Chapter 56

6 2 0
                                    



The Past


Hawak-hawak ko ang tray ko papunta sa table ko. Wala akong kasama ngayon dahil busy sila Cally. Marami silang ginagawa dahil SSG officer siya. May inaayos sila for the programme.


Ewan ko kung anong programme ‘yun. Wala din naman akong balak na pumunta dahil wala akong kasama. Busy si Cally eh, si Grey? Hindi naman ‘yun sasama sakin. Kaya hindi na lang ako pupunta.


Matutulog na lang ako magdamag sa bahay. Manonood na lang ako ng manonood ng TV at kakain mag-isa. Dati kapag ganon na walang magawa, si Grey ang kasama ko. Pero wala na ngayon.


Hindi ko na siya makakasama. Kaya sa bahay na lang ako. Magsosolo na lang ako sa bahay. Lumingon lingon ako sa paligid ko pero wala na ‘kong makitang space.


Hala? San ako nito? Biglang may humawak sa wrist ko kaya napatingin ako sa kaniya sa gilid ko lang. Ngumiti lang siya.


“Dito ka na umupo, may space pa naman dito” nakangiting sabi ni Zach. Napangiti lang ako at nakita ko si Grey na nasa tapat ni Grey. Tahimik lang siyang kumakain habang nakaheadset. Hindi ata niya ‘ko napapansin.


“Sige” sabi ko at umupo ako sa tabi ni Zach. Nilagay ko ang tray ko sa table namin. Binagsak ni Grey ang kutsara niya sa table at ang tinidor niya saka inis na tumayo.


“Oh, san ka pupunta?” tanong ni Zach.


“I just lost my appetite” sabi ni Grey at umalis na. Nawalan siya ng gana dahil sakin? Tinignan ko lang siya habang naglalakad paalis.


“Hayaan mo na lang muna siya, intindihin mo na lang kung ganyan siya, nasaktan din kasi siya sa nangyayari” sabi ni Zach at napatingin ako sa kaniya.


“Naiintindihan ko naman siya, handa din naman akong maghintay kung kelan niya na gusto akong kausapin, kahit kaibigan lang, ayos na sakin, kahit hindi na katulad ng dati, okay na sakin” sabi ko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.



“Baka matagalan ‘yang gusto mo ah?” tanong niya habang kumakain. Ngumiti na lang ako.



“Kahit matagal, ayos lang. Kaya kong maghintay” sabi ko habang nakangiti at nagsimula ng kumain.



“Hindi ka din naman niyan matitiis, kaibigan ka niya, kaya hindi ka niyan matitiis” sabi niya at kumain na lang ako ng kumain. Sana nga. Okay lang naman sakin kung may mahihintay ako, okay lang din kung wala.



Matatanggap ko kung ano man ang magiging desisyon niya. Matatanggap ko kung ano ang gusto niyang gawin. Irerespeto ko kung ano man ang maging desisyon niya.


Kung gusto niyang lumayo na talaga, okay lang, tatanggapin ko kahit mahirap dahil kung siya nga tinanggap ang desisyon ko, tapos ako hindi? Unfair naman ang ganon. Unfair para sa kaniya kaya okay lang sakin kung anong desisyon niya.


Kasi ako dapat, hindi ko nilihis ang desisyon ko. Dahil dapat kung ano man ang desisiyon ko sa una, yuon na hanggang huli. Kaya may mali din ako. Sana katulad ako ni Grey, sana kahit papano lumihis din ang desisyon niya. Sana matanggap pa rin niya ‘ko.


“Maiba ako, tuloy parin bas a pagbibigay ‘yung secret admirer mo?” tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.


“Hindi na” agad kong sagot. Nakapagtataka lang kung bakit tumigil ang taong ‘yun. Hindi ko pa nga siya nakikilala eh.


“Nakapagtataka lang dahil simula ng hindi na kami nag-uusap ni Grey, nawala na din siya, tsaka tumigil na siya nung sinabi kong----“ napatigil ako sa pagsasalita ng marealize ko na si Grey ang taong ‘yun. Tumingin siya sakin at ngumiti.


“Siguro naman alam mo na kung bakit ako nakangiti.” Sabi niya at nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ibig sabihin si Grey ‘yun? Kaya ba hindi niya kayang magpakilala sakin? Kaya ba kilala niya ang taong ‘yun? Kaya ba hindi niya pinigil ang taong ‘yun kung sino man ang nagbibigay sakin ng mga roses at chocolates dahil siya ‘yun? Grey, ikaw ba ‘yun?


“Si Grey…”


“Mmmmh, tama ka, siya ‘yun” sabi niya habang nakangiti.


“Hindi niya kasi masabi sabi sayo dati kaya ito, ako na nagsabi para sa kaniya” sabi niya habang nakangiti.


“Kaya pala hindi niya masabi sakin, at sabi niya, kilala niya ang taong ‘yun” sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin sakin at huminga siyang malalim.


“Naiintindihan ko kung bakit ‘di niya masabi,” seryoso kong sabi.


“Alam mo ba na alam na niyang may namamagitan na sa inyong dalawa ni Marcus, pero hinayaan niya lang dahil akala niya, hindi mo siya sasagutin. May tiwala siya sayo ng mga oras na ‘yun, may tiwala siya na hindi mo sasagutin si Marcus” sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam na alam pala niya na may namamagitan na samin ni Marcus nung mga araw na wala siya.


“Kaso mali siya, simula ng makita niya na hinalikan ka ni Marcus, alam na niya na hindi lang kayo magkaibigan, medyo nasaktan siya ng mga araw na ‘yun dahil umasa talaga siya na hindi mo siya sasagutin katulad ng sinabi mo kay Grey, pero hindi pala. Nagalit pa nga siya sayo dahil meron ng kayo ng hindi mo man lang sinasabi sa kaniya, ‘yun ‘yung nag-away kayo dahil kay Marcus, ‘yun ‘yung time na mas pinili mo si Marcus ng unang beses kesa kay Grey” sabi niya at napayuko ako. Kapag naaalala kong mas pinili ko si Marcus over Grey, para bang nagsisisi ako. Pero sa kabilang banda, tanggap ko na din. Baka siguro kasi may sariling dahilan ang Diyos kaya niya ‘to ginawa. At alam kong makakabuti samin ang ginagawa niya.

Sana kahit ano mang mangyari, handa akong tanggapin ang lahat ng ‘yun. Handa akong hayaang lumayo sakin si Grey kung ‘yun man ang mangyayari. Pero kung hindi, okay lang din, kung magiging katulad kami ng dati, okay lang. Alam ko naman na wala ng chance pa para maging kami. Nakamove-on na siya, ako on going pa lang.


“Two years na siyang may gusto sayo, nagsimula ang lahat nung maghiwalay sila ni Ynah. Nag-away kayo ng time na ‘yun, dahil nawalan ng oras sayo si Grey, tapos lumalapit lang siya sayo kapag nasasaktan siya, tapos nasumbatan ka pa niya ng gabing maghiwalay sila ni Ynah” sabi niya.


“Naalala ko ‘yun, dahil hindi ko siya pinansin nun ng isang linggo dahil sa ginawa niya” sabi ko.



*FLASHBACK* (2 years ago)



"Ayoko na Ynah. Sapat ng paliwanag ang mga nakita ko" sabi ni Grey at umalis. Tinignan ko muna sila Ynah at Ronnie. Huminga akong malalim at sinundan ko si Grey kung saan man siya pumunta. Nilingon lingon ko ang paningin ko at nakita ko si Grey na nakaupo at nakasandal sa pader habang nakayuko.


Ano ng gagawin ko sayo ngayon? Ang kaya ko lang na gawin ay ang damayan ka. Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo ako sa tabi niya.


“Okay ka lang?” tanong ko at tinitigan ko siya.


“George…” sabi niya at niyakap niya ‘ko bigla. Dahan-dahan ko siyang niyakap at hinagod hagod ko ang likod niya habang patuloy lang siya a pag-iyak.


“Tama na, okay lang ‘yan” sabi ko habang hinahagod hagod ko ang likod niya.


“Bakit niya ‘to nagawa sakin?” tanong niya habang umiiyak at hinahagod hagod ko ang likod niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang sakit kung tutuusin.


Two years na sila at sa tingin ko, wala namang naging pagkukulang si Grey kay Ynah. Minsan na nga lang kami magka-usap dahil sa kaniya. Kasi mas pinagtutuunan niya ng pansin si Ynah. Pero kahit sobra-sobra na ang binibigay na pagmamahal ni Grey sa kaniya, hindi parin siya nakuntento.


“Tama na Grey,” sabi ko habang yakap yakap ko pa rin siya.


“George” tawag niya sakin at binitawan ako. Tinitigan ko lang siya at bahagyang ngumiti. Para naman hindi siya masyadong nasasaktan. Pero kahit ano namang gawin ko, para maibsan ang nararamdaman niya, ganon parin, hindi parin maiiwasan na masaktan siya kaya mas magandang harapin na niya ‘yan ngayon kahit masakit.


“’Wag ka ng umiyak, okay lang ‘yan, malalagpasan mo din ‘yan,” sabi ko at pinunasan niya ang luha sa ilalim ng mga mata niya.


“Ano bang mali kong nagawa? Ano bang mali? Binigay ko naman na ang lahat sa kaniya, pero bakit hindi parin siya nakntento sa ma binigay ko. Araw-araw kong pinaparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya, pero bakit niya ‘to nagawa sakin?” tanong niya habang humahagulgol. Ang kulit ng lalaking ‘to,. Dapat kasi kahit papano nakinig muna siya kay Ynah. Para hindi napupuno ng tanong ang utak niya na si Ynah lang naman ang makakasagot. Pero kung magsinungaling man siya, na kay Grey pa rin ang desisyon kung maniniwala siya.


“Dapat kasi, makinig ka din sa kaniya kahit papano, para hindi mapuno ng tanong ‘yang utak mo, nasa sayo parin naman kung maniniwala ka sa kaniya o hindi” seryoso kong sabi,


“Kaya kong makinig, pero ang maniwala? Lalo na sa kaniya? Parang hindi ko na kaya pang maniwala sa kaniya, kaya parang magiging nonsense lang ang mga sasabihin niya. Baka mas lalo lang gumulo ang utak ko, kaya George ‘wag mo na ‘kong pilitin na makinig sa kaniya” sabi niya at napatango ako. Katulad nga ng kanina, nasa sa kaniya parin ang desisyon, suggestion lang ang sakin.


“Tsaka, hindi ko kayang makinig sa kaniya ngayon, kaya ayoko. Dahil ‘di ko kaya, hindi ko alam kung anong naging dahilan niya at bakit niya ‘to nagawa sakin, ang sakit lang dahil dalawang taon. Dalawang taon ko siyang iningatan para lang hindi siya mawala sakin dahil mahal na mahal ko siya pero eto lang ang nangyari, may kulang ba sakin?” tanong niya sa sarili niya habang nakayuko pero hindi ako makasagot dahil hindi ko masagot ang mga tanong niya.


“May mali ba sakin na ayaw niya? May hindi ba tama sakin? May nagawa ba ‘kong mali? May pagkukulang ba ‘ko?” tanong niya at tinignan niya ‘ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya at yumuko ako. Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong niya.


“George may mali ba sakin?” tanong niya at napatingin ako sa kaniya.


“Para sakin, wala, hindi ko alam kay Ynah, pero sigurado ako na alam niya na hindi ka nagkulang” sabi ko. Kahit hindi ko siya minsan nakakasama, alam ko na hindi siya nagkukulang kay Ynah dahil palagi ko naman silang nakikita sa school at kung saan-saan. Hindi din ako nawawalan ng balita sa kaniya kung anong nangyayari sa kaniya dahil nag-o-pen naman siya kaya alam ko na hindi siya nagkulang.


“Kung ganon, bakit niya ‘ko iniwan? Bakit niya ‘to ginawa sakin?” tanong niya habang umiiyak.


“Bakit hindi niya ‘ko sinaktan ng ganito? Ano bang maling ginawa ko? Ang sakit sakit George, sobrang sakit” sabi niya at umiyak sa harapan ko. Parang naapektuhan ako sa kaniya. Damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Sorry Grey kung wala akong magawa para mawala ang sakit. Kaya ko lang ibsan ‘yan pero hindi ko kayang alisin ang lahat ng sakit. Masakit para sakin na makita kang ganyan. Masakit dahil kaibigan kita.


“Bakit ako nagkakaganito? Bakit sobrang sakit?” tanong niya at humagulgol sa harapan ko. Nilagay ko ang kamay ko sa likod niya at hinagod hagod ito. Tinitigan ko lang siya habang patuloy lang sa pag-iyak.


“Tama na Grey, okay lang ‘yan” sabi ko habang hinahagod hagod ang likod niya. Pinunasan niya ang ilalim ng mga mata niya at tumayo. Walang sabi-sabing naglakad siya palayo sakin. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kaniya na naglalakad palayo. Humakbang ako ng isang hakbang para maglakad palapit kay Grey pero may humawak sa wrist ko sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya.


“Hayaan mo na muna siya, baka kailangan niya ng oras ngayon para sa sarili niya,” sabi ni Zach at binalik ko ang paningin ko kay Grey na naglalakad palayo. Napayuko na lang ako.


“Pero kung hindi ko siya sasamahan---“


“Hayaan mo munang makapag-isip siya, hayaan mo muna na hanapin niya ang sarili niya, hayaan mo munang mapag-isa siya saka mo siya samahan. Hindi naman siya mawawala, kaya hayaan mo na lang muna” sabi niya at tinignan ko siya. Ngumiti na lang ako at tumango.


“Magiging maayos din naman siya ‘di ba?” tanong ko.


“Kaya niya ‘yan,” sabi niya at ngumiti.


“Lika na, sabay na tayo” sabi niya at naglakad. Sinabayan ko siya sa paglalakad.


“San ka ba pupunta?” tanong ko.


“Diyan diyan lang,” sagot niya at napatango ako.


“Alam mo, hindi ko maiwasan na hindi mainis kay Ynah,” sabi ko. Hindi ko alam na magagawa niya ‘yun kay Grey.


“Bakit ka naiinis?” tanong niya.


“Hindi ko man lang kasi magawang matanggal ‘yung sakit na nararamdaman ni Grey. Bilang kaibigan niya, naaapektuhan ako sa nararamdaman niya” sabi ko. Para bang sa sobrang sakit na nararamdaman niya, pati ako nadadamay.


“Natural lang naman ‘yan dahil kaibigan mo siya. Pero natural din naman na masaktan ka kapag nagmamahal ka. Dapat kasi, simula pa lang, alam mo na sa sarili mo na masasaktan at masasaktan ka, dahil hindi mawawala ang sakit kapag nagmamahal ka” sabi niya at naglakad lang kami. Ang lalim naman ng hugot niya.


“Sinabi ko lang na naiinis ako kay Ynah tapos ang lalim na ng hugot mo” sabi ko at mahina siyang natawa. Tinignan niya ‘ko at nagulat ako ng may biglang umakbay sakin sa kabilang gilid ko. Tinignan ko siya.


“San kayo punta?” tanong ni Spencer.


“Spencer ang pangit mo” biglang singit ni Cally kaya napangiti na lang kaming lahat.


“Ang harsh mo ah. Ang pangit mo din kaya” sabi ni Spencer.


“May nanliligaw sakin kaya hindi ako pangit” sabi ni Cally na nasa tabi ni Zach. Tinignan ko lang siya.


“Baka naman may deperensiya sa utak ‘yung nanliligaw sayo?” tanong ni Spencer habang natatawa kaya naningkit ang mga mata ni Cally na nakatingin kay Spencer.


“Oo nga, baka Malabo ang paningin nun?” natatawang sabi ni Zach. Dalawa pa silang nang-asar? Hay na ko. Sayang wala si Grey.


“Baka ginayuma niya?” tanong niya at natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.


“Kayong dalawa talaga!” Galit na sabi ni Cally at hinabol niya bigla si Spencer kaya tumakbo din palayo si Zach. Hay na ko. Kung nandito si Grey? Kung hindi nangyari ‘yun? Baka hindi lang dalawa ang hinahabol ni Cally. Baka tatlo pa.


“Hoy tama na!” rinig kong sabi ni Spencer at tumakbo pa palayo.


“Sabi ng tama na! Kapag hindi mo pa ‘ko tinigilan, hahalikan kita” sabi ni Spencer pero hindi siya tinigilan ni Cally. Lumapit sakin si Zach at silang dalawa lang ang naghabulan.


“Hoy tigilan niyo na ‘yan, magkatuluyan pa kayo diyan, kawawa ka Spencer” Pabirong sabi ni Zach habang natatawa. Palagi na lang kasi silang ganiyan.


“Yuuuuck!” sabi ni Cally na parang nandididiri.


“Maka-yuck ka diyan, baka mamaya kapag hinalikan kita diyan, ikaw pa magmakaawa sakin” sabi ni Spencer.


“Iw, hindi ako magmamakaawa sayo no.” sabi ni Cally habang nakatingin kay Spencer.


“Hahalikan talaga kita” sabi ni Spencer.


“’Wag mong sabihin gawin mo. Tsaka ako hahalikan mo? Bakla ka kaya” sabi ni Cally at sumeryoso ang mukha ni Spencer.


“Bakla pala ‘ko ah” seryosong sabi ni Spencer at siya naman ang lumapit kay Cally pero lumayo siya kay Spencer.


“Hayaan mo na silang dalawa” sabi ni Zach at naglakad na lang kami. Hindi ko parin talaga makalimutan ang mga nangyari ngayon. Ako ang nahihirapan sa mga nangyayari sa kaniya.


Hindi ko maiwasan na hindi maapektuhan sa mga nangyayari sa kaniya. Sana kahit papano, mawala naman ang sakit na nararamdaman niya. Sana kahit papano matulungan ko siya na kahit papano, mawala ‘yung sakitna nararamdaman niya. Hindi ko man lang siya matulungan ngayon, pero hindi naman ako mawawala sa tabi niya.


Biglang umakbay sakin si Spencer at tumabi naman si Cally kay Zach. Tinignan ko si Spencer ng masama at sisikuhin ko na sana siya kaso tinanggal niya ang braso niya sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.


Kahit anong mangyari, hindi ko parin kayang hindi mainis kay Ynah. Feeling pinagsabay niya sila Ronnie. Pero hirap din naman ang mag-judge, malay ko kung sino sa kanila ang may pinakamaykasalanan. Kasi sa totoo lang, parehas silang may kasalanan.


“Alam niyo, hindi ko talaga maiwasan na hindi mainis kay Ynah. Feeling ko pa nga pinagsabay ni Ynah sila Grey at Ronnie eh” sabi ko habang naglalakad kasama si Zach, Spencer at Cally.


“Ewan ko lang, wala pa namang nasasabi sakin si Grey,” sabi ni Zach. Pero feeling ko talaga, ganon ang nangyari.


“Baka naman kasi si Ronnie ang may problema?” tanong ni Spencer. Napakunot ang noo ko at napaisip. Parang imposible naman na si Ronnie. Magkaibigan silang dalawa eh, kaya parang feeling ko hindi.


“’Di ba magkaibigan sila? Kaya pano niya magagawa ‘yun?” tanong ni Call sa tabi ko.


“Oo nga” sang-ayon ko.


“Porket kaibigan hindi na pwedeng siya ang may kasalanan?” tanong ni Spencer. Sa bagay. Ganon din naman ang mga nasa palabas. Kung sino ang friend nila, ‘yun pa ang mismong unang nakakasakit sa damdamin ng kaibigan nila. Madalas naman ng mangyari ang ganon. Pwede rin pero pano naman magagawa ni Ronnie ang ganon?


“Minsan kung sino pa ang pinakamaapit sayo, ‘yun pa ang unang unang nakakasakit sayo” sabi ni Zach at napatango ako.


“Bakit ang lalalim ng hugot niyo? Nasubukan niyo na bang maranasan ‘yang sinasabi niyo?” tanong ni Cally.


“Masamang humugot?” tanong ni Spencer.


“Hindi naman, pero parang ang lalim niyo kasi” sabi ni Cally.


“Pero bakit niya ‘yun ginawa?” tanong ko sabay tingin kay Zach.


“Hindi ko alam, hindi ko pa naman nakakausap si Grey, kahit ikaw nga eh” sabi niya. Sa bagay. Mahirap din namang magjudge. Hindi naman kasi agad magpapaagaw si Ynah kung wala ding kasalanan ‘yung nang-agaw sa kaniya. Pwede din na si Ynah ang nauna pero hindi naman siguro maaagaw si Ynah kung hindi siya inagaw ni Ronnie, kaya parehas silang may mali.


“Pero kahit ano man ang dahilan, kahit sino man ang may kasalanan, parehas din lang naman, masasaktan at masasaktan pa rin si Grey” sabi ni Zacg. Sa bagay. Kahit sino sa kanila ang may kasalanan. Ganon parin. Walang pinagbago. Parehas parin ang sakit na nararamdaman ni Grey. Walang pinagkaiba.



***

Naglalakad ako sa kalsada papunta sa bahay nila Grey. Huminto ako sa tapat ng gate nila Grey.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ng nasa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya.


“Grey?” tanong ko. Naamoy ko sa kaniya ang alak. Uminom ba siya? Napakamot ako sa ulo ko at pinakatitigan ko siya.


“Ayos ka lang ba?” tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin sakin.


“Ayoko ng kausap ngayon, umuwi ka na lang” sabi niya at nag-aalala ko siyang tinitigan.


“Pero---“


“Sinabi ng umalis ka na lang!” sigaw niya kaya natigilan ako. Nanatili lang akong nakatitig ng gulat sa kaniya at nag-iwas siya ng tingin sakin. Sa buong buhay ko, never niya ‘kong nasigawan ng ganyan.


“Nag-aalala lang naman ako dahil---“


“Pwede itigil mo muna ‘yan? Hindi mo alam ‘yung nararamdaman ko, kaya umalis ka na. Hindi kita kailangan” sabi niya at nag-iwas sakin ng tingin.


“So kapag kailangan mo lang ako, saka mo ‘ko nilalapitan?” tanong ko sa kaniya at tinitigan ko ang mga mata niya na hindi nakatingin sakin.


“Hindi ganon ang ibig kong sabihin,” sabi niya at tinitigan ko siya. Ganon lang ba ang meaning ng kaibigan sa kaniya?


“Hindi ganon? Pero ‘yun ‘yung dating” sabi ko at hindi siya makatingin sakin.


“Hindi ko sinasadya ‘yun, sadyang masakit lang dito dahil hindi mo nararanasan ang nararanasan ko” sabi niya at tinignan niya ‘ko.


“Kaya nga tinutulungan kita ‘di ba? Tapos ganyan ka?” seryoso kong tanong.


“Gusto kong mapag-isa, hindi ko kailangan ng tulong” sabi niya at tinitigan akong muli.


“Edi sana sinabi mo, para hinayaan kita. Sana hindi mo ‘ko sinabihan ng mga ganyan, maiintindihan ko naman eh. Ilang araw na nga lang tayong nagkakasama, halos nakakalimutan mo na nga ata ako, tapos ganiyan lang? Tinutulungan na nga kita pero ganyan ka pa? Sana tinuloy tuloy mo na lang na minsan mo na lang ako nakakasama, para hindi ganito. Ikaw na ngang tinutulungan ko, ako na nga ‘tong nag-aalala sayo tapos ginaganito mo pa ‘ko” inis kong sabi at naglakad ako.


“George.” Rinig kong sabi niya pero naglakad na lang ako palayo sa kaniya. Hindi niya alam na nakakasakit na siya ng damdamin. Kung nasasaktan siya, sana ‘wag naman niya ‘kong idamay dahil tinutulungan ko pa siya.


Ilang araw ko din siyang hindi pinansin dahil sa ginawa niya. Masakit ang mga sinabi niya sakin. Tinutulungan ko na nga siya tapos ganon lang. Palagi niya ‘kong hinihintay pagkatapos ng uwian pero hindi ko siya pinapansin.


Mag-isa akong umuuwi at hindi ako sumasabay sa kaniya. Kapag nakiki-table siya sakin sa canteen, lumalayo ako. Kapag kinakausap niya ‘ko, hindi ko siya pinapansin. Ayoko kasi na pansinin siya dahil baka maulit lang ang ginagawa niya.


“George,” tawag sakin ni Grey sa likod ko habang naglalakad ako pauwi pero hindi ko siya pinansin. Ayokong makipag-usap sa kaniya kahit gustong-gusto ko na. Ewan ang gulo. Basta, nagtatampo pa ‘ko sa mga sinabi niya. Bahala siya diyan.


“George ikaw na lang ang meron ako, kaya please naman, kahit ikaw lang ‘wag mo naman ako iwang mag-isa” sabi niya pero hindi ko siya pinapansin. Seven days na simula ng hindi ko siya pansin. At simula ng mangyari ang bagay na ‘yun nung gabing ‘yun. Ayoko siyang kausapin.


“George naman, ‘wag mo naman akong talikuran” sabi niya pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Ayoko siyang pansinin. Naramdaman ko na wala ng sumusunod sakin kaya huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa likod ko.


Nakita ko siya na nakaupo at hinilamusan niya ang mukha niya. Parang nakokonsensiya ako sa kaniya. Pero ang sakit kasi ng mga sinabi niya sakin. Kaya bahala siya diyan. Ayoko siyang pansinin. Naglakad na lang ako palayo at hinayaan ko siya.


















BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon