Chapter 40

5 3 0
                                    

Monthssary

            Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Marcus na nakasandal sa kotse niya habang nakacross arms. Nakatingin siya sa malayo at napangiti ako ng napatingin siya sakin.

Ngumiti lang siya at naglakad ako palapit sa kaniya. Sana naman hindi niya nakalimutan na ngayon ang first monthssary naming dalawa. Sana lang talaga, dahil mapapatay ko siya kapag hindi niya naalala, mag-jowa kami tapos hindi niya alam? Ngumiti lang siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Pasok na" sabi niya at pumasok ako sa loob. Mukhang wala siyang naaalala ah? Monthssary pa naman namin ngayon tapos parang wala siyang naaalala. Isang buwan na kasi ang lumipas at feeling ko, bukas ata ang monthssary nila Bella at Grey.

Wow, umabot na sila ng isang buwan, dati kasi walang umaabot ng isang buwan sa kaniya. Pumasok sa loob si Marcus at nagmaneho na. Itanong ko kaya sa kaniya kung may naaalala siya?

Kasi parang wala siyang naalala eh. Kaso parang ang pangit naman kung ako ang magsasabi sa kaniya. Siya pa naman ang lalaki samin kaya dapat alam niya 'yun.

"Marcus," tawag ko sa kaniya. Saglit siyang tumingin sakin.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala ka bang naaalala?" tanong ko. Tumingin siyang muli sakin.

"Wala naman, bakit?" sagot niya at napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Tumingin siyang muli sa daanan. Ang sakit naman nun, wala daw siyang naalala. Hindi niya alam na monthssary namin ngayon.

"May okasyon ba?" tanong niya at umiling ako.

"Wala naman, tinatanong ko lang baka kasi may…okasyon ngayon na importante sayo pero hindi mo maalala" sagot ko.

"Wala namang okasyon na importante sakin ngayon,"sabi niya at tumahimik na lang ako. Nakakainis naman ang lalaking'to. Hindi man lang naaalala kung anong araw ngayon.

Parang wala lang sa kaniya. Ilaglag ko 'to palabas ng sasakyan na 'to eh. Tahimik lang ako sa biyahe hanggang sa makarating kaming dalawa sa school. Ngumiti siya at peke ko lang siyang nginitian.

Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at lumabas ako. Parang hindi ata importante sa kaniya kung anong meron kami. Nakakainis talaga siya. Pumasok ako sa loob ng room namin at walang gana akong umupo sa upuan ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Cally sakin at napatingin ako sa kaniya. Tumango lang ako bilang sagot. Hindi naman talaga 'ko maayos. Sino ba naman ang magiging maayos kapag nalaman mo na nakalimutan ng boyfriend mo ang monthssary niyong dalawa? Haish… Nakakainis talaga.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon