Friendship
GEORGE'S P.O.V.
Pagpasok ko ng room, napatingin ako kagad kay Iuri na nasa likod ng pinto at nagbabasa ng libro niya. Nakaupo siya sa sahig at nakaheadset at naka salamin ng rounded.
Araw-araw ko na lang nakikita yan si Iuri na ganyan. Haaayyyssss, hindi kaya siya naboboring sa ginagawa niya? Tsss Nasaan na nga pala yung bestfruunnn ko na nang-iwan sakin kagabi dahil sa chicks?! Bwiset yun. Makita ko lang yun, ibibitin ko talaga yun.
"Uy chicks," bulong ng nasa likod ko kaya napatingin ako sa kanya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan ko siya. Chicks niya mukha niya. Tsaka sa itsura kong 'to? mukha pa ba 'kong chicks? Naka pantalon na feeted at may trasher sa tuhod lang. Naka shirt ng maluwag na kulay itim at naka-cap ng patalikod. Maraming bracelets at marami din akong hikaw sa tenga. Naka rubber shoes at nakabag ng kulay itim. May chewing gum din ako at tsaka lalaki kaya ko kung kumilos, kaya pano ako naging chicks?
"Chicks mo mukha mo Grey" masungit kong sabi at tinitigan niya lang ako habang nakangiti. "Ikaw naman babycakes, bakit kasi ganyan ka? Kaya ka hindi nagkakaboyfriend eh, kasi ganyan ka," sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. Babycakes? Bago na naman? Tsss -_- Ang dami niyang tawag sakin. Dati, bestfruunnn, ngayon babycakes? Sandali, bakit parang palaswa?
"Babycakes?" curious kong tanong. "Endearment ko sa bestfruunnn ko," nakangiti niyang sagot.
"Mukha mo," masungit kong sabi at pumunta na lang ako sa upuan ko at umupo ako. Nilagay ko sa lap ko ang bag ko na halos limang notebook, isang libro, isang payong, susi ng motor ko, phone, charger ng phone, ballpen, at isang spring na sketchnotebook na galing sa BABYCAKES ko. Ang laswa pakinggan.
"Bakit ang sungit mo?" tanong niya at umupo siya sa upuan sa kaliwang side ko. Kinuha ko ang libro ko sa bag at ballpen. Isang subject lang pala ang meron kami ngayong umaga, mamayang hapon, lima? Oo nga. Tama. Binuklat ko ang libro ko at nagreview na ko para sa exam namin bukas. Mas mahirap ang mga exams namin ngayon, kumpara nung highschool kami. College na kami at sobrang dami naming ginagawa.
"Meron ka no?" tanong niya sa tabi ko at napatingin ako sa kanya ng sobrang sama. Gago to ah?
"Bakit bibigyan mo ba 'ko ng napkin kung meron?" nakataas ang kilay kong tanong. "Bakit hindi?" nakangiti niyang sagot. Tsss.
"Tsss, ninakaw mo lang yan sa chicks mo na nakasama mo kagabi sa bar," sabi ko kaya naman natawa siya. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya.
"So kaya pala mainit ang ulo mo sakin ngayon? Kasi napaasa kita kagabi sa bar, dahil nagpahintay ako at hindi na 'ko bumalik?" natatawa niyang sabi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagdabog ako sa kanya. Galit kong sinalpak ang headset ko at nagheadset ako para 'di ko siya marinig. Alam naman pala niya. Tsss
"Bestfruunnn, sweetcheecks, berrypie, BABYCAKES, 'wag ka ng magalit, alam mo naman na ikaw lang ang bestfruunnn, sweetcheecks, berrypie, BABYCAKES ko kaya 'wag ka ng magalit, sorry na, hindi na kita iiwan, promise, naiwan lang naman kita kasi---"
"May chicks kang kasama?" sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama at inirapan ko siya ulit.
"BABYCAKES, sige na sorry na, magtetext na lang ako sayo kapag may kasama ako, kaya sige na, babycakes" sabi niya pero hinayaan ko lang siya at nagbasa lang ako. Bala siya -_-
"Aba, aba, L.Q. ang magbest---"
"BABYCAKES" putol ni Grey sa sinasabi ni Spencer. "Bago na naman? Ang dami niyong tawagan ah?"
"Babycakes, sorry na, sorry na, sorry na, sorry na, sorry na" nakapout na sabi ni Grey.
"Alam ko pinagmulan niyan," singit ni Zach
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...