Chapter 54

11 2 0
                                    



Real Purpose



GREY’S P.O.V.



“Tara san kayo?” tanong ni Zach.


“Sa puso mo” sabi ni Rose habang nakangiti kaya napatingin si Zach sa kaniya ng seryoso. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Inakbayan siya ni Zach at ginulo ang buhok niya.


“Tara na, ‘wag na kayong maglandian diyan” sabi ko at nauna na ‘kong lumabas ng room. Naglalakad ako at napatingin ako sa isang babae na may kausap na lalaki. Si Marcus ang kausap niya. Kahit nakatalikod siya, kilala ko si George.


Akala ko ba niloko na siya ng taong ‘yan? Eh bakit pa siya nakikipag-usap? Bahala siya. Naglakad ako at hinawakan ko ang wrist ni George kaya napatingin siya sakin.


“’Di ba ako hinihintay mo? Bat siya kasama mo?” tanong ko at gulat niya ‘kong tinignan. Tinignan ko lang siya ng deretso sa mga mata niya.


“Halika na” sabi ko at hinila ko siya paalis. Napangiti na lang ako habang hawak ko ang wrist niya at hindi naman siya nagrereklamo na hawak ko ang wrist niya. Huminto ako at ganon din siya. Humarap ako sa kaniya pero nakatingin ako sa malayo.


“Sa susunod, ‘wag ka ng magpapaloko sa iba, humanap ka ng tamang tao, ‘yung magtatagal hanggang sa dulo, hindi ‘yung panandalian lang” sabi ko at umalis na ‘ko. Sana makahanap ka na ng taong magseseryoso sayo, hindi katulad ni Marcus na lolokohin ka lang.


Kilala ko ang katulad niya dahil parehas lang kami. Parehas lang kaming manloloko. Kaya kung may nararamdaman ka pa rin para sakin, mas magandang lumayo ka na lang sakin. Baka mabiktima lang kita.


At ‘yun ang pinakaayaw ko sa lahat. Ayokong magawa ang bagay na ‘yun. Ayokong ako mismo ang makasakit sa kaniya. Kaya maganda na rin ang desisyon niya kung tutuusin. Dahil mas magandang lumayo na lang kami sa isa’t isa.


Saka na kami babalik kapag maayos na ang lahat. Kapag nawala na ang feelings ko para sa kaniya. Dahil kahit kelan. Hindi magiging magkaibigan ang dalawang magkaibigan kapag ang isa ay nahulog na sa kaibigan niya.


***

Paglabas ko ng room ay nakita ko si George na naghihintay na naman. Ang kulit talaga niya. Sinabihan ko na siya na ‘wag na siyang mangulit sakin. Mas mahirap na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya kapag ganiyan siya.


Wala naman ng mga students dahil maggagabi na. Hindi ba siya natatakot na totohanin kong ako ang gagawa ng paraan para lumayo siya sakin? Hindi ata eh. Wala ata siyang takot na lumayo ako.


Huminga akong malalim at naglakad lang ako sa hallway at dinaanan ko lang siya. Alam kong napatingin siya sakin pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Ayokong kausapin siya ngayon. Naglakad lang ako ng naglakad. Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may sumulpot sa harapan ko.


“Grey sorry na,” sabi niya habang nakayuko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.


“’Wag naman sana ikaw ang mawala sakin” sabi niya habang nasa harapan ko. Tinignan ko siya ng seryoso.


“Matagal na ‘kong nawala sayo, simula ng pinalayo mo ‘ko” sabi ko habang nakatitig ng seryoso sa mga mata niya.


“Ginawa ko lang naman ‘yun kasi ayokong masaktan ka---“


“Tigilan mo na ‘ko. Kasi kahit anong sabihin mo, nasaktan mo parin ako. Hindi lang dahil pinalayo mo ‘ko, dahil hindi ka naniwala sakin. Kaya tigilan mo na ‘ko. Dahil kung hindi, tototohanin ko ang mga sinabi ko sayo na ako mismo ang lalayo para sayo, at hinding hindi mo na ‘ko makikita pa” seryoso kong sabi sa kaniya.


“Grey ‘wag ka namang ganyan sakin,” sabi niya at nakita kong may tumulong luha sa mga pisngi niya. Mas magandang lumayo ka na lang sakin.


Kesa naman ako marebound mo, o ‘di kaya masaktan lang kita. Takot na ‘kong masaktan ulit. Marami akong kinakatakutan. Takot na ‘kong masaktan sayo ulit, takot na din akong makasakit ng taong malapit sakin. Kaya mas magandang lumayo ka na lang.


“Pwes lumayo ka sakin” sabi ko.


“Grey alam mong hindi ko kayang lumayo sayo ng ganon” sabi niya habang umiiyak.


“Edi ako ang lalayo sayo kung ayaw mo” sabi ko at nilagpasan ko siya.


“Grey ‘wag mo namang gawin ‘yan, Grey,” sabi niya habang umiiyak pero naglakad na lang ako.


“Grey please lang,” sabi niya kaya huminto ako sa paglalakad ko. Humarap ako sa kaniya at nagulat ako ng bigla niya ‘kong niyakap pero hindi ko siya niyakap. Hinawakan ko ang braso niya at tatanggalin ko na sana kaso hinigpitan niya ang yakap sakin.


“Grey, ‘wag kang lumayo sakin” sabi niya habang umiiyak.


“Buo na ang desisyon ko George, kaya mamili ka, ako ang lalayo o ikaw?” tanong ko at humagulgol siya sakin. Kahit ayaw ng puso ‘ko, ito na ang desisyon ko.


Ayoko ng maranasan ko ang sakit a naranasan ko dati. Ayokong maging second choice, ayokong ma-rebound, ayokong masaktan ka din.


Dahil alam ko kapag ni-re-rebound lang ako ng isang tao. At kapag ni-rebound mo ‘ko, hindi lang ako ang masasaktan pati ikaw, dahil uunahan pa kitang mang-iwan. Kaya mas maganda ‘to.


“Grey, ‘wag mo naman akong papiliin…Alam kong alam mo ang pakiramdam ng pinapapili” sabi niya habang umiiyak.


“Mamili ka na, dahil kapag hindi ikaw ang namili, ako ang mamimili sating dalawa. Irespeto mo na lang ang desisyon ko, katulad ng ginawa ko sa desisyon mo” sabi ko at mas lalo siyang umiyak.



“Grey, ano bang mali?” tanong niya. Marami George. Marami.



“Hindi kailanman magiging magkaibigan ang dalawang tao kapag may iba ng nararamdaman ang isa sa kanila. Kaya lumayo ka na, bago ako ang lumayo sating dalawa” sabi ko at tinanggal ko ang braso niya. Tinignan ko siya at pinunasan ko ang luha niya sa pisngi niya.


“Kaya ko namang suklian ‘yang nararamdaman mo ngayon ah, kaya bakit mo pa ‘ko pinapalayo?” umiiyak niyang tanong.



“Ayokong maging rebound mo” sabi ko.



“Ayokong maging second choice mo, alam kong minahal mo siya, kaya lumayo ka na lang. Magmove-on ka na” sabi ko at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ko ang panyo sa kamay niya.



“Kasi ako, nakamove-on na ‘ko. Matagal na din kasi ‘yun, two years akong naghintay sa wala, kaya pagod na ‘ko sayo, magmove-on ka na lang” sabi ko at umalis na ‘ko.


Kahit hindi pa ‘ko nakakamove on sayo, kailangan kong sabihin ‘to dahil ayoko na talaga. Sapat na talaga ang two years para sakin. Sana maintindihan mo ‘ko. Sana maintindihan mo man kung ano ang desisyon ko.


Dahil galit pa ‘ko sayo kahit papano. Naglakad lang ako hanggang makapunta ako sa parking lot. Hinanap ko ang sasakyan ko. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at agad itong pinaandar.


Sana maintindihan mo kung ano man ang naging desisyon ko. Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko hanggang sa makarating ako sa bar.


GEORGE’S P.O.V.


“Ayokong maging second choice mo, alam kong minahal mo siya, kaya lumayo ka na lang. Magmove-on ka na” sabi niya at may kinuha sa bulsa niya. Second Choice? Anong ibig niyang sabihin sa second choice? Tsaka pano ko siya mare-rebound?


Ngayong ako na ang willing sa gusto niyang mangyari, siya naman ang may ayaw. Bakit ba kulang kaming dalawa sa timing? Bakit kulang sa timing? Talaga bang ganito na ang kahahantungan nito?


Kahit magkaibigan na lang sana matatanggap ko, kahit hindi naman maging kami, basta hindi lang masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya dun ang panyo niya na kulay puti.


“Kasi ako, nakamove-on na ‘ko. Matagal na din kasi ‘yun, two years akong naghintay sa wala, kaya pagod na ‘ko sayo, magmove-on ka na lang” sabi niya at tuluyan ng umalis. Napaupo na lang ako at umiyak ako ng umiyak dahil sa mga sinabi niya.


Ganon lang ba kadaling itapon para sa kaniya ang nineteen years? Buong buhay ko, siya ang nakasama ko. Pero ngayon nag-iba na. Gusto niya na ‘kong mamili. Pano ako mamimili? Hindi ba niya alam na sobrang sakit ang mamili. Sobrang hirap mamili. Lalo na ‘kung sa kaniya.


Lalo na kung ganon ang pagpipilian. Mas masakit pa ata ‘to kesa sa sakit na naramdaman ko kay Marcus. Masakit ‘to dahil si Grey, nakasama ko ng nineteen years at nasira lang dahil sa maling tao. Kesa kay Marcus na kelan ko lang nakilala.


Buti na din at maaga pa lang nakita ko na ang ginagawa ni Marcus. Dahil baka mas masakit kapag tumagal pa. Pero mas masakit ‘to. Mas masakit iwan ng kaibigan na tumagal ng nineteen years.


“George ayos ka lang?” rinig kong tanong ni Cally kaya napatingin ako sa kaniya. Tumingala ako at tinignan ko siya habang umiiyak. Ang sakit sobra na makitang kaibigan mo na ang lumalayo.


Siguro ganito din ang nararamdaman ni Grey nung ako ang nagpapalayo sa kaniya. Ang sakit sobra pero siya nakaya niya. Pero pano ako? Pano na lang ako?


Yumuko ako at umiyak ako ng umiyak sa harapan ni Cally. Ang sakit sakit! Parang dahan-dahang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Ang sakit sobra.


“Tama na George, tama na,” sabi niya at umupo siya sa tabi ko.


“Bakit mas nasasaktan ako kapag si Grey na? Bakit mas masakit kapag kay Grey? Bakit?” tanong ko habang umiiyak. Ang sakit sakit. Sobrang sakit na tinatalikuran na ‘ko ni Grey. Ang sakit sakit. Para bang hindi ko na kaya.


“Baka kasi ngayon mo lang narealize na mas mahal mo pala talaga si Grey?” tanong niya at tinignan ko siya. Mas mahal ko si Grey? Pano? Panong mas mahal ko si Grey? ‘Yun ba talaga ang nararamdaman ko? Mas mahal ko ba talaga si Grey? Siya ba talaga?


“Anong sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya at ngumiti siya.


“Marerealize mo din ‘yan, malapit na” sabi niya habang nakangiti.


GREY’S P.O.V.


Uminom ako ng alak na nasa baso ko. Kanina pa ‘ko umiinom ng alak pero hindi pa ‘ko nalalasing. Tama naman siguro ang desisyon ko na palayuin muna siya.


Masasaktan lang kaming pareho kapag hindi ko ‘to ginawa. Mas magandang hanapin muna niya ang sarili niya at ganon din ako. Ayokong maging second choice niya lang. Ayoko din na masaktan siya.


Mas masasaktan ako kapag siya ang nasaktan ko. Kesa sa ganito. Tsaka gusto ko na ding mawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Sapat na ang dalawang taon na halos mabaliw ako. Sapat na ang dalawang taon.


Sapat na ang lahat ng ‘yun kesa naman magpakabaliw pa ‘ko. Baka hindi talaga siya ang nakalaan sakin at hindi din ako ang para sa kaniya. Hindi kami para sa isa’t isa dahil kung kami talaga, kami talaga, ang tadhana talaga ang gagawa ng paraan para dalhin ako sa kaniya.


Pero wala eh. Hindi talaga kami para sa isa’t isa. Baka kapag lumapit ako sa kaniya, mas lalo lang akong masaktan. Baka ma-rebound niya lang ako.


Baka din masaktan ko din siya. Kaya ‘wag na lang. Tama na. Maraming masasaktan kapag bumalik lang kami sa dati na parang walang nangyari.


“Dito lang pala kita mahahanap” rinig kong sabi ni Zach at umupo siya sa tabi ko.


“Sa tingin mo, san pa ba ‘ko mahahanap?” tanong ko. Uminom lang ako ulit ng alak sa baso ko.


“Kaya nga dito ako pumunta eh. Kasi alam kong nandito ka” sabi niya habang nakangiti at umorder ng alak niya. Napatingin ako sa gilid ko ng may umupo sa tabi ko.


“Lumayo ka sakin” malamig kong sabi at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong nakikita ang lalaking ‘yan na malapit sakin. Dahil sa kaniya, nangyari ang lahat ng ‘to.


Hindi ko naman nakakalimutan na matagal ko siyang naging kaibigan katulad ni George. Kaya ko din siya nilayuan dati dahil ayokong mahulog sa kaniya si George. Hindi dahil may gusto ako kay George, kundi dahil ayokong masaktan sa kaniya si George.


Ayokong sarili kong kaibigan ang mang-iiwan sa kaibigan ko at wala akong nagawa. Pero anong gawin ko, nangyari na ang ayokong mangyari. Kahit anong iwas kay George kay Marcus, wala na ‘kong nagawa.


Wala din kasi ako sa tabi niya ng mga oras na ‘yun dahil nawawalan na ‘ko ng pag-asa kay George kaya lumayo din ako para makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Which is hindi ko dapat ginawa dahil may pag-asa naman pala ‘ko sa kaniya.


“Bakit naman ako lalayo sayo? ‘Di ba hindi ka naman galit sakin?” sabi niya habang nakangiti. Oo nga sinabi ko ‘yun. Naalala ko sa hallway.


“Lumayo ka sakin, bago ako ang lumayo sayo” seryoso kong sabi at uminom ako ng alak sa baso ko.


“Hindi na bago sakin na lumayo ka, kaya gawin mo gusto mo, hindi ako katulad mo na immature mag-isip” sabi niya at seryoso ko siyang tinignan.


“Anong sabi mo?” tanong ko.


“Ganyan ka naman talaga ‘di ba? Lumalayo ka sa isang tao dahil ayaw mong makapanakit ng iba, dahil ayaw mo din na masaktan pa sila, pero hindi mo inisip na mas masasaktan ang taong iniiwan mo kapag wala ka” sabi niya at uminom ng alak.


“’Wag mo ‘kong pagsabihan” kunot noo kong sabi.


“Sinasabihan ba kita? O alam mo din ‘yan sa sarili mo?” sabi niya.


“Tumahimik ka bago maubos ang pasensiya ko sayo” sabi ko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Napangiti na lang siya at bahagyang natawa.


“Galit ka dahil sinaktan ko kaibigan mo, ‘yun ba?” tanong niya pero hindi ko siya nilingon. Buti alam niya ang dahilan. Sa lahat kasi ng pwedeng pagtripan, kaibigan ko pa. Sa lahat ng babae, si George pa. Ang dami namang iba, pero bakit siya pa.


“Galit ka din dahil mas pinili niya ‘ko kesa sayo” sabi niya.


“Manahimik ka na!” sigaw ko at tinignan ko siya ng galit. Napatingin samin ang mga taong malapit samin na nakarinig. Maingay dito pero dahil sumigaw ako, may mga nakarinig din kahit papano.


“Sa tingin mo, bakit ko siya sinaktan? Para sa wala lang? ‘Yun ba ang akala mo?” seryoso niyang tanong pero tinitigan ko lang siya.


“Kaya ko siyang seryosohin dahil…Minahal ko din siya, kayang kaya kong gawin ‘yun, pero hindi ko ginawa” sabi niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Alam naman pala niyang magseryoso pero bakit hindi parin niya sineryoso si George?


“Kaya mo pero hindi mo ginawa?” sabi ko.


“Sa tingin mo, kung sineryoso ko siya, pano ka? Pano ang kaibigan ko?” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya pero hindi siya nakatingin sakin.


“Hindi ko siya sinaktan para sa wala lang, ang bagal mo kasi,” sabi niya habang uminom ng alak.


“Anong sinasabi mo?” tanong ko at tinignan niya ‘ko habang nakangiti.


“Kung hindi ko inunahan si Ronnie sa plano niya, baka wala ka ng pag-asa ngayon, pwede ko siyang seryosohin kung gugustuhin ko lang,” sabi niya habang nakangiti at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.


“Bakit mo ba ‘to ginagawa? Dapat sineryoso mo siya simula pa lang” sabi ko.



“Hindi mo ba ‘ko naiintindihan? Hindi mo ba alam na may gusto si Ronnie kay George? Kaya inunahan ko siya dahil ang bagal mo. Hinihintay kita na unahan si Ronnie kay George pero hindi mo parin ginagawa, kaya ako na ang gumawa para sayo, sana maintindihan mo” sabi niya at tumayo.



“Ginawa ko lahat ng ‘yan, para sayo” sabi niya at naglakad palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng bar.



“Bakit mo ‘to ginagawa Marcus?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pinto.



“Bakit kailangan mo ‘tong gawin para sakin?” tanong ko sa sarili ko. Kung alam mo ang gustong gawin ni Ronnie, pero bakit hindi mo na lang sinabi sakin? Dahil ba iniwasan din kita? O may iba ka pang rason? Anong dahilan Marcus? Ano?





BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon