Ynah Buenaventura
“Minsan kasi kahit na alam mong talo ka, kahit anong seryoso ang gawin mo, kung hindi siya para sayo, hindi talaga” sabi niya. Hiuhugutan na naman niya yung ex-girlfriend niya.
“Mag move on ka na nga Babycakes, meron ng iba yung ex mo,” sabi ko. Kinuha ko ang chocolate waffer sa table at kumain.
“Gusto niyang makipagbalikan” seryoso niyang sabi kaya napatigil ako sa pagkain. Gusto pa siyang balikan ng babaeng yun? Matapos siyang lokohin, matapos niyang iwan si babycakes, babalik pa siya?
Ang lakas-lakas kaya ng loob niyang ipakita at ipamukha sa lahat na may iba siya bukod kay Grey. Proud na proud pa ata siya nun eh na may pinagsabay siya. Na pinagsabay niya ang dalawang magkaibigan na si---Teka, tama! Si Ronnie nga! Naalala ko na siya! Siya yung kaibigan ni Grey na naging third party! Mahigit two years na din kasi ang nakakalipas kaya hindi ko na maalala. Pero panong hindi ko maalala? Haish. Siguro talagang matagal na din yun.
“’Wag mong sabihin na babalikan mo pa siya ah?! Matapos kang saktan ng sobra---“
“I'm inlove” putol niya sa sinasabi ko. Inlove? Kanino? Kay Ynah? Hindi pa siya nadadala? Hindi pa ba siya nadadala sa mga ginawa sa kanya ni Ynah?
“Grey hindi ka pa ba nadadala? Magpapaloko ka na naman sa babaeng yun? Tapos kapag niloko ka, magpapa-comfort comfort ka? Hay nako Grey ah, kapag ikaw nasaktan na naman sa babaeng yan, ‘wag na ‘wag kang lalapit sakin dahil---““Teka, alam mo ba kung kanino ako inlove?” tanong niya. Inabot niya ang isang poon saka minove. Anong ibig niyang sabihin? Hindi siya kay Ynah Inlove? Eh kanino?
“Kanino?” kunot noo kong tanong habang nakatingin sa mga mata niya. Nakangiti lang siyang kumakain ng chips niya.
“Secret muna” nagpout ako sa kanya. Ang daya ng lalaking 'to. Kapag ako ang tinatanong niya sinasabi ko sa kanya. Pero siya hindi niya sinasabi sakin. Nakakainis siya!
“Ang daya mo palagi” tinanggal ko ang paa niya sa hita ko. Binalik niya yun sa hita ko.
“Sasabihin ko din naman sayo, 'wag kang magtatampo papatayin kita” sabi niya at tinanggal ko ang medyas ng paa niya. Hahaha color pink.
“Ibalik mo yan sa paa ko” utos niya. Bakit ko naman siya susundin?
“Bakit naman kita susundin?” tanong ko.
“Ibalik mo yan”
“Ayoko nga”
“Isa,”
“Yoko”
“Makabilang ako ng tatlo humanda ka sakin”
“Luh nakakatakot’ nakangiti kong sabi.
“Tatlo” sabi niya at nilagay niya ang magkabilang kamay sa magkabila kong balikat Hinila niya 'ko at napahiga ako sa hita niya.
“Ibabalik mo o hindi?” tanong niya.
“Ang kulit mo ayoko nga” sagot ko. Hahaha. Hindi ko ibabalik, hindi naman niya 'ko bibitawan kahit na ibalik ko eh, kaya bahala siya. Kumakain lang ako ng chips at umusog ako paakyat sa kanya para hindi ako nakahiga. Nasa tiyan niya ang ulo ko habang kumakain ako. Hindi niya 'ko pinaalis kaya nanatili lang ako.
“Para kayong magjowa diyan sa ginagawa niyo” puna ni Spencer. Hindi sumagot si Grey. Tumingala ako para tignan siya pero walang reaksiyon ang mukha niya.
“Hayaan mo na, para naman maramdaman ng babaeng ‘to kung pano magkajowa, walang kasing may balak na jowain ‘to eh” natatawang sabi ni Grey. Tinignan ko siya ng masama. Ang sama ng lalaking ‘to sakin.
“Ang sama mo sakin, ‘pag ako nagkaboyfriend, who you ka sakin” sabi ko. Napatingin siya sakin at sumeryoso ang mukha niya. May nasabi ba ‘ko?

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Fiksyen RemajaFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...