Chapter 5

87 87 0
                                    




Girlfriend



“Yun ang nangyari?” tanong ni Cally sa tabi ko. Nanatili akong nakatingin kila Grey. Huminga akong malalim saka nag-iwas ng tingin sa kanila.


“Matagal na din yun” bulong ko sa sarili ko. Ang tagal na ng pangyayaring yun pero hindi ko makalimutan ang mga nangyaring yun. At sigurado para din kay Grey, mahirap kalimutan ang bagay na yun.


***


“George tara” sabi Grey na dahilan ng pagtingin ko sa kaniya. Agad niyang hinawakan ang wrist ko at hinila ako patayo.


“Sandali---“


“’Wag ng maraming tanong, basta tumayo ka na lang” putol niya sakin at tumayo na lang ako dahil sa mga sinabi niya. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang sumama na lang sa kaniya. Alam ko naman na mukhang may dinadala siya. Tahimik lang siya habang naglalakad kaming dalawa. Wala din akong balak na magtanong sa kaniya dahil baka magalit siya. Gusto kong siya na lang ang maunang mag-open ng problema niya.


Huminto siya sa likod ng school namin pero nanatili lang akong tahimik. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi siya nagsasalita. Hayaan ko muna siya, baka kailangan muna niyang mag-isip. Dahan-dahan niyang nabitawan ang wrist ko at naglakad lakad pero hindi naman malayo sakin. Pinagmasdan ko lang ang seryoso niyang mukha.


“Bakit pa siya bumalik?” tanong niya pero hindi ako sumagot. Baka kasi sarili niya ang kausap niya. Baka kasi magalit siya kapag nagsalita ako, hayaan ko na lang muna na makapag-isip siya. Baka nakalimutan na din niya na nandito ako. Maganda ng mag-isip muna siya ng sarili niya dahil baka iyon ang kailangan niya sa ngayon. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin lang ako sa malayo. Kahit ako din naman siguro, kapag bumalik ang ex ko at sinabi niyang gusto niyang makipagbalikan tapos kunwari, may mahal na akong iba, mababahala din naman ako.


“Bakit hindi ka nagsasalita? Comfort mo naman ako” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakapout siya sakin kaya napangiti ako. Mukhang kailangan na nga niya ako. Hindi na seryoso ang ngiti niya. Hindi na katulad ng kanina. Kanina, parang hindi niya gusto ng kausap. Pero ngayon, sa itsura niya, mukhang okay naman na siya.


“Gusto mo bang magkwento?” tanong ko at lumapit ako sa kaniya. Mukhang kailangan niya ng bestfriend ngayon.


***

Naglalakad ako pauwi sa bahay ng salubungin ako ni Spencer dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko sila ng kunot noo.


“Oh, anong problema mo?” tanong ko. Mag-isa kong naglalakad pauwi kasi wala akong masakyan. Sabi kasi ni Grey sakin, may pupuntahan lang siya saglit kaya hinayaan ko na lang.


“Yung bestfriend mo, umiinom na naman sa bar, puntahan mo na” sagot niya. Umiinom si Grey? Na naman? Susunduin ko na nga lang, mamaya mabangga pa yung lalaking yun sa pag-uwi.


“Samahan nga ‘ko” sabi ko.


“Sige tara,” sabi niya. Naglakad kami papunta sa kotse ni Spencer sa tapat ng bahay nila sa tabi ng bahay nila Grey. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya. Pinaandar na niya. Pagdating namin sa bar na sinabi ni Spencer, bumaba ako. Pumasok ako sa bar at nilingon lingon ko ang ulo ko para makita siya. Naglakad lang ako ng naglakad. Nakita ko siya na nakaupo sa isang table habang may kaakbayan na namang chicks. Hindi talaga siya titigil sa kakalandi? Hayss


“Oh nandito pala kayo?” tanong ng nasa likod ko kaya napalingon kami ni Spencer sa likod namin. May hawak siyang baso na babasagin. May lamang alak. Hay nako.


“Pupuntahan mo si Grey?” tanong niya.


“Oo sana, pero diyan na lang kami sa kabilang table, mapagbuntunan pa niya ‘ko ng init ng ulo niya” sabi ko. Lalo na kanina, bad mood pa naman siya kaya mas magandang hayaan ko na lang muna siya. I’m not good at comforting. Pero si Grey oo, kaya nga ang daming chicks niyan eh.


“Oo nga, mainit ulo niyan mula pa kanina, kaya nga pang-apat na chicks na ata niya yan kasi napagbubuntungan niya ng galit niya” sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Apat?


“Apat?” tanong ko. Pang-apat? Grabe talaga itong lalaking ito. Parang walang ibang ginawa kung hindi ang mambabae.


“Oo eh,”


“Kanina pa ba? Baka kasi samin niya mailabas ng galit niya” tanong ni Spencer kaya napatango tango ako. Minsan kasi, may pagkasiraulo ang lalaking ‘yan kaya hindi ‘yan magandang kausap kapag lasing. Tiyambahan lang ata kung kelan ang matinong araw na makakausap mo siya kapag lasing.

Kaya minsan, kapag sinusundo ko siya, minsan ayoko ng sunduin, o ‘di kaya, mas gusto ko na siyang itapon sa manila bay ng mahimasmasan. Joke, hindi ko magagawang gawin sa babycakes ko yun. Bestfriend ko yan. Kaya kahit napakababaero niya, hindi parin ako lumalayo sa kaniya dahil bestfriend kami.


“Oo kanina pa yan, pero…Parang napakaimposible naman na mapagbuntungan ka niya ng galit niya” sagot niya. Panong hindi imposible yun? Isang beses, nung nag-away kami na hindi kami nagpansinan ng isang linggo dati, eh napagbuntungan niya ‘ko ng galit niya. Kaya hindi ko siya pinansin. Sorry siya ng sorry pero hindi ko siya pinapansin. Isang linggo din yun. Pero matagal na yun, two years na ang nakakalipas. Wala na sakin yun. May tiwala naman ako sa kanya na hindi na niya gagawin ang ganong bagay.


“Sige, dito lang kami” sabi ko. Naglakad ako papunta sa likod lang nila Grey. Umupo si Zach sa harapan ko habang umiinom. Si Spencer nagphone lang sa tabi ko kaya nagphone na lang din ako.


“Nga pala, susi niya oh” sabi ni Zach. Inihagis niya sakin ang susi ni Grey. Nasalo ko naman. “Nalaglag niya kanina, kalasingan kasi” dugtong pa niya.


“Yung lalaking yun talaga” sabi ko.


“Kakauwi mo pa lang?” tanong ni Zach.


“Hindi pa nga ‘ko nakakauwi sa bahay dahil sinabi sakin ni Spencer na lasing daw si Grey” sabi ko. Nagugutom na tuloy ako.


“Tinawagan kasi ako ni Zach, tapos sayo ko sinabi, baka ‘pag sa papa niya, pagalitan lang siya” paliwanag ni Spencer. Oo nga, mahirap na 'pag sa papa niya. Baka hindi siya makapasok ng isang linggo kasi baka ma-grounded siya.


“Kasi walang magmamaneho sa sasakyan niya lalo na at lasing pa naman” sabi ni Zach.


“Saglit, kain muna ‘ko sa labas, nagugutom ako, balik na lang ako” sabi ko. Tumayo ako.


“Samahan mo ‘ko Spencer, tignan tignan mo yan ah, baka magwala diyan, awatin mo na lang” sabi ko at tumango si Zach. Tumayo si Spencer.



***


Pumasok akong muli sa loob ng bar. Mahigit isang oras din akong nasa kumain. Nagutom ako eh. Ganon talaga. Naglakad kaming muli ni Spencer sa bar. Hinanap ko si Grey. Nasaan na kaya ang lalaking yun? Tinignan ko ang dati niyang table kaso wala na siya. Nasaan na yun.


“Spencer nasa---“ napatigil ako sa pagsasalita ng lumingon ako sa direksiyon ni Spencer pero wala siya. Luh, nasaan na sila? Naglakad lakad ako para mahanap ko sila. Nasaan na sila? Ni si Zach din hindi ko mahanap. Napatingin ako sa gilid ko ng may humawak sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin.


“Hi miss, ang ganda mo naman” saad niya.


“Close tayo? Tsaka bitawan mo nga ‘ko! Ni hindi nga kita kilala eh!” seryoso kong sabi sa kanya. Ang kapal kapal ng mukha. Ni hindi ko nga siya kilala. Imbes na bitawan niya ‘ko, mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa braso ko.


“Bitawan mo nga ‘ko!” sigaw ko. Idadampi na sana niya ang likod ng kamay niya sa pisngi ko ng biglang may tumulak sa kanya galing sa likod ko.


“Tarantado ka ah!” sigaw niya at napatingin kami sa kanya. Lasing na ang loko.


“Ano bang problema mo?” kunot noong tanong ng lalaking hindi ko naman kilala.


“Bastusin mo na lahat ng babae dito, ‘wag lang ang kaibigan ko ah!” sigaw ni Grey at inawat ko na siya. Inawat na din siya nila Zach at Spencer.


“Bakit may problema ba dun ha? Kaibigan mo lang naman siya ah, hindi mo naman siya girlfriend o ano ah, kaya wala kang pakialam” mapang-asar na sabi ng lalaking yun.


“Eh gago ka pala eh!” sigaw ni Grey at susugurin na sana niya ang lalaki kaso hinarang ko na siya.


“Pwede ba kung sino ka mang lalaki ka, umalis ka na lang!” sigaw ko. Itinaas niya ang magkabila niya kamay na sign na ng pagsuko niya. Nakangiti siya at umalis na. Hinarap ko si Grey.


“Tara na, lasing na lasing ka na” sabi ko ng nakatingin sa mga mata niya. Bigla siyang bumagsak sa balikat ko kaya nagulat ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga niya. Amoy alak pa.


“Hatid mo na ‘ko babycakes” sabi niya at nginudngod niya ang mukha niya sa leeg ko. Hala anong ginagawa nito?


“Spencer---Buhatin niyo nga siya please, hindi ko kaya eh” sabi ko at kinuha nila si Grey. Iniakbay ni Spencer si Grey sa kanya. Naglakad kami palabas at ng makarating kami sa parking lot, binuksan ko ang sasakyan ni Grey sa passenger's seat. Pinasok nila sa loob si Grey pero bago pa siya makapasok may mga kung ano-ano pa siyang pinagsasabi.


“Alam niyo, bakit kaya hindi niya malaman na mahal na mahal ko siya? Bakit kasi napakamanhid niyang tao?” lasing niyang tanong at muntikan pa siyang matumba. Sino tinutukoy niya? Ah! Baka yung babaeng sinasabi niya nung nakaraan. Nung araw na nasa bahay niya kami. Sa pagkakaalam ko, kagabi lang yun. Hindi pa niya kasi sinasabi sakin kung sino yung babaeng gusto niya. Sigurado siya pa lang ang nakakaalam nun kung sino yung babaeng yun, sabi niya kasi, sakin niya unang sinasabi ang mga personal niyang ginagawa or personal na katulad nito.


“Napakatanga niya! Nakakainis!” sabi niya at muntikan na namang matumba kung hindi lang siya nakahawak sa braso ko at kay Zach.


“Mahal mo tapos minumura mo?” tanong ni Zach kaya natawa ako.


“Eh sa nakakainis eh!” sigaw niya. Namumula na ang pisngi niya. Para siyang kamatis dahil sa epekto ng alak. Lasing na talaga. Laglag ko kaya siya sa Manila Bay ng mahimasmasan.


“’Wag ka na kasing mangchicks, ayaw niya yun ‘di ba?” sabi ni Zach.


“Chicks! Chicks! Hindi ko naman sila gusto ah?! Titigilan ko naman yun kung sasabihin niya sakin!” sabi niya. Napangiti na lang ako. Sino kayang babae yun? Ang masasabi ko lang, malakas siya kay Grey ah. Sigurado ako na mapapatino niya ‘tong kaibigan ko.


“Eh ‘di ba kasi nga ang alam niya, nasasaktan ka pa rink ay Ynah?” tanong ni Zach kaya biglang sumeryoso ang mukha ko. Kilala ng babaeng yun kung sino si Ynah? Pano? Ang alam ko, kaming apat lang ang nakakaalam nun.


“May iba pang nakakaalam ng tungkol kay Ynah?” tanong ko kay Zach.


“Oo? Yung babaeng yun, ‘di ba nasabi niya sayo na close sila nun?” sagot niya. Oo nga. Tama. Hindi ko naalala. Pero parang hindi ko naman nakikitang may iba pang close si Grey. Sabi niya medyo kilala ko daw, eh sino yun?


“Hay pumasok ka na nga lang sa loob ng hindi ka na nagiging madaldal” sabi ni Zach at pinapasok niya si Grey sa loob.


“Magdrive ka” utos niya sakin. Hinagis niya ang susi ng sasakyan niya kay Spencer.


“Bigay mo kay RJ sabihin mo, siya na magmaneho ng sasakyan ko” sabi niya kay Spencer. Binalik niya ang tingin sakin.


“Sasabay ako sa inyo” saad niya saka pumasok sa likod ng sasakyan ni Grey. Umikot ako sa harapan at pumasok ako sa loob. Pinaandar ko ang sasakyan ni Grey. Kunot noo akong napatingin kay Grey ng maramdaman kong nakatingin siya sakin. Nandidiri ko siyang tinignan dahil nakangiti siya ng napakalapad at napakatamis. Anong problema niya. Binalik ko ang tingin ko sa kalsada.


“’Wag mo ‘kong titigan ng ganyan Grey” seryoso kong sabi. Lasing na talaga siya. Pero ngayon ko lang nakitang ganyan siya ng lasing ah? Dati seryoso siya kahit na lasing, pero iba ngayon ah, inlove nga talaga siya. Gusto kong makilala kung sino ang babaeng yun. At pano niya napatino ang lalaking ‘to. Pero sabi ni Grey kilala ko daw yun? Baka naman hindi ko alam ang pangalan niya pero kilala ko siya sa mukha.


“Ang cute mo” sabi niya at nilingon ko siya ng nagtataka.


“Grey ikaw ba yan? Baka kailangan mong dalhin sa mental?” tanong ko. Binalik ko ang tingin ko sa harapan. Dati sinasabihan niya kaya ‘ko ng pangit, tapos ngayon, wow lang.


“Ang cute mo talaga” sabi niya.


“Ewan ko sayo. Itulog mo na lang yan, lasing ka lang” sabi ko. Kung ano-anong sinasabi. Lasing na lasing talaga.


“Hmm, hindi ako lasing, nakainom lang ako” sabi niya.


“Bahala ka”


“Ang cute mo talaga” natawa si Zach. Sa buong biyahe namin, ganiyan lang siya. Pagdating namin sa bahay nila. Lumabas ako. Umikot ako saka pinagbuksan si Grey.


“Ako na George, buksan mo na lang ang gate at pinto nila” prisinta ni Zach. Dali-dali kong binuksan ang gate nila Grey. Pumasok ako sa loob at binuksan ko ang pinto ng bahay nila. Hindi nakasara? Nasaan ba lola niya? Baka tulog na? Sa laki kasi ng bahay nila, eh siya lang at lola niya kasama ang napakaraming katulong nila ang nandito lang sa bahay nila. Minsan lang umuwi ang papa niya dito tapos kadalasan pa, nag-aaway silang dalawa. Pumasok ako sa loob ng bahay saka swi-ni-tch ang ilaw. Pumasok si Zach saka ibinagsak si Grey sa sofa. Inayos ko ang binti niya na nakalaylay sa baba ng sofa.


“Oh, hija, lasing na naman ba?” tanong ng nasa likod ko kaya gulat akong napalingon. Lola niya. Grabe ah, ganyan talaga matulog ang lola niya? Mukhang may pupuntahan pa ah. Dalawa lang naman sila dito ni tita sa bahay. Bahay kasi ‘to ni tita, yung bahay dati nila Grey kasama ng papa niya, sa kabilang village pa, medyo malayo dito pero nung mga bata pa kami, kahit malayo, nagkikita parin kami kasi nga naglalaro kami, pero simula ng kinuha na siya ni tita, minsan na lang silang nagkikita ng papa niya.


Dinadalaw siya dito ng papa niya pero sa tuwing dinadalaw siya dito eh, nag-aaway lang silang mag-ama. Kahit bata pa siya. Dati nga, palaging nasa bahay lang yan siya nung mga bata pa kami kasi nga ako pa lang ang kilala niya dito, kaso nung pinilit ko siyang lumabas, nakilala na niya sila Spencer at Zach, pati na sila Cally at Bella, ‘yung dalawang yun, palaging nag-aaway yun, kahit ngayon.


“Ah opo eh,” sagot ko.


“Ah, oh sige ako ng bahala diyan at baka hinahanap ka na sa inyo, you should go, it's late now” sabi niya.


“Sige po” tumalikod ako at hahakbang palang ako ay biglang may humawak sa wrist ko. Napatingin ako sa kanya.


“’Wag mo ‘kong iwan” nakapout niyang sabi habang nagpu-puppy eyes. Haish naman Grey.


“Pero---“


“Sige na……” Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Pano ko ba 'to gagawin?


“You should stay hija. He’d never stop insisting you to stay until you will” sabi niya. Oo nga, gano si Grey.


“Sige po” sabi ko.


“Pwede po bang magpalipas na din ako dito dahil wala po yung sasakyan ko” sabi ni Zach. Nalipat ang tingin namin ni Tita kay Zach.


“Sige, kung may kailangan kayo, ‘wag kayong mahihiya, ask me, okay?” tanong niya saka tumango kami ni Zach.


“Sige, maiwan ko na kayo, kailangan ko na ng beauty rest” sabi niya at umalis. Umupo ako sa paanan ni Grey. Nasa likod ko ang paa niya at napatingin ako sa kanya ng ilagay niya ang dalawang paa niya sa hita ko. Nakangiti lang siya at niyakap niya ang unan niya saka tumagilid paharap sa table. Ang daming unan sa ulunan niya.


“George, kuha lang ako ng kumot ng lalaking yan sa taas” paalam ni Zach. Tumango ako.


“Kunan mo na din ako” sabi ko. Naglakad siya paakyat sa taas. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jacket ko.


Do you remember when I said I'd always be there
Ever since we were ten baby


Napatingin ako sa kanya ng kumanta siya. May naisip ako. I-re-record ko siya. Tapos gagawin kong ringtone. Aasarin ko siya bukas. Pinahirapan niya ‘ko eh. Nilapag ko sa tapat niya ang phone ko. Nakapikit naman siya kaya hindi niya alam.


“Anong ginagawa mo?” tanong ni Zach. Napatingin ako sa kanya.


“Shhh, ‘wag kang maingay” sabi ko. Inabot niya sakin ang isang mug na may kape at kinuha ko. Binigyan niya ko ng isang kumot. Siya na nagkumot kay Grey. Umupo siya sa kabilang sofa na isahan lang. Nilapag niya din ang limang wafer at dalawang malalaking plastic ng chips sa table. Kinuha ko ang isang wafer. Tinignan ko si Grey.


“Bat ‘di na siya kumakanta?” mahina kong tanong.


“Baka ayaw na niya? Kasi narinig ka niya?” sabi ni Zach. Nu bayan, saying pagtitripan ko pa naman sana siya. Hindi naman masama ang boses niya kaso yung pagkakanta niya, halatang lasing na.


“Gagawin ko pa naman sanang ringtone ko” sabi ko at natawa si Zach.


“Sira ka talaga” natatawa niyang saad. Kukunin ko na sana ang phone ko kaso kumanta siya ulit.


Do you remember when I said I'd always be there
Ever since we were ten baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then

Now I realize you are the only one
It's never too late to show it
Grow old together, have feelings we had before
Back when we were so innocent

I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend

Through all the dudes that came by
And all the nights that you'd cry
Girl, I was there right by your side
How can I tell you I loved you
When you were so happy
With some other guy

Now I realize you are the only one
It's never too late to show it
Grow old together, have feelings we had before
Back when we were so innocent

I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend

I know it sounds crazy
That you'd be my baby
Girl, you mean that much to me
And nothing compares when
We're lighter than air and
We don't wanna come back down
And I don't wanna ruin what we have
Love is so unpredictable
But it's the risk that I'm taking, hoping, praying
You'd fall inlove with your bestfriend

I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend

I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell inlove with my bestfriend

Do you remember when I said I'd always be there
Ever since we were ten baby

Napangiti na lang ako sa pagkanta niya. Pero bakit kaya yan ang nakanta niya? Ang ibig sabihin kaya ng kantang yan eh yung na-inlove siya sa bestfriend niya tapos hindi niya masabi. Magkababata sila, tapos hindi masabi sabi ng lalaki dun sa bestfriend niya na may gusto siya sa kanya, tapos minsan may mga times na umiiyak si Girl dahil sa ibang lalaki, tapos yung bestfriend niya na hindi niya alam na may gusto sa kanya eh nandiyan lang palagi para sa kanya.


Bakit kaya yan ang kanta niya? Baka naman kababata niya yung babaeng sinasabi niyang gusto niya? Pero wala namang nababanggit si Grey na may iba pa siyang kababata ah? Bukod saming apat. Ewan. Ang labo. Ang tanging makakasagot lang sa mga tanong ko eh ang lalaking yan. Hindi kasi niya sinasabi sakin kung sino yung babaeng yun.


“Gagawin ko ‘tong ringtone ko” sabi ko at kinuha ko ang phone ko. Ano kayang magandang pamagat ang ilalagay ko? Ahmmm, Bestfriend? Ang pangit. Alam ko na! 'Bestfriend version by lasing na babycakes' type ko sa phone ko.


Hihihihi ang ganda. Kumain ako ng wafer. Agad akong napatingin kay Grey ng bigla siyang nalaglag sa sofa. Tumayo ako at natawa ako. Sayang vinideo ko sana yun. Binalik ni Zach si Grey sa sofa at natawa ako. Umupo ako ulit sa paanan ni Grey. Inayos ko ang kumot niya dahil nagulo. Bumalik si Zach sa pinagkakaupuanan niya. Natawa lang ako.


“Sana vinideo mo,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya.


“Sayang nga eh” natatawa kong sabi. Nilagay na naman niya ang dalawa niyang paa sa hita ko. Picturan ko nga siya. Lumapit ako sa kanya saka pinicturan siya. Inayos ko ang mga kamay niya ng nakapeace sign. Inayos ko ang mukha niya ng nakalabas ang ngipin habang nakangiti pero nakapikit. Pinicturan ko siya. Nagulat ako ng biglang hinila ni Grey ang braso ko kaya napalapit ang mukha ko sa kanya.


“Sige, mahalikan mo yan” sabi ni Zach habang natatawa. Umalis ako sa kanya. Umupo na lang ako ng maayos. Nagulat ako dun ah.


“Tara akyat na natin yan sa kwarto niya” sabi niya at tumango ako. Tumayo ako pati siya. Iniakbay ni Zach si Grey sa kanya. Inalalayan ko sila sa paglalakad. Umakyat kami sa hagdan at dahan-dahan naming inakyat si Grey. Baka kasi malaglag sila sa hagdan. Pero pwede na rin para mahimasmaan si Grey.


Nang maka-akyat kami, binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Grey. Pumasok ako pati si Zach. Binagsak ni Zach si Grey sa malaki niyang kama. Inayos ko ang posisyon niya sa pagkakahiga. Inangat ko ang ulo niya saka nilagay ang dalawang unan. Binitawan ko ang ulo niya saka kinumutan ko siya. Tumayo ako ng matuwid. Tinitigan ko siya habang natutulog at yakap yakap ang isang puting unan. Iniwan ko sa table niya ang susi ng sasakyan niya.


“Napakamaalaga mo naman sa kaibigan” sabi ni Zach. Nailipat ang tingin ko sa kanya.


“Siyempre kaibigan ko yan no” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng makahulugan.


“Tumigil ka sa iniisip mo Zach, may ibang babaeng gusto yan tara na” sabi ko. Naglakad ako palabas. Kung ano-ano kasing iniisip ng lalaking yun. Tsaka napakaimposibleng manyari nun. Nangako kami sa isa't isa na hanggang kaibigan lang kami na dun lang, hindi na lalagpas pa.


“Tulog na ‘ko” sabi ko sa kanya at pumasok ako sa katabing kwarto para sa guests. Tumango siya at sinarado ko ang pinto. Hindi naman magagalit si tita. Tsaka okay lang naman kila mama basta hiwalay kami ng kwarto nila Grey. Tsaka hindi na ‘ko makalabas, may curfew na.



***



Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napansin kong maliwanag na ang buong paligid. Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong nasa ibaba ako ng kama. Haish! Sandali nga, bakit parang may mabigat sa tiyan ko? Napatingin ako sa tabi ko at nanlaki ang mga mata kong nakita ko si Grey na natutulog parin habang yakap niya ‘ko.


“Hayop kang lalaki ka!” sigaw ko dahilan para magising siya. Bumangon ako at bumangon siya at ginulo niya ang buhok ko.


“Bakit ba ang ingay ingay mo?” tanong niya saka tinanggal ang mga nasa sulok ng mata niya. Nagtatanong pa siya. Eh halatang-halata naman na ang nakikita niya eh.


“Bakit ka nandito?” tanong ko. Napatingin siya sa paligid niya at tumayo.


“Baka nagsleep walking ako kagabi” sabi niya at lumabas ng kwarto. Okay? Nag-i-sleep walking ba siya? Parang ngayon ko lang nalaman na may sleep walking siya ah? Pano siya nagkasleep walking? Tumayo ako at lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan. Nakita ko si Grey na kausap si Zach. Napatingin sila sakin.


“Grey, uwi na ‘ko” paalam ko sa kanya at tumango siya.


“Hintayin mo ‘ko sa labas ng bahay niyo, sabay tayo” sabi niya at tumango ako. Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa bahay. Hindi ko maalis sa isip ko kung ano talagang nangyari kagabi. Kung nag-sleep walking ba talaga siya o ano. Baka naman aksidente lang? Pero bakit ganon? After that happened, we were pretending that nothing happened. Last year, ganon din, I slept with him, just because I’m drunk dahil sa bwisit na boyfriend ko dati na pinagpalit ako sa mas maganda daw sakin na chicks!


But after it happened, we just act like nothing happen. And we both continue what we are. Nakakailang lang na mangyari ang ganong bagay sa totoo lang. Para sa isang kaibigan na makasama mong matulog pero wala naman talagang kayo. Tsaka may tiwala naman ako kay Grey na wala siyang ibang ginawa.


Pagdating ko sa bahay, pumasok ako sa loob. Wala ng sabi-sabi ay umakyat ako kagad saka naligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis, umupo ako sa gilid ng kama ko. Hindi maalis sa isipan ko ang ganong bagay. Ang awkward lang kasi. Napatingin ako sa baba ng kama ko at kinuha ko ang sapatos ko saka isinuot yun. Huminga akong malalim saka lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako at dire-diretso lang ako sa paglalakad.


“Oh George, hindi ka ba mag-aalmusal?” tanong ni Matt. Hindi ako huminto sa paglalakad.


“Ah hindi na, papasok na ‘ko eh” sabi ko saka lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate, nakita ko si Grey na naghihintay. Napatingin din siya sakin.


“Sa nangyari kanina---“


“Okay lang” putol ko sa sinasabi niya.


"Hindi mo naman sinasadya, tsaka wala namang nangyari ‘di ba? May tiwala naman ako sayo, tara na?" sabi ko habang nakangiti at unti-unti siyang napangiti. Tumango siya at umikot ako. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Pumasok siya sa loob at tahimik lang kami habang nasa biyahe. Hanggang sa biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko siya ng nagpipigil ng tawa ko. Yung ringtone ko kasi, yung kumakanta siya kagabi.  Nakakunot lang ang noo niya saka ako tinignan saglit.


“San mo nakuha ‘yang ringtone mo?” tanong niya at hininto niya ang sasakyan niya. Nginitian niya ‘ko at nilayo ko ang phone ko sa kanya.


“Burahin mo yan” utos niya.


“Yoko nga! Ang galing mo kayang kumanta, sigurado, viral ‘to kapag pinose ko” nakangiti kong sabi.


“Aba, mukhang i-pam-bo-block mail mo pa ata yan sakin ah!” sabi niya at natawa ako. Tinanggal ko ang seat belt ko.


“Hindi kaya, ano ko lang ‘to, remembrance ko!” natatawa kong sabi.


“Ang daya mo, i-delete mo yan!” sabi niya at nagmamadali akong binuksan ang pinto ng sasakyan niya.


“Ayoko!” sabi ko. Kukunin niya sana ang phone ko pero nilayo ko yun. Nakaharap ako sa kanya kaya patalikod kong binuksan ang pinto ng sasakyan. Bakit hindi ko mabuksan?! Nasaan na ba yun?! Lumapit siya sakin at inaagaw niya sakin ang phone ko. Ayun! Nahanap ko na! Binuksan ko ang pinto. Hindi ko naman inaasahan pero bigla akong natumba sa baba sa labas ng sasakyan ni Grey at napaibabaw siya sakin dahil dahil kinukuha niya ang phone ko. Kung hindi niya naikalso ang dalawa niyang kama sa magkabilang gilid ng ulo ko. Natulala lang ako sa kanya.


“Oh. What are you doing?” tanong ng nakatayo sa tapat ng ulo ko kaya parehas kaming nag-angat ng tingin ni Grey. Si Ynah. Halata ang pagkadismaya niya sa mga nakita niya.


“Ah, wala, wala.” sabi ko at bumangon si Grey pati ako. ‘Tong lalaking ‘to kasi. Ang daming kalokohan. Pinatay ko agad ang phone ko sa pagring. Pinagpagan ko ang damit at jeans ko.


“So Grey, pupunta ka ba?” tanong niya. Tinignan ko siya na nakangiti ng napakapait.


“Of coarse” sagot ni Grey. Napatingin ako kay Grey na nakatingin kay Ynah. Nakangiti lang siya.


“Ahm, mag-isa mo lang ba?” tanong niya.


“No, I'm with my friends” sagot ni Grey. Ayoko sanang sumama kaso hindi ko kayang magalit sakin ang kaibigan ko.


“Ah okay, with her?" tanong ni Ynah na nailipat ang tingin sakin. Tinignan nila ‘kong dalawa.


“No, she’s not my friend” sabi niya habang nakangiti at muling ibinalik ang tingin kay Ynah. Ah ganon pala?! After all this years? Hindi niya 'ko kaibigan?! Tinignan ko siya ng masama kaso hindi niya 'ko nakikita. Aalis na lang ako. Hindi naman pala niya 'ko kaibigan eh! Maglalakad na sana ako paalis pero biglang hinawakan ni Grey ang braso ko. Napatingin ako sa kanya ng nilapit niya 'ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama.


“But, I thought you were bestfriends? So she better join” sabi ni Ynah. Napatingin ako sa kamay ni Grey na nasa braso ko. Tatanggalin ko sana ng isa ko pang kamay ang kamay niya kaso tinapik niya ng malakas ang kamay ko.


“Aray” bulong ko sa kanya. Nakakainis naman ‘tong lalaking ‘to! Hindi daw niya ‘ko kaibigan. Hindi din siya nakakainis eh. Pagkatapos nito, magtatampo ako sa kanya. I-deny ba naman akong kaibigan niya? Wow.


“In the past yes, but now, she's my girlfriend and she's going to join us,” sabi niya kaya napanganga ako sa mga sinabi niya. What the….Girlfriend daw? My gosh Grey! Tinignan ko siya ng gulat at unti-unti kong tinikom ang bibig ko. Anong girlfriend ang sinasabi nito?


“Anong girlfriend ang sinasabi mo?” bulong ko sa kanya.


“Just pretend. Okay?” bulong niya. Huminga akong malalim.


“Hindi mo sinabi may bago ka na pala?” sabi ni Ynah. Napatingin ako sa kanya dahil biglang kumulimlim ang mukha niya.


“Do I need to inform you?” mapang-asar na tanong ni Grey. Haish ginamit pa talaga 'ko para lang maipakita niya na naka-move-on siya. Well halatang hindi pa. Dahil uminom pa siya kagabi. At siguradong may round two pa ang pag-inom niya mamayang gabi.


“Oh. Okay, I'm sorry for that” sabi ni Ynah.


“No, I don’t need any sorry from you” sabi ni Grey. Napakarahas talaga niyang magsalita sa iba. Oo galit din ako kay Ynah dahil sa ginawa niya kay Grey. Kasi nung sila pa, halos hindi ko na nakakausap ng matino 'tong lalaking 'to. Kahit nga makita, hindi ko na nagagawa. Tapos isang araw, nagpasama siya sakin para daw puntahan si Ynah sa bahay nila. Dahil may sasabihin siya. Napakadaldal pa kaya niya nun sa daan kaso ako walang imik kasi ang tagal na naming hindi nagkakasama.


Gusto kong magtampo nung mga oras na yun pero hindi ko nagawa dahil sa nakita niya sa bahay nila Ynah. Tapos nung one time na hinanap ko siya sa bar, minsan na nga lang kaming magkakasama, at magkikita, pinagbuntunan pa niya 'ko ng galit niya kay Ynah. Kaya hindi ko siya pinansin ng isang linggo kahit na nagsosorry siya. Natauhan lang ako na pansinin siya kasi nga, wala siyang karamay nung mga time na yun.


Kasi nakita ko kung gano kagulo ang buhay niya. Ako na nga lang yung kaibigan niya tapos iiwan ko pa siya? Hindi naman na ata makatarungan ang gagawin kong yun sa kanya. Pero parang hindi naman tama na sungitan niya ng ganyan si Ynah dito sa harap ng medyo maraming students.


“I have to go” sabi niya at saka naglakad palayo. Tinignan ko ng masama si Grey. Napatingin siya sakin at nagpeace sign.


“Anong girlfriend ang sinasabi mo ha?” mataray kong tanong.


“Eh kailangan kong gawin yun” paliwanag niya.


“Eh bakit sa dami-dami ng babaeng pwedeng pagpanggapin, ako pa?” tanong ko.


“Siyempre ikaw na yung nakita niyang kasama ko ng ganon kanina, tsaka patas lang naman na tayo. ‘Wag mong burahin ang kanta ko, then magpanggap kang girlfriend ko, see, it’s easy” sabi niya habang nakangiti.


“Easy sayo kasi mukha kang chicks” sabi ko. Madali lang sa kanya kasi marami siyang babae!


“Bakit chicks ka ba?”


“Nakakasakit ka ah!”


“Oh hindi ka naman talaga chicks, girlfriend kita”


“Mukha mo!” nagcross-arms ako.


“Iba ang chicks sa girlfriend” paliwanag niya.


“Hay ewan ko sayo”


“What’s happening?” tanong ni Ynah sa ‘di kalayuan. Napatingin si Grey sa kanya. Ngumiti si Grey.


“Nothing” nakangiting sagot ni Grey at inakbayan niya ‘ko. Inilapit niya ‘ko sa kanya. Nothing, nothing?


“My girl is just being paranoid, she’s jealousing kaya nilalambing ko lang siya” dagdag ni Grey at bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran niya.


“Masakit yang ginagawa mo” bulong niya sakin habang nakangiting nakatingin kay Ynah.


“So?” tanong ko at kinurot ko ulit siya sa tagiliran.


“Isa pa George, hahalikan kita sa harapan niya” bulong niya.


“Sabi ko nga, titigil na ‘ko” sabi ko.


“Oh I see, I better go, for the two of you” sabi niya saka tuluyan ng umalis hanggang sa mawala na siya sa paningin namin. Humarap ako kay Grey at sinipa ko ang binti niya.


“Aray! Bakit mo yun ginawa?!” sigaw niya sakin.


“Nakakainis ka! Hindi ka patas! Ako, nirecord lang kita tapos ako, tapos ako, pinagkunwari mo pa ‘kong girlfriend mo?! Haish! Hindi ako sasama sa linggo!” galit kong sabi at naglakad palayo.


Happy Halloween!!!!
#allsoulsday

🤣

Malapit na pasko hehehe


#musicians

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon