Chapter 38

8 3 0
                                    

It‘s too late



"Salamat" nakangiti kong sabi.


"Saan?" tanong niya.


"Sa Advice, hindi ko alam na magaling ka pala dun" sabi ko habang nakangiti. Nag-iwas siya ng tingin sakin pero nakangiti parin.


"Salamat kuya ah" sabi ko na ikinatawa niya ng malakas. Tinignan ko siya ng kunot noo. Tumingin siya sakin ng nakangiti.


"San galing yan?" tanong niya habang nakangiti.


"Malamang sakin" sagot ko. Napatingin ako sa bulsa niya ng biglang magring ang phone niya. Nagring na naman ang phone niya na siguradong dalawang message ang natanggap niya. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa saka binasa ang message. May pinindot pindot siya sa phone niya at pinatay itong muli.


"Sino 'yun?" tanong ko.


"Asawa ko nagtext" sabi niya agad na kinakunot ng noo ko.


"Huh?" tanong ko.


"'Yung girlfriend ko 'yun, asawa ko lang ang tawag ko sa kaniya" paliwanag niya kaya bahagya akong napangiti.


"Anong sabi niya?" tanong ko.


"Tinatanong niya 'ko kung nasaan na 'ko dahil magkikita sana kaming dalawa ngayon, kaso ang sabi ko, sorry dahil hindi ako makakapunta, dahil may babae akong kasama na iyak ng iyak" sabi niya kaya medyo natawa ako.


"Luh, baka mamaya, pagselosan niya 'ko ah?" tanong ko. Baka kasi hindi niya nilinaw na kapatid niya ang kasama niya.


"Alam niyang ikaw ang kasama ko, kaya 'wag kang mag-alala" sabi niya kaya napangiti ako.


"Pero baka magtampo sayo yun dahil hindi ka pumunta?" tanong ko.


"Hindi mangyayari 'yun, alam niya kasing mas kailangan ako ng pangit kong kapatid" sabi niya habang nakasandal sa gilid ng kama ko at nakatingin sa harapan namin. Nagpout ako sa kaniya at tinignan niya 'ko.


"Biro lang, pero 'yung sinabi kong pangit ka, hindi biro 'yun" sabi niya habang natatawa.


"Ang sama mo!" sigaw ko na mas kinatawa pa niya.


"Kaya 'wag ka ng iiyak, kasi ang pangit mo" sabi niya at hinagis ko sa kaniya ang isang unan galing sa kama ko.


"Kahit sino mapapangitan sayo kapag umiiyak ka kaya 'wag ka ng iiyak, naiintindihan mo?" sabi niya habang nakangiti. May purpose din pala ang sinasabi niya sakin. Tss, hindi na lang kasi sabihin na ayaw niya 'kong umiiyak. Napatingin ako sa phone niya ng bigla na namang magring. Napatingin siya sa phone niya at binuksan ito. Agad na kumunot ang noo ko ng biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. Nagring na naman ang phone niya at may pinindot pindot dun. Saglit siyang napahinto at may binasa sa phone niya.


"Kuya bakit?" tanong ko at napalingon siya sakin kagad.


"Yung babaeng 'yun talaga" sabi niya at nag-iwas siya ng tingin sakin.


"Bakit?" tanong ko. Tinignan niya 'ko.


"Tanda mo 'yung dati kong nililigawan?" tanong niya sakin na agad naman niyang kinatango ko.


"Nandun siya ngayon sa pagkikitaan sana namin ng asawa ko, kaya nag-aalala lang ako baka kung anong gawin niya sa asawa ko, alis muna 'ko saglit" sabi niya saka tumayo. Maglalakad na sana siya palabas ng kwarto ko kaso tumigil siya at hindi ko alam kung bakit. Humarap siya sakin.


"Sama ka, lika" sabi niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang braso ko at hihilain sana ako kaso pinigilan ko siya.


"'Wag na" sabi ko.


"Hindi kita maiiwan dito ng umiiyak ka, lika na" sabi niya at hinila ako patayo.


"Hindi naman na 'ko iiyak" sabi ko pero wala na kong nagawa dahil hinila na niya 'ko palabas ng kwarto ko saka dahan-dahan na naglakad palabas ng bahay.


"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.


"Sa asawa ko nga, buksan mo 'yung gate" sabi ni kuya at umalis. Dahan-dahan niyang tinaas ang harang sa garahe at binuksan ko naman ang gate. Sasama na nga 'ko, wala naman din akong gagawin. Pero sana naman hindi ako maging third wheel sa kanila. Alam naman ni kuya na ayoko nun. Lumabas na ang sassakyan ni kuya at sinarado ko na ng maayos anggate ng bahay. Hininto niya ang kotse niya at binuksan niya mula sa loob ang passenger seat. Agad naman akong pumasok.


"Ikaw may kasalanan kapag napagalitan tayo" sabi ko kaya natawa lang siya.


"'Wag kang mag-alala, akong bahala," sabi niya at pinaandar ng mabilis ang kotse niya. Bigla niyang prineno ang sasakyan niya kaya muntikan akong mapasubsub sa dash board kung hindi lang ako nakahawak sa likod ng upuan ni kuya at sa gilid ng pinto ng sasakyan. Tinignan ko ng masama si kuya.


"Kuya! Magdahan dahan ka nga!" reklamo ko at tumawa lang siya.
"Kailangan ko na kasing bilisan dahil 'yung asawa ko, hinihintay ako" sabi niya.


"Ang sinasabi ko lang, magdahan----" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil ang bilis ng paandar ni kuya sa sasakyan niya. Kahit nakaseatbelt ako, feeling ko lilipad ako sa sobrang bilis niyang magmaneho! Talagang mapapatay ko 'to si kuya sa ginagawa niya!


"Kuuuuyyyyyaaaaaaaaa!!!!" sigaw ko at natawa lang siya. Pagdating namin sa isang park ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan ni kuya at dahan-dahan akong lumabas. Mamatay na ata ako. Lumabas ako maglalakad pa lang sana ako ng umupo ako sa gilid ng sasakyan ni kuya at umiling iling ako. Nahihilo ata ako? Si kuya kasi. Tumayo sa gilid ko si kuya at tumingala ako. Nakangiti lang siya sakin.


"Ayos ka lang?" tanong niya habang nakangiti.


"Bwisit ka" sabi ko.


"Wait lang, pupuntahan ko lang asawa ko, ayun oh, naghihintay" sabi niya habang nakangiti at tumango ako.


Sinundan ko siya ng tingin at nilapitan niya ang isang babaeng nakadress ng kulay light yellow na may white na bulaklakin at walang sleeve, hindi kaya siya lamigin? Ako nga nakapantalon parin hanggang ngayon.


Nakita kong niyakap ni kuya ng mahigpit ang girlfriend niya ng sobrang higpit. Binitawan ni kuya ang girlfriend niya. Kung hindi ako nagkakamali, Anya ang pangalan ng girlfriend niya.


Ang sweet nila ah? Sa nakikita ko, simpleng babae lang naman si Anya at hindi ko alam kung pano nagkagusto ang kuya ko sa kaniya. Ang alam ko kasing type ng kuya ko, 'yung datingan ng type ni Grey kaya nagtataka talaga 'ko.


Pero kapag 'yan sinaktan ni kuya, humanda si kuya sakin. Halatang mabait ang girlfriend niya kaya sana hindi niya saktan dahil masakit ang masaktan. Nakita kong pinisil ni kuya ang magkabilang pisngi ng girlfriend niya kaya natawa siya ng sobra.


Mahina siyang hinampas ni Anya sa balikat niya pero nakingiti siya. Biglang humangin ng sobrang lakas kaya hinimas himas ni Anya ang braso niya dahil malamig masyado. Hinubad ni kuya ang jacket niya na makapal at jinacket niya ito kay Anya. Napatingin sakin si Anya at ngumiti.


Tinignan niyang muli si Kuya at may sinabi sa kaniya si kuya na ikinalakad nilang dalawa. Inakbayan pa ni kuya si Anya pero feeling ko hindi sanay si Anya dahil naiilang pa siya. Naglakad sila palapit sakin at tumayo ako. Nahihilo pa 'ko pero hindi na masyado, nakakainis kasi 'tong lalaking to.


Ewan ko ba kung bakit sinagot ni Anya 'yan, minsan may pagkapilyo din 'yan katulad ni Grey. Huminto sila sa tapat ko at narinig ko ang pag-uusap nila.


"Bakit ka ba kasi nagde-dress kapag ganitong gabi? Alam mong malamig" sabi ni kuya habang nakatingin kay Anya.


"'Di ba gusto mo kapag nakadress ako? Hindi naman ako madalas magdress dati, kaso sabi mo maganda kapag nakadress ako?" sabi ni Anya kaya natawa si kuya.


"Kung alam mong malamig, 'wag kang magdress, mamaya, malamigan ka pa" sabi ni kuya habang nakangiti. Mukhang nakakalimutan ata nilang nasa harapan ko sila?


"Guys, nandito ako sa harapan niyo" sabi ko habang nakangiti kaya napatingin silang dalwa sakin.


"Hay George" bati sakin ni Anya at nginitian ko siya.


"Nandiyan ka pala? Akala ko, poste, flat ka kasi" sabi ni kuya habang nakangiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Ang sama mo sa kapatid mo," sabi ni Anya. Tinignan ni kuya si Anya.


"Parehas lang naman kayong flat" sabi ni kuya at napanganga ng bahagya si Anya habang nakangiti.


"Ayaw, mo sa flat pero nagkagusto ka sakin?" tanong ni Anya at natahimik si kuya habang nakangiti. Lagot, si kuya.


"Ikaw nagkagusto sakin, niligawan lang kita" sabi ni kuya.


"Ah so, napilitan ka lang? Break kaya tayo?" sabi ni Anya habang nakangiti.


"Hindi magandang biro 'yan Anya, mas gugustuhin ko pang mamatay kung lalayo ka rin sakin" sabi ni kuya at nilagay ni Anya ang kamay niya sa magkabilang pisngi ni kuya.


"Hindi ako mawawala sayo, kung hindi ka rin mawawala sakin" sabi ni Anya at nilapit pa lalo ni kuya si Anya sa kaniya habang nakaakbay kaya napabitaw si Anya sa mukha niya. Tinignan ako ni kuya.


"San niyo gustong pumunta?" tanong ni kuya.


"Saan ba? Ikaw George san mo gusto?" tanong ni Anya.


"Wala 'kong maisip" sagot ko at nagtinginan silang dalawa.


"Alam ko na kung saan ko kayo dadalhin, tara" sabi ni kuya at maglalakad na sana kaso nagsalita si Anya.


"Dito ako sa likod, katabi ko si George" sabi ni Anya na ikinatingin ni kuya sa kaniya.


"Gusto niyo pa atang maging magbestfriend," sabi ni kuya habang nakangiti at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Pumasok naman si Anya sa likod at tumabi ako sa kaniya. Sinimulan na ni kuyang paandarin ang sasakyan niya. Himala, dahan-dahan atang magmaneho si kuya ngayon? Siguro ayaw ni Anya ng mabilis?


"Nga pala, sorry kung magiging madaldal ako ngayon Anya ah, pwede malaman kung bakit mo sinagot si kuya? Di ba, mabait ka? Bakit mo sinagot 'tong demonyong 'to?" tanong ko habang nakangiti.


"Aba, sinong demonyo George?" tanong ni kuya.


"Ikaw" sagot ni Anya at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Ang sweet ng dalawang 'to.


"Hindi ko din alam kung bakit ko sinagot 'yan, eh minsan inaaway niya 'ko, pero palagi ko siyang sinusungitan, kasi palagi niya 'kong inaaway" sabi ni Anya at kunot noo akong napatingin kay kuya.


"Bakit mo siya inaaway kuya?" tanong ko.


"Insecure ako sa kaniya dati kasi nga, may nanliligaw sa kaniyang iba" sagot ni kuya.


"Ah, so ganon? Nagseselos ka?" tanong ni Anya habang nakangiti.


"Masama bang magselos kapag sa mahal mo?" seryosong tanong ni kuya.


"Tama na nga, kaya nga ikaw ang sinagot ko eh, kaya 'wag mo ng pagselosan 'yun" sabi ni Anya na kinangiti ni kuya.


"Sinong pinagseselosan ni kuya?" tanong ko.


"'Yung nanliligaw sakin dati. Kasi nung nanliligaw siya, hindi ko siya pinapansin minsan, kasi nga naiinis ako sa kaniya, kasi matapos niya 'kong awayin palagi, tapos liligawan niya ko. Kaya hindi ko siya pinapansin, pero nung nagalit siya nung kasama ko 'yung isang nanliligaw sakin, tapos nagulat ako ng sabihin niya na mahal na mahal na daw niya 'ko, akala ko kasi, trip niya lang na ligawan ako at parang trip trip lang na relationship ang gusto niya kaya hindi ko siya i-n-entertain" sabi ni Anya.


"Eh anong sabi mo nung sinabi niya 'yun?" tanong ko.


"Nalaman ko naman na seryoso siya, kaya i-n-entetain ko siya," sagot ni Anya. Grabe pala 'tong dalawang 'to.


"Kapag sinaktan ka nito sabihin mo sakin ah" sabi ko kaya natawa si Anya.


"George, kapag nasaktan ko 'yan, kung kailangan kong lumuhod sa harap niya, gagawin ko, 'wag lang siyang mawala sakin, kahit kainin ko pride ko para lang sa kaniya, 'wag lang siyang mawala" sabi ni kuya at napangiti si Anya. Aba, halatang seryoso si kuya ah? Mukhang kaya talaga niyang gawin ang mga sinasabi niya ah.


"'Wag kang mag-alala, hindi mo kailangang gawin 'yan" sabi ni Anya na kinangiti ni kuya.


"Tama na nga, ang che-cheesy niyong dalawa" sabi ko at natawa si Anya.


"Kelan ba kayo nagkakilala?" tanong ko.


"Kelan lang 'yun pero ang sama pa, nakakainis ang kuya mo nun, natapakan na niya 'ko ng paa, siya pa 'tong galit. Hinagis ko sa kaniya ang bag ko tapos hinagis niya din sakin, ang sakit kaya nun" sabi ni Anya at sumimangot.


"Hindi ko sinasadya yun, maniwala ka" sabi ni kuya habang nakangiti. Pagdating namin sa isang caffee, ay pinarada niya na ang sasakyan niya.


"Bakit dito tayo pumunta kuya?" tanong ko sabay labas ng sasakyan niya.


"Alam kong mahilig kayong dalawa sa kape, kaya dito ko kayo dinala, 'wag kayong mag-alala, treat ko" sabi ni kuya saka hinila ang mga braso namin ni Anya saka pumasok sa loob ng caffee.


"Hanap na kayo ng table, ako na o-order para sa inyong dalawa" sabi ni kuya.


"Alam mo taste namin?" tanong ko.


"Alam na alam, kaya sige na" sabi niya at naglakad na lang kami ni Anya. Naghanap kami ng table at umupo ako sa tapat niya.


"Pwede magtanong?" tanong ko habang nakangiti.


"Oo naman" sabi niya habang nakangiti. Tinignan ko si kuya at kausap niya ang cashier.


"Pano mo nagustuhan si kuya?" tanong ko. Napangiti siya sakin.


"Hindi ko din alam kung pano, kasi hindi naman ganiyang klase ng lalaki ang gusto ko, ang gusto ko 'yung kahit hindi naman kagandahan ang itsura basta mahal na mahal ako at ako lang. Hindi ko alam kung pano kasi hindi naman sa sinasabi kong babaero ang kuya mo, pero, nagdalawang isip ako sa kaiya nung una kasi marami na siyang naging girlfriend at halos lahat 'yun siya ang nang-iwan. Mahirap sumugal pero ewan ko kung pano ako napaniwala ng kuya mo na hindi niya 'ko iiwan. Okay lang naman sakin na masaktan ako, pero sana hindi naman araw-araw. Hindi ko din alam kung pano siya nagkagusto sakin kasi ang alam ko, hindi naman simpleng babae ang gusto niya" sabi niya habang nakangiti. Alam din naman pala niya na hindi maiiwasan ang hinid masaktan. Kaya buti na lang.


Sana hindi na sayangin ni kuya ang babaeng 'to. Sana hindi niya na iwan ang babaeng 'to dahil tama naman si Anya, sa lahat ng naging girlfriend ni kuya, siya ang nag-iiwan, isang babae lang ang hindi siya ang nang-iwan. Yung ex niya dati na na tumagal 'yung relasyon nila ng three years pero wala eh, hindi na nagwork.


"Sana hindi ako iwan ng kuya mo, kasi mahal na mahal ko na siya" nakangiting sabi ni Anya at bigla siyang hinalikan ni kuya sa pisngi. Napatingin ng gulat sa kaniya si Anya.


"Don’t worry, gagawin ko lahat, hindi lang kita iwan" nakangiting sabi ni kuya. Ahmm, andito pa ako?


"Mukhang nagiging third wheel na 'ko dito ah?" nakangiti kong tanong at napatingin silang parehas sakin. Umupo si kuya sa tabi ni Anya at nilapag ang tray na may mga cup of coffee at mga desserts at bread. Kinuha ko ang paborito kong kape na cappuccino at tinikman ko ito. Ang sarap talaga.


"Hindi ka naman third wheel" sabi ni Anya.


"'Wag kang mag-alala, asawa ko, hindi kita iiwan," sabi ni kuya at napangiti si Anya sa kaniya.


"Sana hindi mo kainin 'yang sinasabi mo balang araw" sabi ni Anya.


"'Wag kang mag-alala. Akong bahala diyan sa kuya kong 'yan kapag iniwan ka niya" sabi ko habang nakangiti. Napatingin ako sa labas at dahil sa glasswall naman ang nasa tabi ko ay may nakita akong pamilyar na mukha.


Si Grey ba 'yun? Nakita ko na magkahawak sila ng kamay ni Bella habang naglalakad at ang saya-saya nila. Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko kay Grey na nag-aalala siya sakin. Parang walang bakas ng kalungkutan sa mukha niya kahit na alam niyang nalulungkot na 'ko.


"'Wag mo na kasing tignan kung alam mong nasasaktan ka na" sabi ni kuya at napatingin ako sa kaniya. Tumingin si Anya sa tinitignan ko kanina at muli akong tinignan.


"'Di ba bestfriend mo si Grey?" tanong niya. Napakunot ang noo kong tumingin sa kaniya.


"Pano mo nakilala si Grey?" tanong ko.


"Kasi pinsan ko siya?" hindi niya siguradong sagot.


"Pinsan mo si Grey?" kunot noong tanong ni kuya sa kanya. Pinsan niya si Grey? Seryoso? Hindi ko alam 'yun ah?


"May gusto ka sa kaniya 'no?" tanong ni Anya at napatingin ako ng seryoso sa kaniya. Nakangiti lang siya sakin.


Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Hay, ang dami ng nakakaalam. Una si Cally, pangalawa si kuya, ngayon si Anya naman, at pinsan pa niya! Hasytt! Pano kung sa pang-apat, hindi ko na magustuhan kung sino ang susunod na makakaalam.


***

Naglakad ako palabas ng mall dahil kakabili ko lang ng bago kong phone. Kasama ko si Cally dahil hindi sumama si Marcus sakin dahil may ginagawa pa siya. 'Di bale pagbalik ko naman sa school, makakasama ko naman siya.


Oo, parang miss na miss ko na siyang makasama, pero parang may ibang sinisigaw 'yung puso ko na ayaw ng isip ko. Bakit ba kasi hindi na lang sila magkasundong dalawa? Bakit kailangang magkaroon pa ng split decision? Kung pwede namang magkasundo na lang? Sino bang dapat kong sundin? Puso ko? O ang isip ko? Hindi ko na alam kung ano ba talaga!


"Okay ka lang George?" tanong ni Cally at tumango ako. Kinuha ko ang sim card sa bulsa ng jacket ko. Hindi ko alam kung isasalpak ko ba 'tong sim card ko o hindi. Pero sige na nga. Nacu-curious din ako kung anong mga text messages ni Grey sakin kagabi. Binuksan ko ang bagong bili kong phone at sinalpak ko ang sim card ko. Muli kong i-n-on ang phone ko at biglang tumunog ng sunod-sunod ang phone ko kaya napatingin sakin ang maraming tao. Tinignan ko si Cally at ngumiti ako ng naiilang.


"Ano bang ginawa mo diyan?" tanong niya.


"Hehehe, wala" sagot ko at binuksan ko ang phone ko pero sunod-sunod parin ang tunog ng phone ko. Binuksan ko ang messages ni Grey at sunod-sunod parin ang mga messages. Shit ang dami. Mamaya ko na nga babasahin. Ang dami sobra. In-off ko ang phone ko saka nilagay sa bulsa ko.


"Punta na tayo sa school" sabi ko at tumigil na sa pagtunog ang phone ko. Biglang tumunog muli ang phone ko kaya kinuha koi to at tinignan ang nagmessage. Marcus? Binuksan ko ang message niya at binasa.


‘San ka na? Nandito ako sa parking lot ng mall na pinagpuntahan niyo‘ basa ko sa message. Nandito pala siya? Baka kanina pa 'to naghihintay?


‘Wait hintayin mo na kami, papunta na 'ko‘ reply ko at tinignan ko si Cally.


"Tara na, naghihintay na si Marcus satin" sabi ko at hinawakan ko ang braso niya saka siya hinila. Hinila ko siya papunta sa parking lot at hinanap ko si Marcus. Naglingon lingon pa 'ko at nakita ko na ang sasakyan niya. Naglakad ako papunta sa sasakyan niya at bumukas ang pinto ng sasakyan niya. Lumabas siya at ngumiti sakin.


"Dapat nagpasama ka na sakin" sabi ni Marcus at nginitian ko siya. Hindi ko parin makalimutan ang mga sinabi ni kuya sakin kagabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang gawin 'yun dahil baka masaktan lang si Marcus. Pero kung hindi ko naman gagawin, baka mas lalo nga lang kaming masaktan.


"Tara na, san kayo punta?" tanong niya.


"Wala naman na, sa school na kami" sabi ko. Napatango siya at pinagbuksan ako ng pinto.


"Pasok na" utos niya at pumasok na lang ako sa loob. Pagpasok ko ay pumasok na rin si Cally sa likod at ganon din si Marcus. Nagmaneho siya at tahimik lang kami sa biyahe. Pagdating namin sa school ay pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Lumabas ako at ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sabihin sa kaniya, lalo na‘t baka masaktan lang siya kapag ginawa ko 'yun.


Pero sabi nga ni kuya, gawin mo ang tama at siguradong hindi ka magsisisi. Sana tama siya. Mamayang hapon, sasabihin ko sa kaniya. Sasabihin ko na. Para matapos na. Tsaka kay Grey, sasabihin ko na sa kaniya ng matapos na. Kung ano man ang maging reaksiyon niya okay lang. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ko ang messages ko. Sobrang daming messages ni Grey.


‘Mag-usap tayo mamaya, pwede ba?‘ message ko. I-o-off ko pa lang sana ang phone ko kaso bigla itong tumunog.


‘Pwede. Anong oras?‘ reply niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-isip ako kung anong oras.


"George tara na" sabi ni Marcus at tinignan ko siya. Tumango ako at naglakad na kami.


"May problema ba?" tanong ni Marcus.


"Wala naman" sagot ko.


"Kuha kang matamlay, sigurado ka?" tanong niya.


"Oo, okay lang ako" sagot ko. Binalik kong muli ang tingin ko sa phone ko.


‘Mamayang uwian, sa room namin,‘ message ko kay Grey.


‘Sige‘ reply niya. Huminga akong malalim dahil feeling ko hindi na 'ko makahinga. Para akong kinakabahan. Huminga akong malalim.


"Okay ka lang ba talaga? Parang hindi ka okay ah?" tanong ni Marcus sa tabi ko. Tumingin ako sa kaniya.


"Im okay" sagot ko habang nakangiti. Sana pagkatapos nito, okay pa din ako.


***


Inayos ko ang mga gamit ko at dahil uwian na ay naghihintay parin ako dito sa room namin. Wala pa kasi si Grey. Wala din si Marcus dahil hindi kami magka-classmate ngayon. Sa ibang subject siya. Hanggang five pa sila pero 4:30 na ng hapon. Ang alam ko, uwian na din ngayon nila Grey pero bakit wala parin siya? Text ko kaya siya para malaman niya? Baka naman nakalimutan kasi niya? Text ko na nga lang ulit. Kinuha ko ang phone ko at nagtype ako ng message ko.


‘Grey nasan ka na?‘ message ko pero hindi parin siya nagreply. Shit! Ang lakas ng heartbeat ko! Para akong kinakabahan.


‘Grey?‘ message ko pero hindi parin siya nagmemesage. Try ko kayang puntahan? Pero baka kapag pinuntahan ko siya baka, pumunta siya dito at magkasalisihan kaming dalawa. Pero ang tagal niya kasi, saglit lang naman.


Tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Naglakad ako sa hallway at marami parin naman ang mga studyante sa hallway pero iilan na lang dahil nasa labas na ang iba. Naglakad ako saka umakyat sa taas.


Pagdating ko sa room nila ay hindi ko inaasahan ang nakita ko kaya nabitawan ko ang lahat ng librong dala-dala ko. Nakita ko na kahalikan ni Grey si Bella habang nakatayo sila. Nakasandal si Bella sa pader samantalang nakaharap sa kaniya si Grey at nakalapat ang isa niyang kamay sa pader at ang isa naman at nasa pisngi ni Bella. Nakapulupot sa bewang ni Grey ang mga braso ni Bella.


Napatingin silang pareho sakin ng malaglag ko ang mga librong binitawan ko. Pinigil ko ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko para hindi malaman ni Grey na nasasaktan ako. Tinitigan nila 'kong pareho pero nanatili lang akong nakatitig sa mga mata ni Grey. Ako na ang nag-iwas ng tingin sa kaniya at naglakad na 'ko palayo.


Ramdam ko ang pagsunod sakin ni Grey kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa maramdaman kong wala na siya. Pumasok ako sa loob ng library at naglakad ako hanggang sa pinakadulo kung saan hindi ako makikita ng iba. Umupo ako sa sahig saka sumadal sa pader.


Eto na naman! Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko na umagos! Nakakainis na 'tong mga luha ko. Pagod na 'kong umiyak dahil kahapon, kakaiyak ko lang ng kakaiyak. Sana nandito si kuya para samahan ako. Kaso wala siya eh. Huminga akong malalim at tumayo ako.


Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad ako palabas ng library na para bang walang nangyari. Nagmamadali akong lumabas ng building hanggang sa naglalakad na 'ko sa field. Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may humarang sakin. Tinignan ko siya at bigla ko siyang niyakap.


"George bakit?" tanong ni Cally at umiyak na lang ako ng umiyak. Ang hirap ng masaktan lalo na kung ikaw lang mag-isa ang nasasaktan.


"Cally…" sabi ko habang umiiyak. Alam kong may mga nakatingin na samin pero hindi ko sila pinansin at niyakap ko lang siya habang umiiyak. Binitawan ko siya at naglakad akong muli paalis. Tumakbo ako palabas ng gate ng school at napahinto ako ng may humintong sasakyan sa harapan ko. Akala ko si Grey ang lalabas pero buti na lang hindi, dahil si kuya ang nakita ko.


"Umiiyak ka---" hindi na siya natapos magsalita ng bigla ko siyang niyakap.


"Kuya…" sabi ko at niyakap niya din ako.


"Sabi ko na nga ba, buti na lang at dumaan ako dito, buti na lang naisipan kong sunduin ang asawa ko, akala ko kasi sabay kayo ng boyfriend mo, ano, nasabi mo ba?" tanong niya pero mas lalo lang akong umiyak sa kaniya habang mahigpit ko siyang niyayakap.


"Obvious na ang sagot mo, bakit 'di mo sinabi?" tanong niya.


"Its too late now to confess" sabi ko habang umiiyak at hinagod hagod niya ang likod ko.


"Tama na, ano ba kasing nangyari?" tanong niya pero hindi ako tumigil sa pag-iyak. Sana talaga hindi na lang ako lumabas ng room na 'yun at hinintay ko na lang na dumating siya kesa makita ko pa ang ginagawa nilang dalawa. Masakit kahit na alam kong may iba naman na 'ko, nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari.


"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Anya sa likod ko.


"Pano mo naman nasabing huli na? Ano ba kasing nangyari?" tanong niya pero hindi ako umimik saka binitawan ko siya. Pumasok ako kagad sa loob ng sasakyan ni kuya sa likod at saka ako umiyak ng umiyak. Huli na ang lahat para sabihin ko pa ang nararamdaman ko.


Kung kelan kasi may iba na siya, saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin lahat sa kaniya. Kung kelan meron na rin akong iba, saka 'ko naisipang sabihin ang totoo kong nararamdaman. Sana hindi ko na lang 'to nararamdaman, sana manhid na lang ako para kahit makita kong may nagpapasaya sa kaniyang iba, hindi ako naaapektuhan ng sobra tulad nito. Its too late for my feelings…











BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon