Chapter 21

64 51 1
                                    

Friends?

            Pagpasok ko ng room namin ay umupo na 'ko kaagad sa upuan ko. Umupo sa tabi ko si Grey at napatingin ako sa kaniya ng may nilapag siya sa table ko. Tinignan ko ang nasa table ko. Yung journal lang naman pala. Kinuha ko ang journal saka inilagay sa bag ko. Saktong pagdating namin ay ang pagdating naman ng prof namin. Nagklase kami at hindi talaga nadadala ang lalaking 'to. Nagphophone na naman sa klase.

Pero 'yung libro niyang nakatakip ngayon sa phone niya eh maayos naman. Hindi talaga siya nadadala sa prof namin na 'to. Ilang beses na siyang napapagalitan ng prof namin na 'to eh. Nakinig na lang ako sa lecture ni prof para hindi halata 'tong lalaking 'to sa ginagawa niya. Tinignan ko siya at napakunot ako ng noo ng makita kong napapangiti siya.

Ano kayang pinagkakaabalahan ng lalaking 'to? Unti-unti kong sinilip ang tinitignan niya at kaya naman pala. May kalandian sa facebook. May kachat ang loko. Pati pambabae niya dinadala niya dito sa room namin. Kalandian talaga. Kinuha ko ang phone niya at napatingin siya sakin bigla. I-n-off ko ang phone niya at nilagay ko sa bag ko saka ko niyakap.

"Hey, akin na 'yan" bulong niya sakin.

"Ayoko nga, mamaya kapag nahuli ka, madamay pa 'ko" sabi ko at kukunin sana niya ang bag ko kaso nilayo ko sa kaniya. Kinuha niya ang bag ko at hihilain na sana niya kaso nagsalita si prof.

"Mr. Collins" tawag sa kaniya ni prof kaya napatingin kaming dalawa sa harapan. Lagot. Nabitawan niya ang bag ko at nalaglag sa sahig. Napatingin ako sa bag at kinuha ko ito.

"Stand up" sabi ni prof at tumayo si Grey.

"Humanda ka sakin" bulong ni Grey sakin. Natawa na lang ako sa kaniya.

"Nakakatakot ka naman" sabi ko habang nakangiti.

"Humanda ka talaga Babycakes" sabi niya at medyo natawa ako.

"Also you Ms. Sandoval" sabi ni prof kaya tumayo din ako.

"Kasi ikaw eh" bulong ni Grey sakin. Pinipigilan ko na lang ang tawa ko sa kaniya. Ako pa talagang sinisi niya eh mahuhuli din naman siya kahit na hindi ko kunin ang phone niya. Nilapitan kami ni prof at napatingin ako sa kamay niya ng i-offer niya ito sakin na para bang may hinihintay siyang ibigay ko sa kaniya.

"Ah, a-ano po 'yan prof---"

"Were‘s the phone?" masungit niyang tanong.

"Wala po sakin" sagot ko at nilipat niya ang tingin niya kay Grey. Pinipigilan ko na lang ang ngiti ko.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon