ka,‘ text niya sakin at umagos muli ang luha sa mga pisngi ko. Natuluan ko ng luha ko ang phone ko. Tumingala ako sa langit na marami ng bituin at hindi parin tumigl ang pag-agos ng luha ko. Pinunasan kong muli ang pisngi ko at nagtype.


‘Okay lang yun‘ message ko.


‘Sigurado ka?‘ agad niyang reply.


‘Oo, sigurado ako‘ sagot ko sa tanong niya sa message niya. Panay parin ang agos ng luha ko. Ayoko sanang magpretend pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya 'to. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sakin ang kaibigan ko.


‘Eh bakit sabi ng maid namin kanina, umiiyak ka daw? May ginawa bang masama si Marcus? Sabihin mo sakin, okay ka ba talaga?‘ message niya. Pahamak maid nila ah? Bakit sinabi? Hinilamusan ko ng isang kamay ko ang mukha ko. Huminga akong malalim saka nagtype.


‘Okay lang ako, walang ginawa si Marcus, may naalala lang ako‘ reply ko.


‘Anong naalala mo?‘


‘Kasi nung time na tumawag ka, may pinapanood akong nakakaiyak kaya naiyak ako, tsaka maagang umuwi si Marcus, dahil may importante akong ginagawa‘ reply ko.


‘May importante kang ginagawa pero nanonood ka? George 'wag ka ngang magsinungaling sakin, ayos ka lang ba?‘ reply niya na mas lalo kong ikinaiyak. Bakit ba ang sakit? Bakit?! Tsaka bakit ba hindi ako makapagtago ng nararamdaman ko sa kaniya?!


Bakit alam niyang nagsisinungaling ako? Ganito ba talaga niya 'ko kakilala? Sinubsob ko ang mukha ko sa braso ko at umiyak ng umiyak. Ang hirap hirap ng sitwasyon ko. May boyfriend ako na sinasabi kong mahal ko infront of many people pero bakit kapag may kasama ng iba ang kaibigan ko, bakit ako nagiging malungkot at nasasaktan?


Bakit ako nasasaktan at umiiyak kapag nakikita ko siyang masaya sa iba? Bakit? Bakit kay Grey pa? Ang dami namang iba, pero bakit siya pa? Bakit kaibigan ko pa?! Kung saan pa mahirap umamin na mahal mo siya, dun pa 'ko nagkagusto, kung pwede lang ilipat sa iba ang nararamdaman ko, gagawin ko na para hindi na lang ako nagkakaganito. Para hindi ako nasasaktan. Inangat ko ang mukha ko saka nagtype.


‘Okay lang ako. Maniwala ka, okay lang ako, sige na, matutulog na 'ko, bukas na lang, goodnight‘ text ko.


‘George ano ba? Wag mo nga 'kong ginagago, alam ko kung may mali sayo o wala, kaya 'wag mo 'kong pagsinungalingan, dahil ayoko ng nagmumukhang tanga‘ text niya at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.


Alam talaga niya kung may problema ako o wala. Pumikit ako sandali at umiyak ako ng umiyak. Napamulat ako ng mata ng biglang magring ang phone ko. Binasa ko ang message niya.


‘George ayokong nasasaktan ka, kaya please, stop pretending, sabihin mo sakin kung anong mali‘ text niya pero hindi na 'ko nagreply.


‘George ano ba?!‘ message niya ulit. Nilapag ko ang phone ko sa kalsada at bigla na naman itong nagring. Tinignan ko ang phone ko at kinuha ito. Tumatawag si Grey. Hindi ko alam kung bakit ko sinagot ang tawag niya sakin.


"George, ano ba talagang nangyari, 'wag ka namang magsinungaling sakin please oh, di ba nangako ka sakin na i-o-open mo lahat? Kaya ano bang mali? Sabihin mo na sakin. Bakit ka ba umiiyak?" tanong niya sa kabilang linya at tinakpan ko lang ang bibig ko habang umiiyak. Pumikit ako sandali at unti-unti kong minulat ang mga mata ko.


"George, magsalita ka naman," sabi niya.


"Ano ba George?! Kanina pa 'ko hindi mapakali kung ayos ka lang ba o hindi, kaya please lang" sabi niya at mas lalo akong naiyak. Pinatay ko ang tawag at tinanggal ko ang battery at sim cards ng phone ko saka hinagis sa kalapit na pader ang phone ko na ikinadahilan ng pagkabasag nito.


Muli kong sinubsob ang mukha ko sa mga braso ko at umiyak ng umiyak habang humihikbi. Sorry Grey. Sorry kung hindi ko masasabi sayo ang mga ganitong bagay. Sorry kung hindi ko kayang i-open sayo ngayon lahat ng nararamdaman ko.


Ayoko lang naman na mawala ka sakin kaya sana maintindihan mo. Sorry. Ayokong masaktan pero bakit kasi sayo pa? Bakit sayo pa 'ko nahulog? Bakit sa bestfriend ko pa?!

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon