Chapter 67

6 3 0
                                        

The Family's Comfort

GEORGE'S P.O.V.

"Kahit sa huling pagkakataon, maging kaibigan ka naman sakin" sabi niya saka ako nilagpasan at iniwan akong mag-isang nakatayo. Hindi ko magawang gumalaw o habulin siya. Natulala lang ako sa bracelet na pinutol niya. Parang hindi ako makahinga sa mga nangyari kanina. Unti-unti akong napaupo sa gitna ng kalsada at patuloy sa pag-agos ang luha ko.

Talaga bang sobra sobra ang sakit na naidulot ko sa kaniya? Hindi ko naman sinadyang magawa ang bagay na 'yun. Hindi ko alam na mapapasama ang ginawa kong desisyon. Hindi ko alam. Kung alam ko lang, sana hindi ko ginawa ang bagay na 'yun. Kung nalaman ko lang kagad nung hindi pa kami ni Marcus na may gusto siya sakin, hindi nangyari sana ang bagay na 'to.

Sana hindi kami nahihirapang dalawa. Nasasaktan na siya katulad ko, pwede naman naming ayusin 'to kung gugusttuhin lang namin. Pero hindi ko naman siya masisisi, hindi ko naman siya masisisi kung napapagod na siya.

Nineteen years, at mahigit dalawang taon na siyang may gusto sakin ng hindi ko alam, samantalang ako, kelan lang ako nagkagusto sa kaniya. Kaya alam kong mas nasasaktan siya kesa sakin. Mas mahirap kalimutan at itapon ang lahat pero hindi ko kayang palagi na lang kaming ganito.

Hindi ko kaya na isang araw, mawawala na lang ang lahat. Mahirap siyang i-convinece, dahil alam kong sobrang sakit ng nagawa ko sa kaniya. Pero gusto kong i-convince siya ng i-convince dahil naniniwala akong pwede pa.

Bakit kasi hindi kami tinulungan ng tadhana? Bakit hinahayaan kami ng tadhanang masaktan? At bakit sa dami ng tao sa mundo, bakit kami pang dalawa ang pinaglaruan ng tadhana? Bakit?

"George?" tanong ng nasa gilid ko pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko na ata kaya.

"George okay ka lang?" tanong ng isang boses lalaki. Umupo siya sa tapat ko at hinawakan ang dalawa kong wrist. Tinignan ko siya at nakita ko si kuya. Umiyak lang ako ng umiyak sa harapan niya dahil hindi ko kayang hindi umiyak ng umiyak sa nangyari kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Dahan-dahan niya 'kong niyakap at hinagod hagod ang likod ko.

"Sige lang George, iiyak mo lang lahat, ano bang nangyari?" tanong niya habang patuloy lang sa paghagod sa likod ko. Hindi ako sumagot. Mas lalo lang akong umiyak ng umiyak sa kaniya. Hindi ko na ata kaya pa.

"Tama na..." sabi niya pero patuloy lang ako sa pag-iyak. Ilang minuto din akong umiyak ng umiyak kay kuya pero hindi naman siya nagreklamo. Umiyak lang ako ng umiyak. Dahan-dahan ko siyang binitawan saka parang bata kong pinunasan ang pisngi ko na nabasa sa sobrang kaiiyak ko.

"Oh" sabi niya saka inabot sakin ang isang panyo.

"Para kang bata kung magpunas ng pisngi mo" sabi niya at tinanggap ko ang panyo niya. Pinunasan ko ang pisngi ko at ang mga mata ko. Dahan-dahan akong tumayo saka binalik ko ang panyo niya.

"Gusto mo bang magkwento sakin?" tanong niya.

***

Naglalakad ako sa hallway na nakasuot ng salaming may kulay itim. Ramdam ko ang pagtitig ng mga tao sakin at ang mga bulungan ng mga nadadaanan kong students sa hallway. Masakit ang mata ko kakaiyak kagabi, anong oras na din akong nakatulog kagabi dahil nahihirapan akong huminga ng maayos. Napahinto ako sa paglalakad ng may humintong isang lalaking may kulay itim na damit. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Anong mukha 'yan George?" tanong ni Marcus at tatanggalin sana ang salamin ko pero umilag ako sa kaniya.

"Wala, trip ko lang 'to" sagot ko at lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan niya ang braso ko.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon