Dare
Iniwan namin ang van kasama ni James. Ang driver ng van namin na kaedaran lang namin. Siya ata ang may-ari ng van na yun. Nakaupo lang kami sa parang isang room. Marami kaming tao dito. Hindi lang kami-kami. Naghihintay kami para sa barko papunta sa visayas. Matagal tagal na din kaming nandito sa loob nakaupo. Katabi ko si Grey at sa kabilang gilid ko ay si Cally.
Kahit kami-kami lang nila Zach, Spencer, Cally, Siya at ako ay hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Hindi ko maalis kasi wala ‘kong lakas ng loob. Hindi ko ‘to first time na magtravel kasama silang apat, pero first time ko ‘to na ganito ang trato namin ni Grey sa isa’t isa. Meron naman na ‘kong mga sinamang boyfriend ko sa mga travels ko.
Pero ni minsan hindi ako nakaramdam ng ganito. I never feel like I’m so very special to someone. Nakaramdam naman na ‘ko ng pagiging espesyal sa parents ko, sa mga relatives ko, sa mga friends ko, at kay Grey. Pero ngayon, ngayon ko lang ‘to naramdaman. Para bang sa tagal-tagal kong nabubuhay dito sa mundo, ni minsan, hindi ako nakaramdam ng ganito. I found a new feelings with holding his hands. It’s so different feelings. It’s a new.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Grey sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya at napangiti ako ng bahagya. Tumango lang ako. Alam ko, pagkatapos nito, maiilang ako ng sobra kay Grey dahil balik na naman kami sa dating magbestfriends. Magpapanggap pa rin naman kami, pero sa harap na lang nila Ynah hindi na sa lahat ng oras. Bigla akong nalungkot ng hindi ko alam. Dahil ba ‘to sa mga naiisip ko? Ewan ko. Sa ngayon hindi ko maintindihan ‘tong sarili ko.
“Sigurado ka?” tanong niya. Tumango lang ako. Bigla kong binitawan ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. Hindi na siya nagtanong kung bakit ko yun ginawa.
“Hey guys, tara na, sasakay na tayo tara na love birds” sabi ni Aaron. Tahimik akong tumayo.
“Can I hold our hand again?” bulong niya sakin. Napatingin ako sa kanya at tumango. Wala naman ‘tong malisya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko saka inenterwine ang mga yun. Naglakad lang kami.
Lumabas kami at nakita ko ang magandang tanawin sa labas. Nakita ko ang barkong sasakyan namin at napangiti ako dahil ang ganda niya. Medyo malaki, pero hindi sobra.
“Ang ganda ng view dito” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad kami.
“Mas maganda pa dito ang pupuntahan natin” sabi ni Grey sakin. Napatingin ako sa kanya.
“San ba kasi tayo pupunta?” tanong ko.
“Malalaman mo na lang, pero selfie muna tayo dito” sabi niya at nilabas ang phone niya. Binitawan ko siya at inakbayan ko siya. Nagsmile ako at nagtake siya ng shot.
“Sa camera mo naman dali,” sabi ko. Tinanggal niya ang camera niyang nakasabit sa batok niya saka nagtake ng isa pang shot kasama ako. Lumabas ang picture na printed na at binigay niya sakin. Tinignan ko at nilagay ko ang pic sa pitaka ko. Mamaya ko na lang aayusin sa journal ko.
“Isa pa dali” sabi niya at napasinghap ako ng malalim ng bigla niyang inilapat ang labi niya sa pisngi ko.
“Smile” bulong niya. Pagkatapos ng shot, tinitigan niya ang picture.
“Gusto mong kunin?” tanong niya. Umiling ako. Hindi ko gustong bigyan ng kahulugan ang ginawa niya. Pero ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa halik sa pisngi. Hindi ko naman ‘to nararamdaman sa mga dati kong naging boyfriend pero hindi ko alam kung bakit sa kanya, oo. Ayokong bigyan ng meaning ang bagay na yun. Alam kong wala lang sa kanya yun. Dahil part lang yun ng pagpapanggap namin ngayon.
“Okay, sakin na lang, ang pangit mo naman dito” sabi niya at agad ko siyang sinamaan ng tingin. Akala ko naman may maganda na siyang sasabihin eh. Hindi pala.
“Tara na” sabi niya.
“Saglit lang, picturan mo ‘ko yun mag-isa ko lang, dali na, tapos sunod kita” sabi ko. Pagkatapos naming magpic ng solo, tinawag namin sila Zach, Spencer, at Cally saka kami nag take ng picture. Isang wacky, isang seryoso, isang fears, at isang jumpshot. Ako ang nagtago ng mga pictures namin dahil mamaya namin aayusin. Naglakad kami papunta sa barko habang hawak-hawak parin ni Grey ang kamay ko.
“Tara sa taas, mas maganda dun” sabi ni Grey at hinatak ako. Sumunod lang ako sa kanya. Umakyat kami sa taas. Sa pinakarooftop. Ang ganda nga, napakamahangin.
“Ang ganda dito Grey” sabi ko habang nakatingin sa buong dagat at sa maaliwalas na langit. Ang ganda.
“Of coarse” sabi ni Grey.
“Pero mas may maganda pa,” sabi niya at hinila na naman niya 'ko pababa sa pinakaharapan. Hinila niya ‘ko papunta sa pinagbabawal na lugar dun sa pinuntahan nila Jack at Rose sa titanic.
“Grey bawal dito” sabi ko pero wala siyang naririnig.
“Walang bawal bawal sa isang katulad ko” sabi niya at pumunta sa pinakadulo. Humawak ako sa grills na nakaharang hanggang sa tiyan ko.
“Ano ba kasing gagawin natin?” tanong ko. Kung ano-anong naiisip ng lalaking ‘to.
“Ang ganda dito, hintayin lang natin yung mga dolphins, ang ganda kaya nilang panoorin” sabi niya. Kaya naman pala. Dala-dala niya ang camera niya saka nag-take ng pictures sa harapan niya. Tumingin ako sa harapan ko at pinagmasdan ko lang kung gano kaganda ng dagat at ng medyo kulay orange na kulay ng kalangitan. Maggagabi na pala. Hindi ko napansin.
“Ang ganda! Ayun oh! George! Oh!” tawag niya sakin at napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa baba. Napatingin ako sa baba at may mga nakita nga akong dolphins na sumasabay sa barkong sinasakyan namin. Ang ganda naman ng mga dolphins na ‘to. Tinignan ko si Grey na nag-ta-take ng pictures. Binalik ko ang tingin ko sa mga dolphins. Ang ganda naman.
“Ang ganda ‘no?” tanong ni Grey. Tumango lang ako. Ang ganda nga nilang tignan. Sobrang ganda.
“Tignan mo, ang ganda ‘di ba?” tanong niya sakin at napatingin ako sa kanya. Binigay niya sakin ang mga photographs niya at napangiti na lang ako. Ang ganda naman ng mga ‘to.
“Ang ganda naman, hindi na kailangan ng edit” sabi ko at tinignan ko siya.
“Oh” inabot ko sa kanya ang mga pictures.
“Tago mo yan, para sakin” sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Napangiti na lang ako habang hawak-hawak ko ang mga pictures na binigay niya. Itatago ko ‘to para sa bestfruunnn ko.
“Bakit ako pa ang naisipan mong pagpanggapin kung pwede naman yung babaeng gusto mo?” tanong ko ng nakatingin sa dagat.
“Ewan ko” sagot niya.
“Kasama ba natin yung babaeng sinasabi mo?” tanong ko. Tinignan ko siya.
“Oo” sagot niya. Okay, sino ba ang mga babaeng kasama namin? Si Gigi, si Hailey, si Ynah, siyempre hindi na yun, si Bella, at ako. Ibig sabihin, isa kila Gigi, Hailey, at Bella? Sino ba sa kanila? Sino ba sa kanila ang sa tingin kong magugustuhan ni Grey sa isang tingin lang? Si Gigi, kikay, parang teenage parin at palangiti. Si Hailey naman, mukhang masungit at mataray dahil palaging nakataas ang kilay, at siya ang kaibigan ni Ynah. Si Bella naman, maganda, hindi naman siya masyadong simple pero parang ganon ang type ni Grey, yung parang para sa kanya, matatawag niyang chicks sa tingin pa lang niya. Tsaka si Bella, siya yung palaging sumasali sa mga pageant at model talaga din siya kung kumilos. Ah baka si Bella. Kasi nung last time ko siyang tinanong, ang sagot lang niya ewan. Kaya malay ko baka siya nga.
“Si Bella ‘no?” tanong ko habang nakangiti.
“Secret” sagot niya.
“Grabe, natututo ka na talagang magsecret sakin”
“Luh hindi ah, hindi ko lang masabi sayo kasi, basta, hindi ko maipaliwanag, pero intindihin mo muna, sasabihin ko din naman sayo eh, pero hindi pa ngayon” paliwanag niya.
“Naiintindihan ko naman, pero gusto ko lang hulaan kasi na-cu-curious ako kung sino mang babaeng yun kasi isipin mo, ang malas ng babaeng yun kasi mahilig ka sa chicks? Hay sigurado, masasaktan siya palagi” sabi ko.
“Hindi rin, marunong naman akong sumeryoso ng tao, ititigil ko ang lahat ng yun at ang pagpunta ko ng pagpunta sa bar, lahat yun ititigil ko yun para lang sa kanya” sabi niya at napangiti ako ng bahagya.
“Ang swerte naman niya, siguradong maganda ang katawan niya ‘no? Kaya ka na-attract? Baka mala model ang itsura niya?” tanong ko. Siguro talaga si Bella ang babaeng yun.
“Oo? Para sakin oo, model siya, oo, maganda, sobra, pero hindi niya alam ang bagay na yun, ewan ko ba kasi kung anong meron siya at palagi siyang sinasaktan ng mga lalaking nakikilala niya, hindi nila deserve ang katulad niyang babae. Ang dapat sa kanya inaalagaan at minamahal, ang sakit para sakin na nakikita siyang nasasaktan ng iba samantalang nandito naman ako para alagaan siya” sabi niya at natawa ako. Confirmed nga si Bella nga. Kasi last time, yung boyfriend niya, iniwan siya. Siya nga. Grabe kaya ang iyak ni Bella nung time na yun. Kaya siya nga talaga yun.
“Blonde ba ang buhok niya?” tanong ko habang nakangiti.
“Medyo,” sagot niya. Siya nga.
***
Napatingin ako sa gilid ko kay Grey na nakaupo habang nasa table kami. Umiinom ako ng kape sa tabi niya. Nag-la-laptop lang siya. Tinignan ko ang ginagawa niya at nag-e-edit siya ng mga pictures niya kanina. Kinuha ko ang headphone niya na nakasabit sa batok niya.
“Pahiram ah” paalam ko at tumango siya. Napatingin ako sa gilid sa tabi kong bintana. Gabi na. Hindi pa pala kami kumakain ng hapunan. 6 palang naman ng gabi at hindi pa ‘ko nagugutom. Nasa harapan ni Grey ang laptop niya at sa gilid ang camera saka ang bag niya.
Binuksan ko ang bag ko saka nilabas ang journal ko. Kinuha ko sa isang maliit na plastic colored brown na envelope ang mga pictures na binigay sakin ni Grey kanina. Nilabas ko ang tatlong case ng mga pencils, colored pens, colored ballpens, mga pentle pens, at mga colored pentle pens. Mahilig kasi akong magjournal. Binuklat ko ang libro at inayos ko ang mga pictures. Nagsulat ako ng mga nangyari sakin kasama ng mga friends ko, lalo na ang bestfriend ko na busy-ing busy sa laptop niya. Naramdaman ko ang pagtingin niya sakin.
“Tignan mo nga ‘to Sweetcheecks, maganda ba?” tanong niya. Napatingin ako sa laptop niya. Ang ganda naman ng sunrise.
“Ang ganda naman na,” sagot ko. Napatingin kaming parehas ng may tatlong taong umupo sa tapat namin.
“Musta ang mga fake love birds?” nakangiting tanong ni Zach.
“Hindi maayos” sagot ni Grey habang nakangiti sakin.
“Oo kasi ako ang naiipit sayo” sabi ko.
“Luh, ‘to talaga, ‘wag kang mag-alala, lilibre naman kita pagdating natin ulit sa manila” sabi niya. Tsss.
“Siguraduhin mo lang na gagawin mo ang sinabi mo” sabi ko. Nagsusulat ako sa journal ko.
“You have my word” seryoso niyang sabi. Okay. Pero yung zombie! Gusto kong manood ng zombie!
“Malapit na ba tayong makababa?” tanong ni Cally.
“Saglit lang naman tayo dito” sabi ni Zach.
“Mga 4 hours pa” sabi ni Spencer.
“Nagugutom ka?” tanong ni Grey sakin kaya napatingin ako sa kanya. Nagugutom na ba ‘ko?
“Ha? Ah…Tara kain tayo” sabi ko.
“Tara” sabi ni Spencer. Tatayo na sana ako kaso nagsalita si Grey.
“Dito ka na lang, kami na lang nila Zach at Spencer bibili, iwan na kayo ni Cally” sabi niya kaya hindi na ‘ko tumayo. Okay. Umalis na silang tatlo at naiwan na lang kami ni Cally. Niligpit ko ang mga gamit ko saka iniwan ang phone ko sa table. In-off ko ang laptop ni Grey saka binalik sa bag niya sa upuan niya. Pinatong ko ang camera niya sa bag niya.
“Baka naman nahuhulog ka na sa bestfriend mo?” tanong niya at natawa ako. Napatingin ako sa kanya.
“Ako? Hindi ‘no,” sabi ko.
“Sus George, ilang beses ko ng narinig ang mga ganyan”
“Hindi nga 'ko mafa-fall sa kanya ang kulit mo” Ang kulit ng baklang ‘to. Hindi nga 'ko mafa-fall sa kanya. May pangako kami sa isa’t isa kaya hindi ko magagawa yun. Kahit anong mangyari hindi mangyayari ang bagay na yun.
“Kakainin mo din ang mga sinasabi mo George, sinasabi ko sayo,”
“Sabi ko na sayo, may pangako kami sa isa’t isa na hindi kami ma-i-inlove sa isa’t isa”
“Promises meant to be broken George, tsaka hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo kahit na sabihin mong hindi ka ma-i-inlove sa kaniya, hindi mo makokontrol ang sarili mo kapag puso mo na ang nagdesisyon ‘no” sabi niya.
“Alam mo, hindi ka nakakatulong, sumasakit ang ulo ko sayo”
“Bakit totoo naman ‘di ba? Oo, may possibility na hindi kayo mafall sa isa’t isa, pero pano kapag nasasaktan ka? 'Di ba siya palagi ang nandiyan? Siya palagi ang pumapasok sa isip mo? Kahit siya din naman eh”
“Alam mo Cally, oo, siya lagi, pero natural lang naman na mangyari ang ganon para sa isang magkaibigan”
“Oo natural nga, pero ngayon? Hindi natural ang inaasta niyong dalawa. Nagpapanggap kayo, pano kung sa ilang araw na magkasama kayo na ang trato niyo sa isa’t isa ay totoong kayo, pano yan kapag tuluyan na ang isa sa inyo mahulog? Hindi niyo madidiktahan ang puso niyo, kaya mag-ingat ka George, lalo na’t alam mong may ibang babaeng nagugustuhan si bestfirend mo, pano ‘pag nafall ka? Okay lang sana kung siya ‘di ba? Kasi kung siya, pwede naman niyang sabihin sayo kagad, or pwede niyang itago, pero hindi magtatagal masasabi din niya sayo yan. Kilala mo ang kaibigan mo, baka kasi kapag ikaw ag na-fall sa inyong dalawa, masaktan ka lang dahil ikaw lang ang na-fall sa inyo, alam mo naman na ang bestfriend mo eh, araw-araw may iba, tapos malala pa ngayon, may iba siyang gusto. Pano yan?” sabi niya at napaisip ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Oo nga. Tama naman siya na hindi namin madidiktahan ang mga puso namin, lahat ng tao. Kaya nga tayo nasasaktan eh, kasi kung sino pa ang ayaw natin, minsan, dun pa tayo nahuhulog, pero minsan naman, dun sa taong gusto talaga natin. Alam ko naman na mahirap, parang sugal ‘to para sakin, dahil alam kong oras na ako lang ang mahulog samin, masisira lang kaming dalawa, pati na ang friendship namin. Kasi may iba siyang gusto, kaya ‘pag nagkataon na ako lang ang nahulog samin, tuluyan ng masira ‘tong friendship na ‘to.
Buti sana kung wala siyang ibang gustong babae, pero kahit naman na wala siyang ibang gustong babae, ganon din naman kasi hindi ako yung attractive sa paningin niya. Ganon din naman kung saka-sakali na siya naman ang nahulog sakin, parang ganon din naman ang pwedeng mangyari. Kung hindi ako ang lalayo, baka siya, at ayokong mangyari yun. Kaya hangga’t maaari, gusto kong pigilan ‘tong sarili ko sa kanya. Dahil ayokong mawalan ng kaibigan katulad niya.
“Oh, okay lang ba kayo?” tanong ni Grey saka nilapag sa tapat ko ang isang tray.
“Oo naman bakit?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman, nagtatanong lang,” sabi niya. Umupo siya muli sa tabi ko. Umupo din sa tabi ni Cally yung dalawa. Ang hangin naman dito kahit na nasa loob na kami ng barko.
“Kain na tayo guys” sabi ni Zach. Tinignan ko ang nilapag ni Grey sa tapat ko. Ay wow, alam niya talaga favourite ko. Sinigang na fish, hehehe, English tagalog, okay lang yan. Ang bango ah? Si nanay ko lang ang favourite kong nagluluto ng ganito dahil sobrang sarap niyang magluto.
Siguro sa bakasyon, gusto kong magbakasyon sa kanila, malapit naman na ang bakasyon. Ayoko sa states magbakasyon katulad ni Grey, sa states yan eh. Pero ako, ayoko, gusto kong i-spend ang vacation ko dito sa Pilipinas since dito naman ako lumaki at dito ang homeland ko. Napatingin ako kay Grey ng ilapag niya sa tapat ko ang isang cup noodles na may gulay at karne ng baka. Tig-isa kami.
“Thanks” sabi ko.
“Luh, marunong ka palang magthank you?” tanong niya habang nakangiti.
“Sira” sabi ko. Hindi talaga maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Cally. Pero sa ngayon, ayoko munang isipin ang mga bagay na yun. Control lang naman ang kailangan ko sa ngayon. Matututo din naman akong kumuntrol ng sarili ko siguro. Ayokong masira ‘tong pagkakaibigan naming dalawa. Ayokong mawala siya sakin bilang kaibigan. Baka mamaya kasi kapag na-fall ako sa kanya, lumayo siya at mawala siya. Isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
“Mga anong oras tayo makakarating dun Babycakes?” tanong ko habang kumakain.
“Siguro mga midnight na rin, papalipas na lang tayo ng gabi sa bayan bago tayo pumunta dun” sabi niya. Napatango-tango ako. Matagal pa pala. Ma-ha-hagard na ‘ko nito. Pagkatapos kong kumain, nilayo ko sa harapan ko ang pinagkainan ko. Kinuha ko ang cup noodles saka kinain yun.
“Tapos na kayo kumain?” tanong ni Spencer.
“Bakit?” tanong ni Cally.
“Punta tayo sa labas, maganda dun, maraming stars, tara” sabi ni Spencer.
“Oo nga, tara” sabi ni Grey. Tumigil ako sa pagkain. Masarap dun kumain sa labas.
“Saglit” sabi ko. Kinuha ko ang bag ko saka tumayo. Dinala ko ang cup noodles ko habang naglalakad kami palabas. Paglabas namin, umupo kami sa isang bench. Umupo si Grey sa tabi ko. Kumain lang ako ng cup noodles ko pati siya.
“Ang ganda dito ‘no?” tanong niya. Sumandal siya sa sandalan ng bench.
“Oo nga,” sang-ayon ko.
“Ang ganda mong ilaglag diyan oh” sabi niya kaya nalukot ang mukha kong tumingin sa kanya.
“Ah talaga? Ikaw ilaglag ko diyan eh” masungit kong sabi.
“Tsss” natatawa siya.
“Pero seryoso ang ganda dito ‘no?” tanong niya. Nilapag niya sa tabi niya ang cup noodles saka nagtake ng pictures. Sumandal lang ako sa sandalan ng bench habang kumakain.
“Tignan mo ang ganda” sabi niya sakin at inabot ang pictures. Tinignan ko ang mga yun. Oo nga ang ganda nitong mga ‘to.
“Oo nga, isama mo kaya ‘to sa mga ipapasa mo para sa exhibit niyo? Maganda oh” sabi ko. Malapit na din yun. Tsaka siya ang nakuha ng department nila para mag exhibit sa foundation day. Magkaiba kami ng department pero may mga subjects kami na classmates kami. Pati sila Zach. Nasa journalism ako, kaya may pagkakaparehas kami ng ibang subjects. Pero siya, ewan ko kung pano niya napagsasabay ang dalawang coarse niya, isang photography at engineering. Ewan ko nga at pano niya nagagawa ang ganon pero okay lang yan.
“Oo nga ‘no, pero kailangan ko ng model sa susunod kong mga shots sa ilo-ilo”
“’Wag ako Grey” sabi ko.
“Luh, wala naman akong sinasabi eh, pero pwede rin, kaso kahit ilang ayos sayo, pangit ka parin” sabi niya kaya naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
“Lagi mo ‘kong iniinsulto” sabi ko.
“It’s not an insult, it’s a compliment” natatawa niyang sabi. Nakakainis talaga siya.
“Dahil ininsulto mo ‘ko, bilhan mo ‘ko kape, dalian mo” sabi ko at natawa siya.
“Ayoko nga” sabi niya.
“Hindi mo ‘ko bibilhan?”
“Hindi”
“Sige, ako na lang ang bibili, at kapag nakita ko sila Ynah, sasabihin ko na hindi tayo totoo at may gusto ka parin sa kanya at naglasing ka nung nakaraan dahil sa kanya” nakangiti kong sabi.
“Bi-no-block mail mo ba ‘ko?” tanong niya habang nakangiti.
“Hindi naman, magiging honest lang ako sa kanila” sabi ko habang nakangiti.
“Sige na nga, pero correction lang, hindi ako uminom ng nakaraan dahil sa kanya, lahat ng ginagawa ko, hindi tungkol sa kanya, tungkol sa babaeng mahal ko ngayon, hindi ako naglasing para sa kanya” sabi niya habang nakangiti saka umalis. Okay. Hehehehe.
“Uy may crocodile!” sigaw ni Zach kaya napatingin ako sa kanya na nasa gilid sila ng grills sa gilid. Bawal kasi dun sa pinuntahan namin kanina ni Grey kaya dito lang kami. Tumayo ako habang hawak-hawak ko ang cup noodles ko.
“Anong crocodile sinasabi mo? Walang crocodile dito, shonga” sabi ni Cally.
“Laglag kita para makakita ka ng crocodile” sabi ni Spencer.
“Oo marami diyan sa baba” sabi ko habang natatawa at kumakain lang ako. Pagkatapos kong kumain, lumapit ako sa basurahan saka tinapon ang pinaglagyan ko. Babalik na sana ako kaso may mga narinig akong boses na pamilyar sakin ang boses nila. Naglakad ako palapit sa boses ng kung sino man ang mga nag-uusap sa kanila.
“Huy, sinong tinitignan mo dito?” mahinang tanong ni Zach sa likod ko. Napatingin ako sa kanya.
“San ka ba galing? Bakit sulpot ka ng sulpot?” mahina kong tanong.
“Kelan pa kayo natutong makinig sa usapan ng iba?” tanong ng isang pormal na lalaking nakacoat. Sa tingin ko mga nasa 40 plus na ang edad niya. Nakasalamin siya at mukha siyang isang business man.
“Lagot tayo, ikaw kasi eh” sabi sakin ni Zach kaya napatingin ako sa kanya.
“Anong ako? Ikaw kaya ‘tong---“
“Ah, no, they’re my friends,” sabi ni Grey kaya napatingin ako sa kanya na nakangiti lang siya.
“I’m so sorry for what I just said before” sabi nung lalaki. Sinilip ko pa yung pinanggalingan nila. Hindi lang pala silang dalawa, medyo marami din sila.
“I need to go with them” sabi ni Grey at hinila niya kami.
“I’m sorry Mr. Grey” pahabol nung lalaki pero hindi sumagot si Grey. Hinila niya lang kami hanggang sa makarating kami sa medyo malayo na sa kanila. Huminto siya sa paglalakad.
“Bakit ba kayo nandun?” tanong niya.
“Ito kasi si George, ang ingay-ingay, tsaka kung saan-saan pumupunta” sabi ni Zach. Napanganga akong tumingin sa kanya.
“Aba, ako pa talaga? Eh ikaw nga ‘tong sulpot ng sulpot, tsaka hindi ko naman sinabing sumama ka ah?” sabi ko.
“Hey, stop it! Nagtatanong lang ako kung bakit kayo nandun, hindi ko sinabing magsisihan kayo” sabi ni Grey.
“Hindi naman kami nagsisisihan ah, magkaibigan kaya kami” sabi ni Zach at inakbayan niya ‘ko.
“Oo nga” sang-ayon ko habang nakangiti kaming dalawa.
“Whatever, take your hands off of her” sabi ni Grey at tinanggal nga ni Zach ang braso niya sa balikat ko na nakaakbay. Masama bang umakbay? Friends-friends lang naman yun, walang meaning.
“Bakit nga kayo nandun?” tanong niya
“Aksidente lang, narinig ko kasi ang boses mo, so nacurious ako” paliwanag ko.
“Eh ikaw? Bakit ka kasama nila?” dagdag ko. Napaiwas siya ng tingin samin.
“Nothing” sagot niya at naglakad palayo.
“Keeping secrets with us?” tanong ko sabay lingon sa kanya. Napahinto siya. Humarap siya samin. Lumapit siya samin.
“This ship is one of the property of my grandmother, at ako ang napag-utusan niya na makipagmeet sa mga kasosyo niya sa kompanya since nandito naman na ‘ko dahil wala siyang tiwala kay dad, is it clear to you?” tanong niya sakin ng seryoso. Tumango lang ako.
“Ang seryoso mo naman” sabi ko. Alam ko naman na mayaman ang pamilya niya pero hindi ko alam na may pagmamay-ari din pala ang pamilya ng katulad nito? Ang lawak pala ng mga properties ng pamilya niya. Nadala na din naman na niya 'ko sa iba nilang mga properties kasi minsan nagpapasama siya, pero ngayon ko lang nalaman na may pagmamay-ari din pala silang mga ganito. Natawa siya ng mahina.
“Tara na, kape tayo, nasaan yun iba?” tanong niya habang nakangiti.
“Nandun, naghahanap ng crocodile” sagot ni Zach kaya nagtataka siyang tumingin sakin.
“Tara na, bago pa sila makahanap ng mga crocodile” sabi ko at hinawakan ko ang braso ni Grey sa kanan. Hinawakan naman ni Zach ang kaliwa. Hinila namin siyang dalawa. Pagdating namin sa kaninang pwesto namin, nandun na pala sila Gigi, kasama nila. Nabitawan naming dalawa ni Zach ang braso ni Grey pero napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi siya nakatingin sakin.
“San kayo galing?” tanong ni Gigi habang nakangiti.
“Wala diyan---“
“Nagdate kami ng sweetcheeks ko” putol ni Grey sakin. Date talaga?
“Sana all may kadate” sabi ni Gigi.
“Lika na, kape tayo” bulong sakin ni Grey. Napatingin ako sa kanya.
“Tara, tawagin mo yung iba” sabi ko sa kanya.
“Zach, Spencer, Cally, sunod kayo sa loob sa table natin” sabi ni Grey sa kanila.
“San kayo?” tanong ni James at hinatak ako ni Grey.
“Magda-date” sagot ni Grey.
“Libre mo ‘ko ah, kape lang naman” sabi ko habang nakangiti sakin.
“Basta yung kape mo puro ah”
“Ni, ang daya naman, basta pati sayo?”
“Oo ba”
“Ang daya mo, sanay ka eh” natawa siya.
“Wala, ako manlilibre eh”
“Ah alam ko na! Libre mo ko sa kapeng puro, libre naman kita sa cup noodles na sobrang daming sili, ano?”
“Yun lang naman pala eh---Ay anong maanghang? Wala, madaya ka”
“Quits lang tayo ‘no”
“Wala madaya ka”
“Sige na ah, challenge natin yun as friendships! Ang mauunang sumuko, may dare” sabi ko habang nakangiti.
“Anong dare?” tanong niya.
“Kahit anong iutos ng kung sinong mananalo satin, eh susundin niya hanggang sa pang twenty years natin” sabi ko. Siguradong matatalo ‘to. Hindi nito kayang kumain ng maraming maanghang.
“May tubig?” tanong niya.
“Wala” sagot ko.
“Wala, meron ah, ikaw na nag-isip ng dare eh,” sige na nga. Wala naman akong magagawa eh, pipilitin niya lang ako ng pipilitin kaya wala din lang.
“Sige na nga, basta malamig ah” pagsang-ayon ko.
“Game”
“Tara na”
***
“Pano yan sweetcheeks? Talo ka” sabi niya kaya nagcross arms ako sa harapan niya. Ang tapang sobra ng kape ang pait. Walang asukal yun eh, pero siya ang bilis. Palagi na lang akong natatalo sa kanya!
“Ah talo” sabi ni Zach at sumimangot ako. Palagi naman akong talo eh.
“Na-video mo lahat Spencer?” tanong ni Grey at napatingin ako kay Spencer na nagthumbs up habang nakangiti.
“Good, may witness tayo” sabi niya. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
“Palagi na lang akong natatalo sayo” sabi ko at nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“No you’re wrong, you are the one who always won against me” sabi niya. Kunot noo ko siyang tinignan. Ako? Laging panalo sa kanya? Pano? Parang hindi naman ata. ‘Pag palagi kaming naggaganito dati, ako parin ang palaging talo.
“Pano ako nanalo?” tanong ko.
“Wala, ang rahas mo kasi minsan kaya kapag inaaway mo ‘ko, ikaw ang palaging nananalo” paliwanag niya. Okay. Alam ko naman yun. Alam ko naman na palagi akong nananalo kapag nagkukulitan kami. Lalo na kapag naglalakad kami sa daan pauwi sa bahay. Palagi siyang natatalo kapag naglalaro kami sa daan, kaya palagi niya 'kong nililibre.
“Hanggang sa twenty years natin ah. Walang bawian yan” sabi niya. Tumango ako.
“Libre mo ‘ko wafer, ikaw nanalo eh” sabi ko.
“Teka, bakit mo ‘ko inuutusan? Pamilya ko kaya ang may-ari ng barkong ‘to”
“Bakit pamilya ko din naman ang may-ari ng bahay namin ah, pero inuutusan mo parin ako 'pag nandun ka”
“Aba ang daya mo, ikaw bumili dun oh” sabi niya at binigay niya sakin ang isang libo niya. Magrereklamo na sana ako kaso nagsalita na siya.
“’Wag kang magrereklamo, utos ko yan, remember?” tanong niya at sumimangot ako.
“Ang daya mo talaga”
“Hayaan mo na George, tara samahan ka namin ni Spencer at Cally, tayong apat lang ang magkakape, tara” pabirong sabi ni Zach. Napangiti ako.
“Oo nga. Tara libre naman ni babycakes, tara na” sabi ko at naglakad kami palayo.
“Ang daya niyo ah! Halika kayo rito!” sigaw ni Grey.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Genç KurguFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...