Chapter 59

6 2 0
                                    

=====Chapter 59=====

My Fake Girlfriend!

"Oh anong ginagawa mo dito?" tanong ng nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hinihintay ko si George, nandiyan pa ba siya?" tanong ko

"Oo, hindi pa sila lumalabas, san ba kayo pupunta?" tanong ni Zach.

"Papasama ako sa court tsaka, sabay kami maglu-lunch ngayon" sagot ko.

"Ah, okay, mamaya pa ata sila eh, hihintayin mo?" tanong niya.

"Oo, hihintayin mo din naman si Rose" sabi ko at tinignan ko siya.

"Nakauwi na ata si Marcus," sabi niya at napatingin ako sa kaniya.

"'Di ba nga sinundo siya kahapon ni Spencer" sabi ko.

"Kasama ata siya sa linggo," napatingin ako sa kaniya.

"Kasama din si Bella, kaya, katulad mo, parehas kayo ng nararamdaman ngayon, kaso ang balita ko, ibang iba si Marcus ngayon, ibang iba siya kesa sa dating Marcus," sabi niya habang nakangiti at nakapamulsa.

"Mahigit five years na din siyang hindi bumalik dito, baka may girlfriend na siya dun?" tanong ko. Imposibleng wala pang girlfriend ang lokong 'yun, katulad ko, malakas sa chicks 'yun. Tumigil lang dahil kay Bella. Kaso bumalik dahil naghiwalay sila.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit siya bumalik dito?" tanong ko.

"Hindi eh, walang nasabi si Spencer sakin kagabi" sagot niya.

"Bakit siya bumalik dito? Hindi naman siya basta-basta na lang babalik ng ganon ganon lang" sabi ko.

"Kahit ako, ganiyan din ang iniisip. Imposibleng wala siyang binalikan dito, imposible" sabi niya

"Baka si Bella?" tanong ko.

"Hindi daw eh, tsaka, oo sinabi sakin ni Spencer na may nararamdaman pa siya kahit papano kay Bella, pero may iba pa siyang pinunta dito, 'yun ang hindi ko na alam" sabi niya.

"Siguradong napakaimportante sa kaniya ng binalikan niya dito, dahil hindi siya 'yung tao na babalik lang sa isang lugar na pinakaayaw niya ng wala lang. Dahil siguradong meron" sabi ko. Siguradong meron. Hindi pwedeng wala. Lahat ng bagay, at mga pangyayaring ginagawa, may dahilan kung bakit ginawa 'yun, kahit sabihin mong trip lang, dahilan parin 'yun.

"Basta ang alam ko, may alam si Spencer" sabi niya at napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Nandito pala kayo?" biglang singit ni George samin kaya napatingin kami ni Zach sa kaniya. Nakangiti lang siya sakin. Unti-unti akong ngumiti sa kaniya.

"Kalalabas niyo lang?" tanong ko.

"Oo" tipid niyang sagot.

"Sama ka" sabi ko na kinakunot ng noo niya.

"Saan?"

"Sa gymnasium sama ka" sabi ko at naglakad na. Naramdaman kong sumunod na siya sa paglalakad ko. Naglakad lang kaming dalawa sa hallway. Napatingin ako kay George ng hilain niya si France kaya nasama siya.

"Bakit mo 'ko sinama?" rinig kong tanong ni France kay George.

"Wala lang trip ko lang" rinig kong sagot ni George. Naglakad lang kami hanggang sa makarating kaming tatlo sa gymnasium. Umupo sila ni France sa isang bench.

"Hintayin mo 'ko dito ah, may practice lang kami" sabi ko

"Bakit ah, ano bang gagawin mo?" tanong niya.

"May practice, hintayin mo 'ko, 'pag 'di mo 'ko hinintay, bahala ka diyan, isang buwan kitang hindi papansinin" sabi ko at kumunot ang noo niya. Para namang kaya kong gawin 'yun. Hinding hindi ko siya kayang hindi pansinin ng ganon lang kababaw ang dahilan ko.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon