The past has back
Palagi na lang na lumalayo sakin si George. Simula ng maibunton ko sa kaniya ang lahat ng nasa loob ko, hindi na niya 'ko kinakausap. Alam ko naman na mali ako, dahil kaibigan ko siya, tinutulungan niya lang ako.
Pero ewan ko kung anong meron ako ng gabing 'yun. Siguro dahil bad mood din ako ng oras na 'yun dahil nawala na sakin si Ynah. Pero sana naman, kung talagang nawala na si Ynah sakin, sana naman, hindi pati si George.
Mawala na sakin lahat-lahat, 'wag lang ang mga kaibigan ko, lalo na si George. 'Wag lang siya dahil mas importante siya sakin kesa sa iba. Pero mahigit sa isang linggo na niya 'kong hindi kinakausap. Dumagdag sa sakit na nararamdaman ko si George.
Imbes na nandiyan siya para sakin, wala, galit siya sakin ngayon. Dahil kasi sakin. Masyado kasi akong nagpapadala sa alak kaya ganito ang nangyayari. Kinuha ko ang bote ng alak sa tapat ko saka uminom. Sumandal ako sa harapan ng kama ko at tinignan ko ang kwarto ko. Ipinatong ko ang magkabila kong braso sa dalawang tuhod ko na nakatupi.
Patuloy lang ako sa pag-inom at yumuko ako habang hawak ko ang bote ng alak. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Sinubukan ko namang pigilan ang luha ko pero wala talaga eh.
Napatingin ako sa gilid ko ng may kumuha ng bote na hawak-hawak ko. Tinitigan ko lang siyang mabuti pero ngumiti lang siya ng bahagya sakin. Nakaupo siya sa tabi ko at may kinuha sa bulsa niya.
"'Wag ka ng umiyak, hindi bagay sayo" sabi niya at binigay sakin ang kulay puting panyo na kinuha niya sa bulsa niya. Tinitigan ko lang ang panyo niya hanggang sa siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at inilagay ang panyo niya.
"'Wag ka ng iinom" sabi niya habang nakangiti at bigla ko siyang niyakap.
"Oh, bakit mo 'ko niyakap? Ayos ka lang ba? Tama na, hayaan mo na lang, nangyari na 'yun, magmove-on ka na lang" sabi niya at hinagod hagod ang likod ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit habang hawak-hawak ko ang panyo niya na binigay niya sakin.
"'Wag ka ng lalayo sakin ulit ng ganon katagal, nawala na nga sakin si Ynah tapos susunod ka pa?" sabi ko at hinagod hagod niya lang ang likod ko.
"Sorry na, kung nasaktan kita sa mga sinabi ko, hindi ko naman---"
"Wala na sakin 'yun kaya 'wag ka ng uminom, sarili mo lang pinapahirapan mo eh, kaya 'wag ka ng iinom" sabi niya at binitawan ko siya. Tinignan ko siya habang nakatingin sakin.
"Masakit pa ba?" tanong niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Tumango lang ako sa kaniya.
"Pwede mong ikwento sakin ang lahat" sabi niya habang nakangiti. Napatingin na lang ako sa kaniya.
***
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napasapo na lang ako sa noo ko. Ano bang panaginip 'yun? Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama ko at nakaramdam ako ng sakit sa ulo.
"Shit" sabi ko sa sarili ko. Ang sakit ng ulo ko. Nilagay ko ang kamay ko sa noo ko at dahan-dahang pumikit. At naalala kong uminom pala 'ko kagabi ng sobra-sobra. Sa naalala ko, si Zach ang nag-uwi sakin dito. Haish. Ang sakit parin ng ulo ko.
Pero hindi ko parin makalimutan kung bakit ganong klase ng panaginip ang meron ako kagabi. Kung sa naalala ko, dun nagsimula ang lahat. Duon ako unti-unting nahulog sa kaniya. Kung dati, nagpapasalamat ako na nahulog ako sa kaniya, ngayon hindi na. Gusto ko ng makalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ayoko ng mahulog sa kaniya.
Mas gusto ko ng lumayo na lang dahil ayoko ng masaktan pa sa kaniya. Sapat na ang dalawang taon. Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng 'yun dahil ayoko ng masaktan pa 'ko, at lalo na siya. Ayokong ma-rebound niya lang.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...