=====Chapter 15=====
Get Together With Bestfriend
"Ikaw lang ang nagtatawag sakin ng Sweetcheecks Grey, pero bakit dito sa sulat, ang nakalagay na pangalan Sweetcheecks?" kunot noo kong tanong. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya saka kinuha sakin ang box. Binasa niya ang papel at nilapag sa table ng upuan ko ang box. Tinignan niya 'ko ng seryoso.
"Hindi ko alam, tsaka sino 'yang gagong ‘yan ha? Ako lang dapat ang nagtatawag sayo ng Sweetcheecks tapos inaagawan pa niya 'ko? Aba, namemersonal na 'yan" sabi niya. Mukhang nakakatakot na talaga kung sino man 'tong taong 'to. Parang alam niya lahat ng tungkol samin. Kung hindi siya magpakita, ako ang hahanap sa kaniya.
"Hahanapin ko ang taong 'to. Aalamin ko kung sino 'to. Alam na alam niya kung anong kinikilos ko" seryoso kong sabi.
"Hayaan mo na lang ‘yan George, kung killer ‘yan, ‘di ka naman mapapatay niyan.
"Bakit?" tanong ni Zach sa tabi ni Grey.
"'Yung admirer niya, killer daw" sabi ni Grey habang nakaangiting nagbabasa.
"Hindi ako nagbibiro Grey" seryoso kong saad at agad naman siyang napalingon sakin.
"Hindi naman ako nagbibiro ah?"
"Alam mo George, baka naman mali lang ang iniisip mo kung sino ang taong ‘yan, malay mo, sadyang ayaw niyang magpakita sayo dahil wala siyang lakas ng loob, tsaka baka malay mo, nag-iipon pa lang ng lakas ng loob niya ‘yun, at baka naman kasi gusto niya lang na tawagin ka ding Sweetcheecks kasi akala niya, gusto mong itawag sayo yun, kasi si Grey kapag nagtatawag sayo hindi ka naman nagrereklamo ‘di ba?" paliwanag ni Zach. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at napaisip. Oo nga, baka nga ganon. Pero ayokong tinatawag ako ng iba ng sweetcheecks, si Grey lang naman ang may gustong tawagin akong ganon.
"’Pag nakita mo na ‘yan Sweetcheecks, sabihin mo, nagagalit si Grey kasi hindi pwede na dalawa kaming nagtatawag sayo ng sweetcheecks, dapat ako lang, madaya siya" saad ni Grey at napatingin ako sa kanya saka ako kinindatan.
"Oo na" sabi ko at unti-unti akong napangiti. Ayaw talaga niya ng may kaparehas ng tawag sakin. Kaya nga gumawa gawaa na lang siya ng tawag sakin para walang kaparehas. Para walang ibang may ganon na tawag sakin. Tsaka kung sino man ‘tong taong ‘to, sana hindi nga siya katulad ng iniisip ko. Sana hindi siya killer at obsess.
"Kapag nakita ko ‘yan tapos tinawag ka niyang Sweetcheecks, humanda sakin ‘yan" sabi niya at agad akong natawa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...