Chapter 50

5 2 0
                                    



Broken Bracelet…


GREY’S P.O.V.


Sa simula pa lang, naiintindihan ko na, ang gusto ko lang ‘yung siya mismo ang magsabi sakin ng harapan. Kahit masakit, hinarap ko para lang sayo George.


Huminga akong malalim at bumangon ako sa kama ko. Ang sakit ng ulo ko. Pero kahit papano worth it ‘yung buong gabi ko kagabi. Para sakin, masaya na ‘ko kahit na ganon ang nangyari kagabi, kahit na sandaling oras lang, okay lang para sakin.


Okay na okay lang. Kahit hindi na kami pwede, masaya na ‘ko sa nangyari kagabi. Ang sarap sa feeling na makasama siya. Sobrang saya ko.


Tsaka, hindi ko alam na may gusto din pala ang tulad niya sakin? Coinsidence lang ba ang lahat o nakatadhana talaga ‘yun para lang masaktan kaming dalawa? Sana isang araw, umayon din ang tadhana sakin at sa kaniya.


Sana balang araw, magkaroon pa ng pagkakataong makasama ko siya. Sana lang, dahil feeling ko, parang wala ng pag-asa pa. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Oo nga pala, nandito ako sa condo ko. Naglakad ako papunta sa kusina ko at kumuha ako ng chocolate bread sa lalagyan ko ng mga tinapay.


Nilapag ko iyon sa table ko. Kumuha ako ng mug at nagtimpla ako ng mainit na kape. Umupo ako sa tapat ng table at uminom lang ako ng kape. Sabado pala ngayon at wala ‘kong magawa dito ngayon.


‘Di bale na lang kung magyayaya sila Nate na lumabas mamaya. ‘Di bale, pagod din naman ako sa nangyari kagabi. Kulang pa nga ang tulog ko kung tutuusin. Inaantok pa ‘ko dahil anong oras na ‘kong umuwi kagabi.


Hindi na pala gabi ‘yun, mga three na ng madaling ara ‘yun. Sulit naman kahit anong oras na ‘kong umuwi dahil sa mga nangyari kagabi. Napangiti na lang ako habang umiinom ng kape. Napangiti na lang ako ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.


“Sana hindi na lang natapos ang gabing ‘yun” sabi ko sa sarili ko habang kumakain. Sana kung alam ko lang na hindi mo naman ako lalayuan kapag nalaman mo, sana sinabi ko na sayo habang maaga pa. Para hindi ganito ang uwi nating dalawa. Para hindi ako nasasaktan ng ganito sayo.


Ang sakit lang kasi na makitang may kasama ka ng iba, at may iba ng nagpapasaya sayo. Masakit pero kailangan kong tanggapin at kailangan kong mag-move on para hindi ka mahirapan. Hindi naman kasi tayo pwede kaya kailangan ko na talagang magmove-on.


“Masaya na ‘ko kung saan ka sasaya” sabi ko sa sarili ko. Kung sa kaniya ka na talaga sasaya, wala na ‘kong magagawa. Pero naalala ko ang mga sinabi niya na may gusto din siya sakin.


Kung alam ko lang na parehas na kami ng nararamdaman nung una, hindi ko na sana siya pinakawalan pa. Hindi na sana ako naghanap pa ng iba para lang makalimutan ko ang nararamdaman ko sayo.


Ginawa ko lang naman ‘yun para hindi ka mawala sakin. Pero mas malala pa pala ‘tong ginawa ko. Mas malala pa, dahil bukod sa hindi mo ‘ko kayang suklian, nasasaktan din ako kapag nakikita kitang may kasamang iba, nasasaktan ako kasi nagawa mo pang piliin ang taong niloloko ka, mas masakit sakin ‘yun, pero ang mas masakit ‘yung lumayo ka, at maiwan na lang akong mag’isang nasasaktan.


Sinasabi kong naiintindihan ko, sinasabi ko ding okay lang ako at ‘wag kang mag-alala sakin, pero kadalasan, umaabot na ‘ko sa point na hindi ko na talaga kaya.


Pero para sa ikakasaya mo, ginagawa ko dahil ayokong masaktan ka. Okay lang sakin kahit na ako na lang ang masaktan, ‘wag lang ikaw. Napatingin ako sa phone ko ng biglang magring. Kinuha koi to at tinignan kung sino man ang nagmessage sakin.


‘Sama ka?’ tanong sa message. Zach? Sama saan? Wala naman akong naaalalang may lakad siya ah? Nagtype ako ng message.


‘Sama saan?’ tanong ko sa message saka kumain na lang muli. Kinuha ko ang phone ko ng magring muli.


‘San pa ba? Lika na,’ message ni Zach. Ang aga aga nagyaya ang mga loko ng inuman sa bar. Hay nako.


‘Hintayin mo ‘ko. Mga thrity minutes, nandiyan’ message ko habang kumakain lang.


‘Ang tagal ah’ message niya kaya pinatay ko ang phone ko. Uminom pa naman ako kagabi, pero hindi masyado dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko at patayin ko na lang si Marcus.


Tsss, hindi ‘ko magagawang pumatay kahit na lasing ako, o kahit nasasaktan ako ng sobra. Gising na kaya siya? Magmessage kaya ‘ko sa kaniya?


‘Hi, good morning’  type ko. Ang pangit. Mali, ang awkward nito. Binura ko ang tinype ko. Ano bang magandang i-message sa kaniya.


‘Good morning,’ type ko. Mas awkward ata ang ganito. Nagulat ako ng biglang magring ang phone ko kaya napindot ko ang send.


“Shit! Na-send!” sabi ko sa sarili ko. Sino ba kasi ‘tong pahamak na nag message sakin? Haish! Tinignan ko kung sino ang nagmessage sakin at napapikit na lang ako sa inis.


Zach hindi ka ba matahimik? Bakit kasi ngayon ka pa nagmessage, pinatapos mo muna sana akong mag-isip haish! Napa-iwas ako ng tingin sa phone ko at narinig kong magring ito.


Bwisit ka talaga Zach. Nagawa mo pang magmessage sakin. Tinignan ko ang message. George? Hala. Binuksan ko ang message niya at binasa.



‘Goodmorning’ message niya with smiling emoji. Napangiti na lang ako dahil nagreply siya. Totoo ba ‘to o nanaginip lang ako? Talagang nagmessage sakin si George?


Huminga akong malalim at sumandal ako sa sandalan ng upuan ko. Kaso, kapag umasa pa ‘ko, baka masaktan lang ako. Pero mas masasaktan ako kapag wala man lang akong nagawa para hindi pigilan si George kay Marcus. Hindi naman ako masyadong lasing ng mga oras na makita ko ‘yun.


Pwede kong isiping kaibigan niya lang ang babaeng ‘yun pero walang matinong tao ang hindi mag-iisip ng maganda kapag nakita niyang may kaakbayan ang isang tao, at ang malala pa dun, hinalikan pa niya ang babaeng ‘yun sa harapan ko.


Talagang wala siyang balak na seryosohin si George, naririnig ko na rin ‘yun matagal na sa loob ng bar. Kaya naiinis lang ako sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang ilayo si George sa kaniya. Inis na inis na ‘ko sa sarili ko pero ewan ko ba kung bakit ayaw maniwala sakin ni George.


Mahal ko siya at ayokong masaktan siya. Kahit nung kaibigan pa lang naman niya ‘ko, ayoko ng masaktan siya dahil kaibigan ko siya.

Ayokong isipin niya na sinisiraan ko lang si Marcus sa kaniya dahil alam niyang mahal ko siya, pero hindi ako nagsisinungaling, maraming nakakakita ng ginagawa niya.


At kung kailangan ko pang iharap sa kaniya ang ginagawa ni Marcus, gagawin ko, hindi lang siya maiwan sa kanilang dalawa, dahil alam ko ang pakiramdam ng naiiwang mag-isa at nasasaktan.


GEORGE’S P.O.V.


Dahan-dahan akong bumangon galing sa kama ko at nilinis ko ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Pagod na pagod ako kagabi. Pero kahit papano, ang ganda ng gabi ko kagabi.


Naalala ko tuloy ‘yung kasama ko si Grey kagabi. Sana ganon na lang palagi, pero hindi kasi pwede. Napangiti na lang ako habang nakaupo sa kama ko at nakapikit parin ang mga mata ko.


Gulong gulo pa ang buhok ko dahil kagigising ko nga lang. Huminga akong malalim at dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napangiti ako dahil sumalubong sakin ang tatlong rose na nasa isang clear glass vase at may tubig sa loob.


Sa lahat ng rose na nagbigay sakin kagabi, ‘yung sa kaniya lang talaga ang pinakagusto ko. Kaso kahit gustuhin ko pa na maging kami. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.


Kaya ayokong maging close sa kaniya katulad ng kagabi eh. Natatakot ako nab aka ganito na naman. Hirap na nga ‘kong talikuran siya, mas lalo pang humirap ngayon! Haaaa!


“Haaaaa!” sabi ko at bigla ulit akong bumagsak sa kama ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang ayoko munang lumabas ng kwarto ko. Ang sakit ng ulo ko! Pano ba ‘ko makakapag-isip ng maayos.


Si Marcus kaya gising na siya? Eh si Grey? Hindi ko alam. Si Marcus pwede ko pang tanungin pero si Grey hindi ko kaya kahit guso kong malaman.


‘(whistle)’ ring ng phone ko. Baka si Marcus na ang nagmessage sakin. Kinuha ko ang phone ko sa table at tinignan ko ang nagmessage. Mabigat pa ang mga talukap ng mga mata ko dahil inaantok pa ‘ko.


Si Marcus---Saglit, si Grey? Agad na napamulat ng maayos ang mga mata ko at tinignan kong muli ang nagmessage sakin para makasiguro kung sino ba ang nagmessage sakin. Si Grey nga talaga. Napabangon ako kagad sa kama ko. Binuksan ko ang message niya at napangiti na lang ako.




‘Goodmorning’ message niya. Napangiti na lang ako. Ilalapat ko na sana ang daliri ko para magreply sa kaniya kaso napahinto ako at nawala ang ngiti ko.


Ayoko na, baka kasi umasa pa siya lalo. ‘Wag na, tama na. In-off ko ang phone ko at nilagay ko sa table ko sa gilid ng kama ko. Nahiga akong muli sa kama ko. Pero parang gusto ko siyang reply-an kahit goodmorning lang.


Sayang naman kasi effort niya na nagmessage sakin pero hindi ko re-reply-an. Pero ayoko na! ‘Wag na! Tama na! Ayoko siyang mas lalong masaktan kaya ‘wag na matutulog na lang ako ulit. Ipinikit ko ang mga mata ko pero agad akong nagmulat saka kinuha ang phone ko.


Binuksan ko ito at bago pa man ako unahan ng isip ko, sinend ko na ang message kong ‘goodmorning’ Bahala na kung anong susunod niyang message. Basta alam naman niya na ayoko siyang paasahin, tsaka goodmorning lang naman ‘yun.


Wala ng iba. Binitawan ko na lang ang phone ko at pinikit ko ang mga mata ko. Nakakaantok pa rin talaga. Mga three na ‘ko nakauwi dahil pinatapos ko pa ang event. Sakit sa ulo. Sana hindi na lang ako um-attend.


Kaso kapag hindi ako um-attend, hindi ko makakasama si Grey. Worth it na nga ‘yun para sakin kahit saglit lang. Kahit na huli na ‘yun na magiging close kami, okay na sakin na um-attend ako dahil nakasama ko naman siya.


Pero mas sumasakit ‘yung puso ko kapag nalalaman kong last na talaga ‘yun at hindi na masusundan pa. Hindi ako sanay na hindi kami close dalawa, pero wala na ‘kong magagawa, nangyari na ang dapat na mangyari.



Siguro, may magandang dahilan lang ang Diyos kaya niya ‘to ginawa. Kasi nga, everything happens for a reason. Okay na sakin ang ganito, basta ‘wag lang siya masaktan ng sobra dahil sakin.



“Kriiinnnnnggggg” ring ng phone ko. Hala baka si Grey? Pero, alam naman na niya na lumalayo ako sa kaniya, kaya baka naman hindi siya ‘yan? Pero pano kung siya nga? Anong sasabihin ko?


Pano kung tinanong niya ‘ko? Haish! Kapag siya ang tumawag, papatayin ko na lang, nakaka-akward naman kung kakausapin ko pa siya. Kinuha ko ang phone ko at dahan-dahang sinilip kung sino ang tumatawag sakin.


Nakahinga ako ng maluwag ng si Marcus pala ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag at nilagay ko sa tapat ng tenga ko ang phone ko.


“Good morning my princess,” bungad niya sakin kaya napangiti ako.


“Goodmorning” nakangiti kong sabi habang nakahiga. Inayos ko ang kumot ko sakin.


“Mukhang sa boses mo, mukhang bagong gising ka lang ah?” tanong niya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangiti siya.


“Oo, kakagising ko lang, ikaw? Napuyat kasi ako kagabi,” sabi ko.


“Parehas lang pala tayo, teka, okay ka lang ba?” tanong niya.


“Okay lang ako, kaso sadyang hindi lang maganda ang  pakiramdam ko ngayon, masakit ang ulo ko ngayon, gusto ko pang matulog” sabi ko. Parang pagod na pagod ako. Huminga akong malalim.


“Gusto mong puntahan kita?” mahinahon niyang tanong sakin.


“Ah hindi na, okay lang ako, tsaka baka may pupuntahan ka pang iba” sabi niya ko. Baka kasi may gagawin siya. Siyempre kailangan niya din ng oras para sa kaibigan niya tsaka nandito din naman si Manang. Lahat kasi sila may ginagawa kapag ganito. Pero may oras parin naman sila para saming pamilya.


“’Wag ka ng makulit, pupunta na ‘ko diyan, hintayin mo ‘ko okay?” sabi niya. Makulit talaga siya katulad ni Grey, kaya din siguro ako nahulog sa taong ‘to.


Dahil parehas na parehas sila ni Grey. Pero kahit ganon, para sakin, mas malungkot parin ako kapag wala si Grey. Hindi ko alam kung bakit pero ‘yun ang nararamdaman ko. Hindi ko pa talaga alam kung anong nararamdaman ko sa ngayon.


Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mas mahal ko. Pero sigurado na ‘ko sa desisyon kong mas mamahalin ko na lang si Marcus dahil alam ko ngayon na mas mahal ko siya. Hindi ko talaga alam. 


“Makulit ka talaga,” sabi ko habang nakangiti.


“Mabuti at alam mo, sige na, hintayin mo na lang ako” sabi niya sa kabilang linya.


“Sige” sabi ko at pinatay ko ang tawag. Dahan-dahan akong bumangon at hinilamusan ko ang mukha ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.


Parang  inaantok pa ‘ko. Kulang pa ata ang tulog ko. Kinuha ko ang phone ko at nilapag ko sa table ko sa tabi ng kama ko. Huminga akong malalim at umupo ako sa edge ng kama.


“Tok tok tok” katok galing sa pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako.


“Nak, may bisita ka, nandito si Marcus” sabi ni manang galing sa labas ng kwarto ko. Anak kasi ang tawag niya sa kahit sinong mas bata sa kaniya.


“Pasabi lalabas na ‘ko,” sabi ko. Nandito na pala siya. Malapit lang naman ang bahay nila sa namin dito kaya hindi na ‘ko magtataka.


“Sige, bumaba ka na ah,” sabi ni manang.


“Opo” sabi ko at dahan-dahan akong tumayo galing sa kama ko. Aayusin ko lang ang buhok at mukha ko saglit. Sinuklay ko ang buhok ko at tinali ko. Pumasok ako sa banyo ng kwarto ko at naghilamos ng mukha.


Naglakad ako palabas ng kwarto ko at bumaba ako. Nakita ko si Marcus na nakaupo sa sofa sa sala. Napatingin siya sakin kaya tumayo siya. Naglakad ako palapit sa kaniya.


“Upo ka na,” sabi ko at umupo naman siya. Umupo ako sa tabi niya.


“Pasensiya na, hindi ako masyadong nag-ayos, sabi ko naman sayo eh, ‘wag mo na ‘kong puntahan dito” sabi ko.


“Nag-aalala ako sayo, kaya ko ‘yun ginawa, kaya babantayan kita dito,” sabi niya habang nakangiti. Babantayan niya ‘ko? Nandito naman si mama ah?


“B-babantayan mo ‘ko?” tanong ko.


“Oo, tinanong ko naman na kay tita kung okay lang, okay lang naman daw, kaya ikaw, babantayan kita dito” sabi niya at napangiti ako. Kapag ganiyan siya, parang ayokong maniwala na niloloko niya ‘ko. Kapag ganiyan siya kaalaga sakin, hindi talaga ‘ko makapaniwala na kaya niyang lokohin ako sa inaasal niya.


“Dito ka hanggang mamaya?” tanong ko.


“Oo naman, para sayo” sabi niya habang nakangiti.


“Gagawin mo ‘yun para sakin?” tanong ko.



“Oo nga, ikaw talaga,” sagot niya at napangiti ako.


“Hindi ka kaya maboring?” tanong ko.


“Nandito ka naman, kaya pano ako mabo-boring?” balik tanong niya. Hindi pala ‘ko nakakaboring na tao.


“O, magmeryenda na muna kayo,” sabi ni manang at nilapag niya sa table sa tapat namin ang isang tray na may lamang juice at chocolate bread.


“Ako na dapat ang gumawa po nito eh,” nakangiti kong sabi sa kaniya.


“Ayos lang ‘yun, sige na, at may pinag-uusapan pa ata kayong dalawa, maiwan ko na kayo” sabi niya saka umalis na.


“Si manang talaga,” sabi ko at tinignan ko siyang muli.

“Kain ka muna” sabi ko kay Marcus.


“Sige, okay lang” sabi niya. Biglang nagring ang phone niya kaya napatingin siya sa phone niya.


“Wait lang ah” sabi niya.


“Sige lang” sabi ko habang nakangiti. Binuksan niya ang phone niya at may tinignan siya. Tinignan niya ‘ko ng seryoso.


“May problema ba?” tanong ko.



“Wala naman, pero kasi hanggang four ng hapon lang ako dito, may pupuntahan pa kasi ako, okay lang ba?” tanong niya. Matagal na kaya ‘yun, tapos magdamag pa niya ‘kong kausap. Umaga pa lang kaya. Ang lalaking ‘to talaga.


“Okay lang ‘yun ‘no. Sobra sobra pa nga ‘yun dahil mula umaga kasama kita, hanggang sa hapon, tapos magdamag pa tayong magkausap mamaya” sabi ko habang nakangiti.


“Hindi. Hindi tayo magdamag mamaya” seryoso niyang sabi. Anong ibig sabihin niya?


“Anong ibig mong sabihin? Busy ka ba mamaya?” tanong ko. Baka busy siya mamaya. Pero ano namang ika-bu-busy niya?


“Hindi, hindi ako busy, ayoko lang mapuyat ka ngayon, alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo kaya ‘wag kang magpupuyat ngayon, naiintindihan mo?” tanong niya kaya napangiti akong muli.


“Mmmm, hindi ako magpupuyat ngayon” sabi ko habang nakangiti.


“Mabuti at nakikinig ka sakin” sabi niya at ginulo ang buhok ko.


“Ano tingin mo sakin, pasaway? Ayokong magalit ka sakin, kaya ‘ko ‘yun ginagawa dahil alam kong ganon ka din sakin” sabi ko. May tiwala talaga ‘ko sa kaniya na hindi niya magagawa ang sinasabi ni Grey.


Gusto ko sanang sabihin sa kaniya kaso, sakin na lang ‘yun. Baka kasi may nakapagsabi kay Grey na nakita lang si Marcus na niloloko ako.


Ni hindi ko nga alam kung pano niya nasabi na niloloko ako ni Marcus. Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o hindi.


“Pasaway ka, pero in a good way” nakangiti niyang sabi kaya natawa ako. Dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa kaniya at tinignan ko siya. Huminga akong malalim. Humikab ako at tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang bibig ko habang nakapikit.


“Inaantok ka?” tanong niya. Tumango lang ako.


“Higa ka sa lap ko, sige na, babantayan kita” sabi niya habang nakangiti. Parang nakakailang naman ‘yun pero wala namang masama, 22 naman na ‘ko, siya 23. Magkaedad sila ni Grey kaso parehas kami ng birthday ni Grey.


“Okay lang?” tanong ko.


“Okay lang, kaya sige na” sabi niya at napangiti ako. Dahan-dahan akong humiga at pinatong ko sa lap niya ang ulo ko. Tumingala ako para makita siya. Ngumiti lang siya sakin.


“Matulog ka na, babantayan kita,” sabi niya at napangiti ako. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at naramdaman kong pinaglaruan niya ang buhok ko. Tumagilid ako patalikod sa kaniya at natulog na lang ako. May tiwala naman ako na, wala siyang gagawing masama. Kilala ko siya. At malaki na ang tiwala ko sa kaniya.




***

“Bye, pahinga ka na ah, para mawala na ‘yang sakit ng ulo mo” sabi niya sa tapat ko habang nakatayo kami sa labas ng gate namin. Tumango ako.
“Uminom ka ng gamot para mawala na ng tuluyan ‘yang sakit ng ulo mo” sabi niya at numiti ako. Tumango lang ako. Napatigil ako sa paghinga at napaawang ang labi ko sa gulat dahil hinalikan niya ‘ko sa noo. Unti-unti niyang nilayo ang labi niya sa noo ko at ngumiti sakin.


“Ayan, siguradong gagaling ka na niyan, pagaling ka, okay?” sabi niya. Tumango ako. Talagang nag-aalala siya sakin.


“Sige na, uwi ka na, baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo” sabi ko.


“Magpahinga ka na kagad ha,” sabi niya.


“Oo nga” sabi ko habang nakangiti.


“Alis na ‘ko, bye” sabi niya.


“Bye” sabi ko at sumakay na siya sa sasakyan niya. Umilaw ang ilaw ng sasakyan niya ng buksan niya ang makina ng sasakyan niya.


Tuluyan na siyang umalis at sinundan ko lang ng tingin ang sasakyan niya habang palayo ng palayo. Akala ko, hindi ko kaya ng wala si Grey.


Pero ngayong buong araw, na-realize ko na, kaya ko naman pala maging masaya kasama si Marcus. Na-realize ko din na, mas okay na ang ganito sakin.


Huminga akong malalim saka ngumiti. Nilagay ko ang kamay ko sa pisngi ko pero bakit ganon? Bakit ako umiiyak? Bakit nangyayari ang ganito sakin? Masaya ako, pero bakit ganito?


Hindi, masayang masaya ako, kaya bakit ako umiiyak? Bakit? Nasasaktan ba ‘ko o masaya? Baka naman tears of joy? Pero hindi eh, hindi ganon. Bakit ako umiiyak? Bakit?


“Bakit parin ako umiiyak para sayo Grey?” tanong ko sa sarili ko.


GREY’S P.O.V.


Uminom ako ng alak galing sa baso ko habang tinititigan ko ang baso ko at nakaupo ako sa isang stool dito sa bar. Nakakailang inom na rin ako at alam kong medyo lasing na ‘ko.


Sabi ko sa sarili ko, matatanggap ko, pero eto ako, eto ako umiinom sa bar at nagpapakalunod sa alak. Umiinom ako dahil masakit parin para sakin. Masakit parin para sakin ang lahat.


Natural lang naman na masaktan ako dahil mahigit dalawang taon ko din siyang minahal ng patago. Kaya patago din akong nasasaktan. Sinasabi ko lang naman na kaya ‘kong magmove-on, na kaya ‘kong maging maayos, dahil ayokong mag-alala pa siya sakin. Ayokong maging alalahanin pa niya.


“Kanina ka pa inom ng inom diyan ah?” tanong ni Zach sa tabi ko. Nagring ang phone niya na nakalapag sa counter table. Tinignan niya ang phone niya. Binuksan niya ang nagmessage sa kaniya. Alam kong si Rose ‘yun dahil nagreply siya.


‘Yang lalaking ‘yan pa naman, sa girlfriend lang nagmemessage ng mabilis at sa mga kakilala lang niya na malapit sa kaniya. Nabasa ko ang message niya dahil medyo malapit lang ang phone niya sakin.


“Puntahan mo na siya” sabi ko at napatingin siya sakin.


“Hindi naman ako tanga para iwan ka dito na ganiyan” seryoso niyang sabi.


“Sige na, kaya ko sarili ko” sabi ko at ibinalik ko ang tingin ko sa baso ko. Uminom lang akong muli.


“Hindi naman madaling magalit ‘yun, at may tiwala sakin ‘yun na hindi ako mang-chi-chixx dito kaya hayaan mo na, ngayon lang naman,” sabi niya bat natawa na lang ako ng mahina.


Lahat ng malalapit kong kaibigan, nakahanap nan g seseryosohin pero ako, eto ganon parin. Kung kelan kasi ako magseseryoso, dun pa nawala sakin ang tadhana.


Lahat ng babae, kaya kong makuha ng hindi lalagpas sa ilang segundo, pero ‘yung nag-iisang babaeng gustong-gusto ko, hindi ko makuha.


Sana lahat na lang ng babae hindi ko kayang makuha ng ilang segundo, basta siya ang kasama ko. Kaya kong talikuran kung sino ako para sa kaniya. Pero hindi na mangyayari ‘yun dahil kahit kelan, wala na talaga.


At ‘yun ang pinakamasakit sa lahat. Lahat ng babae kaya kong makuha, pero siya lang talaga ang hindi ko makuha. Siya lang ang hindi pwedeng ibigay sakin ng tadhana.


“Magmove-on ka na kasi” sabi ni Zach. Huminga akong malalim at tumingin sa kaniya.


“Hindi ganon kadali ang magmove on, alam mo ‘yan dahil nagmamahal ka” sabi ko saka tumayo.


“O san ka pupunta?” tanong niya.


“Uuwi na ‘ko, gusto ko munang mapag-isa” sabi ko saka naglakad palabas ng bar. Naglakad ako papunta sa tapat ng sasakyan ko at binuksan ko ang pinto sa tapat ng driver’s seat.


Papasok na sana ako kaso napatigil ako ng may nahagip ang mga mata ko. Nakita kong may kaakbayang babae na naman si Marcus habang naglalakad.


Bwisit talaga ang lalaking ‘to. Hindi ba siya nakokonsensiya sa ginagawa niya? Hindi ba siya nasasaktan sa ginagawa niya? Mahal na mahal siya ng kaibigan kong ni-reject ako tapos ganiyan lang ang igaganti niya?

Bakit ba kasi hindi naniniwala sakin si George? Naiinis na ‘ko sa sarili ko. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at pinaandar ito. Huminto ako sa gilid nila at lumabas ako kagad. Pinaghiwalay ko silang dalawa kaya medyo napasubsob ‘yung babae.


“Sino ka ba ha?” tanong ng babaeng ‘yun pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko lang si Marcus na nakatingin sakin.


“Kung ganiyan din lang ang ginagawa mo, mas magandang iwanan mo na lang siya, ‘wag mo ng palalimin pa ang nararamdaman niya para sayo” seryoso kong sabi.


“Alam kong insecure ka sakin dahil ako ang pinili niya kesa sayo, pero anong magagawa mo kung ayoko?” sabi niya at tumawa ng medyo mahina.


“’Wag mo ‘kong tawanan na parang wala kang pakialam sa kaniya,” sabi ko. Alam kong hindi naman sila magtatagal ng halos tatlong buwan kung hindi niya sineryoso si George. Kilala ko si Marcus, kaya alam ko ang ugali niya.


“Bakit? Meron ba?” tanong niya kaya bigla ko siyang sinuntok. Napaupo siya sa sahig at natawa.


“You were my friend for twenty years, pero masisira lang dahil dito. Kaya ko namang maging kaibigan ka kahit na ikaw ang piliin niya, pero sana seryosohin mo naman siya, kaibigan ko siya at ayoko siyang masaktan” sabi ko.


“Walang ‘kong balak na seryosohin siya, kung nasasaktan ka dahil nasasaktan ko siya, edi tulungan mo siya, wala akong pakialam, kahit na ikaw pa ang piliin niya kesa sakin, wala akong pakialam, kaso malas mo, kahit na nineteen years na kayong magkasama, ako parin ang pinili niya” sabi niya habang nakangiti.


“Anong sabi mo?” inis kong tanong at yumuko ako. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng damit niya sa gilid ng leeg niya at tinayo ko siya.


“Baka talagang hindi ka mahalaga sa kaniya kaya hindi ka niya mapili?” tanong niya at mas lalong humigpit ang hawak ko sa damit niya. Hindi ‘yan totoo, dahil alam kong mahalaga ako sa kaniya. Hindi ako tanga para maniwala ako sa kaniya.


“Masaya ako, kung sayo siya sasaya, kaya sa ayaw at sa gusto mo, seseryosohin mo siya” sabi ko at binitawan ko ang damit niya. Kaya ‘kong mag sacrifice ng feeling ko para lang sa kaibigan ko, makita ko lang siyang masaya.


“Ayoko, hindi mo na ‘ko kaibigan ngayon ‘di ba? Kaya sino ka para diktahan mo ‘ko?” tanong niya. Talagang ibang klase ang lalaking ‘to ah?


“Kung ayaw mong seryosohin siya, sabihin mo na habang maaga pa! Para hindi siya nasasaktan!” galit kong sabi sa kaniya.



“Malas mo, hindi ako nagpapadikta pa sa kung sino sino lang, kaya sorry ka, choice niya ‘yan eh, ngayon kung gusto mong hindi siya masaktan, edi sabihin mo sa kaniya, tignan natin kung kanino siya maniniwala” sabi niya at naglakad paalis.


Pano ko ba ‘to aayusin? Sa lahat ng pwedeng mabiktima sa panloloko ng mga playboy katulad ko, bakit si George pa ang nakasali? Bakit siya pa?


Kung bayad ‘to sa lahat ng nagawa ko, bakit si George pa ang nakakaranas nito? Pwedeng ako na lang eh, pero bakit sa kaniya pa? Matinong tao si George at alam kong hindi ako dapat para sa kaniya pero bakit siya pa ang makakaranas ng mga ginagawa ‘ko sa ibang babae? Bakit siya pa?


Ayos lang sakin kung masasaktan siya ng dahil sa ‘di sinasadyang pangyayari, pero bakit ganito pa? Bakit kailangang siya pa ang makaranas nito?! Bigla kong sinuntok ang pader malapit sakin at agad akong naglakad papasok sa loob ng sasakyan ko.


Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko papunta kila George. Alam kong naniniwala ka sakin kaya kailangan mo ng malaman ‘yo. Ayoko ng masaktan ka.


Ayokong ikaw pa mismo ang makaranas ng ganito, kaya habang maaga pa, kailangan mo na ‘tong malaman. Mas magandang malaman mo na habang maaga pa.


Pagdating ko sa tapat ng bahay nila George ay agad kong pinarada ang sasakyan ko. Lumabas ako ng sasakyan ko at kumatok ako sa gate nila. Siguro naman gising pa ang kuya niya ng ganitong oras.


Dahil na rin siguro sa lasing na ‘ko kaya nagkakaganito ako. Tumalikod ako sa gate nila pero wala paring lumalabas ng bahay nila. Muli kong kinatok ang gate nila.


“Eto na!” Sabi ng nasa labas ng bahay nila. Kung hindi ako nagkakamali, boses ni Grey ‘yun. Boses niya ‘yun. Narinig ko ang pagkalampag ng gate nila at binuksan niya ito at lumabas ng gate.


“Sino bang---“ napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako.


“A-ah--- G-grey? A-anong ginagawa mo d-dito? Gabi na ah, b-bakit ka p-pa nandito?” utal niyang tanong. Siguro hindi niya siya makapaniwala na magpapakita pa ‘ko dito.


“George please, parang awa mo na, dederetsiyahin na kita, please, layuan mo na si Marcus, niloloko ka lang niya, please, ayoko lang na----“


“Ano bang sinasabi mo? Hindi niya ‘yan magagawa sakin, kaya tama na, lasing ka lang, naamoy ko sayo, amoy alak ka na, kaya umuwi ka na” sabi niya at isasara na sana niya ang pinto ng gate nila pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko.


“Please makinig ka naman sakin, Please lang, makinig ka sakin, hindi siya seryoso sayo,” sabi ko. Bakit baa yaw niyang maniwala sakin? Bakit?


“Tama na Grey, lasing na lasing ka na, umuwi ka na, magpahinga ka na sa inyo, ‘wag mo ng idamay ‘yang kalasingan mo sa relasyon ko sa iba, kaya please, magpahinga ka na lang” sabi niya at hinawakan ang braso ko. Hihilaiin na sana niya s’ko kaso hindi ko siya hinayaang magawa ‘yun.


“Sa tingin mo nagsisinungaling ako sayo? Alam mong hindi ko magagawa ‘yan, nilalayo lang kita sa kaniya dahil---“


“Dahil gusto mo ikaw ang piliin ko,” putol niya sakin at tinignan ako sa mga mata ko. Ganiyan ba talaga ang tingin niya sakin?


“’Wag mong siraan ‘yung tao sakin kasi hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya, kaya please itigil mo na ‘to, magmove-on na lang tayo, itigil na natin ‘to kasi hindi nga magkakaroon ng tayo” dere deretso niyang sabi sakin.


“’Yan ba talaga ang tingin mo sakin?” seryoso kong tanong sa kaniya.


“Hindi ko gagawing siraan lang siya para maging tayo dahil kaibigan ko ‘yun lalo ka na, kaya ‘kong magpakatanga sa sakit na nararamdaman ko para sa inyong dalawa, at lalong hindi ako desperado ng sobra” seryoso kong sabi sa kaniya at nabitawan niya ang braso ko.


“Grey, tama na please,” sabi niya at naglakad papunta sa gate nila. Papasok na sana siya kaso pinigilan ko siya.


“Sinasabi ko ‘to dahil ayokong masaktan ka, pero bakit ganiyan ka? Parang wala kang tiwala sakin? Bakit parang wala tayong pinagsamahan at napakababaw ng tiwala mo sakin? Desperado ba ‘ko sa paningin mo? Hindi mo ba ‘ko kaibigan?” tanong ko.


“Kasi pagod na pagod na ‘kong magpadikta na lang sayo! Gusto ko naman na ako ang magdesisyon para sakin, nasasakal ako sa ginagawa mo! May tiwala ako sayo, sobra sobra, pero pwede ‘wag mo ng panghimasukan pa ang desisyong ginagawa ‘ko? Kaibigan kita, at hanggang dun na lang ‘yun, kaya tama na, tama na, may tiwala ako sayo, sobra, pero mas may tiwala ako sa kaniya, kaya please ‘wag mo na lang guluhin ang relasyon ko sa kaniya,” seryoso niyang sabi. Tinitigan ko lang ang mga mata niya pero hindi siya makatingin sakin.


“Siguro nga, ganiyan na talaga ang tingin mo sakin, mahal kita, sobra, pero bakit ganiyan ka sakin? Bakit mo ‘ko ginaganito?” seryoso kong tanong pero hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa malayo.


'Maglalakad na sana siya papasok sa gate nila kaso hinawakan ko ang kamay niya. Muli siyang humarap sakin at pinigtas ang bracelet ko na ginawa naming dalawa five years na ang nakakaraan.


Sa loob lang ng ilang Segundo, bumalik sakin ang mga sinabi niya dati sakin na sinabi ko din. ‘Walang iwanan kasi bestfriends tayo ‘di ba?’ yan ang eksaktong sinabi niya sakin ng ibigay niya sakin ang bracelet na sinira niya.


“Tama na ang pagiging bestfriends for nineteen years, siguro tama naman ang sinasabi ng iba, kahit kelan, hindi na magiging magkaibigan ang dalawang tao kapag may isa ng nahulog sa inyo dahil mag-iiba na ang trato ng isa sa isa pa, lalo na kung hindi naman kayang suklian ng isa ang nararamdaman ng kaibigan niya, tama na Grey, pagod na ‘kong maging kaibigan ka pa, pagod na ‘kong diktahan mo, gusto kong magkaroon naman ng sariling desisyon,” sabi niya at nakita kong may tumulo ng luha galing sa mga mata niya.


“Baka nagkakaganiyan ka dahil may iba ka ng nararamdaman, pero pasensiya na, hindi kita kayang piliin, kaya lumayo ka na lang, layuan mo na ‘ko. Layuan mo na kaming dalawa ni Marcus. Hayaan mo na kaming dalawa, kung mahal motalaga ‘ko gagawin mo ang gusto ko” sabi niya.


Ang sakit na. Mas masakit ang talikuran ako ni George bilang kaibigan, kesa talikuran ako ng dahil lang sa mahal ko siya. Bakit ganiyan siya?


Bakit nagbabago ang lahat ng tungkol sa kaniya? Bakit ibang-iba na siya sa nakilala kong George? ‘Yung kilala kong George, alam niyang hindi ko siya dinidiktahan dahil alam niyang tama at masasaktan siya sa gagawin niyang desisyon.

Pero ‘yung kaharap ko ngayon? Parang hindi na si George. Parang ibang tao na siya kung magsalita. Parang hindi ako na kaibigan niyang nakasama for nineteen years.


“Kung kaibigan mo talaga ‘ko, iintindihin mo ang gusto kong mangyari, lalayuan mo ‘ko. Dahil kung hindi mo kaya, ako mismo ang gagawa nun para sa sating dalawa” sabi niya saka tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Pumasok siya sa loob ng gate nila at tuluyan na ‘kong iniwan. Sa isang iglap, naalala ko ang sinabi siya sakin dati ng ibigay niya sakin ‘to.



*Flashback*

“Walang iwanan kasi bestfriends tayo ‘di ba?” tanong niya sakin pagkatapos na isuot ang bracelet na kulay itim na may iba-ibang kulay na beads, pero tanging red ang highlight ng bracelet. Napangiti na lang ako.


“Sino ba nagsabing may iwanan?” tanong ko at kinuha ko ang isang bracelet na kaparehas na parehas ng sakin. Kinuha ko ang wrist niya at dahan-dahan kong sinuot sa kamay niya.


“’Wag mo ‘kong iiwan dahil kapag ginawa mo ‘yun, wala ka ng babalikan” seryoso kong sabi.


“Hindi kita iiwan ‘no, tsaka, walang puputol ng bracelet na ‘yan ah, kapag may gumawa nun, ibig sabihin, pinuputol na niya lahat lahat” sabi niya habang nakatingin sakin.


“Pano kung sadyang naputol lang talaga? Ganon parin?” tanong ko.


“Hindi ah, ‘yung sinadya ganon” sagot niya kaya napangiti ako. Saglit kaming natahimik hanggang sa ako na ang nagsalita.


“Walang iwanan kasi bestfriends tayo” sabi ko kaya napatingin siya sakin at ngumiti.


“Promise, walang iwanan” sabi niya habang nakangiti


*End of Flashback*


Ibig sabihin, siya ang hindi nakatupad ng pangakong ‘yun. George bakit? Akala ko ba walang iwanan? Pero bakit ikaw ‘tong nang-iiwan sakin ngayon? Masama bang ilayo lang kita sa taong sasaktan ka lang?


Akala ko naniniwala ka sakin. Akala ko ako ang pakikinggan mo dahil may tiwala ka sakin. Pero bakit ganito? Bakit mo ‘ko ginaganito? Akala ko ako ang hindi makakatupad ng pangakong walang iwanan. Pero hindi pala. Kung ‘yan ang gusto mo, gagawin ko.


Lalayo ako kahit masakit. Kahit mahirap. Pero oras na lokohin ka niya, ‘wag kang magsasabi sakin na ‘sorry Grey hindi ako nakinig sayo, tama ka nga’ choice mo ‘yan panindigan mo.


Pati paglayo mo sakin at pagtataboy sakin palayo, panindigan mo hanggang dulo. Kahit mahirap, lalayo na lang ako kung ganyan na pala ang tingin mo sakin.


Hindi ako desperado, at totoo ang sinabi ko kanina na kaya kong masaktan na lang basta makita ka lang masaya kasama ng kaibigan ko, pero wala eh, lolokohin ka lang niya, kaya ko sanang magparaya, pero hindi siya seryoso sayo.


Ayaw mo namang makinig sakin. Medyo matatangap ko pa ‘yung hindi ka maniwala sakin, pero ang talikuran mo ‘ko bilang kaibigan? Masakit ‘to. Ang tagal na nating magkaibigan, nangako ka pa na walang iwanan, tapos ikaw pa ‘tong naunang sumira ng lahat ng ‘yun. Ibang iba ka na talaga.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon