Revelation
"Oo naman, ang ganda kaya" sabi ko habang nakangiti. Naglakad na lang kami. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at inenterwine ang kamay ko sa kamay niya. Naglakad lang kami sa hallway at napahinto ako ng may makita akong eksena na hindi ko naman talaga dapat makita.
Alam kong nakita din ni Marcus ang nakikita ko kaya huminto din siya. Nakita ko si Ynah na umiiyak sa hallway at hinigpitan ni Marcus ang hawak sa kamay ko saka naglakad kaya naglakad na din ako. Nilagpasan namin sila pero hindi ko naman maiwasan na hindi marinig ang pinag-uusapan nila.
"Kelan pa kayo naghiwalay ni Grey?" tanong ng isa sa mga kasama ni Ynah. Naghiwalay sila? Napatingin ako sa kanila pero saglit lang. Bakit sila naghiwalay? Ano ba kasing problema ni Grey? Bumabalik na naman siya sa dati. Siguro dahil hindi din naman na niya makukuha ang babaeng gusto niya kaya ganiyan. Hay nako, sana talaga mahanap na niya ang babaeng makakapagpatino sa kaniya.
"Hindi ko alam, basta ang sabi niya lang sakin, hindi naman daw talaga niya 'ko mahal dahil ginagantihan niya lang ako sa mga nagawa ko" sabi ni Ynah. Kahit na nasaktan siya dati, hindi naman siguro magandang maghiganti, sana hinayaan niya na lang na tadhana ang gumawa ng karma niya para sa kaniya. Pero ang gusto niya, ibalik sa taong nakasakit sa kaniya ang sakit na naramdaman niya dati.
Hindi ko naman siya masisisi kasi alam kong masakit ang ginawa ni Ynah sa kaniya pero sana hinayaan na lang niya. Sana hinayaan na lang niya na tadhana ang gumawa ng karma ni Ynah sa mga ginawa niya. Kausapin ko kaya si Grey? Try ko mamaya. Baka mabago ko ang isip niya.
"Bakit ba 'to ginagawa ni Grey? Parang hindi ko na siya nakikilala sa inaasta niya" sabi ko kaya napatingin sakin si Marcus.
"Bago pa ba sayo 'yan?" tanong niya.
"Hindi na, pero hindi naman ata tama na gawin niya 'yun, kasi kahit alam na natin na si Ynah ang mali, dapat hinayaan na lang niya, kasi parang para sakin, sakin lang ah, parang sumusobra na siya sa ginagawa niya" sabi ko. Para kasing mali na 'yung ginagawa niya. Pwede naman niyang gawin sa ibang babae 'yun pero parang hindi na ata tama kung sa ex niya, kasi nananahimik naman na si Ynah, hindi naman na siyang kinukulit nitong ilang araw na makipagbalikan siya kasi ang alam ni Ynah, boyfriend na ni Grey si Bella na kaibigan niya.
Ewan ko ba kung bakit parang ang laki ng galit niya sa magkakaibigang 'yun. Para bang sobrang laki ng kasalanan nila sa kaniya. Pero minsan kasi, trip lang ni Grey na pagtripan ang mga feelings nila. Bilang isang babae din naman, alam ko ang pakiramdam na 'yun.
"Alam mo hindi kasi pare-parehas ang tao, lahat ng tao, may magandang dahilan kung bakit niya 'yun ginagawa, kahit ako din naman, magagawa ko 'yan kapag nasaktan ako. Pero may mga tao lang talagang hindi kayang gawin 'yan kasi iba-iba ang mga tao, kaibigan mo siya, hindi mo siya kilala?" sabi niya at napahinga akong malalim.
"Siguro nga mag magandang dahilan si Grey kaya niya 'to ginagawa" sabi ko at naglakad na lang kami. Sana nga maganda ang dahilan niya. Sana lang Grey.
***
Naglalakad lang kami sa park habang hawak-hawak ni Marcus ang kamay ko. Nakangiti lang ako at tinignan ko siya ng pinisil niya ng bahagya ang kamay ko. Sa tingin ko, nagbago naman na si Marcus, nagbago naman na ang ugali niya, hindi na nga siya nambababae katulad ni Grey, kaya sana si Grey, mahanap na rin niya ang babaeng makakapagpatino sa kaniya.
"Gusto mo bang kumain?" tanong niya habang nakangiti ng matamis.
"Kakakain lang natin kanina, balak mo atang patabain ako ah?" tanong ko habang nakangiti.
"Ayaw mo ba nun? Iniispoiled kita?" sabi niya kaya natawa ako sa kaniya.
"Ewan ko sayo" sabi ko at napangiti siya.
"Eh saan mo gustong pumunta?" tanong niya.
"Kahit saan, kahit saan mo gusto" sagot ko.
"San ba maganda?" tanong niya sa sarili niya at napangiti na lang ako habang nag-iisip siya. Cute din naman pala ang taong 'to at mabait naman siya, hindi naman pala siya katulad ng iniisip ng lahat sa kaniya kung kikilalanin mo lang siyang maigi.
"Bakit mo 'ko tinititigan?" tanong niya habang nakangiti.
"Wala lang" sagot ko.
"Sus, kung alam ko lang, nagagwapuhan ka sakin" sabi niya kaya mahina ko siyang siniko sa tiyan niya. Natawa siya ng mahina. Ang hangin niya. Oo, aaminin ko, may itsura naman siya, matangkad, at siya 'yung tipo ng lalaki na pagkakaguluhan talaga ng mga babae pero ang hangin niya. Napakahangin.
"Hatid mo na 'ko sa bahay bago pa tayo hanginin dito pauwi" sabi ko at nakangiti lang siya.
"Hahaha, funny" sabi niya pero seryoso ang mukha niya.
"Maaga pa naman ah? Uuwi ka na kagad?" tanong niya.
"Mag-aalala na sila mama" sabi ko. 'Yung mga 'yun pa naman, hindi pa naman nila alam na may boyfriend na 'ko, si kuya pa lang ang nakakasense. Baka mamaya kapag tinanong nila si Grey, baka malaman pa ni Grey sa kanila na kami na ni Marcus.
"Okay, good girl ka pa naman, pero teka, kelan mo 'ko ipapakilala sa family mo?" tanong niya. Oo nga, kelan ko ba balak na ipakilala 'tong lalaking 'to? Pero madali lang naman na 'yun kasi hindi naman sila masyadong magagalit. Kaso, i-interview-hin nila 'to ng sobra. Lalo na si Papa.
"Kung kelan ka handa" sabi ko at naramdaman ko na nakatingin siya sakin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Hindi naman nila 'ko babawalan sayo, sigurado 'yun, pero maghanda ka nan g mga sagot mo, medyo, marami-rami din ang tanong na makukuha mo" sabi ko habang nakangiti.
"'Wag kang mag-alala, akong bahala, kaya ko 'yan, sanay na 'ko sa ganiyan" sabi niya habang nakangiti. Sana lang kaya niya. Lalo na si Kuya, real talk pa naman kung magtanong ang lalaking 'yun.
"Baka mamaya matakot ka sa papa ko ah?" tanong ko.
"Matagal ko ng kilala ang papa mo, pati ang kuya mo" sabi niya. Oo nga pala, ka-business partner pala nila papa ang pamilya nila. Pero dapat ayusin parin niya.
"Pero ayusin mo parin, 'wag mong itrato sila na parang kabusiness partner mo lang, isipin mo na---"
"Trust me, kaya ko" sabi niya at ngumiti sakin. Huminga akong malalim saka ngumiti at tumango.
"I trusted you a lot, don’t worry" sabi ko habang nakangiti.
"Mabuti naman, hatid na kita, lika na" sabi niya at naglakad na lang kami papunta sa sasakyan niya Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at pumasok ako. Nagmaneho siya at tinitignan ko lang siya.
"Don’t distruct me" sabi niya at medyo natawa ako. Huh? Pano ko siya dinistruct?
"Sa panong paraan kita dinistruct?" tanong ko.
"You‘re staring at me" sagot niya kaya napangiti ako.
"Nadi-distruct ka pala sa ganon?" tanong ko.
"Try natin na ikaw ang titigan ko?" nakangiti niyang sabi. Napangiti na lang ako. Oo nga, madi-distruct ako sa ganon. Nagpatuloy na lang siya sa pagdadrive hanggang sa makarating kami sa bahay. Huminto ang sasakyan niya at pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Lumabas ako at naglakad kami papunta sa tapat ng gate.
"Pano, bukas ulit? Chat na lang kita mamaya bago ka matulog" sabi niya at tumango ako.
"Goodnight" mahina niyang sabi at hinalikan niya ang noo ko. Nilayo niya ang labi niya sa noo ko at nginitian ko siya. Dahan-dahan niyang nilapit ang labi niya sa labi ko at nilapat ang labi niya sa labi ko. Pumikit ako at dahan-dahan niyang nilayo ang labi niya sa labi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha sa likod ni Marcus sa 'di kalayuan.
"Grey" mahina kong sabi at seryoso lang ang mukha niya. Naglakad palapit si Grey samin at ibang-iba ang awra niya, parang nakakatakot ang dating niya. Unti-unting humarap si Marcus at pagharap niya ay biglang sinuntok ni Grey si Marcus sa pisngi niya kaya napaupo si Marcus sa lakas at tumama siya sa pader ng gate ng bahay. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya ng magdugo ito. Nilapitan ko si Marcus at pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya pero nanatili siyang nakatitig kay Grey. Ano bang problema ng lalaking 'to?! Tumingin ako ng masama kay Grey at tumayo ako.
"Ano bang problema mo Grey?!" galit kong tanong sa kaniya pero hindi niya 'ko nilingon.
"Pati kaibigan ko, isasama mo sa listahan mo?" galit na tanong ni Grey.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Marcus at dahan-dahang tumayo.
"Hindi naman siguro makitid ang utak mo 'no?" tanong ni Grey at natawa ng mahina si Marcus sa kaniya saka dumura sa gilid.
"Hindi makitid ang utak, at alam na alam ko kung ano ang kinagagalit mo, gusto mo bang ipaliwanag ko?" kumpiyansang tanong ni Marcus habang nakangiti.
"Gago ka pala eh!" sigaw ni Grey at susugurin na sana niya si Marcus kaso pinigilan ko siya.
"Ano bang problema mo?!" galit kong sigaw at napatingin siya sakin. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin at ganon din ako.
"Sinabihan na kita sa kaniya 'di ba? Bakit ba hindi ka nakikinig sakin?" tanong niya.
"Nakikinig ako! Nakikinig ako matagal na, pero sana naman, hayaan mo naman akong magdesisyon para sa sarili ko, sana naman matanggap mo ang desisyon ko" sabi ko at natahimik siya. Nag-iwas siya ng tingin sakin at natawa ng mahina. Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako palayo sa lugar na 'yun.
"Grey ano ba! Nasasaktan ako!" sigaw ko pero patuloy lang siya sa paglalakad.
"Grey!" sigaw ko at tumigil siya sa paglalakad. Malayo na kami kay Marcus dahil lumiko pa siya para hindi makita ni Marcus. Ang hindi ko maintindihan, bakit siya ganiyang makapagreact na akala mo, siya ang pinakaapektado saming dalawa?
"Kayo na ba?" mahinahon niyang tanong habang hindi nakatingin sa mga mata ko.
"Dapat pa bang---"
"JUST ANSWER ME!" sigaw niya sabay tingin sakin ng galit. Gulat ko lang siyang tinitigan sa mga mata dahil ngayon niya lang ako sinigawan ng ganiyan. Napaiwas ako ng tingin.
"Oo" sagot ko.
"Lintik! 'Di ba sinabihan na kita tungkol sa kaniya? Sinabi kong layuan mo siya dahil sasaktan ka lang niya, kilala ko na siya, pero bakit 'di ka nakikinig sakin?!" galit niyang tanong.
"Ano bang problema mo kung sinagot ko siya? Bakit ba ganiyan ka sa kaniya? Ano bang nagawa niya sayo? Tsaka Grey, imulat mo naman 'yang mga mata mo, kaya niyang magbago Grey, kaya niyang magbago hindi katulad mo!" sigaw ko sa kaniya. Natahimik siya saglit at iniwas niya ang tingin niya.
"Grey, hindi ko gustong ikumpara ka pero---"
"Ginawa mo na, akala ko, hindi ka katulad ng iba George dahil matagal na kitang nakasama, pero isa ka rin pala sa nagdo-down sakin, isa ka rin pala sa mga nagkukumpara sakin sa iba," mahinahon niyang sabi at nawala ang kunot ng noo ko.
"Ano ba kasing problema mo sa kaniya? Kaya naman niyang magbago, Grey, magtiwala ka naman sakin, hindi niya 'ko sasaktan, pangako" sabi ko.
"Madali 'yang sabihin dahil ngayon mo lang siya nakilala, dahil bago pa lang kayo, pero George please layuan mo siya" sabi niya.
"Grey intindihin mo naman ako kahit ngayon lang," sabi ko.
"Ano bang kailangan kong intindihin George?"
"Grey 'wag mo naman akong tutulan sa kaniya, napamahal na 'ko sa kaniya, please naman oh…" sabi ko at tuluyan ng umagos ang luha ko sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa kaniya. Sinuklay niya ng isa niyang kamay ang buhok niya at nag-iwas siya ng tingin sakin.
"George, binalaan na kita nung una pa lang para hindi mahulog ang loob mo sa kaniya, pero anong ginawa mo? Hindi mo 'ko pinakinggan at tinuloy mo lang" sabi niya.
"Grey, anong magagawa ko? Ni hindi ko nga namamalayan na nahuhulog na 'ko sa kaniya, hindi din naman ako mapapalapit sa kaniya kung hindi ka nawawalan ng oras sakin" sabi ko. Ramdam ko 'yun, ramdam na ramdam ko na nauulit na naman ang lahat katulad ng dati, katulad ng dati na unti-unti na naman akong naiiwang mag-isa. Ayoko na ng maging mag-isa.
"Palaging iba ang kasama mo at ako ang naiiwang mag-isa satin, inintindi kita, inintindi kita dahil may girlfriend ka, inintindi kita kahit na hindi mo sinabi sakin na naging kayo ulit ni Ynah, iniintindi kita sa lahat ng bagay Grey, kaya sana naman intindihin mo 'ko sa bagay na 'to, kahit ito lang," sabi ko.
"George, hindi mo 'ko naiintindihan---"
"Hindi kita maiintindihan kung hindi mo sinasabi sakin!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin 'to sa kaniya.
"Grey, isipin mo, ilang beses kitang inintindi kapag nalalasing ka at napagbubuntunan mo 'ko ng galit mo sa babaeng mahal mo pero hindi ka mahal, gusto kitang tulungan, pero hindi mo sinasabi sakin ang lahat, gusto kitang tulungan pero sinisekreto mo lang sakin lahat, pero kahit ganon, inintindi kita, inintidi kita Grey, kaya sana naman intindihin mo 'ko na napamahal ako sa kaniya, hindi ko kayang iwan 'yung tao ngayon, dahil napamahal na 'ko sa kaniya, kaya please naman Grey…" sabi ko habang umiiyak sa harapan niya.
"Ilang beses kitang sinabihan na lumayo ka di ba? Pwede mo naman akong sabihan kung gusto mo 'kong makasama dahil wala kang kasama, para samahan kita, pero bakit hindi mo ginagawa?" tanong niya.
"Dahil alam kong kasama mo siya, dahil alam kong kaibigan mo lang ako, Grey ayokong pagmulan niyo 'ko ng gulo niyo, Grey, naiintindihan ko 'yun, naiintindihan ko kung bakit nawawalan ka ng oras sakin---"
"Naiintindihan mo pero sinusumbat mo sakin ngayon?" putol niya sakin.
"'Di ba ang sabi mo, dahil sakin kaya ka napalapit sa kaniya? Dahil nawawalan ako ng oras satin? Kaya ipaliwanag mo nga?" tanong niya. Hinilamusan ko ang mukha ko ng kamay ko at tinitigan ko siya.
"Tsaka, George, isipin mo nga, hindi ko naman sila mahal kaya bakit ka makakagulo samin? Ilang beses ko ng sinasabi sayo na wala akong balak na seryosohin sila, kaya okay lang sakin kung maistorbo mo 'ko sa kanila, kasi kaibigan kita 'di ba?" sabi niya.
"Ano ba kasing problema sa kaniya Grey? Galit ka ba dahil sa kaniya? O galit ka dahil hindi ko nasabi sayo na sinagot ko na siya?" tanong ko.
"Parehas George, parehas, galit ako dahil sa kaniya at sayo, dahil nagpapakatanga ka na naman, galit din ako dahil hindi mo sinabi sakin, pwede mo namang sabihin sakin para malayuan siya, pero hindi mo ginawa dahil ginusto mo ang lahat ng nagyari, pwede mo siyang layuan, kung gugustuhin mo lang pero hindi mo ginawa, pinagpatuloy mo lang at tinago mo pa sakin" sabi niya.
"You were hiding secrets too, ilang beses na, pero hindi ako nagreklamo, nagkabalikan kayo ni Ynah, nakita ko 'yun sa park ng magkaroon ng fireworks, pero hindi ako nagalit kahit na gusto kong magtampo dahil tinago mo sakin. Imbes na magalit, inintindi kita, kaya please, intindihin mo naman ako ngayon Grey…" sabi ko. Palagi ko siyang iniintindi kaya sana naman maintindihan niya ko ngayon. May tiwala naman ako sa kaniya na maiinitindihan niya 'ko.
"Oo inaamin ko sayo, marami akong sikreto, pero lahat ng 'yun, unti-unti mo ng nalalaman, alam kong maiintidihan mo 'ko kung bakit ko sinisekreto 'yun, at tama naman ako, kasi alam kong tama ang desisyon ko, dahil mabuti 'yun, pero George sana hindi mo sinekreto sakin na meron ng namamagitan sa inyo, na sinagot mo na pala siya" sabi niya.
"Kung sasabihin ko ba papayagan mo 'ko? Di ba hindi? Grey tinago ko sayo dahil ayokong pakialaman mo pa ang desisyon kong 'yun, kasi mahal ko na siya, natatakot ako na baka kapag sinabi ko sayo, hindi mo matanggap katulad ng mga dati, ayoko naman na pakialaman mo pa ang desisyon ko, gusto ko naman na magkaroon ng sarili kong desisyon" sabi ko.
"Pinipigilan kita sa mga lalaking sinasabi mo sakin dati dail nakikita ko sila sa bar na iba-ibang babae ang kasama, dahil ayoko na ikaw ang maiwang mag-isa, dahil ayoko na matulad ka sa mga babaeng niloloko ko" sabi niya at medyo natahimik ako. Alam ko naman 'yun eh. Pero ang gusto ko lang sana, magkaroon man lang ako ng sarili kong desisyon.
"Tinatanong mo kung bakit hindi ko minsan sinasabi sayo na may girlfriend ako? George, hinihiwalayan ko din sila, hindi ko nasasabi sayo, pero nasusulat ko lahat 'yun sa notebook na binibigay mo sakin, hindi mo nababasa? O sadyang wala ka na talagang oras para basahin pa 'yun dahil kay Marcus?" sabi niya. Nagsusulat pala siya? Nitong ilang araw, hindi ko nakukuha sa locker ko 'yun kasi kasama ko palagi si Marcus at nakakalimutan ko. Hindi ko pala nababasa.
"Ilang beses kong iniwan sa locker mo 'yun, pero tuwing umaga, hindi nagbabago 'yun, ako pa rin ang kumukuha. George, hindi mo lang alam, pero pulit-ulit din kitang iniintindi. George kung tinatanong mo kung bakit minsan pinapakialaman na kita? Kasi babae ka, at alam ko, na kapag naghiwalay kayo ng taong mahal mo, ikaw ang mas masasaktan sa inyo, dahil ikaw 'yung babae, alam ko 'yan kasi ilang beses ko ng nararanasan ang mga ganiyan, at sa lahat ng mga iniiwan ko, sila ang mas nasasaktan hindi ako. Kaya sana, maintindihan mo" sabi niya.
"Grey, alam ko 'yun, pero please naman oh mahal ko na siya" sabi ko.
"George alam mo,ang daming iba eh, ang dami eh!" sigaw niya
"Grey, ang gusto ko lang naman ay intindihin mo 'ko, sinagot ko siya kasi mahal ko na siya, sinagot ko siya kasi gusto kong patunayan sayo na mali ka ng iniisip sa kaniya, kaya please Grey, kahit 'yun lang, kahit ito lang, ito lang ang hinihiling ko sayo, intindihin mo naman ako ngayon, please…" sabi ko habang naatitig sa mga mata niya.
"Binalaan kita, ilang beses pa, maraming pwedeng paraan para lumayo ka sa kaniya pero hindi mo ginawa dahil kahit ikaw, ginusto mo rin na mahulog sa kaniya," sabi niya.
"Oo Grey, ginusto kong mahulog sa kaniya, ginusto kong mahalin siya, pero please naman Grey…Alam kong maiintindihan mo 'ko kaya please," sabi ko. May tiwala ako sa kaniya na maiintindihan niya 'ko.
"George bakit kasi sa kaniya pa? Ang dami namang ibang lalaki diyan 'di ba? Ang dami namang iba pero bakit siya pa?" tanong niya.
"Ano ba kasing problema mo sa kaniya?" tanong ko.
"Kaibigan ko siya George, at ayokong masaktan ka sa kaibigan ko," sagot niya.
"Grey, mag-iingat naman ako sa kaniya, tsaka mas maganda nga 'yun kasi sa kaibigan mo 'ko nagmahal 'di ba? Kasi kilala mo na---"
"Nasaktan ka na ng ilang beses sa kaibigan ko George" sabi niya. Oo aaminin ko 'yun. Ilang beses na 'kong nasaktan sa kaibigan niya at ilang beses na din akong umiiyak sa kaniya, pero sana maintindihan niya naman ako ngayon.
"Pero hindi naman siguro ganon---"
"Kilala ko na nga siya at alam kong sasaktan ka lang niya!" galit niyang putol sakin. Tinignan niya lang ako ng seryoso.
"Anong magagawa ko Grey? Mahal ko na siya, kaya please lang naman oh," sabi ko. Bakit ba hindi niya 'ko maintindihan? Bakit? Saglit siyang natahimik at tinignan ako.
"Fine. Naiintindihan na kita, naiintindihan na kita dahil napamahal ka na, dahil hindi natin kayang dikatahan ang sarili natin kung sino ang mamahalin natin" sabi niya at nawala ang kunot ng noo ko.
"Pero oras na umiyak ka sa kaniya, oras na saktan ka niya, 'wag na 'wag kang lalapit sakin ng umiiyak, ng dahil lang sa iniwan ka niya para sa ibang babae" sabi niya at umagos muli ang luha sa mga mata ko. Parang pinuputol narin niya ang pagkakaibigan naming dalawa sa sinabi niya.
"Ilang beses kitang pinigilan, kaya 'wag mong subukang lumapit sakin kapag iniwan ka niya, dahil mas lalo ka lang masasaktan sa mangyayari" sabi niya at umalis na.
"Grey please…"

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...