Necklace
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad na nanlaki ang mata ko ng makita kong yakap yakap ko si Grey at ganon din siya sakin. Bigla ko siyang tinulak kaya nalaglag siya sa sahig. Agad akong umupo sa kama. Bakit ko siya yakap yakap? Umupo siya at tinignan ako.
"Bakit mo 'ko tinulak? Shit ang sakit" sabi niya at ini-stretch ang likod niya pati ang leeg at braso niya. Tinignan niya 'ko ng seryoso.
"Bakit mo kasi ako niyayakap?" tanong ko.
"Niyakap kita? Kelan?" tanong niya. Aba, makakalimutin na siya ah?
"Malamang buong gabi, nakakainis ka kasi!" sabi ko at hinagis ko sa kaniya ang isang unan na puti.
"Wala 'kong alam diyan, ang naaalala ko lang, naglasing ako, 'yun lang, ni hindi ko nga alam kung pano ako napunta dito" sabi niya at nawala ang kunot ng noo ko. Oo nga pala lasing siya.
"B-basta! Nakakainis ka!" sigaw ko.
"Bat ka namumula?" tanong niya at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa pisngi ko. Namumula? Ako? Hindi kaya!
"Hindi ako namumula 'no!" sabi ko.
"Pano kasi ako napunta dito?" tanong niya habang nakangiti at unti-unting tumayo. Umupo siya sa gilid ng kama at tinatanggal niya ang sapatos niya. Hindi na lang ako sumagot.
"Siguro ni-rape mo 'ko kaya hindi ka makasagot?" natatawa niyang sabi.
"Mukha mo! Ako pa talagang pagbibintangan mong mangrape, eh ikaw ngang lalaki satin, tapos ikaw pa 'tong lasing" sabi ko.
"Hindi mo alam nangyari kagabi, dahil nakatulog ka na, hindi ko din alam ang nangyari kagabi dahil lasing ako, baka nga may nangyari nga?" tanong niya habang nakangiti at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya kaya napahiga siya at nakangiti lang siyang tumingala sakin.
"Loko ka, may balak ka pala sakin ah!" sabi ko at natatawa lang siya. Unti-unti kong tinanggal ang braso ko sa leeg niya at nakahiga siya sa lap ko.
"Pero Seryoso, anong ginawa ko kagabi? Nagalit na naman ba 'ko sayo?" tanong niya. Umiling ako.
"Ano?" tanong niya. Sasabihin ko ba ang lahat ng mga nangyari? Parang ang hirap ipaliwanag sa kaniya na napagkamalan niya 'ko na 'yung baabeng gusto niya. Pero kailangan niyang malaman eh. Alangan naman hindi ko sasabihin.
"Napagkamalan mo ata ako na 'yung babaeng gusto mo, kaya sinabihan mo 'ko na mahal mo 'ko, bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kaniya?" tanong ko at nagcross arms siya.
"She knows, but she didn’t figure it out" sabi niya.
"Ano? Ang gulo mo" sabi ko.
"Alam na niya, pero hindi lang niya maintindihan masyado kaya siguro iniisip niya na hindi siya ang mahal ko" sabi niya.
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ng harapan?" tanong ko.
"Hindi ko kaya" sagot niya.
"Bakit naman?" tanong ko. Pwede naman niyang sabihin pero bakit ayaw niya?
"Hindi ko kasi kayang mawala siya sakin, okay na sakin kahit hindi niya malaman, okay na sakin kahit na kaibigan na lang kung mawawala din naman siya kapag sinabi kong mahal ko siya. Ayokong sirain kung anong meron kami, ayokong masira ang lahat ng dahil lang nahulog ako sa kaniya ng di sinasadya" sagot niya. Hindi ko alam na parang parehas lang kami ng nararamdaman. Alam kong hindi magkakaroon ng kami ng lalaking 'to kahit kelan dahil may mahal siyang iba, at ayokong masira ang meron samin dahil sa nahulog ako sa kaniya, kaya okay na din siguro na Sinagot ko si Marcus para sa kaniya ko maibaling ang lahat.
"Alam na alam niya, kaso ang slow niya lang kaya hindi niya makuha," sabi niya at napangiti ako.
"Grabe ka naman sa kaniya" sabi ko.
"Totoo naman, palagi kong sinasabi na mahal ko ang babaeng 'yun, kinikwento ko pa nga sa kaniya palagi ang babaeng 'yun pero hindi niya lang alam na siya pala 'yun, ilang beses ko na din siyang pinagseselos para lang malaman ko kung mahal niya 'ko o hindi pero sa tingin ko hindi, dahil supportive pa siya sa nagiging girlfriend kong iba, tsaka masaya na siya sa iba, kaya kung ano ang ikakasaya niya, dun na din ako" sabi niya.
"Kilala mo ba 'yung boyfriend niya?" tanong ko.
"Hindi, wala pa naman ata, pero dating na ata sila" sagot niya.
"Makahanap ka din ng para sayo Babycakes" sabi ko,
"I hope so, kasi ang alam ko, she was the one, but Im not the one for her. Ang sabi niya, hindi niya gusto ng playboy, ng cassanova, pero 'yung dini-date pa niya, eh isang playboy at cassanova. Masakit na makita siyang may kasamang iba, pero okay na din 'to, kasi masaya na din naman siya" sabi niya. Ganon naman talaga, kung saan magiging masaya ang mahal mo, dun ka na din sasaya. Sabi nga ng iba, kung mahal mo, hahayaan mo. Masakit man para sayo, kailangan mong gawin dahil dun siya mas sasaya, mas masaya kaysa kapag kasama ka.
"Makakahanap ka rin, trust me, pero kailangan ko munang maligo sa kwarto ko, papasok na 'ko" sabi ko sabay tayo at lumabas ako ng kwartong 'yun.
"Oh nak, bat diyan ka galing?" tanong ni mama.
"Si Grey nasa loob," sabi ko. Pumasok ako sa kwarto ko at umupo ako sa kama ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kahapon lang, halos magtampo na 'ko sa kaniya, pero ngayon, parang nagiging balewala ang lahat kapag nakikita ko siya. Hindi ko naman kasi alam kung anong meron ang taong 'yun, na hindi ko makita sa iba.
Maswerteng maswerte ang babaeng seseryosohin niya for the lifetime. Huminga akong malalim saka tumayo at kinuha ko ang tuwalya ko. Naligo na 'ko at pagkatapos ay nagbihis na 'ko. Kinuha ko ang bag ko at nagsapatos ako. Naglakad ako palabas ng kwarto ko at nakita ko si Grey na nakatayo sa tapat ko.
"Hindi ka papasok?" tanong ko.
"Papasok, pero, sasabay ako sayo" sabi niya. Hala, susunduin ako ni Marcus ngayon, lagot.
"Huh? Ah, eh---"
"Joke lang, hindi ako sasabay sayo, mamaya pa 'kong hapon papasok" sabi niya habang nakangiti. Wala siyang klase ng umaga?
"Wala kang klase ng umaga?" tanong ko.
"Wala eh, tsaka ang kulit nila tita, uwi na 'ko" sabi niya kaya napangiti ako. Makulit talaga sila mama at si papa.
"Ah, okay" sabi ko,
"Pasok na 'ko" sabi ko habang nakangiti at tumango lang siya. Naglakad ako pababa at napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman kong sumasabay na pala siyang maglakad sakin.
"Sabay lang ako sayo palabas, uuwi na rin ako" sabi niya.
"Kagabi ayaw mo umuwi," sabi ko.
"Di nga?" tanong niya.
"Oo nga, ang kulit mo nga, ang dami mong utos" sabi ko at napangiti siya.
"Pasensiya na" sabi niya.
"Tsss, nakakatawa kang malasing" sabi ko.
"Pinagtatawanan mo siguro ako kagabi?" tanong niya.
"Hindi ah" sagot ko. Hindi ko namalayan na palabas na pala kami ng gate at pagbukas ko ng gate, nakita namin si Marcus. Napatingin ako kay Grey at nakangiti lang siya. Tumingin din siya sakin.
"Sige Babycakes, uwi na 'ko, kita na lang tayo mamaya" sabi ni Grey at tumango ako. Umalis na siya at tinignan ko si Marcus. Naglakad ako palapit sa kaniya.
"Goodmorning?" bati ko na medyo tanong na rin.
"Goodmorning, tara na" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya 'ko sa noo ko at pinagbuksan ako ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob. Umikot siya saka sumakay din sa loob ng sasakyan. Nagmaneho na siya at hawak parin niya ang kamay ko. Tinignan ko siya habang nakangiti at napatingin siya sakin saglit.
"Masaya ka ata ah?" tanong niya.
"Palagi naman akong masaya ah" sabi ko. Natawa lang siya ng mahina.
"Nga pala, bakit nasa bahay niyo si Grey kanina?" tanong niya.
"Nalasing kasi siya kagabi at pumunta siya sa bahay," sagot ko.
"Nalasing? Bakit, nag-away ba sila ni Ynah?" tanong niya. Wala naman siyang nabanggit sakin kagabi,
"Wala naman siyang nabanggit sakin, alam kong may problema siya pero ewan ko ba kung bakit 'di niya sinasabi sakin. Hindi ko alam kung okay pa ba siya, kasi kapag tinitignan ko siya, okay naman siya, pero kinabukasan, mag-iiba na naman, para bang sinasarili niya lahat" sabi ko.
"Baka naman naghiwalay sila?" tanong niya. Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman talaga alam ang sagot sa tanong niya.
"Pwede naman, pero pwede din na family problem, pero hindi niya sinasabi sakin eh, hindi ko alam kung bakit hindi niya sinasabi." Sabi ko.
"Baka naman friend problem?" tanong niya at napatingin ako sa kaniya.
"Ano namang problema niya samin?" tanong ko. Wala naman siyang problema samin ah? Okay naman kami sa kaniya, at okay din siya samin.
"Malay mo hindi sa inyo, malay mo sa ibang kaibigan niya" sabi niya.
"Sino pa bang iba niyang kaibigan? Hindi ko kasi kilala 'yung ibang friends niya, pero 'yung iba kilala ko naman" sabi ko. Ayaw niya kasi akong palapitin sa iba niyang kaibigan dahil iba daw ang mga ugali nila, kaya hindi ko narin ginustong makilala ang iba niyang kaibigan.
"Baka sila Ronnie" sabi niya.
"Ronnie? Mabait naman si Ronnie ah" sabi ko.
"Sa pisikal, mabait siya kung itrato ka, mabait siya, SAYO, pero ibang iba siya sa lahat, kung gano siya kabait sa paningin mo, ganon siya kasama kay Grey, painosente lang yang lalaking 'yan, pero sa likod, ibang iba na siya, baka kapag nakita mo kung sino talaga si Ronnie, iisipin mong hindi siya ang nakilala mo" sabi niya. Parang hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi niya?
"Parang hindi---"
"Maniwala ka sakin, kilala ko si Ronnie matagal na, so don’t trust him, you‘re secrets is not safe to him, baka ikaw, oo, hindi ka niya masasaktan, pero ang mga nakapaligid sa kaniya? Ibang usapan na 'yun, so don’t trust him, maniwala na sakin, I know him very well, kelan mo lang siya nakilala, pero ako, si Grey, matagal na siyang kilala, kaya don’t trust him, kaya nga si Grey, kahit na anong pagpapakita ni Ronnie sa kaniya ng good side para tanggapin siya ulit na kaibigan ni Grey, eh hindi tinatanggap ni Grey, dahil may hindi siya magandang balak" sabi niya. Parang hindi naman kayang gawin ni Ronnie 'yun, pero hindi naman siguro masamang sundin ang sinasabi ng lalaking 'to. Ganiyan din kasi ang sinasabi ni Grey sakin, kaya hindi masamang sundin silang dalawa.
"Sige, gagawin ko 'yan," sabi ko at ngumiti siya.
"Mabuti naman" sabi niya. Hindi parin ako makapaniwala na kayang gawin ni Ronnie ang mga sinasabi niya pero baka magsisi lang ako sa huli kapag hindi ko sila sinunod. Huminto na ang sasakyan niya at lumabas siya. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at napangiti ako sa kaniya. Lumabas ako ng sasakyan niya.
"Marcus" tawag ng nasa likod niya kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.
"Bakit?" tanong ni Marcus at nilapitan siya nung nagtawag sa kaniya. May binulong sa kaniya at napatango siya. Tinignan niya 'ko.
"Una ka na, may pupuntahan lang ako saglit," sabi niya saka ngumiti.
"Mag-iingat---"
"I will" nakangiti niyang sabi saka ako hinalikan sa noo ko.
"Be safe okay?" tanong niya at napatango ako.
"Bye" sabi ko at tumalikod ako sa kaniya. Naglakad na lang ako papunta sa building namin. Ano kayang gagawin niya? Lumingon akong muli sa likod ko at nakita ko siya na ngumiti sakin. Ngumiti ako sa kaniya at binalik ko ang tingin ko sa harapan ko. Naglakad ako papasok sa building.
Naglakad ako paakyat sa taas sa room namin at pagpasok ko sa room ay pinuntahan ko na kagad ang upuan ko. Uupo na sana ako kaso may nakita akong isang box na kulay itim. Maliit lang naman siya. Tumingin tingin ako sa paligid ko at wala pa naman masyadong tao dahil maaga aga pa naman. Umupo ako sa upuan ko. Kanino kaya galing ang box na 'to?
Binuksan ko ang box at may nakita akong isang kwintas na may pendant na malaking heart na kulay dark blue na may nakaukit na hugis rose sa buong heart shape na blue jewel. Ang itsura ng kwintas ay old style ng mga kwintas na sa tingin ko sa desinyo ay parang European desing siya at ang ganda niya. Pero kanino naman 'to galing at bakit sa table ko pa? Napatingin ako sa takip ng box sa loob at may nakita akong note. ‘For my princess‘ sabi sa note. Princess? Hindi naman ako princess ah? Baka nagkakamali lang 'tong note na 'to? Pinagmasdan ko ang kwintas at mukhang mamahalin ang isang 'to.
Halata naman dahil may jewel sa pinakagitna niya na hugis heart at may nakapalibot dito na parang silver. Ang ganda sobra. Pero hindi ko alam kung kanino galing 'to. Baka naman hindi 'to para sakin? Imposible naman kasi na galing kay Marcus dahil sabay lang kaming pumasok. Pwede din naman na plinano niya 'to kagabi at sinabi niya sa mga kaibigan niya na ilagay 'to dito, tsaka kaya din siya siguro tinawag ng kaibigan niya kanina para ako lang ang makakita nito ng mag-isa. Baka naman may iba pa siyang dahilan kaya iya tinawag ng kaibigan niya? O baka naman hindi 'to para sakin?
Tinignan ko ang note at kinuha ko ito. Tinignan ko ang likod ng note at nakita ko ang pangalan ko at may smiling face. Baka naman galing dun sa nagbibigay sakin dati? Pwede din naman. Tinanggal ko ang mga laman ng box at hindi ko matanggal. Baka may laman pa 'to sa loob? Tinaob ko ang box at biglang nahulog ang laman nito at may isang kulay blue na sobre ang nalaglag sa sahig. Pinulot ko ito at pinagmasdan. Tinignan ko ang nasa likod at nakita kong may nakasulat. Binasa ko ito. For my---
"Uy George, tara na sa labas, may practice na tayo ng sayaw para sa prom" sabi ni Cally kaya agad kong tinago sa bag ko ang kwintas at ang sobre kasama ng box. Napatingin ako sa kaniya.
"Ah, oo sige, susunod na 'ko" nakangiti kong sabi at umalis na siya. Kinuha ko ang kwintas sa bag ko at pinagmasdan koi to. Ang ganda talaga. Siguro mahal 'to? Sino man ang nagbigay ng kwintas na 'to, salamat na lang sa kaniya. Kung si Marcus man, magtha-thank you na lang ako sa kaniya. Tumayo ako at naglakad ako palabas ng room at hawak-hawak ko ang kwintas.
"Nandito ka lang pala" sabi ni Marcus at binulsa ko kagad ang kwintas. Ngumiti ako sa kaniya at napatingin ako sa kamao niya na may bendang nakabalot. Wala naman 'yan kanina ah?
"Anong nangyari diyan?" tanong ko habang nakatingin sa kamay niya.
"Ha? Wala 'to, may nasapak lang" sagot niya.
"Ano?!" gulat kong tanong.
"Sabi ko, naaksidente lang 'yan, pero hindi naman na masakit," sabi niya.
"Sigurado ka?" tanong ko.
"Oo nga" sabi niya at naglakad na 'ko. Sinabayan naman niya 'ko sa paglalakad. Itanong ko kaya sa kaniya kung may binigay siyang kwintas?
"Marcus" tawag ko sa kaniya at napatingin siya sakin. Tinignan ko siya.
"Ikaw ba nagbigay nito?" tanong ko at pinakita ko sa kaniya ang kwintas. Huminga siyang malalim at hinawakan niya ang kamay kong may hawak sa kwintas at kinuyom 'yun. Nginitian niya 'ko.
"Itago mo yan, pasalamat ka na lang, dahil mahirap hanapin 'yan" sabi niya habang nakangiti. So galing nga sa kaniya. Binalik ko sa bulsa ko ang kwintas at naglakad na lang kami. Akala ko kung kanino na galing 'yung kwintas pero sa kabilang banda, tama naman pala 'ko na galing sa kaniya. Pero yung kwintas, parang may hatid na lungkot sakin, para bang may kakaibang meron ang kwintas na 'yun sa nakaraan niya.
Saan kaya niya 'yun nabili? Ayoko namang itanong dahil bigay nga niya kaya dapat isipin ko na galing na talaga sa kaniya 'yun. Ayoko ng halungkatin pa ang mga 'yun pero susubukan kong hanapin siya sa internet mamaya.
"Nagustuhan mo 'yung kwintas?" tanong niya.
"Oo naman, ang ganda kaya" sabi ko habang nakangiti.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Ficção AdolescenteFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...