Chapter 70

17 3 0
                                    

I fell Inlove with My Bestfriend

GEORGE'S P.O.V.

Seryoso akong nakatingin sa langit na puno na naman ng stars. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko siya tinignan dahil alam ko kung sino siya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni kuya sa tabi ko kaya tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kaniya. Baka kasi mabasa niya ang nasa mga mata ko at magsabi na naman siya ng mga bagay na magpapabago ng isip ko. Pero kahit baguhin ko ang isip ko, nakabook na 'ko para sa flight bukas. Natransfered na rin ako kaya hindi ko na pwedeng ibahin ang isip ko.

"Pano na si Grey? Sa tingin mo matutuwa siya sa gagawin mo?" tanong niya. Panong hindi siya sasaya kung ito naman ang gusto niya. Gustong-gusto niya na 'kong lumayo sa kaniya. At para naman may magawa ako para sa kanyang maganda para sa huling pagkakataon, gagawin ko ang gusto niya.

Tsaka kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kaniya, malaki lang ang tiyansang mas lalo siyang lumayo. Kahit anong move ang gawin ko, ganon parin. Mawawala at mawawala parin siya. Walang magbabago.

"Ito naman ang gusto niya" sagot ko lang at napayuko ako. Huminga siyang malalim at naramdaman kong hindi na siya nakatingin sakin. Ayaw ko mang gawin ang bagay na 'to, pero kailangan. Mas gusto kong lumayo na lang sa ngayon, atlis duon, mapipilitan akong kalimutan siya.

Ginawa naman niya ang gusto kong gawin niya nung nakaraan, kaya tama naman siya na palitan ko kung anong gusto naman niyang gawin. Hindi naman masamang gawin ko ang gusto niyang gawin. Mas sasaya pa nga siya dahil 'yun naman ang gusto niyang gawin.

"Hindi lahat ng tao, ang gusto nilang gawin ang sinasabi mo, minsan 'yun pa ang ayaw nilang gawin mo" sabi niya.

"Pero 'pag nakikita ko lang siya, para akong nasasaktan ng paulit-ulit, tutal, ito naman talaga ang gusto niya, gagawin ko na, tsaka, kahit sa huling pagkakataon man lang, may nagawa naman akong tama para sa kaniya" sabi ko. Ito naman ang paraan para kahit papano, gumaan ang loob niya.

"Ikaw bahala, basta, isipin mong pwedeng pwede ka pa ring umuwi, pwede pang magbago ang isip mo kapag nandun ka na, kung hindi mo na kaya dun, nandito lang ako, naiintindihan mo?" tanong niya kaya bahagya akong napatango. Tinignan ko siya at nasalubong ko ang seryoso niyang mukha niya na unti-unting ngumiti.

"Kuya,"

"Mmmm?"

"Pwede bang, walang lalabas kahit kanino na aalis ako? Ayoko kasing, malaman ni Grey, pwede ba 'yun?" request ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumango.

"Sige, sige" sang-ayon niya kaya napangiti ako ng medyo malapad.

"Gusto ko kasing malaman na lang niya kapag nandun na 'ko. Hindi naman sa iniisip kong baka pigilan niya 'ko dahil imposible namang gawin niya 'yun, pero ang ayoko lang, ang isipin niya na nagpapaawa ako sa kaniya na ginagamit ko ang pag-alis ko para lang bumalik siya sakin, kaya please, 'wag mong sabihin sa kaniya" sabi ko habang nakatingin ng seryoso sa mga mata niya. Ayokong maging ganon ang ending. Mas gusto ko, 'yung hindi niya alam, para walang masabi ang mga nakapaligid samin. Mahirap na dahil maraming judgemental ngayon.

"Sige, makakaasa ka" sagot niya kaya napangiti ako. Buti naman. Akala ko kasi, hindi siya papayag.

"Mag-iingat ka dun ha" sabi niya kaya dahan-dahan akong tumango. Hindi ako sanay ng hindi ko kasama ang kuya ko. Pero ngayon, kailangan kong masanay.

Mula pagkabata ko, katulad ni Grey, naging bestfriend ko siya. Pero babalik naman ako dito sa Pilipinas kapag bakasyon. O 'di kaya pagkatapos kong mag-aral babalik ako dito, dahil alam ko, pagkatapos ding mag-aral ni Grey, pupunta na siya sa States.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon