Yes?
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad akong bumangon ng malaman kong natulugan ko kagabi si Grey. Luh? Baka nagtatampo 'yun? Sandali, ano ba ngayon? Ay oo nga pala! Kailangan ko ng maligo! Ngayon na pala 'yung birthday ni tita. Naalala ko, susunduin pala 'ko ni Grey. Agad-agad akong tumayo at napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at pinagbuksan ko si Kuya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Damit mo daw, sabi ni mama" sabi niya at inabot niya sakin ang jumper na kulay black na maong. Paex ang dalawang tali niya sa likod at may mga butones sa gitna na kulay gold. Jumper skirt siya kasi palda lang naman siya. At yung polo niya na long sleeve, kulay grey na may design na kulay gold na butones at up shoulder siya. Stripes siya na kulay gold, grey, black and white.
"Kelan niya 'to binigay?" tanong ko at kinuha ko ang damit na hawak niya.
"Kanina lang, nga pala, sasabay ka sakin?" tanong niya.
"Ay hindi, kay Grey ako sasabay, bakit wala ka bang kasabay?" tanong ko.
"Meron, baka kasi wala kang kasabay, nauna na kasi sila mama at papa, sige na, mag-ayos ka na, para naman magmukha kang tao" nakangiti niyang sabi.
"Ang sama mo" sabi ko at mahina ko siyang hinampas.
"Totoo naman" sabi niya habang natatawa.
"He! Ewan ko sayo" sabi ko at sinaraduhan ko siya ng pinto. Ang lalaking 'yun talaga! Lakas mang insulto.
"Paganda ka ah, para naman, kahit papano, magkaroon ako ng kapatid na babae" sabi niya galing sa labas at hinampas ko ang pinto ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Ano akala niya? Lalaki ako? Tss.
"Umalis ka na! Dun ka na sa girlfriend mo, ay hindi mo pa pala siya girlfriend kasi hindi ka pa niya sinasagot" sabi ko habang nakangiti.
"Bahala ka diyan" sabi niya. Narinig ko ang pag-alis niya at natawa na lang ako. Na-asar ata sa sinabi ko? Eh bakit kasi dun siya sa babaeng 'yun? Eh halos two years na ata niyang nililigawan 'yun eh, pero hindi naman siya sinasagot.
Ang tagal tagal na. Tapos 'yung babaeng 'yun, minsan may kasama pang iba, sinasabihan ko siya dati pa na hindi naman siya gusto nun kaso ayaw niya. Mahal daw niya at hindi daw niya magawang iwan 'yun. Ewan ko ba kasi sa kaniya. Ang dami naman kasing ibang babae diyan siya lang ang ayaw.
Naglakad ako papunta sa harapan ng kama ko at nilapag ko ang jumper na binigay ni kuya. Ang ganda naman, parang hindi si mama ang namili? Hay nako, basta ito na lang ang isusuot ko, ang ganda naman. Magsusuot ako ng black na legings maganda to, tapos nakarubber na sapatos. Maliligo na nga 'ko. Kinuha ko ang towel ko at pumasok ako sa CR ng kwarto ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na 'ko.
Sinuot ko ang damit na nasa jumper at naglegings ako ng kulay itim. Sinuot ko ang jumper at ang ganda ngang tignan. Humarap ako sa salamin na malaki at ang ganda ngang tignan. Sinuot ko ang sapatos ko na kulay grey na may zipper at ang ganda nga talagang tignan. Parang hindi naman ganito ang gusto ni mama na damit? Siguro si kuya ang pumili nito? Umupo ako at nag-ayos ako ng mukha ko. Nagpulbo ako at kinulayan ko lang ng hindi masyadong kulay pula ang labi ko at ang ganda ng tignan.
Ayoko ng masyadong maraming kulay sa mukha. Baka magmukha na 'kong painting na naparami ng contrast. Inayos ko ang buhok ko. Tinalian ko siya ng pusod at dahil kulay dark brown ang buhok ko at medyo kulot kulot ang buhok ko, pero hindi sobrang kulot ay maganda siyang tignan. Nag-iwan ako sa magkabilang gilid ng mukha ko buhok at nilagyan ko ng mga flowers flowers ang buhok ko. Ang ganda naman.
'Yan, okay na 'yan. Tumayo ako at kinuha ko ang phone ko. Lumabas ako ng kwarto ko at lumabas ako ng bahay. Napatingin ako kay kuya na may kausap na babae. Pero parang ngayon ko lang ata nakita 'yang babaeng 'yan? Mukha naman siyang simpleng babae at mabait. Napatingin sila sakin at napangiti sila kahit ako.
"Buti nagmukha ka ng babae" sabi ni kuya habang nakangiti.
"Ang sama mo sa kapatid mo" sabi nung babae.
"Hayaan mo 'yan, nga pala, girlfriend ko," sabi ni kuya at napangiti ako.
"Di nga?" tanong ko. Girlfriend niya 'yan? Ang ganda naman niya, pero nasan na 'yung dati niyang nililigawan?
"Oo nga ayaw mong maniwala" sabi niya.
"Yieee, nasan, na 'yung dati?" tanong ko na ikinaseryoso ng mukha ni kuya.
"Hayaan mo 'yung babaeng 'yun," sabi ni kuya.
"By the way, George" sabi ko at inoffer ko ang kamay ko sa kaniya.
"Anya na lang" sabi niya habang nakangiti at tinanggap ang kamay ko. Binitawan ko din 'yun. Ang lambot ng kamay niya.
"'Wag mo ng pakakawalan ang kuya ko ah, ngayon lang nagdala ng matinong babae yan dito" sabi ko habang nakangiti.
"Grabe ka sakin, sinisiraan mo ata 'ko eh?" tanong ni kuya.
"Hindi kaya" sabi ko.
"Tsss, bahala ka nga" sabi niya at natawa ako,
"Sige na una na 'ko" sabi ni kuya at tumago ako. Naglakad sila papunta sa sasakyan ni kuya at nakangiti ko silang tinitigan hanggang sa makapasok sila sa loob ng sasakyan ni kuya. Ang sweet nila ah? Hindi katulad nung dating nililigawan ni kuya, parang palaging nauubusan ng tela sa damit.
"Hey" sabi ng nasa likod ko kaya napaharap ako sa kaniya. Ang kaninang nakangiting mukha ni Grey ay nawala ng makita niya 'ko. Hindi ba 'ko maganda? May mali ba sa mukha ko? Nilapitan niya 'ko at huminto sa harapan ko.
"May mali ba sakin?" tanong ko pero hindi siya sumagot sakin.
"Sabi ko na eh, hindi maganda, saglit, magpapalit ako" sabi ko at papasok na sana ako sa loob ng gate kaso hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako ulit sa kaniya.
"Ayos na 'yan, hindi ka naman titignan ng lahat ng tao dun" sabi niya habang nakangiti. Pangit nga.
"Magpapalit na 'ko, wait lang" sabi ko at hindi niya binitawan ang braso ko.
"Dont" sabi niya
"Ang pangit nito, hindi maganda di ba? Magpapalit lang ako" sabi ko at papasok na sana ako kaso, hindi niya 'ko binitawan.
"Don’t, do that, you‘re not beautiful, coz you‘re pefect, let‘s go" sabi niya at hinila na 'ko. Ano daw? Sumunod na lang ako sa kaniya at naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Huminto siya sa gilid ng sasakyan niya at pinagbuksan ako.
"Pasok na" utos niya at pumasok ako sa loob. Ngumiti siya sakin bago isara ang pinto. Umikot siya saka pumasok sa loob ng sasakyan. Tinignan ko siya at hinanap ko ang seat belt pero hindi ko mahanap. Napahinto ako ng siya mismo ang magseat belt sakin at nginitian niya 'ko.
"Tinulugan mo 'ko kagabi" sabi niya at napangiti ako.
"Sorry" sabi ko habang nakangiti.
"Its okay" sabi niya at pinaandar niya ang sasakyan niya.
"Saan ba 'yung celenration?" tanong ko.
"Sa bahay ni papa" sagot niya.
"Oh" sabi ko at natahimik kaming dalawa. Naalala ko lang, kung natulugan ko siya kagabi, nakatulog na din kaya siya? Curious lang ako, baka kasi napuyat siya.
"Anong oras ka nakatulog?" tanong ko.
"Nung nakatulog ka, nakatulog na din ako" sagot niya. Napatango tango na lang ako. Akala ko hindi pa siya nakatulog.
"Pinicturan pa nga kita habang natutulog ka" sabi niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Nakangiti lang siya.
"Burahin mo 'yan" sabi ko.
"Ayoko nga," sabi niya habang nakangiti.
"Bahala ka diyan" sabi ko at natawa siya ng mahina. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at binigay sakin.
"Burahin mo" sabi niya.
"'Wag na, marami din naman akong pivture mo, hahaha" sabi ko habang tumatawa. Binalik ko ang phone niya. Alam ko naman na hindi niya 'yan pinapakita sa iba kaya okay lang yan.
"Ayaw mo talaga?" tanong niya.
"Bakit, gusto mo bang burahin ko?" tanong ko.
"Bahala ka," sabi niya habang nakangiti. Pinisil niya ng isa niyang kamay ang isa kong pisngi. Palagi niyang pinipisil ang pisngi ko. Ano bang meron sa pisngi ko? Pagdating namin sa bahay ng papa niya, sa dati nilang bahay, hininto niya ang sasakyan niya at humarap sakin. Tatanggalin ko na sana ang seat belt ko kaso siya na ang nagtanggal ng seat belt ko para sakin.
Tinignan niya 'ko habang nakangiti at pinisil ang isa kong pisngi saka ako pi-ni-ctur-an. Lumabas siya kagad ng sasakyan niya at lumabas ako ng sasakyan niya. Loko talaga 'yung lalaking 'yun. Lumapit ako kay Grey at napatingin siya sakin habang nakangiti.
"What is the purpose of your face?" tanong ko. Ngumiti lang siya at hinawakan niya ang kamay ko at kinapit sa braso niya.
"Ako ang escort mo ngayon" sabi niya at naglakad siya.
"Huh? Pano si Ynah?" tanong ko pero hindi niya 'ko pinansin at naglakad na lang kami. Okay. Siya bahala. Naglakad kami sa malawak na bakuran ng bahay nila Grey at ang daming tao. Oh my God. Halos lahat pa ng mga taong nandito ay may pangalan sa business. Napatingin silang lahat samin ng maglakad kami papasok sa loob. Dahil siguro apo si Grey ng isa sa pinakakilalang business woman sa Pilipinas at sa iba‘t ibang bansa.
"Nakatingin silang lahat satin" mahina kong sabi.
"So?" tanong niya habang nakangiti at naglakad kami sa isang table kasama ang lola ni Grey na mukhang batang bata sa suot niya at sila mama kasama si kuya, pero nasa kabilang table ata ang girlfriend niya. Hinila ni Grey ang upuan sa tapat ko at tinignan ko siya.
"Sit," sabi niya at umupo ako. Umupo siya sa tabi ko.
"Were all complete now?" tanong ni tita samin kaya napangiti ako dahil nakangiti din silang lahat. Lumingon lingon ako at may nakakuha ng atensiyon ko. Nakita ko si Marcus na kasama ang family niya sa kabilang table at mga friends niya siguro. Sa kilos niya, parang mayaman nga talaga sila.
Nagulat ako ng napatingin siya sakin at ngumiti. Tumingin ako sa likod ko para tignan kung ako ba ang tinitignan niya at nakita ko naman na ako lang ang taong nakatingin sa kaniya. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya at nakangiti siya sakin.
"Hey, why are you smiling?" tanong ni Grey at napatingin ako sa kaniya.
"Ako? Nakangiti? Hindi naman ah?" sabi ko.
"Really?" tanong niya at tumango ako.
"Nakikita mo ba ang mukha mo?" tanong niya. Umiling ako.
"Hindi naman pala, pano mo nalaman na hindi ka nakangiti?" tanong niya at nag-iwas ako ng tingin. Nakangiti pala 'ko? Hindi ko alam na nakangiti na pala 'ko. Dahil ba kay Marcus? My God, hindi pwede, hindi kaya 'ko nakangiti.
***
Naglakad lakad ako sa labas ng bahay nila Grey dahil gabing gabi na. Umupo ako sa swing na nasa ilalim lang ng puno. Tumingin ako sa bituin sa langit na ang dami. Ang ganda nilang tignan.
"Ang ganda 'no?" tanong ng nasa likod ko kaya napatingala ako sa kaniya at nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan ng smack lang. Yumuko ako at tinignan ko siya ng nakakunot ang noo ko.
"Bakit mo ko hinalikan?" tanong ko.
"Masama ba?" tanong niya habang nakangiti.
"Ewan ko sayo, 'wag mo 'kong kausapin" masungit kong sabi at tumayo ako. Pangalawang beses na niya kong nahahalikan! Nakakainis na siya.
"Bakit ang sungit mo?" tanong niya. Inis akong humarap sa kaniya at hinubad ko ang sapatos ko saka hinagis sa kaniya pero nasalo naman niya. Natawa lang siya ng mahina.
"Sa tingin mo, sinong hindi magagalit kapag hinalikan ka?" tanong ko. Kahit sino namang babae kapag hinalikan sila ng hindi pa nila boyfriend, magagalit sila, kaya ganon din ako.
"Bakit ako, hindi naman ako naiinis kapag hinahalikan ako ng ibang babae?" natatawa niyang sabi.
"Lalaki ka, babae ako, magkaiba tayo, at 'wag mo 'kong igaya sa mga babaeng nakikilala mo, tsaka ulitin mo nga yung sinabi mo? Parang pinapamukha mo sakin na marami ng nakahalik sayo ah?" tanong ko.
"Wala 'kong sinabing ganyan, pero don’t worry, i‘ll forget them for you" sabi niya habang nakangiti.
"Tigilan mo nga 'ko" sabi ko at naglakad siya palapit sakin. Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha niya ang paa ko. Kukunin ko sana ang paa ko kaso hindi niya 'ko hinayaan na makuha 'yun. Sinuot niya sa paa ko ng maayos ang sapatos ko. Tinignan ko siya habang sinisintas ang sapatos ko. Pagkatapos niyang isintas ang sapatos ko ay tumingala siya at ngumiti sakin. Tumayo siya at tinitigan ako.
"'Wag mo ng huhubarin ang sapatos mo sa susunod" sabi niya at tatanggalin ko sana ang isa ko pang sapatos kaso lang, pinigilan niya 'ko.
"Sabi ng 'wag mong tatanggali eh" sabi niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Ewan ko sayo" sabi ko at naglakad ako palayo sa kaniya. Ramdam ko ang pagsunod niya sakin. Huminto ako at humarap ako sa kaniya.
"Stop following me" utos ko.
"Sino ka para utusan ako?" tanong niya habang nakangiti at nagcross arms pa ang loko. Nagpamewang lang ako at seryoso ko siyang tinignan.
"Nililigawan mo 'ko diba? At sabi mo gagawin mo ang lahat para lang mapasagot ako? Edi 'wag mo 'kong sundan" sabi ko.
"Ayoko nga, hindi mo 'ko mauutusan na layuan ka" sabi niya.
"Bahala ka nga" sabi ko at naglakad lakad pa 'ko. Hindi nagtagal, sabay na kaming naglalakad dalawa. Naramdaman ko na lang ang kamay niya na unti-unting humahawak sa kamay ko. Ilalayo ko na sana ang kamay ko kaso hindi ko na nakuha pa ng i-interwine niya na ito sa kamay ko.
Malambot ang kamay niya at ang gandang paglaruan. Pinisil pisil ko ang kamay niya katulad ng ginagawa ko minsan sa kamay ni Grey. Ang ganda kayang paglaruan ng kamay ni Grey, para kasing kamay ng babae. Hindi siya maugat katulad ng sa iba pero may tattoo siya sa kanang kamay niya sa pulsuhan. Hindi ko lang nababasa dahil hindi niya pinapakita sakin. Pero alam ko may heart 'yun.
"Bakit mo pinaglalaruan ang kamay ko?" tanong niya.
"Masama ba?" tanong ko at napangiti na lang siya.
"Bahala ka nga" sabi niya at hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Ilang oras din kaming naglakad lakad at napatingin ako sa kaniya ng tignan niya ang relo niya. Huminto siya kaya huminto din ako. Humarap siya sakin saka tinignan niya 'ko.
"Twelve na, hatid na kita?" tanong niya.
"Tara" sabi ko at naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya at nagmaneho na pauwi sa bahay. Hindi ko alam na hawak na naman pala niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at seryoso lang siya sa pagmamaneho niya.
"May itatanong ako" sabi ko. Napatingin siya sakin saglit.
"Ano?" tanong niya.
"Close ba talaga kayo ni Grey dati?" tanong ko.
"Oo naman, pero hindi ko alam kung bakit siya lumayo, ang alam ko lang, ayaw ka niyang mapalapit sakin kaya ganon" sabi niya.
"Bakit naman?" tanong ko. Anong problema ni Grey kay Marcus? Hindi naman masama masyado si Marcus ah.
"Ayaw kasi niyang masaktan kita, at alam niya na may gusto ka sakin dati, kaya ayaw niyang mapalapit ako sayo, dahil ayaw ka niyang masaktan ng kaibigan niya" sabi niya.
"Ganon ba?" sabi ko at tumango siya.
"Don’t worry, i‘ll try my best not to hurt you" sabi niya at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Sana nga, sana nga, magawa mo 'yan Marcus, sana, dahil minsan hindi ko nakakasama si Grey dahil sayo, kaya sana lang talaga.
"Seryoso ka ba sakin?" seryoso kong tanong.
"Oo" tipid niyang sagot at hindi na lang ako umimik. Sa buong biyahe na namin ay hindi na lang ako umimik. Pagdating namin sa bahay ay pinagbuksan niya 'ko. Lumabas ako at nasa harapan ko siya. Tinignan ko siya ng seryoso at nakangiti lang siya sakin.
"Goodnight, and sweetdreams" sabi niya at hinalikan ang noo ko. Tinignan ko siya ng seryoso at nararamdaman kong nag-iinit ang mukha ko.
"Namumula ka" natatawa niyang bulong sakin at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"S-sige, goodnight, bye" sabi ko at pumasok ako sa loob ng gate. Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat ako papunta sa taas, sa kwarto ko at umupo ako sa kama ko. Nilagay ko ang magkabila kong kamay sa pisngi ko at naramdaman kong nag-iinit parin ang mukha ko. Ano ba talagang nangyayari?
Shit, hindi ko na kaya 'to ah? Ano ba kasing ginawa sakin ng lalaking 'yun at ganito ang epekto niya sakin? Nilagay ko ang isa kong kamay sa dibdib ko at huminga akong malalim. Para akong kinakabahan ng hindi ko alam kung bakit.
Ilang araw din na ganon kaming dalawa ni Marcus, kapag hindi ko kasabay si Grey, kadalasan, hinahatid sundo ako ni Marcus, palagi din kaming lumalabas magkasama. He always makes me feel comfortable to him. Ni minsan, hindi din ako nakarinig ng balita na may iba siya. Sa tingin ko nga, tumigil na siya sa gawain niyang katulad kay Grey, kaya siguro unti-unti na din niyang napapatunayan sakin na seryoso talaga siya sakin.
Pero si Grey? Hindi ko alam kung kelan magbabago 'yun, alam ko naman na balang araw makakahanap din siya ng babaeng makakapagpatino sa kaniya. Alam ko naman na mapapatino din siya ng kung sino mang babaeng para sa kaniya. Ilang linggo din ang lumipas at hindi nagsasawang manligaw sakin si Marcus, gabi-gabi ko din siyang kausap sa chat, ka video call ko kasi palagi si Grey at palagi niya 'kong kinakantahan kaya palagi ko din siyang natutulugan.
Hindi naman siya nagagalit dahil okay lang sa kaniya. Yun nga ang purpose niya kung bakit niya 'ko kinakantahan. Ilang ulit ko din siyang tinatanong kung hindi ba siya nagagalit dahil natutulugan ko siya pero ang sinasabi niya ‘Ang kulit mo hindi nga‘ kaya naniniwala ako sa kaniya. Ngayon, naglalakad kami ni Marcus sa labas at hawak na naman niya ang kamay ko.
Araw-araw na ata kaming magkasama at sabay umuwi. May oras naman ako kay Grey, at alam kong ganon din siya sakin. Gabi na pero alam naman nila mama na may kasabay ako kaya okay lang sa kanila. Ihahatid naman ako ni Marcus kaya okay lang. Naglakad lakad lang kami.
"Anong gusto mong gawin?" tanong niya at napatingin ako sa kaniya.
"Manood ng stars," sabi ko habang nakangiti.
"Ibang klase ka ah?" tanong niya habang nakangiti sakin.
"Eh tinatanong mo 'ko kung anong gusto kong gawin, eh 'yun nga ang gusto kong gawin" sabi ko.
"Tara na nga" sabi niya at naglakad kami. Sumunod lang ako sa pinupuntahan niya. Pumunta kami sa isang medyo madilim na lugar para sadyang bituin lang ang makikita namin na maliwanag pero marami namang tao at nakaupo sila sa Bermuda grass. Maraming tao, sobra, kaya ang ganda dito. Umupo kami at nag-indian sit ako. Napatingin ako sa kaniya ng kunin niya ang kaliwang kamay ko at may sinuot siyang bracelet na silver. Ang ganda naman. Tinitigan ko lang ito at napangiti ako sa heart na pendant sa bracelet.
"Para saan 'to?" tanong ko.
"Para sayo" sabi niya
"Ang sabi ko para saan hindi para kanino?" sabi ko habang nakangiti.
"Tss, basta sayo 'yan," sabi niya at natawa na lang ako. Hindi ko man maamin pero unti-unti na nga 'kong nahuhulog sa lalaking 'to ng hindi ko namamalayan. Sana lang totoo ang nararamdaman niya para sakin dahil ayoko ng masaktan pa ulit dahil natatakot na kong masaktan ulit. Tumingin lang ako sa langit na maraming stars.
"Ang ganda nila 'no?" tanong niya at napatingin ako sa kaniya na nakatingala at nanonood lang sa langit. Tumingala akong muli at pinanood ko din sila. Ang ganda nga.
"Sana makakita ako ng falling star" sabi ko habang nakangiti.
"Para ano?" tanong niya.
"Para magwish" sagot ko.
"Naniniwala ka dun?" tanong niya.
"Bakit, hindi ka ba naniniwala dun?" tanong ko.
"Hindi, dahil ilang beses na 'kong humihiling sa mga yan pero hindi naman natutupad, it makes no sense" sabi niya. Tinignan ko siya.
"Hindi kaya, may mga nagkakatotoo din naman, ang kailangan lang kasi, maniwala ka na matutupad," sabi ko. May mga hindi kasi naniniwala kaya kahit na totoo yun, hindi naman natutupad.
"Naniniwala naman ako, kaso hindi natupad" sabi niya.
"Ano ba kasing hiniling mo?" tanong ko. Baka naman kasi sobrang bigat ng wish niya kaya hindi kaya? Pero wala namang imposible kung maniniwala ka.
"Gumaling ang kapatid ko" sagot niya.
"May mga bagay kasi na hindi na kayang tuparin pa kahit ihiling mo pa" dagdag pa niya.
"Pero kung maniniwala ka lang, matutupad ang hiling mo" sabi ko at hindi na lang siya umimik. Ilang oras pa kaming nanduon hanggang sa magyaya na siyang umuwi. Tahimik lang ako sa biyahe kahit siya pero hawak-hawak parin niya ang kamay ko. Pagdating namin sa bahay ay pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Lumabas ako at tinignan ko siya na nakatingin din sakin.
"Sige na, pumasok ka na," sabi niya.
"Marcus, 'wag mo muna 'kong sunduin bukas ng umaga, pero sabay tayong umuwi, kasabay ko kasi si---"
"Okay lang" sabi niya habang nakangiti. Mabuti naman naiintindihan niya. Papasok na sana ako sa loob ng gate kaso napatigil ako ng magsalita pa siya.
"Goodnight and sweetdreams" sabi niya kaya humarap ako ulit sa kaniya. Nagulat ako ng halikan niya 'ko ulit sa noo. Araw-araw niyang ginagawa 'to kapag hinahatid niya 'ko, pero hindi parin ako nasasanay dahil medyo nagugulat pa din ako. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko, hindi ko alam kung tama ba na sagutin ko na siya? Alam kong nahuhulog na 'ko sa kaniya, pero pano si Grey? Baka magalit siya kapag nalaman niya? Hays, bahala na nga, sana maintindihan mo 'ko Grey, sana lang.
"Goodnight" sabi ko.
"Tulog ka na, para naman tumangkad ka" sabi niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Dapat ba talaga na sagutin ko siya? Hindi ko alam kung dapat pero ito ang gusto ng puso ko, kaya sana maintindihan ako ni Grey.
"Marcus," tawag ko sa kaniya at napatingin siya sakin habang nakangiti.
"Goodbye" sabi ko at ngumiti ako sa kaniya. Bakit hindi ko masabi? Bakit hindi ko masabi sa kaniya? Bakit hindi ko masabi sa kaniya.
"Sige na, pasok ka na---"
"Yes" sabi ko at naging seryoso ang mukha niya.
"Yes? Anong---" napatigil siya at tinitigan niya 'ko ng walang reaksiyon ang mukha niya at unti-unting napangiti muli.
"Nagbibiro ka ba?" nakangiti niyang tanong. Siguro naman nakuha niya ang ibig sabihin ng sinabi ko. Sa kilos pa lang kasi niya, halata ko ng nakuha niya.
"Mukha ba 'kong nagbibiro?" tanong ko. Magbibiro ba 'ko ng ganon? Bigla niya 'kong nilapitan at niyakap ako ng sobrang higpit. Ganito ba talaga siya kapag napapasagot niya ang isang babae?
"Ganito ka talaga kasaya?" tanong ko at mas lalo niya 'kong niyakap ng mahigpit. Napangiti na lang ako saka niya 'ko unti-unting binitawan. Tinitigan niya ko habang nakangiti at ngumiti ako sa kaniya.
"Masaya ako kasi, napasagot kita, dati kasi, hindi ko kailangan na manligaw, basta sila na lang ang kusang lumalapit sakin at nakukuha ko ng mabilis ang gusto ko pero ikaw, hindi ko alam kung anong meron ka, hindi ko alam kung bakit ako ganito kasaya sayo, I never felt so very inlove before like this" sabi niya at napangiti ako.
"Sana hindi ako nagkamali sayo" sabi ko habang nakangiti.
"Just trust me" sab niya.
"It was the hardest thing to do, but I will just for you" sabi ko.
"I wish I could kiss you" sabi niya at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Tumingala ako at dahan-dahan niyang nilapat ang labi niya sa labi ko at napahawak ako sa damit niya sa tagiliran. He‘s so gently. Unti-unti niyang nilayo ang mukha niya sa mukha ko at unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakangiti at napangiti na lang ako.
"Goodnight" sabi niya at hinalikan niya ang noo ko. Ngumiti ako at pumasok ako sa loob ng gate at pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari. Umakyat ako sa hagdan ng bahay.
"George, kain na" sabi ni mama at napahinto ako saka humarap sa kaniya.
"Sige po, magpapalit lang ako" sabi ko at umakyat ako sa taas saka pumasok sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam na sasagutin ko si Marcus. Hindi ko 'to inaasahan. Pero sana talaga, hindi ako nagkamali sa kaniya. Sana hindi ako nagkamali sa kaniya. Sana talaga.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...