Chapter 27

4 5 0
                                        

It‘s Okay

            Naglakad lang ako pauwi ng bahay. Nakakainis siya. Kung ganon din naman na pala ang nararamdaman niya, edi sana, hindi na lang siya naggirlfriend dahil nakakainis siya sa totoo lang! Iinom inom siya tapos sa utak niya ilalagay? Tsss. Ilang beses ko siyang tinatanong kung may kasabay ba siya kapag umuuwi siya, palagi ko din siyang inaaalala kung okay pa siya, kung okay lang kaya siya na kasama si Bella, tapos 'yan lang ang sasabihin niya? Edi sana kasi kung ayaw niyang si Marcus ang kasama ko kapag umuuwi, kapag pumapasok, kapag naglulunch, sana hindi na lang siya naggirlfriend! Ang dami niyang problema!

Gusto ko siyang damayan, pero sa ginagawa niya! Nakakatamad siyang damayan. Nakakainis siya! Nagtatampo ako sa kaniya! Naglakad ako hanggang sa maramdaman kong nasa park ako na konti na lang ang tao. Naglakad ako papunta sa park at umupo ako sa isang bench. Gusto kong umiyak dahil narinig ko mula sa kaibigan ko ang mga salitang 'yun. Masakit marinig ang mga bagay na 'yun lalo na kung galing sa kaibigan mo, mas maganda ng marinig mo 'yun sa ibang tao dahil alam mong hindi ka nila kilala kaya nila 'yun nasasabi pero hindi eh, siya pa 'tong nagsabi sakin ng ganon na mga salita. Ang sakit kayang marinig sa kaniya 'yun.

Ang hindi ko makakalimutan na sinabi niya sakin 'yung sinabihan niya 'kong malandi daw ako. Sino bang nilandi ko? Ni si Marcus nga nagdadalawang isip pa 'ko sa kaniya dahil iniisip ko siya, dahil iniisip ko kung ano na lang ang mararamdaman niya oras na malaman niya na nagpaligaw ako o kung sagutin ko man si Marcus. Iniintindi ko siya ng hindi niya alam, inaalala ko siya ng hindi niya alam, pero siya ba?

Hindi ko alam kung anong sumalpak sa utak niya. Baka mamaya kung anon a namang pinagsasabi sa kaniya ng mga kaibigan niyang 'yun. Kaya nga dati sinasabihan ko siya na lumayo siya sa mga lokong 'yun dahil may hindi magandang dulot sa kaniya ang mga taon 'yun pero hindi naman siya nakinig sakin. Ewan ko ba sa kaniya.

Bahala siya kung 'yun yung mga kaibigan niya na gusto niyang pakinggan. Ayaw naman niyang makinig sakin eh, edi dun siya sa mga kaibigan niyang 'yun makinig. Magsama sama silang magkakaibigan.

"Bakit ka nag-iisa dito?" tanong ng pamilyar na boses galing sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at may inabot na cup ng starbucks coffee. Kinuha ko 'yun.

"Thanks" sabi ko.

"Nasaan si Grey?" tanong ni Ronnie.

"Nandun, kasama mga kaibigan niya" sabi ko. Uminom ako ng coffee na binigay niya. Tinitigan ko lang ang lalagyan ng kape ko. Hindi ko talaga inaasahan na maririnig ko 'yun mula sa kaniya kanina.

"Nag-away kayo?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Anong pinag-awayan niyo?" tanong niya.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon