Prom Night
GEORGE’S P.O.V.
Seryoso kaya si Grey sa sinabi niya? Totoo kaya na niloloko lang ako ni Marcus? Oo naniniwala naman ako katulad nang naisip ko ng araw na sinabi niya sakin ang tungkol dun sa hallway. Pero kahit papano may konti parin akong pagdududa.
Pero konti na lang. Konting-konti lang. Siguro mga 30% lang naman, at 60% kay Grey. At ‘yung tira? Hindi ko alam kung nasaan. Hahanapin ko muna. Tinitigan ko lang ang phone ko na nakataas habang hawak-hawak ng isa kong kamay habang nakahiga ako sa kama ko.
Mamayang gabi na ang Prom Night namin, kaya walang pasok ngayon. Bakit kasi kailangan pa ng walang pasok ng umaga? Preparation daw eh,
“Sa bagay, kailangan naman ng lahat ng preparation” sabi ko sa sarili ko at napakamot ako sa ulo ko. Eh anong gagawin ko dito sa loob ng buong araw? Ang aga aga pa. Tapos mamayang 8:00 P.M. pa ng gabi ako pupunta sa school. Haaaaa! Parusa ‘to.
Si kuya kaya? May ginagawa kaya ‘yun? Ah oo nga pala, sasamahan niyang maghanap ng damit si Anya. Fourth year college na pala sila Anya, kami third year pa lang, si kuya, graduated na last year lang. Senior pala namin sila Anya dahil parehas kami ng coarse.
“Si Cally kaya?” tanong ko sa sarili ko. Baka naman tulog pa ‘yun? Mamaya na lang. Dati kapag ganito, si Grey kadalasan ang kasama ko kapag wala akong magawa. Si Marcus kaya?
Ang alam ko, naghahanap din siya ng damit niya, nag-pe-prepare din ‘yun sa sarili niya. Ako? ‘Di ko na kailangan ‘yun. Sabi nga ni Kuya at Grey, pangit parin ako kahit na magretouch ako. Totoo naman eh.
“Pero totoo kaya ang sinasabi ni Grey? Niloloko kaya ‘ko ni Marcus? Pano ‘pag hindi naman totoo? Anong gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko.
“Sino ba kasi sa inyo ang nagsasabi ng totoo?” tanong kong muli sa sarili ko. Ang hirap talagang mag-isip. Ang hirap isipin kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Hindi ko alam kung tama bang paniwalaan ko si Grey, o mas paniwalaan ko si Marcus dahil nakikita ko naman na seryoso siya.
Tsaka pano siya magloloko kung palagi ko naman siyang kasama? Pano ko ba malalaman kung nagloloko siya o hindi? Hindi naman magagawang magsinungaling sakin ni Grey ng ganon.
Alam kong hindi siya magsasabi ng ganon kung hindi siya nagsasabi ng totoo. Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang paniniwalaan ko sa ngayon. Hindi ko na alam kung saan ako maniniwala sa kanila.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko ngayon. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Susunduin ako mamaya ni Marcus, kinakabahan ako kung anong magiging reaksiyon nila mama at papa sa kaniya.
Dahil sa sinabi ni Grey, hindi ko tuloy hindi maiwasan na magduda kay Marcus. Pero may tiwala naman ako kay Marcus na hindi niya ‘yun magagawa kaya sana hindi talaga magkatotoo ang sinasabi ni Grey.
Sana mapatunayan kong mali ang mga nakita niya. Sana talaga. Haaaa! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko!!! Hindi naman magsisinungaling si Grey sakin. Kaya sinong paniniwalaan ko sa kanila?
May tiwala ako kay Marcus, ganon din kay Grey kaya hindi ko na alam kung sino sa kanila ang tama at paniniwalaan ko. Bumangon ako at umupo na lang ako sa kama ko.
Ano bang gagawin ko dito? Tawagan ko na nga lang si Cally baka sumagot pa siya. Kasi kung niloloko lang ako ni Marcus, hindi ko naman na-fe-feel sa kaniya na nanlalamig siya, hindi ko din nafe-feel na parang nagsasawa siya kasi oras oras nga mas lalo lang siyang nagiging sweet sakin, kaya pano nangyari ang mga sinabi ni Grey sakin?
Haaa! Ang sakit ng ulo ko! Tinignan ko ang phone ko at hinanap ko sa contacts ko ang pangalan ni Cally. Nagtype ako ng message sa kaniya.
‘Cally, busy ka?’ tanong ko sa message ko. Ilang minute lang ay nagmessage na din naman siya. Binuksan ko ang message niya.
‘Hindi naman masyado, bakit?’ message niya.
‘Punta ka nga dito sa bahay, sige na,’ message ko. Sana naman pumunta siya. Wala ‘kong makausap dito eh, para ngang mababaliw na ‘kong mag-isa dito eh.
Wala naman akong magawa dito eh. Mababaliw lang ako sa kakaisip ko dito sa mga sinabi ni Grey sakin eh. Kailangan ko lang ng kausap kahit saglit lang. Gusto ko lang ng advice sa iba. Kay kuya sana kaso busy kasi siya sa girlfriend niya.
Binitawan ko ang phone ko at pabagsak akong nahiga sa kama ko. Wala talaga akong magawa dito sa bahay. Wala akong makausap ng maayos.
Mag-isa ko lang dito dahil sila mama at papa nasa trabaho silang dalawa. Si kuya, kahit matapos niyang samahan si Anya, deretso ‘yun sa trabaho kasama nila mama at papa kaya wala akong makausap.
’(Whistle)’ ring ng phone ko kaya napatingin ako. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang message ni Cally.
‘Wait mo ‘ko, on the way na ‘ko’ message niya at napangiti ako.
‘Sige’ reply ko. Huminga akong malalim at bumangon ako. Tumayo ako at naglakad ako papunta sa labas ng kwarto ‘ko. Bumaba ako sa kusina at naghanap ako sa ref ng makakain.
Ano bang masarap na makain dito? Masarap kayang magkape habang kumakain ng ice cream? Try ko kaya? O kaya lumpia na may ice cream? Ano kayang lasa nun? Nakaka-curious naman. Try ko nga. Kumuha ako ng ice cream chocolate flavour.
Kumuha ako ng ready to fry na lumpia. Nagbukas ako ng stove at inihanda ko ang mga kailangan kong gamitin. Prinito ko ang limang lumpia at sinerve ko ng maayos sa plato. Umupo ako sa tapat ng counter table at kumain na lang ako. Magme-message naman si Cally kapag nandiyan na siya.
“Ang sarap talagang kumain” sabi ko sa sarili ko at tinaas ko ang isang tuhod ko. Pinatong ko ang braso ko sa tuhod ko at kinamay ko na lang ang lumpia. Masarap kumain kapag nagkakamay. Pero ‘yung ce cream hindi ko naman kinakamay, ‘yung lumpia lang.
Ano kayang lasa kung nasa loob ng lumpia ang ice cream? Masarap kaya ‘yun? Ano kayang lasa? Try ko nga. Lalagyan ko pa lang sana ang lumpia ko ng ice cream kaso naagaw ng doorbell ang pansin ko.
Panira naman ‘yung taong ‘to. Nagugutom ang tao eh. Nilapag kong muli ang lumpia sa gilid ng plate at tumayo ako. Pumunta ako sa tapat ng pinto at binuksan ito. Bumungad sakin si Cally na nakangiti.
“Sorry, pumasok na ‘ko kagad sa gate niyo friend” sabi niya habang nakangiti.
“Hindi okay lang, pasok ka” sabi ko at pinapasok ko siya sa loob.
“Dati si Grey ang tinatawagan mo kapag wala kang kasama? Ngayon, umiba na talaga ang ihip ng hangin” sabi niya at nawala ang ngiti sa mukha ko. Umupo siya sa sofa at huminga akong malalim.
“Oo nga, nakakapanibago lang,” malungkot kong sabi.
“Okay lang ‘yan, isipin mo na lang na huminto kayo sa tapat ng tatlong magkakaibang daan” sabi niya at naglakad ako papunta sa kusina.
“Ano namang connect ng tatlong daan?” curious kong tanong. Kinuha ko ang mga pagkain ko sa counter table at muling naglakad papunta sa sala. Nilapag ko sa table ang plato na may lamang lumpia at isang gallon ng ice cream.
“’Yung tatlong daan na ‘yun, yun lang yung choices niyong dalawa na pwede niyong piliin na maging dulo ng tadhana niyo” sabi niya habang nakangiti. Bumalik ako sa kusina at binuksan ko ang ref. Kumuha ako ng yelo at nilagay ko sa babasaging pitsel. Nagtimpla ako ng juice at kumuha ako ng chips at chocolate wafers sa taas na cabinet.
“Ano naman ang mga ‘yun?” tanong ko. Ang babaeng ‘to kung ano-anong naiisip pero kung magsalita siya, nakakareal talk talaga. Parang si Ronnie. Teka, speaking of Ronnie? Kamusta na kaya siya?
Simula ng mangyari sa hallway na nagharap sila ni Marcus, nawalan na ‘ko ng koneksiyon sa kaniya. Parang lahat ng bagay, sunod sunod na nawawala sakin. Sana naman wala ng sumunod pa. Sana maibalik ko pa kung anong meron kami ni Grey. Sana lang…
“’Yung isang daan, pwede pa kayong magkaayos, pwedeng maging friends ulit kayo,” sabi niya at naglakad ako papunta sa sala. Nilapag ko ang mga hawak ko at bumalik akong muli sa kusina para kumuha ng baso.
“’Yung pangalawa naman, pwedeng mauwi sa maging kayo, pwede ‘yun, walang imposible,” nakangiti niyang sabi. Ngayon masasabi ko nga na hindi imposible ang sinasabi niya.
Hindi imposible na magkaroon ng kami. Pero feeling ko, hindi ko mabibitawan si Marcus ng walang matinding dahilan. Kahit sa mga sinabi ni Grey? Oo medyo naniniwala ako, kasi kaibigan ko siya, pero parang hindi ko yata kayang iwan na lang ng basta si Marcus ng dahil lang sa mga sinabi niya.
Gusto ko, ‘yung makikita ko talaga. Oo, pasaway na kung pasaway pero, anong magagawa ko? Isa lang akong taong nagmamahal katulad ng iba. Naglakad akong muli papunta sa sala. Nilapag ko ang dalawang baso at nakita kong kumakain na siya.
“’Yung pangatlo naman, pwedeng magstay na lang kayo sa ganiyan, pwedeng tuluyan ng malayo ang loob niyo sa isa’t isa, pwedeng maghiwalay na kayo ng daang dadaanan” sabi niya at napayuko ako. Kung hindi imposibleng maging magkaibigan kami, o maging kami nga, hindi rin imposible na magstay na nga lang kami sa ganito.
Kasi kung siya nga, natagalan niya ang two years na may gusto na pala siya sakin, ano pa kaya ngayon na alam ko na?
Pwede rin namang magfade unti-unti ‘yung nararamdaman niya, pati ako, kapag hindi na kami masyadong nagkikita at nagpapansinan. Pero pano kung sa unti-unting pagkawala nun, eh masama din sa pagfade ang friendship namin ng nineteen years?
“Ito naman, nagdadrama ka kagad, mga possibility lang naman ‘yun, lamang parin ang pwedeng maging close kayo” sabi niya habang nakangiti. Huminga akong malalim at umupo ako sa tabi niya.
“Pero…Pano kung sa tagal naming hindi magkasama ng parang magbestfriend ulit, eh magfade lahat? Pati ang friendship namin? Hindi ba, wala ring imposible na mangyari ‘yun? Pano kung dahil lang kay Marcus, mawala lahat? Wala namang mali kung mahulog siya, kasi…Tama naman ang sinabi ni kuya, hindi imposibleng walang mahulog saming dalawa dahil palagi kaming magkasama na para bang hindi na bestfriend ang turingan sa tingin ng iba, kaya ko namang suklian ‘yun kung tutuusin, kaso hindi na pwede ngayon, hindi pwede dahil may boyfriend ako na ayokong masaktan, kaya parang hindi ko kaya ng wala ang bestfriend ko, parang hindi ko kaya ng wala si Grey” malungkot kong sabi.
Sana talaga, hindi kasamang magfade nun ang friendship namin. Sana lang…Kung tutuusin naman talaga, kayang kaya kong i-entertain siya at i-level up sa ibang stage ang friendship namin dahil sa nalaman ko, pero hindi talaga pwede, alam ko naman na alam niya kung bakit.
Kung sana mas maaga lang siya, edi sana, hindi nauwi sa ganito, hindi ko naman siya masisisi kasi naduwag din naman ako tulad niya. Parehas lang kami, at kung tutuusin, kahit sino, pwedeng ganon ang gawin dahil sa takot na mawala sa kanila ang mahalagang tao sa buhay nila.
“Kung mas maaga lang sana, sana hindi ganito ang uwi naming dalawa,” malungkot kong sabi.
“Kasi may boyfriend ka? Ganon ba?” tanong niya at napatingin ako sa kaniya saka tumango.
“Mahal mo ba si Marcus?” tanong niya at kumunot ang noo ko.
“Ano bang klaseng tanong ‘yan?”
“Basta sumagot ka na lang, ‘yung nasa puso mo ah, hindi ‘yung nasa isip mo lang” sabi niya at kumuha ng chips saka kumain. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
“Oo naman” sagot ko ng hindi nakatingin sa mga mata niya. Mahal ko kaya si Marcus. Kaya ko nga siya sinagot eh.
“Sabihin mo nga ‘yan ng nakatitig sa mga mata ko,” sabi niya at tinignan ko siya.
“Mahal ko nga siya!” sabi ko at nag-iwas ako kagad ng tingin.
“Kung mahal mo siya, bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko kapag sinasabi mong mahal mo siya?” sabi niya at muli akong tumingin sa kaniya.
“Hindi ko alam” sabi ko at napakamot ako sa batok ko.
“Baka naman kasi, isip mo lang ang pinapakinggan mo, try mo rin ‘tong pakinggan” sabi niya at nilagay niya ang palad sa gitna ng dibdib niya. Pinapakinggan ko naman ang puso ko ah.
Pero hindi ko lang alam kung bakit hindi ako makatingin sa kaniya kapag sinasabi ko ‘yun. Masaya naman akong kasama siya. Oo aaminin ko, parang may kulang parin kapag kasama ko siya pero masaya parin naman ako.
“Pinapakinggan ko naman ang puso ko ‘no” sabi ko at kinuha ko ang ice cream saka kumain.
“Nagsisimula na ‘kong magduda kung mahal mo ba siya o hindi, sabihin na nating medyo, kasi sinagot mo nga siya, at nakikita ko naman ‘yun pero kasi…Kapag kasama mo siya, napapansin ko lang,parang may hinahanap hanap ka parin, parang hindi mo lang masabi sa sarili mo na may iba ka paring hinahanap hanap,” sabi niya at napatigil ako sa pagkain ng ice cream. Mukha ba talagang may kulang kapag kasama ko siya?
Gano ba ‘ko nahihirapang magtago ng nararamdaman ko? Bakit ang hirap magtago ng nararamdaman ko? Baka naman nababasa na ni Marcus sakin ‘yun? Sana naman hindi. Tsaka, minahal ko naman siya, seryoso ako dun, at totoo ‘yun. Kaya nga ayoko siyang masaktan kasi mahal ko siya.
“Sino bang mas lamang? Si Grey o si Marcus?” tanong niya.
“Reqiuire ba ‘ko na sagutin ‘yan?” balik tanong ko. Ang hirap naman kasi ng tanong niya kasi parehas silang mahalaga sakin.
“Sabihin natin na parehas silang mahalaga sayo, at mahal mo silang parehas, pero may lamang, sige ako na lang ang sasagot ayon sa nababasa ko sa mga mata mo,” sabi niya at tinitigan niya ng matagal ang mga mata ko. Mga two minutes ko din ata siyang tinitigan hanggang sa ako na ang nag-iwas ng tingin ko sa kaniya. Masakit kaya sa mata.
“Si Grey ‘no?” tanong niya at tinignan ko siya ng seryoso.
“Ano bang sinasabi mo?” kunot noo kong tanong.
“Alam mo, kung mahal mo ang isang tao, dapat ‘wag mong pigilan ang sarili mo, sana nagkaroon ka nan g aral sa nangyari sa inyo ni Grey, kasi alam ko naman na siya ang pipiliin mo kung walang kayo ni Marcus, kahit dumating si Marcus sa buhay mo, alam kong mas pipiliin mo si Grey kung nalaman mo lang ng maaga, tsaka alam mo kung mahal ka ng isang tao, matututo siyang magparaya” sabi niya at bahagyang ngumiti sakin. Pinaparating ba niya na mas mahal ko si Grey? ‘Yun ba talaga ang nararamdaman ko?
Kung yuon bakit hindi ko maramdaman? Totoo ba ‘yung sinabi sakin ni Grey nung araw na nalaman kong may gusto siya sakin? Na manhid ako? Na hindi ko nararamdaman?
“Bakit ba ang manhid ko?” malungkot kong tanong sa sarili ko. Nawala ang ngiti ni Cally sa mukha niya.
“Huh? Hindi ka naman manhid ah” sabi niya at tinignan ako ng seryoso. Unti-unti akong tumingin sa kaniya.
“Kung hindi ako manhid, bakit hindi ko maramdaman ang mga sinasabi mo na nararamdaman ko pero hindi ko lang alam?” tanong ko at napangiti siya.
“Hindi ka manhid, sadyang hindi mo lang maamin sa ngayon ang mga sinasabi ko, pero balang araw, mare-realize mo rin lahat ‘yun, walang mali sa ginagawa mo, tama naman actually, kasi ang pangit din naman tignan kung ipagpapalit mo kagad si Marcus kay Grey, dahil lang parehas kayo ng nararamdaman, parang pinatunayan mo na nun na ginamit mo lang si Marcus habang hindi pa umaamin si Grey sayo, pero alam ko naman na minahal mo naman talaga ng totoo si Marcus, ang pino-point out ko, mahal na mahal mo si Marcus, pero mas may mahal ka pa” sabi niya at unti-unting ngumiti.
“Pero bakit sabi ni Grey, manhid ako, kasi hindi ko maramdaman na may gusto na pala siya sakin,” sabi ko. Manhid ba talaga ‘ko? Mas mahal ko ba talaga si Grey kesa kay Marcus? Gusto kong malaman ang sagot at nasa sakin ‘yun kaso hindi ko mahanap.
“Nasabi niya ‘yun kasi baka akala niya wala kang nahahalata sa kaniya, pero sa tingin ko, may nahahalata ka na kaso isinasawalang bahala mo lang kasi naniniwala ka na hindi talaga siya magkakagusto sayo kahit kelan dahil sa mga sinasabi niya sayo, pero alam kong alam ng sarili mo na nahahalata mo na ‘yun, katulad nga ng sinabi mo kanina, you two were so close like more than friends. At ganon din ang nakikita ng iba, in the whole time, you knew it, but you were just saying to yourself that’s imposible, kasi iba ang type niya, pero katulad nga ng sabi ng kuya mo, hindi imposibleng walang mahulog sa inyong dalawa kahit hindi isa’t isa ang type niyo” sabi niya at napatango tango ako.
“Sana nga tama ka” sabi ko. Sana ganon na lang ang lahat. Minsan nagtataka na ‘ko sa sarili ko. Bakit sila nakikita nila ang totoo sa mga mata ko at sa kilos ko, pero ako mismo sa sarili ko, hindi ko makita.
“Maniwala ka lang, siguradong balang araw, ma-re-realize mo din ‘yan sa sarili mo, tsaka ganon naman talaga, una iba muna ang makakapuna kapag hindi mo pa masyadong kilala ang sarili mo, aaminin ko, minsan ganiyan din ako, kaya pare parehas lang tayo, kung ‘yung iba, alam na nila sa sarili nila ‘yun, edi okay, maswerte sila, pero karamihan sa mga tao, hindi pa kilala ang sarili nila, marami pa tayong hindi alam sa sarili natin” sabi niya at napatango ako. Unti-unti akong ngumiti.
“Yun, ngumiti ka na rin” sabi niya at ngumiti na talaga ‘ko ng tuluyan.
“Thanks, medyo gumaan loob ko” sabi ko habang nakangiti.
“Okay lang ‘yun, alam mo para hindi ka na malungkot, para mabawasan kahit papano ‘yang lungkot na nararamdaman mo, samahan mo ‘kong maghanap ng hills na babagay sakin” sabi niya saka tumayo.
“Wait., maliligo lang ako, five minutes” sabiko saka ako tumayo.
“Okay” makangiti niyang sabi at umupong muli sa sofa.
“I’ll wait…While eating” sabi niya at kinuha ang chips. Tumango na lang ako at naglakad papunta sa taas sa kwarto ko. Pumasok ako sa loob at naligo na ‘ko kagad.
Mga three minutes lang ata ako naligo at nag-ayos na ‘ko ng mukha ko. Nagpantalon ako ng fitted colored black at fitted na damit na kulay itim na parang sando ang style at nagjacket ako ng maong jacket na kulay blue na kupas ang kulay.
Umupo ako sa gilid ng kama ko at kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang sapatos ko. Nagsapatos ako ng rubber black shoes. Isinintas ko ito at Pinakatitigang mabuti ang sapatos ko. Tinitigan koi tong mabuti at huminga akong malalim.
Matagal na sakin ang sapatos na ‘to, sobrang tagal na. Hindi ko siya masyadong ginagamit dahil ayokong mabilis na masira ‘to. Iniingatan ko ‘to at ito pa lang ang pangalawang beses na isusuot ko ‘to.
Iniingatan ko ‘to dahil bigay sakin ‘to ni Grey. Parehas kaming may ganito at ayokong masira ‘to. Maayos pa naman siya at mukhang bagong bago pa dahil maayos ang pag-aalaga ko sa sapatos na ‘to.
Huminga akong malalim at dahan-dahang napangiti. Sana hindi masira ang kung ano mang meron tayo Grey, sana hindi masira kahit friendship lang natin.
Kahit dun lang ang uwi nating dalawa, matatanggap ko dahil may boyfriend na nga ‘ko. Kaya sana, kahit bestfriends lang, okay na ‘ko.
I don’t want more…I only want friendship if there’s nothing possibility to having WE, or you and I, I would gladly accept that, if it’s hurts to the both of us.
Kung maaga lang sana, sana hindi na tayo humantong sa mas malalang punto na hindi na talaga tayo nagpapansinan kahit konti, ‘yung para bang umabot na sa wala nang pakialamanan ang isa samin sa isa’t isa, sana hindi mas lalong lumala, dahil mas gusto ko ‘tong maayos.
Tumayo ako at kinuha ko ang phone ko. Nilagay ko ang phone ko sa bulsa ko. Naglakad ako palabas ng kwarto ko at pumunta ako sa sala.
“Tapos ka na?” tanong niya habang kumakain ng chips. Tumango lang ako.
“Tara na,” sabi niya saka tumayo. Niligpit ko ang lahat ng mga pinagkainan namin at inayos ko ‘yun sa kusina. Wala pa namang tao dito sa bahay. Saglit lang naman ako sa labas dahil mag-aayos na ‘ko mamayang 5 ng hapon.
Para akong kinakabahan sa prom night namin mamayang gabi. Natatakot ako na parang ewan. Natatakot ako dahil baka maraming mang-judge sakin dahil hindi naman ako maganda.
“Labas na tayo, san ka ba maghahanap ng hills mo?” tanong ko at naglakad kami palabas ng bahay. Ni-lock ko ang pinto ng bahay at lumabas kami ng gate.
“Diyan lang sa malapit, ikaw, may hills ka na ba? ‘Di ba damit pa lang ang nakukuha mo? Meron ka na bang hills?” tanong niya at humarap ako sa likod ko ng matapos kong isara ang gate ng bahay. Aksidente kong nakita si Grey na kasama si Zach.
Nagkatitigan lang kaming dalawa pero yumuko ako dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. Naalala ko ang mga sinabi niya, hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya sakin. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Hindi ko alam kung tama bang maniwala ako sa kaniya.
Oo alam kong hindi niya magagawang magsinungaling sakin pero meron paring posibilidad na hindi totoo ‘yun kahit papano. Pero bakit naman gagawing magloko sakin ni Marcus?
Alam ko naman na nagseseryoso na siya kaya alam kong hindi niya ‘yun magagawa, pero kahit ganon, meron paring posibilidad na nagsasabi nga ng totoo si Grey. Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang dapat kong mas paniwalaan. Napatingin ako kay Cally.
“Tara na, anong oras na eh” sabi ko at naglakad na lang ako paalis. Hindi ko talaga kayang titigan ang mga mata niya ng mas matagal pa. Naramdaman kong may sumusunod sakin kaya huminto ako at hinintay ko siya.
“’Wag mo ‘kong iwan” sabi ni Cally.
“Sorry, tara na, hindi ko kasi kayang titigan ng matagal si Grey, kaya lika na” sabi ko at huminto siya sa paglalakad. Kumunot ang noo ko. Anong nangyari dito? Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya dahan-dahan akong napatingin sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Zach na kasama si Grey. Napatakip ako ng labi ko.
“Bakit kayo nandito?” tanong ko.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi namin?” tanong ni Zach.
“Huh? Ano bang sinasabi mo?” tanong ko. Nakakahiya ‘yung sinabi ko. Narinig kaya niya ‘yun? Haish! Kainis talaga. George nakakahiya ka! Sana hindi niya narinig, sana talaga.
“Sabi namin sabayan na namin kayo, hindi mo siguro narinig dahil umalis ka” sabi niya habang nakangiti. May sinabi ba siyang ganon? Wala naman akong narinig. Napatingin ako kay Grey pero saglit lang. Sa tingin ko narinig niya. Sa itsura niya eh. Lumingon ako sa likod ko para makita si Cally. Nakangiwi lang siyang nakatingin sakin, dahil sa sinabi ko. Nakakahiya ka talaga George. Bakit ko ba kasi nasabi kagad ‘yun?
“Ah---Hindi ko siguro narinig, sige alis na kami” sabi ko at hinawakan ko ang wrist ni Cally saka hinila siya. Naglakad ako at nadaanan ko si Grey.
“It’s okay” rinig kong bulong ni Grey. Tuloy lang ako sa paghila kay Cally at paalis sa lugar na ‘yun.
“Bakit ‘di mo sinabing may sinabi sakin si Zach?” tanong ko kay Cally.
“Anong sinasabi mo? Wala siyang sinabi, talagang lutang ka,” sabi niya at lumiko kami sa kabilang daan. Binitawan ko ang wrist niya at kunot noo ko siyang tinignan.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Anong walang sinabi?
“Nung umalis ka, wala talaga siyang sinabi, sinabi niya lang ‘yun dahil narinig nila ang sinabi mo, para kang lutang, ganiyan ka ba kapag nakikita si Grey?” tanong niya at napangiwi ako habang nakapikit ang mga mata ko. Hinilamusan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko.
“Nakakahiya ‘yung ginawa ko!” sabi ko at umupo ako sa tabi. Ginulo gulo ko ang buhok ko at umiling iling ako ng marahas. Ano bang nasabi ko?!
“Talagang nakakahiya ang sinabi mo” sabi niya at nagpamewang sa harapan ko. Tinignan ko siya at sinubsob ko lang ang mukha ko sa mga braso ko. Nakakahiya talaga, ano ba naman ‘yan, talagang narinig niya ‘yung mga ‘yun? Ang tanga ko talaga.
“Hayaan mo na nga, tsaka ano ba naman kung narinig niya? Lika na” sabi niya at hinawakan ang wrist ko saka ako hinila. Ang tanga ko talaga kahit kelan. Dahil ayokong magpahiwala, kinaladkad niya ‘ko kaya tumayo na lang ako. Napakabaliw ko talagang babae.
GREY’S P.O.V.
I’ve been walking towards the entrance of the school. Everyone has an elegant dresses and suits. The night was beautiful than ever because of the stars above.
I’m wearing a black slacks, rubber colored blue shoes, a light blue polo in the inside, a black tie, and a black suit. Sabi kasi ni George sakin, mas bagay ko ang blue, matagal na niyag sinabi ‘yun pero naaalala ko parin.
Napangiti na lang ako ng maalala ko ang mga narinig ko galing kay George kanina. Hindi ko alam kung totoo man ‘yun pero halata ko naman na totoo ang lahat dahil obvious naman. Hindi ko talaga kayang hindi mahulog sa kaniya.
Para bang hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya kapag naaalala ko din na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko, nasasaktan lang ako ng sobra. Siguro nga dapat akong lumayo kahit na masakit.
Kahit na ayaw ng sarili ko, kailangan ko ‘tong gawin dahil ito ang dapat. Napangiti na lang ako ng pilit. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa loob ng gymnasium kung saan gaganapin ang prom.
Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ‘tong ganapin sa labas ng gymnasium, sa field, underneath the starry night. Naglakad lang ako derederetso kung saan ang table namin.
“Aba, pormal na pormal ka ah?” salubong sakin ni Zach habang nakangiti.
“Alangan magshorts lang ako dito?” tanong ko at napailing iling siya. Siyempre, aasahan na dapat ng lahat na pormal talaga ang isusuot ng mga tao dito.
“Ewan ko sayo, sandali, si Bella ‘yun ‘di ba?” tanong niya at napatingin ako sa tinitignan niya. Bella was walking while wearing a long black gown, and wearing a pointed high hills colored black. Her dress was fitted with a split on the other side. It was elegant, pero hindi ko alam kungbakit kahittitigan ko pa siyabuong gabi ay wala na ‘kong nararamdaman o ano man. Naglakad siya palapit sakin saka ngumiti.
“What do you think to my dress?” tanong ko at ngumiti ako pero wala ng malisya ang ngiti ko. Parang isang simpleng ngiti na lang siya, or in short, a friendly smile.
“It was----“ napahinto ako sa pagsasalita nang may mahagip ang paningin ko sa likod ni Bella. She was wearing a long ball gown. Pero hindi niya nilagyan ng pampalobo ang gown niya dahil purong tela ang nasa loob ng damit niya.
Halata naman kasi kung ginamitan ng ganon ang isang gown. It was color blue gown and it was turning black on the downside of the gown.
It was tight on her upper body and have a red sparkling glitters on it. Her gown was an off shoulder style. Naglalakad lang siya, simple lang ang tali ng buhok niya.
Nakatirintas ito at nakatali ng pusod. Habang may mga kaunting naiwan sa ibaba at sa gilid. Simple lang din ang make-up niya, hindi kakapalan kaya ang gandang tignan.
Napangiti ako ng magtama ang mga paningin namin pero agad niyang iniwas ang tingin niya. Bakit ba hindi ko magawang pigilan ang sarili kong mahulog sa kaniya?
Lumayo naman na ‘ko sayo George, at lumalayo ka na rin, pero bakit ganito? Bakit mas lalong lumalala ang nararamdaman ko para sayo? Bakit mas malala kapag nasa malayo ka? Bakit ganito?
“Ganda niya ‘no?” bulong ni Zach sakin at napangiti na lang ako.
“Kahit gano siya kaganda, wala na ‘kong magagawa kundi ang titigan na lang siya dahil hindi niya ‘ko pipiliin kesa sa lalaking ‘yan, malaking tiwala niya kay Marcus, and that’s why he was luckiest man in here, pero ewan ko ba kung bakit siya nagpapaloko sa lalaking ‘yan” sabi ko. Sinabi ko ng niloloko lang siya ni Marcus pero hindi parin siya nakikinig.
Ilang beses na, pero wala eh, matibay ang tiwala niya sa lalaking ‘yan na hindi siya sasaktan niyan, kesa sakin na nineteen years niyang nakasama. I am importan to her, I know that, but Marcus is more important compare to me. He was lucky after all, even he was a player.
“Hindi ka ba niya pinakinggan?” tanong niya at umiling ako.
“She’s not beautiful, I’am the most beautiful here, so shut up” rinig kong sabi ni Bella sa katabi niyang babae kaya bahagya akong natawa. Sabihin na natin na mas maganda nga si Bella, butfor me, nobody compares to the beauty of my bestfriend.
“Kung maaga ka lang, siguradong hindi naging ganiyan ang uwi niyong dalawa, baka hawak pa niya ang kamay mo, hindi ang kamay ni Marcus” sabi ni Zach. Baka nga, pero malas ko lang dahil ito ang nakasulat sa tadhana ko, oo tayo ang gumagawa ng tadhana natin at minsan, kaya natin ‘tong baguhin, pero may mga bagay na kahit anong bago mo, kapag pinaglaruan ka na ng tadhana mo, hindi mo na magagawang baguhin pa ‘to.
“Ito ang tadhana ko, matuto na lang tayong tanggapin ‘yun ngayon” sabi ko.
“Nakamove-on ka na ba?” tanong niya.
“For two years? Ano akala mo, ordinaryong babae lang siya sakin?” balik tanong ko sa kaniya.
“Kung magsalita ka kasi para kang nakamove-on na” sabi niya at napangiti ako.
“Congrats sakin, ang galing kong magpretend” sabi ko habang mapait na nakangiti. Naglakad ako palabas sa gymnasium.
“Where are you going Grey?” tanong niya at tuloy lang ako sa paglalakad.
“Out here” sabi ko habang naglalakad. Tinignan kong muli si George. Napangiti na lang ako ng makita kong nakangiti siya at hawak-hawak ang kamay ni Marcus habang nakaupo.
“I’m happy for you” sabi ko at naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko. Kaya ko mang magpretend sa harapan ng maraming tao, pero sayo hindi. Hindi ko kayang magpretend na okay ako kahit na hindi. Hindi ko kayang magpretend na hindi na kita mahal kahit na sobrang mahal pa kita.
Nagulat ako ng may humatak sakin at dinala ako sa gitna. Huminto siya sa gitna at nakita kong performance pala naming mga colleges. Nakita kong nakangiti lang si George. Tinignan ko si Ynah na nanghila sakin.
“Ano bang ginagawa mo?” seryoso kong tanong.
“Performance natin,” sabi niya at tumabi sa tabi ko si Zach pero hindi sobrang lapit. Partner niya si Ynah at nilapitan naman ako ni Bella. Paikot ang formation naming lahat. Sa tabi naman ni Zach ay si Marcus at sa tapat niya ay si George. Tinignan ko si Bella ng magsimula ang pamilyar na kanta sakin.
Match made in heaven (song lyrics)
Inilagay ko ang kamay ko sa bewang ni Bella at sinimulan ko na ang dapat kong gawin. Nang pag-ikot niya ay saktong chorus na at saktong paglipat niya sa kabilang partner niya.
Lumipat sakin si Ynah at napangiti ako. Malinaw naman na saming dalawa ni Ynah na wala na talaga kaming dalawa, matagal na, simula ng malaman niyang may gusto ako sa mismong bestfriend ko.
“You’re beautiful” natatawa kong sabi at tumawa lang siya.
“Oh thanks, pero mas maganda si George ‘no?” tanong niya at napangiti lang ako saka tumango.
“She’s so beautiful and gorgeous” sabi ko habang nakangiti. Itinaas ko ang kamay ko at pinaikot siya. Binitawan ko ang bewang niya pero magkahawak parin ang mga kamay namin. Hinila ko siya at muling pinaikot para lumipat siya sa kabilang partner niya.
Saktong pangalawang chorus ng kanta ay si George na ang partner ko. Napatitig ako sa mga mata niya dahil ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Siya pa naman ang huli nang partner ko na hindi ko na ililipat pa sa katabi ko.
Dahan-dahan kong nilagay sa tagiliran niya ang isa kong kamay. Hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong ko sa balikat ko. Hinawakan ko ng dahan-dahan ang kamay niya at pinakatitigan siya at ganon din siya sakin.
“Hindi ko kayang hindi mahulog sayo” mahina kong sabi. Nag-iwas siya ng tingin at nagsimula akong gumalaw kasabay siya. Itinaas ko ang kamay ko at pinaikot ko siya kung saan ang buong gown niya ay bumukadkad na parang flower.
Muli ko siyang nilapit sakin ng sobrang lapit. Binitawan ko ang siya pero magkahawak parin ang mga kamay namin. Muli ko siyang hinila palapit sakin kaya napakapit siya ng mahigpit at tinitigan ng gulat ang mga mata ko.
Muli kaming sumayaw at dahil nga hindi ko na siya ililipat pa sa katabi ko dahil siya na ang huling partner ko ay hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya.
We were dancing together but she didn’t protest or what. I was holding her so tight and she too. She was holding me so tight in my arms like what I did too.
Nakayuko siya at hindi nakatingin sakin pero nakatingin lang ako sa mga mata niya. Sana hindi na matapos pa ang sayaw na ‘to, sana ganito na lang siya kalapit sakin araw-araw, sana ako na lang, pero kahit anong gawin ko, lahat ng bagay may katapusan, at hindi pwedeng maging kaming dalawa, dahil hindi niya kayang suklian ang lahat ng ‘yun dahil mas mahal niya kesa sakin si Marcus.
Kahit gano katagal na kaming magkasama, hindi parin maikakaila na mas pipiliin talaga niya si Marcus dahil sila, three months na, at nakita naman niyang nagbbago si Marcus pero ‘yun ang akala niya. Samantalang ako, kelan niya lang nalaman, at baka may possibility na hindi pa ‘ko seryoso sa paningin niya dahil sa player ako.
Parehas naman kaming player ni Marcus, kaso, mas may napatunayan na siya kay George, napatunayan niya nan g ilang beses na hindi na siya magloloko, pero ako wala pa. Kaya anong lamang ko sa kaniya kahit na nineteen years pa kaming magkasama?
Wala. Pero kung malaman man niya na niloloko siya ni Marcus, hindi ko alam kung mapapatay ko si Marcus o hindi. Binitawan ko siyang muli at sa paghila ko ay napahinto ako sa paggalaw dahil napakapit siya ng sobrang higpit sa magkabila kong braso dahil baka madulas siya.
Napahigpit din ang hawak ko ng magtama ang paningin naming dalawa. Sobrang lapit niya sakin at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Magkadikit na ang mga ilong naming dalawa at isang galaw lang ay siguradong mahahalikan ko siya.
“I love you so much George, sana ‘wag mong hayaan na masaktan ako ng ganito, kailangang kailangan kita kung alam mo lang, kaya sana, ‘wag mo ‘kong iwan kung kelan kailangang kailangan kita” mahina kong sabi at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Idadampi ko na sana ang labi ko sa labi niya kaso bigla siyang bumitaw at lumayo. Tinitigan ko siya ng seryoso habang nakatingin lang siya sa ibaba.
“Mali ‘to, maling mali ‘to” sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
“Hindi ‘to pwedeng mangyari,” sabi niya.
“Anong hindi pwedeng mangyari?” tanong ko. Hindi siya sumagot at naglakad lang paalis. Hinabol ko siya at hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapahinto siya. Napatingin siya sakin. Tinignan ko siya ng nagtatanong.
“Hindi ko kaya Grey, kaya I’m sorry, hindi ko talaga kayang suklian ang nararamdaman mo, sorry, sorry talaga, I’m sorry, kaya please, lumayo ka na lang, lumayo na lang tayo sa isa’t isa para hindi tayo masaktang pareho dahil hindi ko talaga kayang suklian ang nararamdaman mo, sorry” sabi niya at may tumulong luha galing sa mata niya. Unti-unti kong nabitawan ang braso niya.
Nanatili lang akong nakatingin ng walang reaksiyon ang mukha ko. Napaawang ang labi ko sa nalaman ko. Alam ko naman na hindi niya kayang suklian pero bakit parang ang sakit lang kapag galing talaga sa kaniya? Bakit ang sakit? Bakit?
“Sorry talaga, I’m sorry” sabi niya at tuluyan ng lumabas ng gymnasium habang ako naiwang mag-isa sa gymnasium habang nakatitig parin sa daan na dinaanan niya.
Sana, manhid na lang ako para hindi ko nararamdaman ang mga sinabi mo George, sana wala na lang akong pakiramdam para makalimutan na lang kita kagad, sana manhid na lang talaga ako. Sana lang…Sana isang araw, magising na lang ako na wala ng hapdi sa puso ko, sana manhid na lang ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...