Chapter 45

10 2 1
                                        

Changing

“Pasok na tayo?” tanong sakin ni Marcus at ngumiti ako. Tumango ako at hinawakan niya ang kamay ko. Naglakad na kami papunta sa building.

“Your hand fit in mine” sabi niya at ngumiti ako.

“Oo nga” sabi ko at pinisil niya ang isa kong pisngi. Napatingin ako sa hallway at nakita ko si Grey na nakasandal sa pader kasama si Zach. Parang ngayon pa lang, hindi ko na kakayanin na daan daanan lang siya ng ganito sa hallway.

Hindi ko naman gustong gawin ‘to pero naduduwag akong harapin na naman siya at sabihin hindi ko kaya ang gusto niya. Parang hindi ko kasi kayang makita ang reaksiyon niya na malungkot dahil sa sasabihin ko.

Natatakot ako nab aka hindi ko kayanin ang makikita ko oras na harapin ko siya. Huminto kami sa room ko at ngumiti lang ako sa kaniya.

“Pasok ka na” sabi niya at tumango ako.

“Sunduin kita mamaya” sabi niya at ngumiti lang ako. Naglakad na ‘ko papasok sa loob ng room namin at napahinto ako ng harangin ako ni Cally. Tinignan ko siya ng seryoso.

“Tama ba ‘yung sinabi ni Spencer?” tanong niya. Kumunot ang noo ko.

“Ang alin?” tanong ko at nilagay ko sa isang upuan ang bag ko. Ano na naman kayang tsimis ang meron ‘to?

“Sabi kasi nila, may gusto daw sayo si Grey, totoo ba?” tanong niya at huminga akong malalim. Tinignan ko siya saka tumango.

“Seryoso?” paninigurado pa niya.

“Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala?” balik tanong ko sa kaniya.

“Sorry naman, pero akala ko, imposibleng magkagusto siya sayo? Anong nangyari?” tanong niya at umupo na lang ako sa upuan ko.

“Hindi ko din alam kung pano nangyari, pero hayaan mo na, wala naman na tayong mababago” sabi ko.

“Pano ‘yan, ‘di ba may gusto ka kay Grey dati? Tsaka, pano ‘yan? ‘Wag mong sabihin na hahayaan mo na lang siya?” tanong niya.

“Hindi ko naman pwedeng iwan na lang si Marcus, minahal ko din naman siya, kaya parang magiging unfair naman kung iiwan ko lang siya ng basta basta” sabi ko.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon