Staying Away to each Other
GEORGE’S P.O.V.
“Kung kaibigan mo talaga ‘ko, iintindihin mo ang gusto kong mangyari, lalayuan mo ‘ko. Dahil kung hindi mo kaya, ako mismo ang gagawa nun para sa sating dalawa” sabi ko at pumasok ako sa loob ng gate. Agad akong pumasok sa loob ng gate at umakyat ako sa taas. Pumasok ako kagad sa kwarto ko at umiyak ako ng umiyak. Napaupo ako sa gilid ng kama ko at umiyak ng umiyak.
Sorry Grey, sorry kung magagawa ko ‘to sayo ngayon. Sorry kung lumalayo na talaga ‘ko, sorry kung tinatalikuran na kita. Pero wala akong choice eh. Ayokong masaktan ka pa kaya pinapalayo na kita.
Ayoko ring masira ang relasyon ko kay Marcus dahil alam kong hindi niya ‘yun magagawa. May tiwala ako sa kaniya na hindi niya ‘yun magagawa.
Alam kong hindi niya ‘ko lolokohin ng ganon. Pero hindi ko naman tinalikuran si Grey dahil sa akala ko pinaghihiwalay niya lang kami ni Marcus para sa sarili niya, hindi ganon, kilala ko si Grey at alam kong ginagawa niya lang ‘to para hindi ako masaktan, pero nilayuan ko din siya dahil ayokong masaktan siya.
Ayokong masaktan pa siya sakin ng sobra. Kaya kung ayaw talaga niyang lumayo, ako na lang ang magkukusang lumayo para sa kaniya.
Ako na lang ang lalayo ‘wag lang siyang masaktan ng sobra. Hindi ko alam kung magagalit siya sakin ngayon dahil hindi ko natupad ang pangako namin na walang iwanan pero kung hindi ko kasi gagawin ‘yun, baka mas lalo ka lang masaktan.
At ‘yun ang pinakaayaw ko sa lahat. Ayokong masaktan ka pa ng sobra. Atlis kung lalayo ka sakin ngayon, kung nagalit ka na sakin, mas maganda, mas makaka-move-on ka na ng mabilis.
Mas makakahanap ka ng deserve mong babae kapag ganito. Balang araw babalik din tayo sa dati, sa dating tayo, pero kung hindi man mangyari ‘yun, thankful na ‘ko na may nagawa ako para sayo. Para makalimot ka sa feelings mo para sakin, para hindi ka na mahirapan pa.
“Grey sorry…" sabi ko sa sarili ko habang umiiyak ng umiiyak.
“Sana maintindihan mo ang ginagawa ko” sabi kong muli sa sarili ko. Alam ko naman na kahit sabihin mo pang hindi ka nasasaktan, halata ko parin na nasasaktan ka kaya ginagawa ko lang ‘to dahil alam kong nasasaktan ka na.
Para habang maaga pa, maka-move-on ka na kagad sakin. Para hindi na ‘ko nasasaktan kapag nakikita kitang nasasaktan ng sobra. Kahit masakit, ayos lang para sayo. Sana balang araw, makahanap ka din ng babaeng magmamahal sayo, ‘yung walang boyfriend katulad ko. Wrong timing kasi tayong dalawa. Baka talagang hindi tayo para sa isa’t isa baka talagang ibang tao ang nakalaan sating dalawa.
Masakit man ngayon, pero balang araw, pareho din tayong magiging masaya. Hindi man ngayon pero balang araw. Balang araw. Kahit hindi pa ngayon, pero balang araw baka mangyari din ang lahat ng ‘yun. Magalit ka na sakin, pero balang araw, malalaman mo rin kung bakit ko ‘to ginawa para sayo.
***
Pinaglalaruan ko lang ng tinidor ko ang pagkain ko sa plato habang nakatulala at nakapout. Wala akong ganang kumain pero magagalit naman sakin si Marcus kapag nalaman niyang hindi ako kumain.
“Huy! Kanina ka pa tulala! Mula pa kaninang umaga hanggang ngayon. Lutang na lutang ka! Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?” tanong ni Cally pero parang wala lang akong naririnig at nakatulala pa rin ako.
Parang nagsisisi ako na tinaboy ko palayo si Grey. Pero ginawa ko na eh, tsaka, ginawa ko naman ‘to para saming dalawa, lalo na para sa kaniya, para hindi siya masaktan ng sobra. ‘Kung anong gagawin mo, dapat panindigan mo’ naalala kong sabi ni kuya sakin.
Parang ang hirap panindigan ang ginawa ko. Ang hirap lang dahil nangako kaming pareho sa isa’t isa na walang iwanan pero ako pa ang naunang sumira nun. Parang kinain ko lahat-lahat ng mga pinangako ko sa kaniya dati.
Pero may dahilan naman ako kaya ko ‘to ginawa. Pero parang tino-torture ko ‘yung mga sarili namin sa mga nangyayari. Magiging masaya din naman kami balang araw, kaya okay lang ‘to. Kaya ko ‘to. Magiging maayos din ang lahat.
“George!” tawag niya pero wala parin akong naririnig.
“George nakikinig ka ba sakin?!” tanong niya at hinawakan ang magkabila kong balikat kaya medyo nagulat ako. Tinignan ko siya ng direkta sa mga mata niya ng gulat.
“M-may sinasabi ka ba?” tanong ko kaya napasapo siya sa noo niya. Napapikit lang siya dahil sa dismaya. Tinignan niya ‘kong muli. May sinasabi ba siya? Wala ‘kong naririnig eh. Mula pa kanina. May iba kasi akong iniisip.
“Bakit ba lutang ka? Hindi mo nga ata alam na dumating ako sa tapat mo dahil kanina ka pa tulala, teka, nasaan ba kasi si Marcus? Hindi mo ata siya kasama?” tanong niya at napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
“Nauna na ‘ko kasi hindi pa tapos klase nila, baka kasi magalit siya kapag hindi ako naglunch” matamlay kong sabi. Parang bumibigat na naman ang mga talukap ng mga mata ko ah. Inaantok na naman ako? Haaayyy…
“Okay ka lang ba?” tanong ni Cally at walang nagbago sa mukha ko. Nakasimangot ako habang ang mga talukap ng mga mata ko ay parang babagsak na. Nakatulala lang ako at pinaglalaruan ko pa rin gamit ng tinidor ko ang pagkain ko. Sana hindi ako maging palaging ganito dahil sa nangyari kagabi. Okay lang ‘yan George, kaya ko ‘to.
“Mukhang sa kinikilos mo hindi,” sabi niya habang nakatingin sakin. Huminga ako ng malalim at tinignan ko ang pagkain ko na kanina ko pa pinaglalaruan ng tinidor ko. Huminga akong malalim.
“Kain na tayo, teka nasan si Nate? Siguro may chixx na naman ‘yun ano?” rinig kong tanong ng isang lalaki sa likod namin. Napatingin si Cally sa kanila.
Lumingon ako sa kanila at nakita ko si Grey na kasama nila. Nakaheadset lang siya at tahimik lang. Kapag tinitignan ko siya, naaalala ko ang mga nangyari kagabi.
Hindi ko talaga ‘yun gustong gawin, pero para sa kaniya din naman ‘to, dahil ayokong masaktan siya ng mas matagal pa. Kaya ginawa ko na ‘to. Kasi ‘pag magtatagal pa, ganito din naman ang labas, tsaka kung magtatagal pa, baka ‘di ko lang kayanin kapag nababalitaan kong nasasaktan siya kaya mas magandang itigil na lang.
Mas magandang lumayo na lang kami sa isa’t isa para hindi kami mas masaktan pa. Okay na ‘to, kesa naman masaktan ko pa siya ng sobra. Medyo nagulat ako ng mapatingin siya pero iniiwas ko na kagad ang paningin ko.
“Alam ko na, anong nangyari kagabi? Nag-away na naman ba kayo?” tanong niya pero hindi na lang ako sumagot at yumuko.
“Silence means yes” sabi niya at tinignan ko siya. Silence means yes nga.
“Ano bang nangyari?” tanong niya at tinignan ko si Cally.
“Sana, mas nauna na lang siya para hindi ganito ang nangyayari, kasi hindi ako sanay ng wala ang kaibigan ko” sabi ko. Tinupi ko ang isa kong braso sa table ko at inihiga ko ang gilid ng ulo ko sa braso ko habang pinaglalaruan parin ng tinidor ang pagkain ko.
“Wala ng magagawa ‘yang pagsisisi mo, mas maganda kung ayusin mo na lang ang lahat sa present mo, matuto kang pahalagahan na lang kung anong meron ka ngayon” sabi niya at hindi ko alam kung bakit pero may umagos na luha galing sa mga mata ko.
Pano ko pa magagawang maayos ang lahat kung ngayon pa lang sirang sira na? Pinapahalagahan ko naman ang mga meron ako ngayon, kaya nga kahit masakit sakin, dahil mahalaga sakin si Grey, ginawa ko ‘to. Ayokong masaktan siya, at mas gusto kong makamove on na siya kagad para hindi na siya mas masaktan pa.
“Nagsisisi lang ako kasi, ang manhid ko” sabi ko at pinunasan ko ang pisngi ko. Bakit kasi hindi ko kagad naramdaman na may gusto na pala siya?
Pwedeng nasa kaniya ang dahilan dahil magaling lang siyang magtago ng nararamdaman niya, pero pwede ring nasa sakin dahil hindi ko kagad nahalata kahit pinapakita na niya.
Siguro wala talagang balak ang tadhana na maging kami, kasi sa timing pa lang, wala na, natagalan bago niya sabihin. Parehas na pala kaming may gusto sa isa’t isa pero nahuli nan g sabihin niya dahil may iba na ‘ko.
Kung pwede ko lang hatakin ‘yung mga araw na hindi ko pa nakikilala si Marcus, ginawa ko na para lang maayos ko kung anong meron kami ni Grey at para rin hindi kami nasasaktan ng ganito. Mahal ko na din si Marcus, kaya hindi na talaga pwede. Nasasaktan lang ako kay Grey dahil nasasaktan siya.
“Ang kulit mo talaga, hindi ka nga manhid, dahil kung manhid ka, bakit ka nakakaramdam ng sakit ngayon? Walang taong manhid, dahil kung meron man, may dahilan ‘yun kung bakit, at tulad mo, dati din silang nakakaramdam, mga hayop nga may pakiramdam, ikaw pa kaya na tao?” tanong niya at napaisip ako. Sa bagay, tama naman siya. Kahit papano hindi nga ‘ko manhid dahil sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.
Ang sakit sakit sobra. Kung may gamot lang para sa ganito, bumili na ‘ko ng marami para mawala lahat. Pero kahit anesticia o mefenamic na matapang, walang tatalab eh.
Ang sakit sakit sobra kahit na nandiyan si Marcus para sakin. ‘Pag nandiyan siya, oo aaminin ko, medyo nawawala ang sakit, pero kapag mag-isa ko na, hindi ko na maiwasang hindi masaktan sa nangyayari.
“George, ginawa mo lang ang tama, kaya don’t worry magiging maayos din ang lahat, maniwala ka” sabi niya at tinignan ko siya.
“Ngumiti ka nga” sabi niya at dahan-dahan akong ngumiti. Sana nga maging maayos talaga ang lahat. Sana maging okay din ang lahat.
GREY’S P.O.V.
“Talagang lumalayo na kayong pareho ‘no?” tanong ni Zach sakin habang naglalakad ako palabas ng canteen. Nadaanan namin ang table nilang dalawa pero hindi ko na lang sila tinignan. Ano pang gagawin ko? Eto naman gusto niya, wala na ‘kong magagawa.
Pinilit ko ng ilayo siya sa lalaking ‘yun dahil alam kong sasaktan lang siya nun pero wala eh, hindi siya naniniwala. Tama siguro ang sinasabi nila na mas importante nga talaga si Marcus sa kaniya kesa sakin na nakasama niya for nineteen years.
“Ano pa bang gagawin ko? Alangan naman ipilit ko pa sarili ko? Eh ayaw nga niyang makinig sakin” sabi ko habang naglalakad. Mas gusto niyang maniwala sa isang lalaki na iiwan lang naman siya.
“So lalayo ka na talaga?” tanong niya.
“Malamang, gagawin din naman niya ‘yun kahit na hindi ako ang lumayo,” sabi ko. Naalala ko ang mga sinabi niya kagabi. ‘Kung kaibigan mo talaga ‘ko, iintindihin mo ang gusto kong mangyari, lalayuan mo ‘ko.
Dahil kung hindi mo kaya, ako mismo ang gagawa nun para sa sating dalawa’ ‘yan ang eksaktong sinabi niya sakin kagabi. Kahit mahirap gawin dahil nakasama ko siya for nineteen years, kahit na hindi ako mahalaga sa kaniya, gagawin ko na lang, dahil naging kaibigan ko din naman siya ng totoo for how many years.
Siguro ngayon, hahayaan ko na lang sila, kaya kung iwan man siya ni Marcus, labas na ‘ko sa kanilang dalawa. Hindi naman sa wala akong pakialam sa kaniya, dahil sobrang may pakialam ako sa kaniya, kaya ko nga siya nilalayo sa taong ‘yun.
Pero wala eh, mas naniwala siya lalaking ‘yun na kelan niya lang nakilala kesa sakin na nakasama niya for nineteen years. Kaibigan niya lang naman ako, kaya siguro ganon, kaya minsan, napapaisip ako kung totoo ba ‘yung sinabi niya sakin ng gabi ng prom namin na nakasama ko siya.
Hindi ko alam kung totoo bang may gusto din siya sakin, kasi parang ang lumalabas sakin, parang wala talaga, parang sinabi niya lang ‘yun para hindi ako masyadong masaktan.
“So anong balak mo? Papano kung masaktan siya kay Marcus? ‘Di ba hindi naman seryoso si Marcus sa kaniya? Anong gagawin mo? Hahayaan mo na lang?” tanong niya.
“Malamang. Ilang beses ko naman ng pinilit na ilayo siya kay Marcus, pero siya ang may ayaw, ginawa ko na ang lahat para hindi siya masaktan, alam kong masasaktan parin siya oras na siya ang lumayo kay Marcus, pero mas doble kung siya ang maiiwan sa dulo, pero ano pang magagawa ko? Ayaw niyang makinig sakin, lahat ng paraan nagawa ko na, pero wala parin sa kaniya, kaya kung may mangyari mang hindi maganda, edi wala na ‘kong kasalanan dun, basta labas na ‘ko sa kanila, hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya, kaya okay na ‘yun, may isip din naman siya, tsaka gusto niya ng magdesisyong mag-isa, edi go, hahayaan ko na siyang magdesisyon mag-isa, akala niya kasi dinidiktahan ko na siya” sabi ko.
Hindi ko naman siya dinidiktahan kung anong gagawin niya, pero sinasabi ko lang sa kaniya ang dapat niyang gawin dahil masasaktan lang siya. Kung ‘yan ang gusto niya, edi gawin na lang niya, para maramdaman niya na naman ang masaktan ng taong mahal niya.
Ginagawa ko lang naman ‘yun dahil ayokong masaktan siya, Dahil ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ng ibang babaeng iniiwan lang agad.
“Teka nasan na ‘yung bracelet mo? Anong nangyari?” tanong niya pero hindi ako sumagot.
Ayoko siyang talikuran bilang kaibigan niya, pero ano pang magagawa ko kung siya na mismo ang gustong gumawa ng bagay na ‘yun? Pano ko pa ipaglalaban ang isang bagay ng ako lang? Pano ko ‘yun ilalaban para saming dalawa, kung ako lang?
“’Di ba bigay niya ‘yun? Nasan na?” tanong niya.
“Tanong mo sa kaniya, total siya naman ang may gawa kung bakit nawawala sa kamay ko ‘yun” sabi ko. Lalayuan kita George kung ito ang gusto mo. Kahit ayokong talikuran ka, gagawin ko.
“Lalayo ka na ba talaga? Parang kailangan ka parin niya?” tanong niya. Tinignan ko siya.
“Eh anong gagawin ko? Hahabulin ko siya kahit na lumalayo na siya? Ayoko namang magmukhang tanga, pinapalayo na nga niya ‘ko tapos ipipilit ko pa?” tanong ko.
“So you mean staying away to each other is the only solution for this?” tanong niya.
“Hindi para sakin. But for her, it’s the only solution for this. Tsaka, marunong naman akong rumespeto sa desisyon niya, kaya sige, lalayo na lang ako, kung dun siya sasaya” sabi ko.
Mahirap mang lumayo, pero kung ‘yun ang gusto niya, i’ll respect it. Just for her. Kung dito ko lang mapapatunayan sa kaniya na kaibigan ko talaga siya, gagawin ko, just for her. Just for you George gagawin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/242639309-288-k637408.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriend
JugendliteraturFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...