Video Call
"I love you" paulit-ulit na nagre-rewind sakin ang salitang 'yan at 'yung paghalik niya sa labi ko. Nakahiga ako sa kama ko at nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ako makatulog dahil nagpapaulit-ulit sakin ang nangyari kanina. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon, hindi ko alam kung maiinis ba 'ko dahil nawala na ang first kiss ko.
Pero bakit naman ako magagalit? Kasi kung ayoko talaga ang ginawa niya, itutulak ko naman siya eh, pero bakit di ko ginawa? Haaaaaaa!!!!! Ang sakit sa utak! Gumulong gulong ako sa kama ko hanggang sa mahulog ako dahil sobrang likot ko. Nag-indian sit ako sa sahig at hinimas himas ko ang ulo ko. Shit ang sakit! Anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock ko at nakita kong mag-o-one na.
"Shit naman!" mahina kong sigaw. Kainis naman! Ano bang meron at hindi ako makatulog? Tumayo ako at napatingin ako sa phone ko sa kama ng lumiwanag ito dahil may nagchat sakin sa messenger. Nakita ko ang wallpaper ko na picture naming dalawa ni Grey sa taas ng bundok kung saan kami last time na pumunta nung pang nineteen years ng friendship namin. Naalala ko tuloy si Grey.
Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang palalim na ng palalim ang nararamdaman ko kay Marcus? Siguradong sa una, pagagalitan niya 'ko dahil hindi ako nakinig sa kaniya pero sana maintindihan niya kung bakit ko 'to ginawa.
Umupo ako sa kama ko at humiga habang nagpho-phone. Hindi talaga 'ko makatulog. Gising pa kaya si Marcus? Tinignan ko kung online siya pero hindi na siya online. Baka tulog na 'yun. Kumunot ang noo ko ng tumunog ang phone ko. May nagmessage sakin? Nakita ko na si Grey ang nagmessage sakin.
"Gising pa siya?" tanong ko sa sarili ko saka umupo sa kama ko. Nilagay ko sa likod ng tenga ko ang buhok ko na bumaba sa pisngi ko. Binuksan ko ang message niya saka ko binasa.
‘Gising ka pa?‘ tanong niya sa chat niya.
‘Oo, hindi ako makatulog eh, ikaw? Bakit gising ka pa?‘ chat ko. Ilang saglit lang ay may chat na siya kagad.
‘Hindi din ako makatulog, siguro may nag-iisip sakin ngayon? 'Di ba ganon daw 'yun? Kapag hindi ka makatulog, may nag-iisip daw sayo? Alam mo ba yun?‘ chat niya. So kaya 'di ako makatulog dahil may nag-iisip sakin? Hindi naman na si Marcus dahil baka tulog na yun? So sinong nag-iisip sakin? Hindi naman si Cally. Baka si Grey? Teka, bakit si Grey? Haish ewan.
‘So kaya hindi ako makatulog dahil may nag-iisip sakin?‘ tanong ko.
‘Ewan… malay mo… ‘ chat niya.
‘Eh sino namang nag-iisip sakin?‘ tanong ko.
‘Ewan, pero dahil hindi ako makatulog, nandamay ako ng iba para hindi lang ako ang hindi makatulog‘ sagot niya. Napangiti na lang ako kahit na hindi ko alam ang dahilan.
‘Huh?‘ tanong ko. Hindi ko na-gets 'yung chat niya. Tumingin ako sa wall clock at 10 minutes na lang at one na. Hindi pa talaga 'ko makatulog. Hindi naman ako uminom ng kape. Baka nga may nag-iisip sakin?
‘Ibig kong sabihin, may iniisip din ako para hindi lang ako ang hindi makatulog‘ sagot niya.
‘Sino bang iniisip mo?‘ tanong ko. Ewan ko kung bakit ko 'yun tinanong pero wala na eh, nasend na, okay lang 'yan.
‘Ikaw‘ chat niya at nawala ang ngiti ko. Luh? Nakangiti pala 'ko? Ano ba yan, hindi ko na namalayan na napangiti na lang pala 'ko dahil kausap ko ang taong 'to. Pero bakit ako? Seryoso ba siya? Baka nagbibiro lang siya? Alam ko naman na hindi yan totoo.
‘'Wag mo nga 'kong niloloko Grey‘ chat ko.
‘Hindi ako nagbibiro, seryoso ako‘ chat niya. Ang awkward naman nito. Siguro nakainom 'to? Hindi maayos kausap eh. Pero ganito naman talaga 'tong lalaking 'to kapag kausap ko siya. Nagseseryoso lang siya kapag alam niyang seryoso ang topic namin. Pero hindi siya ganyan kapag lasing.
Masungit siya kadalasan kapag lasing, kaya nga nung last last time ko siyang sinundo nung dumating si Ynah at sinabi niya na may babae na siyang nagugustuhan eh nagulat ako dahil ang kulit niya---Teka, naalala ko lang, sabi niya yung babaeng gusto niya, kilala ko daw. Simpleng babae, at mahal na daw niya, baka si Ynah 'yun?
Kaya binalikan niya ngayon? Ay parang hindi din dahil ang sabi niya, hindi alam nung babae na may gusto siya sa kaniya. Pero pwede din, dahil ang alam ni Ynah eh hindi na siya mahal o gusto ni Grey, kaya baka nga si Ynah? Ewan. Sumasakit lang ang ulo ko.
‘Lasing ka ba?‘ tanong ko.
‘Sira‘ sagot niya. Buti naman hindi siya lasing. Mapapatay ko talaga siya kapag lasing siya.
‘Pero nasaan ka kaninang nine? Pumunta ako sa bahay niyo‘ dugtong niya sa chat niya.
‘Ah, may pinuntahan lang ako,‘ sagot ko.
‘Sino kasama mo?‘ tanong niya. Sasabihin ko ba? 'Wag muna dahil baka pagbawalan niya 'kong makita si Marcus at sa ngayon, parang hindi na 'ko sanay ng wala si Marcus. Siya kasi 'yung nandiyan kapag wala si Grey.
‘Wala, si Cally‘ sagot ko.
‘Bakit hindi ka na lang sakin nagpasama?‘ tanong niya.
‘Hindi kasi kita mahanap‘ sagot niya.
‘Okay‘ sabi niya.
‘Nga pala, hindi ka pa ba matutulog? Di ba bukas na ang birthday ni tita?‘ chat ko pero hindi na siya nagchat. Baka nakatulog na siya? Hinintay ko pa ng ilang Segundo pero wala na talaga. Huminga akong malalim at i-o-off ko na sana ang phone ko kaso biglang nagring at napakunot ang noo ko. Sinong tatawag sakin ng ganitong oras? Number lang naman ang nakalagay, sino 'to? Hindi ko 'to kilala. Hindi ko sinagot ang tawag at papatayin ko na sana ang phone ko kaso nagring ulit. The same number katulad ng kanina. Sino ba kasi 'to? Sinagot ko ang tawag at tinapat ko sa tenga ko.
"Sino 'to?" masungit kong tanong.
"Bakit ang sungit mo?" tanong ng nasa kabilang linya kaya nawala ang sungit sa mukha ko.
"Grey?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Bakit parang gulat ka?" tanong niya. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya.
"Nagpalit ka ng number?" tanong ko. Wala kasing pangalan. Kapag tumatawag kasi si Grey sakin, may pangalan niya na ‘BABYCAKES (Grey)‘
"Hindi, sadyang gusto ko lang subukan 'yung pangalawa kong sim card, lagyan mo 'yan ng pangalan ko ah, tapos ang pangalan ko na nakalagay diyan, ahmmm… Ah alam ko na, gusto ko, STRAWBERRYCAKES" sabi niya sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko habang nakangiti.
"Seryoso?" tanong ko.
"Mukha bang hindi?" tanong niya.
"Oo na, eto na, basta 'yung pangalan ko diyan sa phone mo, ayoko ng sweetcheeks, gusto ko, Babycakes, kapag hindi mo nilagay---"
"Oo hindi ko pinapalitan 'yung pangalan mo, ikaw pa naglagay nun, two years na ang nakakalipas" sabi niya kaya napangiti ako.
"Mabuti naman," sabi niya.
"Bakit ka tumawag?" tanong ko.
"Wala lang, hindi pa kasi ako makatulog eh, pero ikaw, kung matutulog ka naman na, okay lang naman" sabi niya.
"Hindi okay lang, hindi pa din naman ako inaantok kaya kausapin mo muna ako" sabi ko at narinig ko ang mahina niyang magtawa.
"Kamusta ka?" tanong niya at napangiti ako.
"Kailangan talagang itanong 'yan?" tanong ko.
"Ayaw mo ba ng kinakamusta kita?" tanong niya. Naaalala pa pala niya kung okay pa 'ko. Akala ko hindi na.
"Okay lang naman, ikaw?" tanong ko.
"Okay lang naman" sagot niya.
"Nga pala, sunduin kita bukas ah, agahan mong gumising" sabi niya.
"Opo" pormal kong sagot at napatingin ako ng may makita kong nakabukas ang bintana ko.
"Siguraduhin mo lang dahil ang hirap mong gisingin" sabi niya kaya napangiti ako.
"Oo na nga" sabi ko.
"Hindi ka ba susunduin ni Marcus?" tanong niya. Pano napasok si Marcus sa usapan?
"Hindi, sayo ako sasabay" sagot ko.
"Mabuti naman, baka mamaya siya kasama mo eh" sabi niya.
"Nagseselos ka na naman" sabi ko habang nakangiti.
"Masama ba?" tanong niya.
"Tsss, 'wag kang mag-alala, ikaw lang naman ang bestfriend ko, kaya sana pati ikaw" sabi ko habang nakangiti. Saglit siyang natahimik at tinignan ko ang phone ko. Meron pa naman, baka sadyang hindi lang siya nagsasalita?
"Grey buhay ka pa ba?" tanong ko.
"Malamang" sagot niya at napangiti ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Humihinga" sagot niya.
"Sira, ano nga?" tanong ko. Narinig ko ang pagtawa niya.
"Kausap ka, obvious naman na 'di ba?" pabiro niyang sabi habang natatawa.
"Grey ano nga kasi?" tanong ko.
"Bakit ba tinatanong kung anong ginagawa ko?" tanong niya. Bakit ba niya 'ko palaging pinagtatawanan?
"Wala lang, baka mamaya may problema ka tapos hindi mo sinasabi sakin" sabi ko.
"Wala 'kong ginagawa, kausap ka lang, nakahiga na 'ko pero hindi pa 'ko inaantok" sabi niya. Napangiti na lang ako. Mabuti naman…
"Tsaka wala 'kong problema" sabi niya at napangiti ako. Biglang naputol ang tawag kaya napatingin ako sa phone ko. Ano ba yan. Bukas ko na nga lang kakausapin si Grey. Ilalapag ko na sana ang phone ko ng biglang magring. Tinignan ko ang phone ko at si Grey ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag at nakita ko siyang nakangiti sakin. Video chat pala. Loko 'tong lalaking 'to.
"Hindi ako makatulog" sabi niya habang nakahiga at nakatingin sakin. Humiga lang ako at tinignan ko siya.
"Kahit ako din naman" sabi ko. Hindi din ako makatulog.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya.
"Wala naman, kausap lang naman kita" sagot ko.
"Grey, anong oras ka pupunta dito sa bahay?" tanong ko.
"Ewan, basta maaga" sagot niya kaya napatango ako.
"Naalala ko, malapit na pala ang graduation natin, anong balak mo sa bakasyon?" tanong ko. San kaya siya magbabakasyon ngayon?
"Wala naman, balak ko sana na magbakasyon sa States," sagot niya at napatango tango ako. States pala siya. Last year, sa states din siya nagbakasyon.
"Eh ikaw saan ka?" tanong niya.
"Hindi ko pa alam, pero san tayo pupunta kapag twenty years na?" tanong ko habang nakangiti.
"Wala pa 'kong maisip, pero maganda sana kung something in Mindanao tayo ngayon" sabi niya. Ang layo ah? San kaya sa Mindanao? Ang layo masyado.
"San dun?" tanong ko.
"Ikaw, san mo ba gusto dun?" tanong niya.
"Kahit saan, basta kasama ko bestfriend ko" sabi ko at medyo natawa siya. Tinakpan ko ang bibig ko at humikab ako.
"Inaantok ka na ah?" tanong niya at napangiti ako.
"Humihikab lang naman ako pero hindi pa 'ko inaantok" sabi ko.
"Sabay tayong pumasok sa lunes, pwede ba?" tanong niya.
"Sasabay ka sakin?" tanong ko.
"Oo" sagot niya. Gusto ko sanang itanong sa kaniya 'yung tungkol kay Ynah pero 'wag na lang, baka mabigla ko siya.
"Kantahan mo nga 'ko Grey para makatulog ako" sabi ko.
"Ayoko nga, hindi ako marunong kumanta" sabi niya. Ang galing kaya niyang kumanta, mas maganda pa nga ang boses niya sakin.
"Sige na, ang galing mo kayang kumanta, sige na" sabi ko at nagpuppy eyes ako.
"Ang pangit ng puppy eyes mo" natatawa niyang sabi. Biglang nawala ang puppy eyes ko at tinignan ko siya ng seryoso. Ang sama ng lalaking 'to sakin.
"Ang sama mo" sabi ko habang nakapout.
"Joke lang, ano bang gusto mong kanta?" tanong niya kaya napangiti ako.
"Kahit ano, basta 'yung nakakaantok" sabi ko. Humiga ako at siya naman ay nag-indian sit. May kinuha siya sa gilid ng kama niya at humarap siya sakin ulit. Isang gitara na parehas na parehas ng sakin. Inayos niya 'yun at sinandal niya ang phone niya sa ewan ko kung ano yun. Nakahiga lang ako at tinitignan ko siya habang nagtotono siya ng gitara niya.
"Dapat makakatulog ako diyan" sabi ko at napatingin siya sakin.
"Yung maingay ang kakantahin ko para hindi ka makatulog" nakangiti niyang sabi.
"Ang sama sama mo" sabi ko.
"Para maganda" sabi niya.
"Grey---"
"'Wag ka ng maingay, magsisimula na 'ko" sabi niya.
"Tss, sige na nga" sabi ko. Nag-start siyang magstrum ng magstrum habang palipat lipat ang tingin niya sakin at sa gitara niya samantalang ako ay nakangiti lang. Tumagilid ako at nagkumot ako.
"Bestfriend" (Jason Chen)
Do you remember when I said I'd always be there
Ever since we were ten baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then
Now I realize you are the only one
It's never too late to show it
Grow old together, have feelings we had before
Back when we were so innocent
I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend
Napangiti na lang ako habang nakatingin ako sa kaniya at nakatingin siya ng seryoso sakin habang kumakanta. Yung boses niya, ang ganda, nakakaantok ang boses niya. Para ba 'kong hinehele sa boses niya. Sana gabi-gabi kong naririnig ang boses na yan para araw-araw din akong makatulog ng maaga.
Through all the dudes that came by
And all the nights that you'd cry
Girl, I was there right by your side
How can I tell you I loved you
When you were so happy
With some other guy
Now I realize you are the only one
It's never too late to show it
Grow old together, have feelings we had before
Back when we were so innocent
Ewan ko kung anong meron sa kantang yan at kapag kasama ko siya, kapag minsan na kumakanta siya, hindi mawawala ang kantang yan sa kaniya. Alam ko naman ang ibig sabihin ng kanta 'yung lalaki, nafall sa bestfriend niya na babae at hindi niya masabi dahil ayaw niyang masira ang meron silang dalawa. Paranf nabaligtad ang kantang 'yun samin, dahil ako ang may iba ng nararamdaman sa kaniya.
I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend
I know it sounds crazy
That you'd be my baby
Girl, you mean that much to me
And nothing compares when
We're lighter than air and
We don't wanna come back down
And I don't wanna ruin what we have
Love is so unpredictable
But it's the risk that I'm taking, hoping, praying
You'd fall inlove with your bestfriend
Unti-unti kong pinikit ang mata ko habang pinapakinggan siyang kumanta.
I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend
"Sana araw-araw ko na lang na marinig 'yang boses mo para araw-araw din akong makakatulog" sabi ko at tuluyan na 'kong nakatulog. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil nakatulog na 'ko.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...