There will be no more bestfriends again...
Pinilit kitang kalimutan, pinilit kong mawala na lang sana ang nararamdaman ko para sayo George...Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Hindi ko kayang kalimutan ka sa kadahilanang hindi ko alam.
"Hanggang kelan mo ba sasaktan ang sarili mo? Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kaniya ng hindi ka nagkakaganyan" sabi ng nasa tabi ko at isinawalang bahala ko lang. Bakit hindi ko magawang sabihin sa kaniya?
Simple lang ang sagot, hindi ko kayang mawalan ng close friend like her. At lalong hindi ko kayang mawala ang isang babaeng minahal ko na ng sobra. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, o mali na ba.
Basta ang alam ko lang, I ca n always feel a pain. Ilang araw ko ding kasama si Bella, trying to forget my feeling for George, but the fuck is I can't! Iniangat ko ang baso ko at uminom ako ng alak.. Hanggang kelan ba 'ko masasaktan ng ganito?
"Ilang araw kong nakasama si Bella, pero ang palaging nasa isip ko, si George" sabi ko saka uminom muli ng alak galing sa baso ko. Ilang araw na 'kong nagtitiis na nakikita ko siyang kasama ni Marcus. Pero ginagawa ko lang namang lumayo sa kaniya dahil gusto ko ng makalimot. Pero sa kabilang banda, naiinis parin akong isipin na kasama na naman niya ang Marcus na 'yun.
"Naiintindihan naman kita kung bakit hindi mo masabi sa kaniya, pero masyado ng matagal ang dalawang taon para itago pa 'yan" sabi ni Zach sa gilid ko kaya napatingin ako sa kaniya. Tinignan ko siya na uminom ng alak.
"Bakit mo ba sinasabi sakin 'yan?" tanong ko. Napangiti siya at tinignan ako.
"Baka kasi balak mo pang dumugtong ng dalawa pang taon" natatawa niyang sabi kaya bahagya akong napangiti. Baka hindi ko na kayang dumugtong pa ng dalawang taon na hindi ko nasasabi sa kaniya. Isang taon pa nga lang, hindi ko na kaya, dalawang taon pa kaya ulit? Hindi ko nga alam kung tatagal pa 'to ng buwan, ewan ko, pero feeling ko, hindi na aabot sa apat o higit pang buwan, konti na lang...Sasabog na 'tong puso ko kakatago sa kaniya.
"I don't think I can spend another two years" sabi ko at ibinalik ko ang paningin ko sa baso ko.
"Bakit?"
"Feeling ko..." bitin kong sabi at ininom kong muli ang alak sa basong hawak-hawak ko.
"Sasabog na 'to" sabi ko sabay turo sa gitna ng dibdib ko. Yumuko ako at muli akong uminom ng alak na nasa baso ko. Hindi ko na kaya pang pigilin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sana man lang, may magsabi sa kaniya na may gusto ako sa kaniya.
"Nga pala...Bakit mo pa binalikan si Ynah? Akala ko ba...Ayaw mo na? It's been two years ago since the two of you fall apart" sabi niya. Gusto ko lang makabawi sa babaeng 'yun. Gusto kong maranasan niya kung gano kasakit ang masaktan. I want her to feel what I feel when she cheat on me.
"I just want her to feel the pain what I feel the last two years" sagot ko.
"Nga pala..." saad niya kaya napatingin ako sa kaniya, nasalubong ko ang tingin niya.
"George saw the two of you kissing each other in front of the fireworks before" sabi niya saka iniwas ang paningin sakin. Kumunot ang noo ko.
"What?" hindi ko makapaniwalang tanong. Nakita niya 'yun? Hindi ko naman sinasadyang halikan ang babaeng 'yun. Tsaka...hindi ko sinasadyang halikan siya that time. I need to explain to her. Agad akong tumayo.
"Hey" tawag sakin ni Zach na kaagad kong tinignan.
"Where are you going?" tanong niya.
"Sa babycakes ko" sagot ko at wala na 'kong pagdadalawang isip na lumabas ng bar.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...