=====Chapter 10=====
Afraid of Falling Inlove
Inunat ko ang mga braso’t kamay ko saka ako natulala. Nakatulog pala ‘ko? Tinignan ko ang pinto at nakasara parin. Hindi pumasok si Grey? Bumangon ako at naglakad ako papunta sa kwarto niya. Binuksan ko ang kwarto niya. Walang tao? Nasaan na siya? Hindi pa siya pumupunta dito? Anong oras na ba? Tinignan ko ang relo ko. 10 na. Bakit hindi pa siya pumupunta dito?
Sinuot ko ang slippers ko saka lumabas. Naglakad ako sa hallway at lumabas ako. Sumalubong sakin ang malamig na hangin. May mga tao pa naman dito sa labas pero unti na lang sila. May mga naglalakad mag-isa, may mga couple, may mga family, may mga taong nakaupo sa dalampasigan, siguro nagpapahangin or baka hindi makatulog, pero unti na lang ang mga tao dito.
“Ano pang ginagawa mo dito?” tanong ng nasa likod ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Ronnie naman ‘wag kang nanggugulat” sabi ko. Napangiti na lang siya.
“Pasensiya na, pero bakit ka ba nandito? Anong oras na ah” sabi niya.
“Si Grey kasi wala pa dun sa room namin, nakita mo ba?” tanong ko. Napaiwas siya ng tingin.
“Ang sabi niya kasi kanina ng tanungin siya ni James kung bakit wala ka, ang sabi niya, nagtatampo ka daw, kaya nga hindi ata siya pumunta sa room niyo kasi masama daw ang loob mo” sabi niya. Si Grey naman oh.
“Pwedeng patulong siyang hanapin?” tanong ko.
“Sige, tara” naglakad lakad kami ng ilang minuto sa buong isla kaso hindi namin siya mahanap. Ano ba naman yung lalaking yun. Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko nakikita yun. Ano ba kasing pumasok sa isip nun? Hinilamusan ko ng kamay ko ang mukha ko. Mga fiftheen minutes na ata kaming naghahanap dito pero hindi namin siya mahanap. Hindi naman kami pumupunta sa mga liblib na parte ng isla kasi bawal dun. Tsaka hindi naman pupunta yun dun.
“Dun tignan natin” sabi niya at tinuro ang isang parte ng tabi ng dagat pero medyo madilim dun.
“Sigurado ka?” tanong ko.
“Wala naman sigurong mangangain sayo diyan, kaya okay lang yan, tara, malay mo ‘di ba?” sabi niya. Napatingin ako sa sinabi niyang lugar.
“Tara” sabi ko saka ako na ang naunang naglakad papunta dun. May nakita akong dalawang tao na nag-uusap sa gilid ng dagat. Malinaw na malinaw sakin kung sino ang dalawang yun. Si Ynah at Grey. Bakit sila nandito nag-uusap?
“Lalapitan ba natin?” tanong ni Ronnie.
“Hindi, hayaan mo sila, privacy nila yan” sabi ko saka tumalikod. Kaya naman pala hindi pa siya pumupunta dun sa room namin. Dahan-dahan akong naglakad. Sumunod naman si Ronnie sakin.
‘Girlfriend ka niya ah, kaya bakit hindi mo sila puntahan?” tanong niya. Ang ingay naman ng lalaking ‘to. Marinig pa kaming dalawa dito nila Grey eh.
“Basta” sagot ko.
“Eh bakit nga?” tanong niyang muli.
“Maglakad ka na lang. ‘Wag mo ng alamin” sabi ko.
“Sweetcheecks!” tawag sakin mula sa likod kaya napahinto ako. Si Ronnie kasi ang ingay. Huminga akong malalim at unti-unti akong humarap. Bigla akong niyakap ni Grey kaya na-speechless na 'ko. Huminga akong malalim muli at bumitaw siya sakin ang dumistansiya.
“Bakit kasama mo siya?” seryoso kong tanong sa kanya. Napaiwas siya ng tingin sakin. Bakit ganito ako? Alam kong pagpapanggap lang ‘to pero bakit parang naaapektuhan ako? Pumikit ako saglit at pumikit ako. Minulat kong muli ang mga mata ko. Tinignan ko si Ynah at nakacross arms lang siya at nag-iwas siya ng tingin sakin.
“Bakit mo siya kasama?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina. Magsasalita na sana si Grey kaso inunahan siya ni Ynah.
“Wala kaming ibang ginagawa, kaya ‘wag kang paranoid, hindi ko siya aagawin sayo” mataray na sabi ni Ynah. Sus. Hindi na ‘ko naniniwala sa mga dahilan niyang ganyan. Kanina nga aakyat lang sa yatch, nagpapatulong pa. Napakapabebe lunurin ko siya eh. Magpapakita ba siya ulit kung hindi?
“Sinabi ko ba? Tinatanong ko lang ‘di ba?” taas kilay kong sabi.
“Tama na, tara na, teka, ikaw, bakit ka nandito? Gabing-gabi na ah? Tsaka bakit kayo magkasama?” tanong ni Grey. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya.
“Hinahanap kita kaya nandito pa ‘ko sa labas, at nagpasama lang akong hanapin ka sa kanya. Wala na 'kong ibang nakikitang makakasamang maghanap sayo kasi tulog na silang lahat kaya siya lang ang nakita kong gising” paliwanag ko sa kanya.
“Okay, tara, mukhang nagugutom ka na, hindi ka kumain eh” sabi niya at hinawakan niya ang wrist ko. Hinila niya ‘ko palayo. Sinabayan ko siyang maglakad kaya hindi na niya ‘ko kailangan pang hilain pero hawak-hawak parin niya ang wrist ko.
“Sorry” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Saan?” tanong ko.
“Hindi ko nasabi sayo na isang linggo tayo dito” paliwanag niya.
“Okay lang basta ‘wag mo ng uulitin” sabi ko habang nakangiti. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“Pano sila tita at sila tito?” tanong niya.
“Maiintindihan naman nila, pero samahan mo ‘kong magpaliwanag kasi mas maniniwala sila sayo, spoiled ka kaya nila” sabi ko at saka napatawa siya ng mahina.
“Oo”
“Bakit nga pala talaga kayo magkasama ni Ynah kanina?” tanong ko.
“Wala, kinukumbinsi niya ‘ko na bumalik sa kanya” sagot niya.
“Pumayag ka?”
“Ano ako tanga?”
“Akala ko pumayag ka. Pero napatawad mo na siya?”
“Napatawad? Oo. Pero pagdating sa balikan siya? Malabo na” napatango tango ako.
“Nag-e-enjoy ka sa wrist ko ah?” nakangiti kong sabi. Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Hindi ko siya tinignan pero nakangiti lang ako.
“Hayaan mo na, wala namang malisya yan. Tsaka hindi kita type”
“Paulit-ulit? Pero hindi din naman kita type kaya manahimik ka” natawa siya.
***
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumangon ako. Tumayo ako at naglakad ako papunta sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan at naglakad ako palabas.
“Buti may balak ka pang gumising?” puna sakin ni Grey kaya napangiti ako sa kanya.
“Nga pala phone mo” sabi niya sakin saka iniabot ang phone ko sakin. Tinanggap ko naman.
“Bakit nasa---“
“Nga pala, ako na nagpaliwanag sa mama mo, naintindihan naman niya” sabi niya at napatango ako. Siya na pala ang nagpaliwanag. Buti naman.
“Anong sabi ni mama?” tanong ko sa kanya.
“Naintindihan ni mama mo” sagot niya.
“Ah okay. Akala ko inaway mo si kuya” natatawa kong sabi.
“Luh hindi ah. Mamaya bugbugin mo pa ‘ko” sabi niya at mas lalo akong natawa. Hindi ko naman ata magagawa sa kanya yun? Loko ‘to eh.
“Sira. Hindi ko naman ata magagawa yun” sabi ko habang natatawa.
“Tara na, nagugutom na ‘ko. Mag-umagahan na tayo” sabi niya at nauna ng lumabas.
“Saglit! Hintayin mo ‘ko!” sigaw ko saka ako lumabas. Hinabol ko siya at inakbayan ko siya. Naglakad lang kami.
“Pagkatapos kong kumain, ligo tayo” yaya niya sakin.
“Bastos ka ah” sabi ko saka ko siya binitawan. Tinignan niya 'ko at nakatingin din ako sa kanya.
“Siraulo ka. Iba na naman iniisip mo. Ang ibig kong sabihin, ligo tayo sa beach diyan oh sa labas” paglilinaw niya habang natatawa.
“Tigil-tigilan mo nga ‘ko babycakes, bastos ka” natawa lang siya. Iba na naman iniisip ng lalaking ‘to.
“Greenminded ka lang. Linisin mo nga ‘yang utak mo Sweetcheecks ang dumi-dumi” sabi niya habang naglalakad kami. Ah so ako pa talagang madumi ang utak samin eh siya nga ‘tong nagpapasimula tsaka siya nga 'tong mas madumi ang utak saming dalawa.
“Wow, coming from you” sabi ko habang nakangiti kaya natawa siya.
“Oh bakit, hindi naman madumi utak ko ah” sabi niya.
“San banda?”
“Hoy Georgina, hindi madumi utak ko. Tsaka anong patunay mo na madumi ang utak ko huh?” tanong niya. Ang dali naman ng sagot.
“Yung phone mo” sagot ko.
“Anong meron sa phone ko?”
“Deny pa, nakita ko kaya yan ng kinalkal ko ‘yang phone mo”
“Ewan ko sayo”
“Akin na phone mo, pakita ko sayo yung mga pictures mo ng mga pornstar at mga movie mo, akin na”
“Wala kayang ganon phone ko”
“Sus nakita ko kaya yun”
“Ah kaya pala madumi ang utak mo dahil nakita mo? Ah siguro pinanood mo ‘no?” tanong niya.
“Aba binabaligtad mo ah”
“Sabi mo nakita mo”
“Nakita ko lang pero hindi ko pinanood”
“Parehas din yun”
“Magkaiba yun”
“Parehas”
“Inamin mo rin na meron nga?”
“Wala nga ang kulit mo”
“Eh bakit hindi mo ipakita sakin ang phone mo?”
“Kasi nga may makikita ka”
“Oh sus, porn makikita ko diyan eh”
“Ang kulit mo”
“Meron ‘no?” nakangiti kong tanong at umiling-iling na lang siya habang nakangiti.
“Ang kulit mo talaga. Oh” sabi niya at binigay niya sakin ang phone niya. Kinuha ko ang phone niya saka binuksan ko. Tinype ko ang word na SWEETCHEECKS na puro caps lock talaga. Himala? Ang background picture niya eh ang picture naming dalawa? Akala ko picture na naman ng bago niyang chicks na mala pornstar. Agad kong tinignan ang mga pictures niya pero puro pictures lang namin ang nakalagay dun at ang mga pic ko sa phone niya. Wala nga.
“Oh may nakita ka?” tanong niya habang nakangiti,
“D-in-elete mo na eh, oh baka sa laptop mo?” Bigla siyang natawa.
“Gago ka ba? bakit ko dun ilalagay? Kapag binuksan ni me yun, makikita niya yun” sabi niya. Oo nga. Wala nga. Pagdating namin sa main lobby, lumabas kami at may pinuntahan kaming parang resto na gawa sa mga bamboo. Ang ganda ah. Lumapit kami kila Zach kasama sila James.
“Andito na pala ang love birds” sabi ni James at umupo si Grey sa tabi ni Ronnie. Umupo din ako sa tabi niya at sa tabi ko naman si Cally.
“Babycakes, phone mo” sabi ko at inabot ko sa kanya ang phone niya.
“Sayo muna wala ‘kong bulsa” sabi niya at biulsa ko na lang ang phone niya.
***
Naglakad ako sa dalampasigan. Naka T-shirt ako ng kulay black at nakashorts ako ng kulay grey na parang jersey pero hanggang sa above knee ko. Pero hindi naman yung sobrang ikli talaga. Sa taas lang ng tuhod ko.
“Maglalakad ka lang dito?” tanong ng nasa likod ko at napatingin ako sa kanya.
“Ayoko maligo”
“Bakit ayaw mo Sweetcheecks? Ang init kaya, tara” sabi niya at hinila niya ‘ko. Naglakad siya hanggang sa yung tubig eh hanggang sa tuhod ko na. Huminto ako at tinignan ko siya ng masama.
“Lulunurin kita eh” sabi ko sa kanya kaya natawa siya.
“Bakit kasi ayaw mong maligo?” tanong niya.
“Babakat yung damit ko” sagot ko at bigla siyang natawa.
“Makapal naman yung damit mo ah?”
“Pano mo nalaman?”
“Gift ko sayo yan nung Christmas” sabi niya. Tinignan ko ang t-shirt ko.
“Oo nga eto nga yun, pero ayoko paring maligo. Bahala ka diyan” aalis na sana ako kaso hinatak niya ‘ko kaya napahiga ako sa tubig. Tumalsik ang mga tubig pagbagsak ko. Tumayo ako at tinignan ko ng masama si Grey.
“Hehehe, bumakat nga” natatawa niyang sabi at tinignan ko ang dibdib ko. Bumakat talaga ang undies ko dahil sa kanya. Gago talaga ‘tong lalaking ‘to!
“Siraulo ka talaga” sabi ko at tinulak ko siya sa tubig. Nabasa din siya kaya natawa ako.
“Sabi sayo masarap maligo eh, tara dun tayo” sabi niya saka ako hinila paahon. Kinuha niya sa cottage ang dalawa niyang towel at binigaay niya sakin ang isa.
“Para hindi nila makitang bumakat” sabi niya habang natatawa. Inis kong kinuha ang twalya saka binalot sa buo kong katawan na parang jacket. Mahina ko siyang hinampas sa balikat niya. ’Tong lalaking ‘to kasi. Naglakad siya at sumunod na lang ako sa kanya. Ang init ng araw. Pakiramdam ko tuyo na ang buhok ko sa sobrang init ng panahon. Ang daming taong naliligo. Ang dami ding mga babaeng nakaswim suit lang at ang daming mga lalaking nakashorts lang na hanggang sa tuhod nila. Siguradong iitim sila sa ginagawa nila.
“Grey ang daming chicks” sabi ko habang naglalakad. Napatingin siya sa mga tinitignan ko.
“Hindi ako pwedeng mangchicks dito, baka magalit sakin ang girlfriend ko” sabi niya habang nakangiti.
“Mukha mo, hindi ako magagalit sayo, bahala ka kung magpakasasa ka sa mga chicks mo” sabi ko.
“Ang sakit naman na marinig ‘yang mga yan sa girlfriend ko” nakapout niyang sabi.
“Yung girlfriend mo, magagalit, pero ang bestfriend mo hindi”
“Basta ayokong mangchicks ngayon, baka hindi tayo mag-usap dahil baka magpanggap ka na magkaaway tayo” sabi niya kaya natawa ako. Oo nga. Baka pag nangchicks siya, magpanggap ako na galit ako sa kanya kaya ‘wag na. Hindi ko din naman kaya na hindi pansinin ang bestfruunnn ko kaya ‘wag talaga niyang magawa-gawa ang bagay na yun. Mahirap na.
Baka isipin ko, kami talaga kahit wala naman talaga. Umakyat kami sa parang bundok, hindi pala parang kasi bundok talaga. May parang stairs siya kaya hindi kami nahihirapan. Ano naman kayang gagawin namin dito? Huminto siya sa isang parang mataas na parte ng bundok kung saan kitang-kita ang lahat dito sa kinatatayuan naming dalawa. Ang ganda dito. Malilim at mahangin kaso medyo mainit parin. Pinagpapawisan ako sa sobrang init.
Naglakad pa kami at nakarating kami sa isang malilim na lugar. Mapuno na siya at hindi katulad ng kanina na sobrang init talaga. Saglit kaming huminto kahit na ang mga kasama namin. Dahan-dahan akong umupo sa ilalim ng puno at kinapa ko ang bulsa ko pero wala ang panyo ko. Naiwan ko ata. Ewan. Napatingin ako sa harapan ko ng may mag-offer ng panyo sakin. Tumingala ako upang makita kung sino ang nagbigay sakin ng panyo. Nakita ko si Grey na nakatingin sakin.
“Kukunin mo ‘tong panyo o tititigan mo lang?” tanong niya at inirapan ko siya. Tinignan ko siyang muli ngunit nakangiti na siya sakin kaya naman napangiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang panyo at ipinunas ko kaagad ito sa aking mukha. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Grey. Tinignan ko siya.
“Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko na ikinadahilan ng pagtingin niya sakin.
“Basta” sagot niya pagkatapos ay pinisil niya ang aking pisngi. May destinasyon na pa lang basta?
“Bat ‘di mo na lang kasi sabihin?”
“Basta nga, ang kulit mo” inirapan ko siya. May kung ano na namang balak ang lalaking ‘to.
“’Pag ako namatay diyan sa balak mo, humanda ka sakin” saad ko at napataas ang dalawa kong kilay ng bigla siyang matawa. Anong nakakatawa sa mga sinabi ko? Hindi naman nakakatawa ang bagay na ‘yun ah?
“Tumigil ka nga sa kakatawa mo” saad ko ngunit hindi siya tumigil sa kaniyang katatatawa. Tinignan ko lamang siya ng napakasama.
“Pasensiya na” nakangiti niyang saad at itinaas pa ang kaniyang dalawang kamay upang iparating sa akin ang kaniyang pagsuko. “Hindi ka naman mamatay dun hangga’t nandito ako” dagdagpa niya saka ako kinindatan. Nandidiri akong tumingin sa kaniya dahil sa kindat niyang ‘yan at sa mga pinagsasabiniya.
“Hindi mo bagay maging romantic”
“Bakit naman?”
“Halata ko na, na hindi ka romantic na tao, na isa kang babaerong lalaki kaya ‘wag mo ng subukan sakin ‘yan dahil nakakaewan lang ‘yang kindat-kindat mo” seryoso kong saad habang nakatingin sa kaniya. Hindi parin naalis ang kaniyang ngiti. Ginulo niya ng sobrang gulo angbuhok ko kaya naman tinignan ko siya ng napakasama. Bigla niyang pinisil ang aking pisngi na ikinadahilan ng pagngiti ko sa kaniya.
“Ahahahaha, natawa siya” puna niya sakin kaya naman tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. Nakakainis ang lalaking ‘to. Ewan ko ba kung saan siya pinaglihi at ganyan siya sakin. Kaibigan ko ba talaga ang lalaking to o sadyang nandito lang siya para asarin ako? Muli ko siyang tinignan ng seryoso ngunit napangiti ako ng makita ko siyang nakangiti ng sobra-sobra sakin.
“Lovebirds tara na!” sigaw ni James na ikinadahilan ng pagtingin naming dalawa ni Grey.
“Tara na daw” pag-uulit ni Grey sa sinabi ni James. Dahan-dahan siyang tumayo at ganon din ako. ‘Yung James na ‘yun, palagi na lang niya kaming sinasabihan ni Grey ng lovebirds, mukha ba kaming ibon para sabihin niya ang bagay na ‘yun? Alam ko naman ang ibigsabihin kapag sinabihan ka kasama ng isang tao na lovebirds, ang ibig sabihin nun ay sweet kayo ng taong kasama mo, pero ayoko lang na sinasabihan ng ganon.
“Mukha ba tayong ibon para sabihan niya tayo ng ganyan?” kunot noo kong tanong. Mas lalo pang kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pagtawa ni Grey sa aking gilid. Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Bakit natatawa ‘to?
“Bakit ka natatawa?” tanong ko na ikinadahilan ng pagtingin niya sakin. Umiling iling siya saka tumayo.
“Halika na” saad niya at naglakad na palayo. Unti-unti akong tumayo. Tumakbo ako at huminto ako sa gilid niya.
“Ito, nang-iiwan” saad ko kaya naman napatingin siya sakin. Ngumiti lamang siya at ginulo ang aking buhok. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nakangiti parin siya. Inayos ko ang aking buhok. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang parang zipline? Anong gagawin namin dito? ‘Wag nilang sabihin na…
“Tara babycakes, dalawa tayo” nakangiting aya ng ni Grey sakin at hinawakan niya ang wrist ko ngunit hindi ako nagpahatak sa kaniya. Tinignan niya ako at umiling lamang ako.
“Halika na…Natatakot ka na naman eh, lika na” nakangiti niyang saad at sumimangot ako. “Halika na, may harnest naman kaya ‘di ka mahuhulog,” dagdag pa niya ngunit umiling lamang ako sa kaniya.
“Halika na, natatawa ako sayo eh, kasama mo naman ako” umiling lamang ako. “Halika na babycakes” saad niya at hinila akong muli. Ngunit sa pagkakataong ito ay nahila na niya ako. Diyos ko, tulungan mo ‘ko! Ano ba kasing nasa isip ng lalaking ito.
“Mamamatay ako dyan ayoko” saad ko. Natawa lamang siya.
“Ang dami mong arte,” saad niya saka ako hinila.
“Grey”
Namalayan ko na lamang na sumigaw na ako ng napakalakas dahil sa lalaking ‘to, humanda ka sakin! Mapapatay talaga kita Grey.
***
“Okay ka pa?” Sarkastikong tanong ni Grey sakin kaya tinignan ko siya ng napakasama. Yung para bang sinasaksak ko na siya sa tingin pa lamang.
“Nagagalit ka na naman, kasama mo naman ako kanina,” dagdag pa niya ngunit iniwas ko lamang ang aking paningin sa kaniya. Pano kung namatay ako sa sobrang kaba? Pano kung namatay ako dahil sa zipline na yun?! Tinignan ko siyang muli.
“Pano kung namatay ako sa zipline na yun?” tanong ko ngunit humalakhak lamang siya. Kalokohan ng taong ‘to, nagawa pa kong tawanan. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Tumayo ako at maglalakad na sana ako ngunit hinawakan niya ang aking wrist. Tinignan ko siya.
“Sa tingin mo hahayaan kitang mahulog ng walang sumasalo sayo?” tanong niya kaya muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
“Magtatampo ka na naman, ‘wag ka nang magtampo” saad niya kaya dahan-dahan akong napangiti. Tinignan ko siya ng bahagya at mahina kong hinampas ang tiyan niya. “Masakit ah”
“San susunod natin?” tanong ko habang nakangiti.
***
“Kuya safe naman po ditong tumalon ano?” tanong ni Grey at napatingin ako sa kanya. Tatalon siya? Tumingin ako sa baba at nakita ko na malalim ang tubig pero malinaw na malinaw naman. Kung hindi ka marunong lumangoy, hindi ka pwede dito.
“Pwede naman po sir, basta marunong kang lumangoy” sabi ng isang tourist guide namin.
“Wala namang problema, tara Sweetcheecks” sabi niya at hinawakan ang wrist ko.
“Ikaw na lang, ang taas niyan eh, malunod pa ‘ko kahit na marunong akong lumangoy” sabi ko. Nakangiti lang siya. Napabitaw siya sa wrist ko.
“Tara na, sabay tayo” sabi niya. Nakakakaba kasi ang taas talaga. Hindi ko kaya yan.
“Ang taas niyan, hindi ko yan kaya” sabi ko.
“Kaya nga sabay tayo eh, ‘di ka naman malulunod, magkasama tayo kaya tara na” yaya niya sakin. Ini-offer niya ang kaliwa niyang kamay sakin. Tinignan ko yun.
“Trust me” sabi niya. Huminga akong malalim at tinanggap ko ang kamay niya. Naglakad ako papunta sa kanya. Medyo bato-bato ang kinatatayuan namin pero sa tingin ko, kitang-kita dito ang buong paligid.
“Sabay tayo ah” sabi niya at tumango ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
“’Wag mo 'kong bibitawan” sabi ko at tumango siya sakin.
“Tara na” sabi niya at tatalon na sana kaso pinigilan ko siya.
“Saglit”
“Bakit?” tanong niya
“’Wag mo ‘kong bibitawan ah” sabi ko at natawa siya.
“Oo nga, ang kulit mo” sabi niya at inenterwine niya ang kamay niya sakin para hindi talaga matanggal. Tatalon na sana siya kaso pinigila ko siya ulit.
“Bakit na naman?” tanong niya habang nakangiti.
“Hindi mo talaga ‘ko bibitawan?” paninigurado ko.
“Edi sana pinatalon na lang kita ng mag-isa?” sabi niya.
“Sige na nga, bumilang ka ng tatlo” sabi ko.
“Sige, sige” sang-ayon niya.
“Tatlo” sabi niya sabay talon at hinila ako. Muntikan kong mabitawan ang kamay niya kaso hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Para akong lumilipad ah? Ang ganda naman, may adrenaline na kong nararamdaman. Pagbagsak namin sa tubig, pumailalim kami hanggang sa muntikan ko ulit siyang mabitawan dahil sa lakas ng force ng pagkatalon namin kaso hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko paraan para mahila niya ‘ko papunta sa kanya. Hindi ko siya makita dahil sa mga bula ng pagkakabagsak namin. Hinila niya ‘ko at umahon ako sa tubig. Hinilamusan ko ang mukha ko.
“Sabi sayo hindi kita bibitawan” sabi niya habang nakangiti at ginulo niya ang buhok ko.
“Isa pa?” tanong niya. May naalala ako. Yung phone niya nasa bulsa ko!
“Grey may naalala ako” sabi ko at pumailalim siya.
“Grey!” sigaw ko at biglang may humila sakin pailalim. Nakita ko siya na nakangiti sakin habang nakataas ang mga buhok niya at ganon din sakin. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ko ang phone niya. Nakita niya ang phone niya at kinuha niya yun.
“Sorry” sabi ko at tumingin siya sakin habang nakangiti. Binalik niya ang tingin niya sa phone niya at binuksan niya. Luh, nagbukas pa yun?
“Water proof ‘to, tara selfie tayo sa ilalim ng tubig” sabi niya saka sumisid sa ilalim. Water proof pala yung phone niya?
Ngayon ko---Napatigil ako sa pag-iisip ng may naramdaman akong humila sa paa ko pailalim. Tinignan ko ng masama si Grey at ngumiti siya. Nilapit niya 'ko sa kanya at nagpeace sign ako sa camera habang nakangiti. Umahon ako at pati siya.
“Tara na dun, oh bulsa mo, wala ‘kong bulsa” inoffer niya sakin ang phone niya. Kinuha ko ang phone niya at binulsa ko.
“Unahan tayo dun Grey?” sabi ko sa kanya sabay turo kay Zach.
“Sige ba” sabi niya at nauna na siya.
“Ang daya mo!” sigaw ko at lumangoy ako pailalim. Nang makarating ako sa sea side, umahon ako.
“Ang bagal mo” sabi ni Grey sakin. Tinignan ko siya sa likod ko.
“Madaya ka eh” sabi ko at hinabol ko siya.
“Hey! Kayong dalawa talaga” sabi ni Spencer at tinulak ko si Grey sa tubig. Hinila niya ang kamay ko kaya dalawa kaming napailalim sa tubig. Umahon ako at hinila ko ang kamay niya.
“Madaya ka” sabi ko.
“Ang bagal mo kasi” sabi niya habang natatawa.
“Ah ako pa talaga ang mabagal ah?” tanong ko at hinampas ko ang tubig.
“Malamang”
“Lunurin kaya kita dito?”
“Sige nga?”
“Gusto mo?” hinabol ko siya at tumakbo na naman siya. Umupo ako sa dagat at sinamaan ko siya ng tingin. Nakangiti lang siya. Lumapit siya sakin at umupo siya sa tabi ko. Hanggang sa tiyan namin ang tubig. Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sakin. Bigla ko siyang sinakal at napahiga siya sa tubig. Binitawan ko siya at umahon siya.
“Ang laki ng galit mo sakin ah” sabi niya habang nakangiti. Umayos siya ng upo sa tabi ko. Inayos niya ang buhok niya at tumingin siya sakin ulit.
“Sweetcheecks patanggal nga ng buhangin sa buhok ko”
“Bahala ka diyan” masungit kong sabi.
“Sige na ah, lambingin kita gusto mo?”
“Ayoko”
“Sige na ah”
“Akin na nga” sabi ko at hinawakan ko ang buhok niya. Hinila ko ang buhok niya kaya napatangad siya.
“Grabe ka naman magtanggal” sabi niya.
“Nagrereklamo ka?” tanong ko habang nakangiti.
“Oo”
“Edi ikaw na lang magtanggal”
“Hindi joke lang, eto naman” sabi niya. Pinagpag ko ang buhok niya. Tinanggal ko ang buhangin sa buhok niya.
“Ang dami naman” sabi ko habang pinapagpagan ang buhok niya. Hindi naman ganito yung buhok ko. Ah baka nung sinakal ko siya. Mababaw pa naman ang tubig kaya siguro nagulo ang buhangin.
“Ayan tapos na” sabi ko at binitawan ko ang buhok niya. Tumayo ako at saka pinagpagan ko ang damit ko. Ang dami din palang buhangin ng damit ko.
“Gusto mo pagpagan kita?” tanong niya. Tinignan ko siya. Nakangiti siya ng nakakalokong ngiti.
“Mananantsing ka lang eh” sabi ko.
“Luh? Bakit kita tsatsansingan? ‘Di ka naman chicks” natatawa niyang sabi. Aba hayop 'to ah. Porket hindi chicks, ganyan na kagad?
“Tsaka wala naman akong matsatsansing sayo, wala ngang bumabakat oh” sabi niya kaya nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Kainis talaga ‘tong lalaking ‘to!
“Bahala ka diyan!” sigaw ko at aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko.
“Niloloko lang naman kita, ikaw talaga” sabi niya. Inirapan ko siya.
“Hindi maganda ‘yang loko mo” seryoso kong sabi.
“Sorry na, hindi ko naman sinasadya” sabi niya. Talagang nagso-sorry siya kagad kasi ayaw niyang maulit na naman yung dati na hindi kami nagpansinan ng isang linggo dati.
“Okay lang” sabi ko. Pinagpag ko ang damit ko na sobrang daming buhangin. Kalokohan kasi ng lalaking ‘to eh.
“Uy si Ynah, nalunod daw ata” rinig kong sabi ni Zach. Napatingin ako sa kanya. Naglalakad siya papunta sa pampang sa walang tubig. Nakita ko ang nagkukumpulang tao. Naglakad ako at kasabay ko si Grey.
“Nalunod?” tanong ko sa sarili ko. Nakisiksik ako sa mga tao at tinignan ko siya na nakahiga. Kasama ko si Grey.
“Hindi ako naniniwalang nalunod yan” rinig kong sabi ni Grey. Tinignan ko siya.
“Grabe ka naman, mamaya nalunod pala talaga” sabi ko sa kanya.
"Hindi niya 'ko madadala sa kaartehan niya" sabi niya.
“George! Halika nga saglit” tawag sakin ni Cally kaya umalis ako dun at pinuntahan ko siya. Malayo kami kila Ynah. Naiwan ko si Grey dun.
“Bakit?” tanong ko.
“Wala magpapasama sana ako kaso ano yun?” tanong niya. Napatingin siya sa likod ko sa mga taong nagkukumpulan. Napatingin din ako.
“Ah wala si Ynah daw nalunod” sabi ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
“Eh hindi naman talaga nalunod ‘yang babaeng yan. Kaartehan niya lang yan.” sabi niya.
“Pano mo naman nalaman?”
“Eh malapit lang siya sakin kanina. Biruin mo, nakatayo ako, tapos yung tubig hanggang sa hita ko lang tapos siya nalulunod? Wow ah. Marunong naman siyang lumangoy, kaartehan niya lang yan” Nag-cross arms siya.
“Alam mo ‘yang babaeng ‘yan, simula nung kinuwento mo sakin kung sino siya at simula nung nakita ko ang pagmumukha ng babaeng yan, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya” dugtong pa niya. Napangiti na lang ako.
“Hayaan mo na. Desperada lang ‘yan na makuha ulit si Grey, kaya lika na, samahan kita kung saan ka pupunta” sabi ko.
“Saglit, tignan muna natin kung anong kaartehan ang ginagawa niya” sabi niya at hinila ako papunta dun. Nakipagsiksikan kami hanggang sa makarating kami sa harapan. Seryoso akong napatingin kay Ynah na nakangiti sakin habang hinahalikan ni Grey. Wow. Seryoso ko silang tinignan.
“Wow. Saglit lang akong nawala tapos eto ang nakita ko. Wow” sabi ko at napatingin sakin si Grey ng gulat. Nag-iwas akong tingin sa kaniya at naglakad ako paalis. Naramdaman kong sinundan ako ni Grey pero naglakad ako ng mabilis. Pumasok ako sa parang hotel na tinutuluyan namin. Naglakad ako sa hallway at ramdam ko parin ang pagsunod sakin ni Grey. Umakyat ako sa taas. Pagdating ko sa room namin, sinarado ko ng galit ang pinto saka ni-lock. Huminga akong malalim at sinarado ko lahat ng bintana. Umupo ako saka sumandal at niyakap ko ang dalawa kong tuhod. Bakit ganito? Bakit kahit na kunwari lang ang lahat bakit parang nasasaktan ako? Hindi naman ‘to dapat pero bakit ko ‘to nararamdaman? ‘Okay, pero pano kung sa ngayon mafall ka? ‘Di ba sinabi ko sayo, hindi mo madidiktahan yan’ naalala kong sabi ni Cally. Hindi pwedeng mangyari ‘to. Hindi pwede. Pwede sa iba na lang, 'wag lang sa kanya dahil natatakot ako na baka mawala siya sakin bilang isang kaibigan kaya sana ‘wag naman. Please ‘wag sa kanya. Ilipat mo na lang kahit kanino. ‘Wag lang sa bestfriend ko. Ayoko siyang mawala sakin.
***
“’Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo eh” sabi ni Cally habang nakaupo ako sa kama niya. Pumunta kasi ako dito sa room niya since wala naman siyang kasama dito kahit pangdalawahan ‘to. Kinuwento ko na sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko.
“Sinabi ko na kasi sayo eh, hindi imposibleng may isa sa inyo ang mahulog” sabi niya.
“Edi kinain mo ‘yung mga sinabi mo dati?” sabi niya kaya napayuko na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Oh anong balak mo? Kanina ka pa hinahanap ni Grey sa labas. Nalaman na niya na wala ka sa room niyo, kaya sigurado, naghahanap na yun sa buong hotel na “to. Anong plano mong gawin?” tanong niya. Tinignan ko siya sa mga mata niya.
“Siguro, ngayong hindi ko pa talaga maintindihan ‘tong nararamdaman ko, hindi ko muna ‘to sasabihin sa kanya” sabi ko. Natatakot ako kapag nalaman niya at layuan niya ‘ko. Natatakot akong mawalan ng kaibigan.
“Hindi mo sasabihin sa kanya? Pano kung lumalim ‘yang nararamdaman mo sa kanya? Anong gagawin mo? Tapos hindi ka pala niya mahal, tapos ikaw, hindi mo alam, dahil sa pagsisinungaling mo sa kanya, mas lalo ‘yang lumalim at mawala talaga siya ng tuluyan sayo." saad niya habang nakacross arms sa harapan ko.
“Eh anong gagawin ko? Malay mo ‘pag sinabi ko sa kanya ngayon, layuan niya ‘ko” sabi ko.
“Eh mas malala naman kapag pinatagal mo, anong gagawin mo, habang buhay mong itatago ‘yan sa kanya?” tanong niya. Wala naman akong magagawa eh. Ayoko talaga siyang mawala sakin bilang kaibigan ko. Siya lang ang tinuring kong halos kapatid na talaga. Para ko na nga siyang kapatid na lalaki na mas nakakatanda sakin.
“Mas maganda ng gawin ko ‘to kesa naman na mawala siya sakin. Siguro naman maiinitindihan niya kapag nalaman niya balang araw. Basta ang gusto ko, mawala ‘tong nararamdaman ko sa kanya” sabi ko.
“George, makinig ka, pano mawawala ‘yan kung nasa tabi mo siya palagi? At ang trato niyo pa ngayon sa isa't isa eh higit sa magkaibigan. Tsaka George sa tingin mo mawawala 'yan kapag nandiyan siya palagi para sayo? Hindi George, mas lalo kang mai-inlove sa ganyan” sabi niya.
“Hindi ko naman sinabing inlove ako, sabi ko, hindi ko pa maintindihan ‘tong nararamdaman ko sa kanya, hindi naman siguro masamang hindi ko muna sabihin sa kanya, tsaka magpapanggap lang naman ako para malaman ko talaga ‘tong nararamdaman ko” pagtatama ko sa kanya.
“Kahit na George, dun parin ang punta niyan. Tsaka magpapanggap ka? George mas lalo siyang magagalit sayo kasi hindi mo sinabi sa kanya ang totoo. ‘Wag mong palalain ang sitwasyon George, alam mo kung gano kahirap magpanggap na hindi mo gusto ang isang tao kahit na gusto mo naman talaga siya” sabi niya.
“Naniwala naman ang lahat na kaming dalawa talaga ni Grey kaya siguro mapapaniwala ko din ang iba na wala pa ‘kong nararamdaman sa kanya” sabi ko.
“Oo yung iba naniwala. Kasi simula pa lang naman ng una George, kahit hindi kayo nagpapangga na kayo, parang kung umasta kayong dalawa, parang kayo din naman, kaya sinong hindi mafa-fall dun? Dun ka na-fall George, kasi mabait siya sayo, tsaka George, makinig ka ah, mapaniwala mo man ang ibang tao na wala kang nararamdaman sa kanya, pero pano si Grey? Kilalang kilala ka ng tao, ninetheen years and 8 months na kayong magkaibigan, imposibleng maitago mo sa kanya yan" sabi niya. Oo alam ko yun pero masisisi ba 'ko ng lahat ng tao kung ayoko lang na mawalan ng kaibigan? Masisisi ba 'ko ng lahat ng tao kung gagawin ko 'to? Isa siya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kaya masakit na mawala siya sakin. Kung ang paraan lang para hindi siya mawala ay ang magpanggap ako sa harapan niya, gagawin ko 'wag lang mawala ang kaibigan ko.
“Alam ko naman yun Cally, pero anong magagawa ko? Ayokong mawalan ng kaibigan” sabi ko at naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Pinunasan ko kagad ang pisngi ko.
“Alam mo, hindi ka takot mawalan ng kaibigan, kasi kung tutuusin, nandito naman kaming mga kaibigan mo, hindi ka takot mawalan ng kaibigan, kung hindi takot kang mawala siya sayo dahil napamahal ka na sa kanya ng hindi mo namamalayan” sabi niya. Hindi. Hindi ‘yan totoo. Takot akong mawalan ng kaibigan.
“Hindi ‘yan totoo” sabi ko.
“Tignan mo nga, ni sarili mo hindi mo na maintindihan. George, halatang halata sayo ngayon kahit hindi mo sabihin, dahil ikaw ang hindi pa maka-realize ng mga nararamdaman mo dahil naguguluhan ka” sabi niya. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng mabilis ng luha ko. Hindi ko na maintindihan ‘tong nararamdaman ko! Ano ba talaga?
“Kung magpapanggap ka, mas lalo kang masasaktan” sabi niya.
“Dahil limitado lang ang karapatan mo bilang isang kaibigan niya” sabi niya at niyakap ko siya. Umiyak lang ako ng umiyak.
“Ayokong ma-inlove sa kanya Cally. Ayoko. Dahil ayokong masira ‘tong pagkakaibigan naming dalawa. Ayoko, ayoko siyang mawala” sabi ko.
“Naiintindihan kita George” sabi niya at hinagod hagod niya ang likod ko. Ayokong mawala si Grey. Ayokong lumayo siya sakin. Dahil alam kong hindi niya ‘ko magugustuhan. Hindi ako ang type niya kasi nga mga pornstar ang gusto niya. Sa isang iglap, naalala ko lahat ng pinaggagagawa naming dalawa these past years. At ayokong masira ang lahat ng yun.
Ayoko. Sabihin na nilang duwag ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang mga ‘to. Pero hindi din naman nila ‘ko masisisi kasi nga natatakot akong mawalan ng kaibigan. Natatakot akong masayang lahat ng pinagsamahan naming dalawa, natatakot ako nab aka mawala siya sa buhay ko at layuan niya ‘ko.
Hi guys nagbabalik na naman ako, sensiya na ngayon lang ako nag-update 😅
Medyo busy kasi ako haha
#musicians
#happyholidays
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Roman pour AdolescentsFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...
