Chapter 49

9 2 1
                                    

A Kiss in the Middle of the Starry Night

GEORGE’S P.O.V.

           Naglakad ako pababa sa hagdan habang suot suot ko ang gown na napili ko ng kasama ko si Cally. Isang kulay blue na nagco-color black sa baba.

Off shoulder siya at may mga blue glitters sa tummy pababa sa palda niya pero hindi hanggang sa baba. Meron din sa baba ng gown na glitters at maganda siyang tignan dahil nagniningning siya kapag nasisinagan ng ilaw o liwanag.

Mabigat siya kesa sa inaakala ko dahil hindi ako gumamit ng bakal para lumobo ang gown, purong tela ang ginamit sa gown na ‘to at makapal ang telang pampalobong ginamit sa gown ko kaya medyo mabigat dalhin.

Masyadong makapal. Kung ako lang, hindi naman talaga ito ang gagamitin ko kaso sabi ng designer na babaeng ‘yun, bagay daw sakin ‘yung damit kaya kinuha ko na. Maganda naman, sobrang ganda, kaso ang hirap lang buhatin, ang hirap maglakad, baka mamaya matapakan ko ang gown ko eh, madapa pa ‘ko.

Ang epic nun. Bumaba ako sa sala at nginitian ako ni mama. Nakaupo lang si kuya at suot ng kulay green na polong stripes. San ‘to pupunta?

“Ang ganda ganda ng anak ko,” nakangiting sabi ni mama at inaayos ang gown ko.

“Kinakabahan ako” sabi ko at ngumiti. First time ko kasi na um-attend ng ganito. Dati hindi naman ako uma-attend sa ganito dahil tinatamad ako.

“Okay lang ‘yan,” sabi ni mama at napangiti na lang ako. Tinignan ko si kuya.

“San ka pupunta?” tanong ko at umupo ako sa tabi niya. Tinignan niya ‘ko.

“Susunduin ko ‘yung cute kong girlfriend,” sagot niya habang nag-aayos ng polo niya sa sleeves. Napatango na lang ako. Naalala ko, susunduin pala ‘ko ni Marcus. Kinuha ko ang phone ko pero wala pa siyang message sakin. Nasaan na kaya siya?

“Susunduin ka ba ni---“ napatigil sa pagsasalita si kuya ng may magdoor bell. Napatingin kaming tatlo sa pinto. Bumaba si papa at siya ang nagbukas ng pinto. Napaawang ng bahagya ang labi ko dahil nakita ko si Marcus.

“Speaking of, nandito na sundo mo” bulong ni kuya at napatingin ako sa kaniya.

“Pero mas cute pa rin ako sa kaniya,” sabi niya kaya natawa ako. Binalik ko ang tingin ko kay Marcus at nakangiti siyang kausap si papa. Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa? Dumoble pa ata ang kaba ko ah? Medyo tumango siya habang nakangiti at tinignan ako.

Ngumiti siya kaya ngumiti din ako sa kaniya. Muli niyang tinignan si papa at may sinabi pa. Ngumiti si papa at tumango. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil ngumiti si papa kay Marcus. Naglakad si Marcus papunta samin at tumayo ako. Tinignan lang siya ni mama at ngumiti.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon