=====Chapter 60=====
Sine
"Pangako" seryoso kong sabi. Napangiti siya
"Tsaka hindi ikaw type ko, pangit ka kaya" dagdag ko kaya nagpout siya.
"Ang kapal mo, kagabing lasing ka, ang sabi mo ang cute ko" sabi niya kaya napangiti ako. Wala akong naalala na sinabi ko 'yun, pero dahil may tiwala ako sa kaniya, at walang imposibleng masabi ko 'yan, naniniwala na 'ko. Sinasabi ko lang naman na pangit siya para malaman niyang wala 'kong gusto sa kaniya.
"Ano ka ba, lasing ako nun, hindi ko alam ang sinasabi ko, baka nakita ko lang sayo kagabi yung sweetchicks ko" sabi ko habang nakangiti. Siya kaya ang sweetcheecks ko.
"Sinungaling"
"Totoo kaya"
***
Naglalakad lang ako sa kalsada papunta sa bahay nila George. Ano kayang ginagawa ng babaeng 'yun ngayon? Nasa bahay kaya siya ngayon? Naglakad lang ako.
"Grey!" tawag sakin ng nasa likod ko kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon ako sa kaniya. Lumapit siya sakin.
"Hindi mo man lang ba pupuntahan si Marcus ngayon? Wala ka man lang bang balak kamustahin siya?" tanong niya.
"Wala, pasabi na lang mag-iingat siya dito" seryoso kong sabi at naglakad lang ako. Gustong gusto ko siyang kausapin at puntahan. Gusto kong tanungin kung bakit nandito siya. Pero ayokong malapit ang nararamdaman niya kay George.
Ayokong maging tulay sa kanilang dalawa. Ayokong masaktan na naman si George ng isa sa kaibigan ko, kaya hangga't maari, gusto kong lumayo sa kaniya. Kung ano man ang pinunta niya dito, alam kong hindi kami sangkot sa kailangan niya dito sa Pilipinas. At wala din akong balak na maging sangkot.
"Ngayon niya sana kailangan ang tulong mo" sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kaniya.
"Sabihin mo, pasensiya na, pero wala akong maitutulong sa kaniya" sabi ko at muling naglakad. Gusto kong tumulong. Kaso hindi ko kaya ngayon. Pero ano namang tulong ang gusto niya? Anong maitutulong ko sa kaniya? Anong bagay ang maitutulong ko sa kaniya? Tsaka, bakit kailangan niya ng tulong ko?
Ganon ba kahirap ang gusto niyang gawin dito? Naglakad na lang ako. Huminto ako sa tapat ng gate ni George. Kakatok pa lang sana ako kaso bigla ng nagbukas ang pinto ng gate nila at nakita ko si George na nakangiti.
"Tara na" sabi niya at inakbayan niya 'ko. Hinatak niya 'ko kaya naglakad na din ako. Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa bayan.
"Nagugutom ako," sabi niya at tinignan ko siya. Huminto kami sa paglalakad at hinawakan ko ang braso niya.
"Lika, dun tayo" sabi ko at hinila ko siya papunta sa mall.
"Kakain muna tayo?" tanong niya at tumango ako. Tinignan ko siya.
"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ko.
"Kahit ano, ano bang masarap dito?" tanong niya at inilibot ko ang paningin ko sa buong mall. Napangiti ako ng may makita akong Japanese restaurant. Tinignan ko siya at ngumiti. Hinatak ko lang siya at pumasok kami sa loob. Umupo kami sa table na malapit lang sa counter.
"Anong gusto mo?" tanong ko.
"Libre mo?" balik tanong niya.
"Pwede rin," sagot ko.
"Libre nga?" tanong niyang muli.
"Oo nga, sabihin mo nab ago pa magbago ang isip ko" sabi ko. Siya lang naman palagi kong nililibre.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Genç KurguFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...