Chapter 16

54 52 0
                                    


 

Marcus

           Nagising ako ng biglang nauntog ang ulo ko sa matigas na bagay na kinahihigaan ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nakatulog pala ako dito sa table ko. Oo nga pala, tinapos ko ang journal ko. Unti lang naman ang klase ko ngayong araw. Papasok lang naman akong maaga kasi maaga aang first class ko, pagkatapos maghihintay na naman ako ng isang oras para sa susunod kong klase. Nakakaboring.

Lalo na kung wala akon kasama. Sunod-sunod pa naman ang subjects ni Grey kaya sa lunch ko lang siya makakasama. Magpapasama na lang ako kay Cally. Parehas naman kami ng oras nun kasi parehas kami ng coarse. Pinunasan ko ang laway ko sa gilid ng bibig ko papunta sa pisngi ko at saka agad na 'kong tumayo. Napatingin ako sa journal na sinulat ko kagabi. Inaantok pa 'ko. Napagod ako sa ginawa ko kagabi.

"Makaligo na nga" bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa bathroom ng kwarto ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ‘ko at inilagay sa bag ko ang mga libro ko para ngayong araw at ang dalawa kong journal kasama din ang mga iba ko pang gamit tulad ng notebook at ballpen. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ako.

"Oh Sweetie, come here and eat some breakfast" yaya sakin ni mama na hindi ko naman tinanggihan. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni kuya na kumakain. Ako na lang pala ang nag-aaral samin. Tapos na si kuya at mapait na rin ako. Kakagraduate niya palang pero may trabaho na siya kagad.

"Nga pala anak, anong oras ka nakauwi kagabi?" tanong ni mama sakin. Napatingin ako kay papa na humihigop ng kape. Pinagsandok ako ni mama ng pagkain at umupo sa tapat ko. Patay.

"Ehem" ubo ni kuya.

"Mga 9," sagot ko.

"Sinungaling" bulong ni kuya habang kumakain. May alam ang loko.

"'Wag kang maingay" mahina kong bulong sa harapan ni mama na hindi naman siya nahalata dahil hindi ko pinahata sa kaniya.

"Ah, okay" sabi ni mama at kumain na lang ako ng kumain.

"Nga pala sweetie, may gagawin ka ba sa linggo?" tanong ni mama na dahilan ng ikinalipat ng tingin ko sa kaniya.

"Depende," sagot ko habang kumakain.

"May dinner kasi kami sa business partner ng papa mo, but don’t worry we‘re just asking you if you want to come with us, but it‘s okay too, if you don’t want" sabi niya habang nakangiti. Baka naman i-re-reto nila ‘ko? Ganon ang nangyayari kadalasan eh, lalo na sa mga movies. At ayokong mangyai sakin ang bagay na yun.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon