Chapter 69

7 3 0
                                    

The Decisions

GEORGE'S P.O.V.

Nakaupo ako sa kama ko habang nakatitig ako sa bintana na sobrang lakas parin ang ulan. Kanina pa 'ko nakatitig sa bintana. Gabing-gabi na pero hindi ko magawang makatulog dahil iniisip ko ang mga bagay na sinabi sakin ni Grey.

Niyakap ko ang mga binti ko. Bakit kung kelan matibay na ang friendship namin, saka pa nasira? Dati naman, five years pa lang ang friendship namin, we were both young and innocent. Hindi pa namin alam ang salitang heartache, maayos pa rin.

Ngayong alam na namin ang halos lahat ng bagay na nararamdaman ng isang tao, ngayong kaya naming maghandle ng iba't ibang feelings, ngayon pa nasira ang lahat. Akala ko dati, sobrang tibay na ng friendship na 'to dahil sobrang tagal na.

Marami na rin kaming mga struggles na pinagdaanan, pero bakit ngayong na-inlove kami sa isa't isa at pwedeng maging kami, nasira naman. I guess, love is one of the powerful in the world. Love can destroy families, friendship, yourself, even if it's bad or not. But love can unite all too.

Pero samin, nasira. Ewan ko kung bakit lahat ng kamalasan sa love, eh napunta na samin. O baka, ako lang talaga ang malas sa love. Napakamalas ko talaga sa love. Lahat na lang gusto akong iwan kapag nagmamahal ako.

"Lahat na lang ng kamalasan, napunta sakin, hindi ba pwedeng ibigay mo naman 'yung iba sa ibang tao? Marami pa namang tao eh" sabi ko at bigla akong nahiga sa kama ko. Sa lahat ng pwedeng mawala sakin, ang betfriend ko pa talaga.

Sana hindi na lang namin 'to pinagdaanan para hindi kami nagkakaganito. Para hindi kami nasasaktan ng ganito. Naramdaman ko na namang muling umagos ang luha ko sa pisngi. Agad ko itong pinunasan. Kahit alam kong wala na talagang pag-asa, susubukan ko paring ipakita sayo na pwede pa.

***

"Anong mukha 'yan?" tanong sakin ng nasa likod ko at agad akong napatingin sa kaniya. Walang gana ko siyang tinignan.

"Ngumiti ka nga, parang dala-dala mo lahat ng problema sa mundo," dugtong pa niya kaya huminga akong malalim. Umupo siya sa tabi ko. Naglagay na naman siya ng isang coffee cup.

"Kape ka muna, para mas lalo kang nerbyosin" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at nasalubong ko ang nakangiti niyang mukha.

"Mahilig ka sa kape?" tanong ko.

"Medyo" sagot niya. Napayuko ako at tinitigan ko ang cup na ibinigay niya sakin. Huminga akong malalim. Kinuha ko ang cup na nasa tapat ko. Tinitigan ko lang ito.

"Inumin mo na, lalamig na 'yan" sabi niya kaya bahagya akong uminom ng kape.

"Bakit pagod na siya? Ganon ba kadaling mapagod?" tanong ko habang nakatitig ako sa kape ko.

"Ilang taon na ba kayo?" tanong niya.

"Nineteen years" tipid kong sagot.

"Ang tagal naman na pala, enough na para mapagod ang isang tao" sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Sorry ah pero totoo naman" malungkot akong nag-iwas ng tingin. Ewan ko ba kung gagaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya.

"Pero alam mo, kung nakatadahana talagang maging bestfriends forever? Maayos niyo 'yan, pero kung hindi man, malamang may nakatadhanang maganda para a inyong dalawa, pwedeng hindi kayo magkasama, pwede ringin hindi, kaya magtiwala ka lang, everything happens for a reason. And every lock doors, there's an open windows. Basta ang sigurado lang, all people will be happy in the future" sabi niya kaya bahagya akong napangiti. Minsan ko ng narinig ang mga salitan 'yan.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon