Chapter 52.1

5 2 0
                                    

Pride

GEORGE’S P.O.V.
Naglalakad ako palabas ng bahay. Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Oo nga pala, walang maghahatid sakin ngayon. Mag-isa ko lang ngayon. Lumabas ako ng gate at nakita ko si Marcus na nakatayo sa tapat ko. Nakangiti lang siya pero sinamaan ko siya ng tingin. May balak pa talaga siyang magpakita sakin?


“Bakit ka nandito?” seryoso kong tanong.


“Gusto ko lang sanang kausapin ka sa---“


“Kausapin saan? Sa nangyari kagabi? Wow ang lakas ng loob mo ah?” pabalang kong tanong.


Ang kapal ng mukha ng taong ‘to. Matapos ng mangyari kagabi, may lakas pa siya ng loob na magpakita sakin? Ang kapal talaga ng pagmumukha nito. Tama nga talaga sila, hindi niya kayang magbago kahit na anong mangyari.



Akala ko pa naman, tama ang desisyon ko na mas piliin si Marcus. Akala ko tama na siya ang mas piliin ko kesa kay Grey. Makulit kasi ako eh, ang tigas ng ulo ko.


“Hindi ko naman sinasadya----“


“Kasi lasing ka ganon? ‘Yun ba? Wow naman Marcus” sabi ko habang nakangiti.


“Hindi ko tinatanggi ang nangyari kagabi” sabi niya. Hindi niya tinatanggi eh bakit nandito siya?


“Hindi mo tinatanggi pero nandito ka? Pwede b Marcus, lumayo ka na, sana hindi na lang ako nagpadala sayo, sana mas naniwala ako kay Grey, sana hindi ikaw ang pinili kong hindi masaktan kesa kay Grey, ang tanga ko dahil hinayaan kong mas masaktan ang kaibigan ko kesa sayo” seryoso kong sabi at umalis na ‘ko.


Naglakad na lang ako palayo sa kanya. Kahit na ganon, masakit parin, kasi nagtiwala ako sa kaniya. Nagtiwala ako sa kaniya. Pero kahit sinong tao, ganon naman ang gagawin, in-entertain ko tapos paasahin ko lang?


Parang mali naman ang ganon. Maling gawin ang ganon. Maling mali. Sabi nga nila, kung ano ang sinimulan mo, tapusin mo. Kung anong ginawa mong desisyon, panindigan mo, hanggang dulo.


Kaya sana ‘yung naging desisyon ko sa pagpili kung sino ang hindi masasaktan sa kanila, sana mabago ko ‘yun. Sana kung ano man ang tinapon ko, makuha ko pa, pero parang napakalabo ko ng makuha’yun, lalo na ngayong siya na mismo ang gumagawa ng mga gusto kong gawin dati.


Grey sana hindi pa huli, ayokong mawala kayong pareho sakin, kung dati mas pinili ko si Marcus dahil kasalanan ko din naman, dahil in-entertain ko siya at sinagot ko na siya, kaya kasalanan ko din ang lahat. Marami din akong kasalanan dahil napakabulag ko. Napakamanhid kong tao.



***


“Okay ka lang ba?” tanong ni Cally habang nasa harapan ko. May mga libro sa table na nasaharapan ko. Ano bang gagawin ko?


Try ko kayang kausapin si Grey? Kakausapin kaya niya ‘ko? Parang hindi. ‘Wag na lang kaya? Baka hindi niya ‘ko kausapin. Gusto ko sanang tanungin kung alam ba niya ang nangyari kagabi, gusto ko sanang siya ang unang makaalam.


Gusto ko ding magsorry sa mga nagawa ko sa kaniya dahil alam kong ako ang nagkamali at hindi naniwala saming dalawa. Umiling lang ako saka tumingin kay Cally.


“Naiinis ako sa sarili ko” sabi ko.


“’Wag kang mainis sa sarili mo, wala ka namang kasalanan, ginawa mo lang sa tingin mo ang tama, tsaka, kahit sino naman hindi pa masyadong kilala ang sarili nila kaya okay lang ‘yan, ‘wag kang mainis sa sarili mo” sabi niya at napangiti ako sa kaniya.


“Nakikita ko sayo, mukhang nagsisisi ka sa mga nangyari, pero ‘wag ka ng magsisi, wala ng magagawang maganda ang pagsisisi mo ngayon, imbes na sisihin mo ‘yang sarili mo, kung sa tingin mo, marami kang maling nagawa, edi itama mo na lang, kesa naman magsisi ka pa” sabi niya at ngumiti ako ng mas malapad sa kaniya. Sa bagay tama naman siya, mas mabuting itama ko na lang kesa naman na magsisi pa ‘ko.


Wala na ‘kong oras para magsisi pa. Baka mas lalo lang lumala kapag hinayaan ko pa siyang lumayo sakin. Tama naman si Kuya, ‘Be careful what you’re decision is, because once you did it, there’s no turning back’ tama naman ang mga sinabi ni kuya, na kung ano man ang desisyon mo, kailangan mo munang pag-isipan ng maayos.


Pero hindi ko nagawa kahit na ‘yun ang aim ko. Pero wala nang oras para magsisi pa ‘ko dahil baka mas lalong masira kung hindi ako susugal.


Simula pa lang naman ang sugal na, tsaka nasaktan na din naman ako kaya kaya ko na ‘to. Kaya ko ‘to. Kahit masakit parin dahil nasaktan ako sa taong pinagkatiwalaan ko, sa taong pinagkatiwala ko ang puso ko, ‘yung taong pinili ko, sinaktan lang ako ng sobra. Sana nga hindi na lang ako nagpumilit na sumama kay Zach para hindi nangyari ang ganon.


“Nabalitaan ko kay Spencer at Zach, niloko ka daw ni Marcus, pero hindi ko alam kung pano----“


“May babae siyang kasama, hinalikan pa niya sa harapan ko” putol ko sa kaniya at bigla na lang may tumulong luha sa pisngi ko. Ang sakit sakit na kung sino pa ang pinili ko, ‘yun pa pala ang mananakit sakin.


Sising sisi ako na siya pa ang dahilan kung bakit kami nag-away tapos ganito lang pala? Ang saklap naman. Kung sino pa ‘yung pinaglaban ko sa kaibigan ko, ‘yun pa pala ang gagawa ng sakit dito sa puso ko.


Akala ko magbabago pa siya, akala ko katulad siya ni Grey, alam kong si Grey, kaya pa niyang magbago. Hindi din naman niya tinatangging ginawa niya ‘yun.


Kaya anong gusto niyang sabihin sakin? Magsosorry ba siya? Hihingi ng second chance at sasabihing magbabago na siya? Pero ayoko ng magpadala sa kaniya, ayoko na. Ayoko ng magpaloko ulit sa kaniya.


“Sana hindi na lang ako nagpumilit na sumama kay Zach kagabi para hindi ko ‘to nararamdaman” sabi ko at pinunasan ko ang pisngi ko. Kahit saglit lang na naging kami ni Marcus, masakit parin dahil minahal ko siya ng totoo.


Ang sakit nito. Akala ko kasi ako lang talaga, kasi ang galing niyang magtago eh, para kasing totoo talaga ang nararamdaman niya, parang totoo dahil sa mga sinasabi niya sakin at sa trato niya.


Ang sakit sakit na ganito lang pala ang kahahantungan ng pagsasacrifice ko ng friendship ko para kay Marcus. Sabi ko, ayokong mawala silang pareho kaya kahit isa lang sa kanila, hindi ko masaktan, pero ngayon, pareho na silang nawala, lalo na si Grey.


“Saan mo ba sila nakita?” tanong niya.


“Sa bar, magkasama sila” agad kong sagot.


“Oh, talagang nakita mo?” tanong niya.


“Oo, nakita pa nga niya ‘ko eh, parang wala lang eh” sabi ko at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ang sakit sakit lalo na kagabi. Sobrang sakit.


“Alam mo as maganda ng nagpumilit kang sumama at nakita mo ‘yun habang maaga pa, habang hindi pa kayo masyadong nagtatagal” sabi niya at napangiti ako.


Oo nga, maganda nga, pero masakit parin kahit papano. Masakit sobra. Dumagdag pa na wala si Grey sa tabi ko ngayon. Last time na nasaktan ako ng ganito, nandito siya at hindi siya umalis sa tabi ko kahit na anong mangyari.


Hindi ko naman siya masisisi kung ginawa talaga niya ang sinabi ko. Nirespeto niya lang naman ang desisyon ko. Kaya natatakot ako nab aka kapag kinausap ko siya, sabihin din niyang lumayo na lang ako, wala akong magagawa kapag sinabi na niya ‘yun, kailangan kong suklian ang pagrespeto niya sa desisyon ko.


“Pero masakit parin eh” sabi ko habang umiiyak. Ang sakit sakit kaya na sumugal ako sa maling tao.


“Okay lang ‘yan, teka, nasabi mo na ba ‘yan kay Grey? Alam na ba niya?” tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot.


“Sabihin mo kaya, kahit naman lumalayo na ang loob niyo sa isa’t isa, karapatan parin niyang malaman ‘yun dahil magkaibigan kayong dalawa” sabi niya.


“Baka kasi hindi niya lang ako---“


“Sumugal ka kay Marcus na kelan mo lang nakilala tapos kay Grey na ang tagal tagal mo ng kasama hindi mo magawang sumugal?” tanong niya.


May point naman siya. Kaya ko ‘to. Ayoko ng madagdagan pa ang mga taong nawawala sakin. Ayokong tuluyan pang mawala si Grey sakin, ayoko.


“Tama ka nga, saglit, try kong tawagan siya,” sabi ko at kinuha ko ang phone ko. Hinanap ko ang number niya at minessage ko siya.
‘Pwede ka bang makausap?’ message ko sa kaniya. Hinintay ko siyang magreply pero hindi siya nagrply. Baka hindi niya lang naririnig ang phone niya.


‘Grey sige naman na oh, kahit saglit lang please’ message ko ulit pero wala talaga siyang reply. Ano kayang ginagawa niya? Bakit ayaw niyang magrepy? Baka naman kasi busy siya? Pero hindi naman masyadong busy ‘yun palagi kasi siyang hindi busy.


‘Grey, sorry na,’ messge ko pero wala talaga. Nilapag ko sa table ang phone ko.


“Bakit? Ayaw magreply? Tawagan mo na lang” sabi niya at tinignan ko si Cally. Binalik ko ang tingin ko sa phone ko. Oo nga, kung busy siya maririnig niya ‘to. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko siya. Tinapat ko sa tenga ko ang phone ko.


“The subscriber’s cannot be reach, please try your call later” sabi ng announcer sa phone ko. Shit Grey, sinasadyan mo ba talagang ‘wag akong kausapin? Tinawagan ko ulit ang phone niya.


“The subscriber’s cannot be reach, please try your call later” sabi ng announcer sa phone. Talagang ayaw niya ata akong kausapin. Try ko kayang i-message na lang siya sa Facebook niya.


Baka kasi talagang hindi niya lang mapuna. Pero kahit naman busy siya dati, magme-message parin siya sakin. Binuksan ko ang facebook account ko at tinignan ko kung online siya pero hindi ko nakita ang pangalan niya.


Baka nga naka-off ang phone niya. Mag-iwan na lang ako ng message sa kaniya. Nagscroll down ako sa mga taong nagmessage sakin pero kahit hanggang dulo na ‘ko, hindi ko makita ang pangalan niya. Hindi ko makita ang mga acoounts niya or ‘yung palagi niyang ginagamit na account.


Wala kahit isa. Hala anong nangyari? Ano bang nangyayari? Hala. Pinindot ko ang search at hinanap ko ang pangalan niya sa inbox ko pero walang lumabas. Kumunot ang noo ko at pumunta ako sa home, sa news feed ko.


Pinindot ko ang search at hinanap ko ang pangalan niya pero wala talagang lumalabas. Hala anong nangyayari? Bakit hindi ko makita ang pangalan niya? Bakit wala ‘yung pangalan niya? Bakit hindi ko mahanap? Tinignan ko si Cally.



“Cally, mag-open ka nga saglit sa fb account mo,” sabi ko at hindi na siya nagdalawang isip at binuksan niya ang account niya.


“Bakit ba?” tanong niya.


“Search mo nga si Grey” sabi ko. Tinignan niya ang phone niya at may pinindot pindot sa phone niya.


“Meron?” tanong ko. Tumingin siya sakin.


“Oo, bakit?” sagot niya.


“Hala, bakit ganon?” tanong ko sa sarili ko. Bakit hindi ko siya mahanap?


“Ito oh, open pa nga siya oh, kakapost niya lang ng profile niyang bago, tsaka ang dami pa niyang posts oh” sabi niya at pinakita sakin ang phone niya. Kumunot ang noo ko at tinignan ko ang phone niya.


“Bakit? May problema ba?” tanong niya. Hindi naalis ang tingin ko sa phone niya. Hindi kaya Bl-in-ock niya ‘ko kaya hindi ko siya mahanap?


Ganito ba talaga siya sumunod sa paglayo sakin? Ang i-block ako? Ang sama naman niya sakin, pwede namang i-unfriend na lang ako para kahit papano nakikita ko parin siya, pero ang i-block ako para hindi ko siya makita?


Bakit ganon? Ang hirap naman nito. Kung pwede ko lang ibalik ang nangyari na, ginawa ko na para hindi na nagkakaganito ang lahat.


“Anong nangyari?” tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.


“Blinock niya ata ako” sabi ko. Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.


“Okay lang ‘yan, maayos niyo din ‘yan, kahit hindi na maging kayo, basta maayos niya lang ‘yang friendship niyo okay na” sabi niya. Yumuko ako at naramdaman kong may tumulo na namang luha galing sa mata ko.


“Oo nga, kasama niya kahapon si Nate, nakita niya ‘yun” rinig kong sabi ng mga nasa hallway at naglalakad.


“Nakita ko ‘yun,” sabi ng pamilyar na boses sakin kaya napaangat ako ng mukha ko. Nagulat ako ng magtama ang mga paningin namin. Nawala ang ngiti sa mukha niya dahil siguro nakita niya ‘kong umiiyak. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Pinunasan ko ang pisngi ko at agad na tumayo.


Naglakad ako palayo saka lumabas ng library. Ayokong makita niya ‘kong nagkakaganito. Alam ko naman na sa sarili ko na ako ang nagkamali, ako ang hindi nakinig samin, ako ang pasaway at makulit saming dalawa ni Grey.


Ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito. Ayaw niya din ata akong kausapin. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya ‘kong kausapin. Ako na din naman kasi ang nagsabi na layuan niya na ‘ko. Pero sana naman hindi pa huli ang lahat.


Sana maayos ko pa, kahit na hindi ko npanindigan ang desisyon ko, kahit mali ang gusto kong gawin, sana maitama ko pa, sana maayos ko pa. Sana kahit si Grey na lang ang ‘wag mawala sakin, kahit siya lang, kahit friends na lang, tatanggapin ko, kahit minsan na lang kami mag-usap okay lang, kahit hindi na kasing close ng dati, tatanggapin ko. Kesa naman ganito na hindi niya ‘ko pinapansin.


“Sana lang talaga,” sabi ko sa sarili ko.


GREY’S P.O.V.



Naglalakad ako sa hallway ng biglang may umakbay sakin mula sa likuran ko. Tinignan ko siya.


“San ka pupunta?” tanong niya habang nakangiti.


“Bakit mo tinatanong?” balik tanong ko.


“Sagutin mo muna tanong ko bago ako sumagot sa tanong mo” sabi niya.


“Ayoko nga” sabi ko. Tinanggal ko ang akbay niya sakin.


Napatingin ako sa harapan namin ng may makita akong lalaking nakangiti at naglalakad na parang wala lang.


Tinignan ko siya ng seryoso hanggang sa huminto siya sa paglalakad at tinignan ako. Nawala ang ngiti sa labi niya. Naaalala ko pa ‘yung mga nangyari kagabi.



*FLASHBACK*



“Umiinom ka na naman?” tanong ni Nate sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nilapag ko ang baso ko sa table at sineyasan ko ang bartender ng isa pa.


“Ano naman kung umiinom ako?” tanong ko. Wala namang may pakialam sakin kung iinom ako o hindi. Kung dati meron, ngayon wala na. Nag-iba na lahat.


Kung malaki talaga ang tiwala niya kay Marcus, wala na ‘kong magagawa, kung ayaw niyang maniwala sakin, wala na ‘kong magagawa. ‘yan ang gusto niya eh. Kaibigan naman niya ‘ko kaya irerespeto ko lang ang desisyon niya. Mahirap naman kung ipilit ko pa kahit hindi naman na.


“Hanggang kelan ka ba magiging ganiyan kay George? Ano bang meron siya? Hindi ka naman ganyan dati ah? Anong nangyari?” tanong niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.


“Hindi ko din alam” sagot ko. Siguro sa tagal ko na din siyang nakasama. Nahulog na ‘ko.


Lagi kasi siyang nandiyan kapag nasasaktan ako, siya palagi ang nagpapagaan ng loob ko. Kaya hindi ko na rin siguro mapigilan ang sarili ko na hindi mahulog sa kaniya. Ang hirap na hindi mahulog sa kaniya.


Pero hindi kami pwede, i’ll respect her decision. Kaya ako na lang mismo ang lalayo kesa naman siya pa ang lumayo sakin. Mas mahirap na siya ang lumayo. Ako na lang ang gagawa kahit mahirap.


“Mahal mo nga talaga siya,” sabi niya at napangiti ako saka uminom ng alak sa baso ko. Kung ito na talaga ang ending ng lahat ng ‘to, tatanggapin ko na lang. Wala namang mangyayari kahit na anong gawin ko. Kaya okay na ‘to, kahit mairap, gagawin ko na lang.


“Sandali, si George ba ‘yun?” tanong niya habang nakatingin sa likod ko.


“Ano bang sinasabi mo?---“ napatigil ako sa pagsasalita ng lumingon ako sa likod ko at nakita ko siya na nasa harapan ni Marcus na nakaabay sa isang babae. Tinitigan ko lang si George.


Nakita kong may umagos na luha galing sa mga mata niya. Para bang dinudurog ang puso ko sa simpleng pagluha niya. Para bang dahan-dahang pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Sinabihan ko na kasi siya.


Kaso hindi siya nakinig sakin. Ewan ko ba kasi sayo George, hindi ko alam kung anong meron siya at hindi mo siya magawang iwanan, ikaw tuloy ang iniwanan niya. Gusto ko sanang lumapit kaso ‘wag na lang.


Mataas ang pride ko ngayon at ayokong kainin ‘yun. Ayoko ng makialam pa sa kanila. Kung ano man ang nangyayari sa kanila ngayon, labas na ‘ko dun. Ayoko ng mangialam pa.


“Hindi ka ba lalapit?” tanong ni Nate. Nag-uusap silang dalawa ni Marcus at umalis na siya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa.
“Labas na ‘ko kung ano man ang nangyayari sa kanila” sabi ko at uminom na lang ako.


“Pero kaibigan ka niya” sabi ni Nate.


“Simula ng palayuin niya ‘ko sa kaniya, naputol na lahat ng nagdudugtong samin, kaya labas na ‘ko kung ano man ang nangyayari sa kanilang dalawa” sabi ko sabay lapag ng baso ko sa counter table. Wala na ‘kong karapatan pang mangialam sa inyo dahil ako na din mismo ang lumayo at kung ano man ang naging desisyon ko ngayon, paninindigan ko ‘to hanggang matapos.



*END OF FLASHBACK*


Nag-iwas ako ng tingin kay Marcus at nagpatuloy ako sa paglalakad.


“Hindi ka ba nagagalit sakin?” rinig kong tanong ni Marcus pero tuloy lang ako sa paglalakad.


“Walang dahilan para magalit ako” pgsisinungaling ko habang naglalakad. Nagsisinungaling ako. Alam ko ‘yan sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga sinasabi ko. Galit ako kay Marcus, sobra.


Dahil sa ginawa niya kay George. Pero wala akong karapatan para ipakita ‘yun. Lumalayo na ‘ko dahil pinalayo ako ni George. Ginawa ko ‘to at paninidigan ko ‘to. Gusto ko sanang makialam, kaso wala na ‘kong karapatan pa na gawin ang bagay na ‘yun.



Lalo na ngayon, hindi na kami kasing close ng dati. Naglalakad lang ako sa hallway ng biglang magring ang phone ko ng ilang beses. Huminto ako saka kinuha ko ang phone ko. Binuksan ko ang phone ko saka binuksan ko ang mga messages ko.



“George?” tanong ko sa sarili ko. Tsss. Ayoko. Hinanap ko ang settings ko at in-off ko ang isang sim card ko nilipat ko sa bago kong sim card ang data at sab ago ko din nilagay ang lahat para mareceived ang mga calls at messages ko.


Ayokong makatanggap ng kahit na anong calls at messages galing sa kaniya. Ayoko. Gusto ko sana siyang tulungan, kaso ayoko. Ayoko na. Nirespeto ko ang desisyon niya, lumayo ako kahit ayoko, tapos siya din ang unang sisira ng ahat ng sinabi niya?


Okay lang sana sakin, kaso medyo unfair sakin ang ganon. Kaya sana respetuhin niya din ang desisyon ko ngayon. Bl-in-ock ko na din siya sa lahat ng accounts ko kagabi dahilayoko ng makarinig ng kahit anong tungkol sa kaniya.


Mataas na kung mataas ang pride ko, pero anong nahati sa kalahati ang nararamdaman ko ngayon. Kalahati, gusto ko siyang tulungan dahil nasasaktan ako na nasasaktan siya, at isa pang kalahati, ayoko dahil medyo unfair para sakin ang ginawa niya. Halos palayuin pa niya ‘ko ng sobra para lang hindi ako masaktan? ‘Yun naman ang gusto niya.


Napaka-unfair naman kasi sakin kung hindi niya din irerespeto ang desisyon ko. Alam ko naman na tumaas ang pride ko. Pero ito ang gusto kong gawin. Ito ang gusto kong gawin ngayon, ang lumayo. Tama naman siya kahit papano, masasaktan lang ako kapag lumapit pa ‘ko ulit.


Pagod na din naman akong maghintay, alam na din naman niya na may gusto ako sa kaniya. Tsaka kahit maghiwalay sila ni Marcus, buo na ang desisyon ko na lalayo na ‘ko at magmo-move on na ‘ko. Dahil ayoko na.


Nakakapagod na din, sapat na ‘yung dalawang taon na ‘yun. Sobrang tagal ko na ding tinago ‘yun, siguro ito na rin ang panahon para lumayo ako. Naglakad ako papuntang library at umakbay sakin si Nate at sumulpot na lang bigla si Zach at Justin sa harapan ko.



“Bakit mo kami iniiwan?” tanong ni Zach.


“Malay kong kasama ko pala kayo?” tanong ko sa kanila habang nakangiti.


“Hay, ewan ko ba sayo,” sabi ni Zach at naglakad na lang ako papunta sa loob ng library.


“Nakita mo ba ‘yung nangyari kagabi? Ang alam ko, nandun ka?” tanong ni Zach.


“Oo nga, kasama niya kahapon si Nate, nakita niya ‘yun” sabi ni Justin.


“Nakita ko ‘yun,” sabi ko habang naglalakad at napatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa isang table. Huminto ako sa paglalakad. Tinignan ko lang siya na nakatitig sakin.

Parang didurog ang puso ko dahil umiiyak siya. Nag-iwas siya ng tingin sakin saka tumayo. Naglakad siya palabas ng library at kahit gusto ko siyang habulin, para bang nagfreeze ang mga paa ko at nanatili lang akong nakatingin sa pintong pinanglabasan niya. Sorry George, sorry kung ito ang desisyon ko ngayon. Sorry kung masyadong mataas ang pride ko ngayon.




BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon