=====Chapter 62=====
The Truth About Marcus
GEORGE'S P.O.V.
Naglalakad ako sa hallway at ang daming mga nakatingin sakin. Sinasabi ko na nga ba, talagang dapat hindi ako nagsalita sa harapan nila eh, sana nagsend na lang ako ng email sa kaniya, pero baka hindi niya rin basahin, atlis 'yun hindi niya kayang hindi pakinggan kung nasa loob siya ng school o hindi. Kung wala naman siya dun, baka, may dumaan sa news feed niya na video ko, baka kasi may mga nagvideo nun, sa dami ba namang students sa school na 'to. O baka may nakapagkwento na sa kaniya, baka may nakapagsabi, kaya as maganda na rin 'to. Aalis na rin naman na 'ko sa school na 'to, one year na lang, okay lang 'yun, isang taon na lang naman, mawawala na din kapag natapos na. Makakalimutan din naman nila siguro ang mga sinabi ko kapag tumagal na.
"Hi" bati sakin ng nasa harapan ko kaya napatingin ako sa kaniya. Huminto ako sa paglalakad at tinignan ko siya. Nakatali siya ng braid at nakangiti ng sobrang lapad.
"Napanood kasi kita nung last Friday, nung programe, ang galing mo dun ah, pero totoo ba 'yung mga sinabi mo? Viral ka kasi ngayon sa page ng school" sabi niya at kumunot ang noo ko.
"Huh?" tanong ko.
"Nga pala, Gigi nga pala" sabi niya at nilahad ang kamay niya sakin. Ngumiti ako ng ilang sa kaniya.
"Ah, hehehehe, George" sabi ko at tinanggap ko ang kamay niya. Binitawan niya ang kamay ko.
"Sige ah, una na 'ko, bye" sabi niya at umalis na. Sino ba 'yun? Hindi ko naman siya kilala. Sino ba ang taong 'yun? Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Sino kaya 'yung taong 'yun? Ni hindi ko nga siya kilala.
Two days na ang nakakalipas ng gawin ko ang bagay na 'yun pero wala paring nagbago, ganon at ganon parin. Hindi parin ako pinapansin ni Grey. May bago na nga ata siyang bestfriend eh, palagi nilang kasama 'yung babaeng 'yun. Naglakad na lang ako papunta sa room namin. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Grey na kasama na naman 'yung babaeng 'yun at ang saya-saya nila. Nakangiti si Grey.
May kapalit na ata talaga 'ko. Mukhang wala ng pag-asa. Nagulat ako ng mapatingin sakin si Grey pero nag-iwas ako kagad ng tingin. Kung panagip man 'to, sana gisingin na nila 'ko, sana magising na 'ko. Malungkot akong naglakad papunta sa room namin. Wala akong ganang umupo sa upuan ko.
"Sikat ka ngayon ah?" tanong ni Cally sa tabi ko pero hindi ako umimik.
"Anong mukha 'yan?" tanong niya at tinignan ko siya.
"Pano kaya babalik si Grey sakin kung may kapalit na 'ko?" tanong ko at ngumiti lang siya sakin.
"Ano bang sinasabi mo, baka kaibigan niya lang---"
"Alam ko, alam kong baka kaibigan niya 'yun, pero ang sakit lang na may kapalit na 'ko bilang kaibigan niya" sabi ko at huminga akong malalim. Parang may sobrang malaking tinik sa dibdib ko na hindi ko matanggal, dahil sa sobrang bigat.
"Balak mo ng sumuko?" tanong niya at tumango ako. Wala na 'kong pag-asa, may bago na siyang bestfriend.
"Pano 'yung mga ginawa mo? Kung kelan alam na niya 'yung dahilan mo, susuko ka na? Kung kelan narinig na niya ang gusto mong marinig niya, susuko ka na lang? Ganon na lang 'yun?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. Narinig niya ang mga 'yun? Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
"Narinig niya lahat ng 'yun?" tanong ko.
"Oo, hindi mo ba siya nakita?" balik tanong niya. Nandun pala siya ng time na 'yun? Hindi ko kasi siya makita. Sa dami ng tao, hindi ko alam kung nasaan siya. Hinahanap ko kaya siya dun. Akala ko nga wala siya dun.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...