Chapter 11

59 60 0
                                        

=====Chapter 11=====

Start of lying

            Halos isang araw din kaming hindi nagpansinan ni Grey. Hindi ko muna siya pinansin. Alam kong naguguluhan siya. Naglakad ako palabas ng kwarto ko sa room namin ni Grey. Nakita ko siya na napahinto sa paglalakad at saglit akong tinignan. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Naglakad ako palayo. Palabas na sana ako ng room namin kaso natigilan ako ng magsalita siya.

“George ano bang problema?” tanong niya at naibaba ko ang kamay ko na hahawakan ko sana ang door knob.

“Sabihin mo nga George, bakit ‘di mo ‘ko pinapansin?” tanong niya saka naglakad papunta sa kanan kong gilid.

“Wala” sabi ko.

“Anong wala? Eh bakit ‘di mo ‘ko pinapansin? Siguro naman hindi big deal sayo ang mga nakita mo ‘di ba? Magkaibigan lang naman tayo,” sabi niya at parang kumirot ng kaunti ang puso ko sa mga sinabi niya.  Humingang malalim. Tinignan ko siya na seryosong nakatingin sakin.

“Bakit naman magiging big deal sakin yun?” seryoso kong tanong.

“Umamin ka nga George, may gusto ka ba sakin?” tanong niya at saglit akong natigilan sa pagsasalita.

“Bakit naman ako magkakagusto sayo? Magkaibigan lang tayo 'di ba? Tsaka ginagawa ko 'to kasi nga baka mahalata nila na wala talagang tayo. Ang awkward naman kung hindi magagalit ang girlfriend mo na makita ang ganon sa harapan niya?” tanong ko. Sana naman maniwala siya kahit na hindi totoo ang mga sinabi ko.

“Eh bakit ‘di mo ‘ko pinapansin kahit dito?” tanong niya.

“Ikaw kayang hindi namamansin” palusot ko sa kanya.

“Huh?” nagtataka niyang tanong.

“Wala ikain mo na lang ‘yan, nagugutom na ‘ko” sabi ko saka lumabas ng room. Kinagat ko ang labi ko saka naglakad sa hallway. Huminga akong malalim at naglakad ako ng deretsiyo. Napatingin ako sa gilid ko ng makita ko si Ronnie na sumabay sakin sa paglalakad.

“Nagkaayos na ba kayong dalawa?” tanong niya.

“Hindi pa” sagot ko. Kahit na kunwari lang naman ang lahat ng samin. Para bang 30% na gusto kong magstay sa ganito, may 30% din na parang gusto ko munang lumayo, may 30% naman na ayoko siyang mawala sakin bilang kaibigan na ayokong mabago ang lahat, gusto ko kung ano kami dati, ganon parin kami pagbalik namin sa manila, at may 10% para sa sarili ko. Sana pala hindi na lang talaga naisipan nila James na magpunta dito at yayain si Grey. 'Yan tuloy, naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sakin. Hindi ko na alam! Ni hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko eh.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon