Chapter 52

4 2 2
                                    


The Truth


GEORGE’S P.O.V.

Naglalakad ako sa hallway ng school dahil pauwi na ‘ko. Napatingin ako sa gilid ko ng may sumabay sakin sa paglalakad at inakbayan niya ‘ko. Napangiti na lang ako sa kaniya.


“Hatid na kita? O gusto mong lumabas muna tayo?” tanong niya habang nakangiti.


“Labas muna tayo, pwede ba?” tanong ko habang nakangiti.


“Sige, san mo gusto?” tanong niya.


“Wala ‘kong maisip, kahit san na lang” sagot ko.


“Sige,” sabi niya at tinanggal ang pagkakaakbay sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na lang kami.


Palabas na kami ng building at napatingin ako sa isang lalaking nakasalubong namin na papasok ng building. Saglit niya lang akong tinignan pero wala pa atang five seconds or two seconds ang tinagal ng tingin niya sakin.


Tuloy lang siya sa paglalakad na para bang walang nakita. Talagang tinupad niya ang sinabi kong lumayo siya. Ayoko sanang malayo sayo ng sobra, pero ito lang ang nakikita kong daan para hindi ka mas masaktan pa at para hindi ka na umasa pa ng sobra, para rin makahanap ka na ng ibang mas deserve sayo at para rin mas mabilis ka ng makamove-on.


Okay na ‘to kahit na masakit, magmo-move on na lang ako sa feelings ko para sayo dahil si Marcus na ‘yung boyfriend ko ngayon at, hindi ko na maibabalik pa ang lahat sa dati kahit na magdamag ko pang pagsisihan ang mga nangyari.



Naglakad na lang kaming dalawa ni Marcus papunta sa tapat ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ‘ko ng pinto. Pumasok ako sa loob at nagseatbelt ako. Pumasok siya sa loob at napatingin ako sa kaniya.


Nginitian niya ‘ko at ngumiti din ako. Pinaandar niya ang sasakyan. Sana maging masaya tayong dalawa balang araw sa mga sarili nating buhay. Hindi man naging tayo, pero naging mabuti naman ang desisyon nating dalawa.



Makahanap ka rin sana ng magpapasaya sayo Grey. Sana makahanap ka na ng seseryosohin mo. Kahit na maging malayo na tayo sa isa’t isa, hindi parin kita kakalimutan bilang bestfriend ko. Ikaw pa rin ang bestfriend ko, hanggang dulo.


***

“Bye! Tulog ka na ah, susunduin pa kita bukas” sabi ni Marcus habang nakangiti. Napangiti ako saka tumayo. Nakatayo siya sa harapan ko at nasa tapat kaming dalawa ng gate ng bahay. Pinisil niya ang magkabila kong pisngi.


“Oo na, matutulog na ‘ko, ikaw? Anong gagawin mo?” tanong ko.


“Uuwi, wala naman na ‘kong ibang pupuntahan, kaya matulog ka na,” sabi niya at tumango ako.


“Sige na pasok ka na sa loob” sabi niya habang nakangiti. Nagtip toe ako at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti lang siya sakin saka ginulo ang buhok ko.


“Bye” sabi ko at nagwave ako bago pumasok sa gate ng bahay. Narinig ko ang sasakyan niyang umandar na paalis. Naglakad ako papasok ng bahay.


Ang saya ng araw na ‘to kahit na wala si Grey, pero kahit papano, meron paring konting kirot kapag naaalala ko siya at kapag naririnig ko ang pangalan niya pero hindi na ganon kalala. Masakit parin, pero hindi na sobra sobra.


Siguro, tama lang siguro na lumayo na nga kaming dalawa sa isa’t isa para hindi na kami masaktan pa. Meron naman na ‘kong iba, kaya ayoko namang paasahin pa siya.


Ayoko ng ganon, dahil hindi naman ako paasa. Aakyat pa lang sana ako pero nakarinig na ‘ko ng tunog galing sa gate namin.


“Tok tok tok” rinig kong katok sa gate namin. Humarap ako sa likuran ko. Sino kaya ‘yun?


“George nandiyan ka na pala, pabukas naman ng gate, baka nandiyan na ang bisita ko” sabi ni mama habang nasa kusina nagluluto kaya napatingin ako sa kaniya.


“Opo,” sabi ko at naglakad ako palabas. Huminto ako sa tapat ng gate namin. Yumuko ako saka binuksan ang pinto ng gate. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Zach? Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?


“Anong ginagawa mo dito? May kailangan----“
“Usap tayo, kahit saglit lang, pwede ba?” putol niya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Ano namang pag-uusapan namin? Baka tatanungin niya ‘ko tungkol kay Grey.


Pero ayoko munang makipag-usap sa mga malalapit kay Grey hangga’t maaari, baka kasi may masabi ako na hindi ko dapat masabi at mamaya sabihin niya kay Grey, edi aasa na naman si Grey. Kaya ayoko. Ayokong lumala.


“Wala ‘kong oras Zach, pasensiya----“


“Please, kahit saglit lang” putol niya sakin. Huminga akong malalim at tinignan ko siya.


“Wala talaga ‘kong----“


“Thirty minutes, sige na please, kahit saglit lang” sabi niya. Huminga akong malalim at tinignan ko lang siya ng seryoso.


Tahimik lang kaming naglalakad ni Zach sa village namin. Hindi ako nagsasalita dahil ayokong ako ang unang magsimula. Mas maganda kung siya ang mauunang magsimula ng topic dahil siya ang nagpilit na mag-usap kaming dalawa. Hindi ko din alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Pero may hinala na ‘ko na tungkol ‘to sa nangyari saming dalawa ni Grey.


“Nga pala, kaya ‘ko gustong makausap ka dahil sana tungkol kay Marcus at Grey, sana ‘wag kang magalit” sabi niya. Naglakad lang kami ng naglakad. Ano naman kayang tungkol sa dalawa ‘to?


“Dederetsiyahin na kita ah, bakit ‘di ka naniwala kay Grey?” deretsiyahan niyang tanong kaya napatingin ako sa kaniya.


“Naniniwala naman ako sa kaniya palagi ah, kaya anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Huminga siyang malalim at nag-iwas ng tingin sakin.


“Hindi diyan sa ibig mong sabihin ang sinasabi ko, kundi dun sa sinabi niya na tungkol kay Marcus. Bakit hindi ka naniwala? Maiintindihan ko pa kung lalayo ka, dahil may dahilan ka, hindi ka rin naman namin masisisi dahil kahit sino, gagawin din ang ginagawa mo, pero bakit ‘di ka naniwala ka sa kaniya? Bakit sa taong nineteen years na nakasama mo, dun ka pa hindi naniwala?” tanong niya. Naniniwala ako sa kaniya, pero may tiwala din ako kay Marcus. Tsaka, ginawa ko lang ‘yun dahil gusto ko na siyang lumayo muna sakin.


“Alam mo Zach, hindi mo ‘ko naiintindihan,” sabi ko.


“Pwes ipaintindi mo, kasi kung gusto mo talagang magdesisyon ng sarili mo, matagal mo naman ng ginagawa ‘yun ‘di ba? Gina-guide ka lang niya sa ginagawa mo, hindi naman niya hinihiling na sundin mo, pero ginagawa niya ‘yun dahil takot na siyang masaktan ka katulad ng dati, naalala mo naman siguro ‘yun ‘di ba?” tanong niya at tumango ako. Hindi na lang ako nagsalita dahil may point naman siya.


“Alam mo naman na siguro na mahigit two years na siyang may gusto sayo, at ginagawa niya ‘to dahil takot na siyang masaktan ka ulit ng dahil lang sa ibang lalaki, takot lang siya na masaktan ka, hindi lang dahil may gusto siya sayo, dahil kaibigan ka niya, kung tutuusin, mas malapit ka sa kaniya kesa sakin, o samin, kung tutuusin nga din, mas mahalaga ka pa” sabi niya.


“Masakit para sa kaniya na makita kang nasasaktan at umiiyak sa ibang lalaki at wala siyang magawa para lang mawala ang lahat ng ‘yun, sabihin na natin na malaki talaga ang tiwala m okay Marcus, pero sana naman makinig ka kay Grey kahit na lumayo na kayo sa isa’t isa dahil hindi niya ‘to ginagawa para maghiwalay kayo, ginagawa niya ‘to dahil concern siya sayo, dahil bestfriend ka niya, ‘wag mo sanang mas lalong sirain pa kung anong meron kayo, sira na nga kayo ngayon, tapos patutunayan mo pa na wala na talagang pag-asa pa” sabi niya.


“Bakit ba hindi niyo ‘ko maintindihan? Ginawa ko lang naman lahat ng ‘yun dahil ayokong mas masaktan pa siya” kunot noo kong sabi.


“George, hindi ko sinasabing hindi kita naiintindihan, kasi naiintindihan naming lahat kahit si Grey kung lalayo ka, natural lang ‘yun dahil sa nalaman mo----“


“Pero may gusto nga din ako sa kaniya, kaya ‘ko lumalayo at kaya ko din siya pinapalayo sakin, kapag hindi ko ginawa ‘yun, iisipin niya lang ng iisipin na may pag-asa pa siya kahit wala na talaga” sabi ko. Hindi nila ‘ko naiintindihan. Wala na ba talagang nakakaintindi sa point ko? Huminto ako sa paglalakad at huminto din siya.


“George patapusin mo muna kasi ako, alam kong may gusto ka din sa kaniya, alam ko ‘yun, simula pa lang, nararamdaman ko na ‘yun sayo. Pero George okay lang kung hindi mo talaga masusuklian ang nararamdaman ni Grey kahit kelan, basta makinig ka lang sa kaniya kahit sa huling pagkakataon na lang. Naiintindihan ka namin kung bakit mo ‘to ginagawa, ginagawa mo ‘to dahil alam kong ayaw mo siyang masaktan, dahil may boyfriend ka, pero utang na loob George maniwala ka naman kay Grey, dahil lahat kami nakita ‘yung sinasabi niya, kahit si Rose, nakita niya ‘yun, hindi nagsisinungaling si Rose kahit kanino sa kaibigan niya. Hindi niya din ako kinukunsinte kung mali na ang side ko, ngayon kung ayaw mong maniwala kay Grey, sakin, o sa iba pa niyang kaibigan dahil sa tingin mo, sa side lang kami ni Grey nakikinig, go and talk to Rose,” sabi niya at umupo ako sa gilid ng kalsada.


Hinilamusan ko ng kamay ko ang mukha ko. Bakit ba nangyayari ang ganito sakin? Bakit ba ang tanga tanga ko pagdating sa ganito? Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.



“Hindi ko gustong guluhin ang isip mo, napamahal ka na kay Marcus, kaya siguro hindi ka na din naniniwala sa iba, alam mo, Grey always thought that Marcus was the luckiest man he knew because he have you” sabi niya.



“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ang gulo-gulo na ng isip ko” sabi ko at yumuko ako. Ano na bang gagawin ko? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ng dapat kong gawin.


Gusto ko din naman na magkaroon ng sarili kong desisyon pero ngayon, eto na, ako na lang ‘yung dapat na magdesisyon para sa sarili ko. Mas maganda pa palang nandito si Grey na nagbibigay sakin ng dapat kong gawin kesa wala siya. Mas mahirap kapag wala siya. Mas mahirap kapag wala ang bestfriend ko.


Pero ayoko naman na mapalapit pa siya sakin ulit. Kung pwede lang sabihin na sorry dahil inakala kong sarili mo lang ang iniisip mo, ginawa ko na para maayos ko lahat.


Pero hindi pwede eh, pero kung totoo man na niloloko ako si Marcus, lalayo muna ‘ko kahit sandali, alam ko kasi nab aka biglang magparamdam kagad si Grey, kahit saglit lang, kahit ilang araw lang, para naman hindi magmukhang parang hindi dumaan sakin si Marcus.


Dahil hindi talaga ganon. Pero kapag hindi na nagparamdam pa si Grey, hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Hindi ko alam kung babalik ba ‘ko kay Grey, baka kasi siya naman ang tumulak sakin palayo.



“Makinig ka lang sa kaniya, at siguradong hindi ka masyadong masasaktan kay Marcus, ginagawa lang ‘to ni Grey dahil ayaw niyang maranasan mo ang mga nararanasan ng ibang babae, gusto niya kasi, ikaw ang mang-iwan hindi si Marcus. Para naman maunahan mo si Marcus sa gagawin niya, alam mo naman na siguro na ginagawa niya ‘to dahil sa kaibigan ka niya at concern siya sayo, hindi dahil gusto niyang iwan mo si Marcus, kasi kung hindi niya ‘yun magagawa sayo, ayaw nga niyang masaktan ka tapos gagwin niya ‘yun? Sana pag-isipan mo ‘yan, sana maliwanagan ka,” sabi niya habang nasa tabi ko nakaupo.



“Pano kung tana nga kayo? Anong gagawin ko? Pano kung tama kayo na niloloko lang ako ni Marcus? Anong gagawin ko? Iiwan ko siya? Parang hindi ko naman ata kayang mang-iwan ng iba, hindi ko gawain ‘yun” sabi ko saka tumingin sa kaniya.


“Ikaw ang bahala, nasa sayo naman ang desisyon wala samin, sinasabihan lang kita, ni Grey, pero nasa sayo parin ang desisyon” sabi niya. Ano na bang gagawin ko? Pano ko na ‘to gagawin? Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan na ‘ko sa mga nangyayari.


“Wala naman samin ang desisyon nasa sayo pa rin, nasa sayo kung susundin mong ikaw ang mang-iwan, kasi kung si Grey, ‘yun ang gusto niyang gawin mo dahil ayaw niyang masaktan ka ng sobra kapag nalaman mo na. Pero kahit ano pang marinig mo sakin, kay Grey at sa iba pa, nasa sayo parin ang desisyon. Hindi kita dinidiktahan, sinasabihan lang kita” sabi niya at tinitigan ko lang siya sa mga mata. Niloloko ba talaga ‘ko ni Marcus?


Totoo ba ‘yun? Kausapin ko kaya si Grey? Kausapin ko kaya siya kahit saglit lang? Pero parang nakakahiya naman kung kakausapin ko siya kasi ako ang nagsabing lumayo na siya tapos ako pa ‘tong lalapit sa kaniya.


Parang kinain ko lang ang mga sinabi ko. Pero pano kung niloloko nga ‘ko ni Marcus? Edi babalik din naman ako kay Grey, pero pano kung siya naman ang lumayo?


Anong gagawin ko? Rerespetuhin ko na lang, dagil kung ‘yun naman talaga ang gusto niya, rerespetuhin ko, kasi kung siya nga, nirespeto niya ang desisyon ko, tapos ako hindi ko magawa?


“Dzzzt  dzzzt dzzzt” vibrate ng phone niya kaya napaiwas siya ng tingin sakin. Binuksan niya ang phone niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Susundin ko ba si Grey? 50-50 ang stage ng utak ko ngayon, pero ano ba talaga ang gagawin ko? Wala naman akong nakikitang chance na iiwan nga ‘ko ni Marcus, pero ni minsan, hindi pa nagsabi ng mali si Grey sakin.


Kapag sinabi niyang hindi seryoso ang isang tao sakin, totoo ang sinasabi niya dahil naranasan ko na ‘yun one time. Katulad ng nanliligaw sakin dati, sabi niya hindi daw seryoso sakin ang lalaking ‘yun. Totoo naman ang sinasabi niya.



Dahil kinabukasan, nakita ko na lang na may kasamang iba ang lalaking ‘yun at ang dami pa niyang dini-date. Kaya thankful ako na may kaibigan akong katulad ni Grey na palaging nandiyan. Pero ngayon, dapat ko ba siyang pakinggan?


Dapat ba ‘kong makinig sa kaniya ngayon? Dapat ba? Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Pero susubukan kong itama ang lahat habang maaga pa. Puntahan ko kaya si Grey?


Parang nakaka-awkward ang ganon. I-message ko na lang kaya siya? Pero baka hindi niya tanggapin kaya mas maganda talagang kausapin siya ng personal. Hindi through online. Parang ang hirap kainin ng sarili kong priede pero walang mangyayari kung hindi ako magpapakumbaba.


Ako kasi ang medyo may mali din, pero kasi kapag hindi ko ‘to ginawa ngayon, baka mas lalong lumala sa susunod. Lalo na, baka totoo talaga ang mga sinasabi nila dahil marami silang nakakita, tsaka wala namang mawawala kung makikinig ako kay Grey ngayon.


Kasi kung totoo man ‘yun, ako na naman ang maiiwang mag-isa. Pero sa ngayon, bago muna ako gumawa ng desisyon, pag-iisipan ko munang mabuti para hindi ako masaktan. Huminga akong malalim at tinignan ko si Zach.


May pinipindot pindot siya sa phone niya. Bago ko muna kausapin si Grey, mag-iisip muna ako. Ayokong sumugal ulit, pero simula pa lang naman, sugal na lahat ng lahat ng ‘to. Hindi mabubuhay ang isang tao kung hindi siya susugal.


Parang isang malaking laro ang buhay, kung hindi ako susugal, talo ako agad, ako ulit ang masasaktan, pero kung kung susugal ako, magkakaroon ako ng chance na manalo kahit papano.


Pero bago ako sumugal, bago ako magdesisyon ulit, kailangan ko munang pag-isipan, kasi kapag ‘di ko ginawa ‘yun, baka masaktan lang ako lalo. Nag-iwas ako ng tingin kay Zach. Sana Grey, tama ka nga, pero sana kapag tama ka nga, ‘wag mo muna ‘kong layuan dahil kailangan kita. Kailangan ko ng kaibigan.



Gusto ko sanang patunayan kay Grey na kayang magbago ni Marcus pero parang hindi ko magagawa ‘yun parang sumugal na naman ako sa maling tao. Akala ko, mapapatino siya ng katulad ko, pero hindi pala.


“George, maiwan muna kita, o gusto mo, hatid muna kita sa bahay niyo kahit saglit lang, pupuntahan ko lang kasi saglit si Grey, pag-isipan mo na lang ang mga sinabi ko ngayon, sana maliwanagan ka na, ‘wag kang magpakatanga sa maling lalaki, marami pang ibang lalaki diyan, kahit hindi si Grey ang piliin mo, kahit sino, basta matino, at hindi ka lolokohin” sabi niya. Kahit hindi si Grey? Pero may mahahanap pa ba ‘kong matinong lalaki sa ngayon? May mga lalaki pa bang ganon? ‘Yung simpleng babae lang ang type? Meron pa ba nun?


“Lika na, hatid kita saglit” sabi niya at tumayo.
“Sasama ako” agad kong sabi sa kaniya habang nakatingala sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at nakatingin sakin.



“Sasama ka sakin? Saan?” tanong niya at tumayo ako. Hindi ko alam kung bakit gusto kong sumama sa kaniya pero parang may nag-uudyok sakin.


“Sa pupuntahan mo” sagot ko.


“Baliw ka ba? Sa bar ako pupunta hindi lang sa bahay ni Grey, at siguradong magagalit sakin si Grey kapag nakita ka niya dun, kaya hindi pwede” sabi niya at napasimangot ako.


“Sige na, pinayagan naman kita na kausapin ako ngayon, kaya ako naman pagbigyan mo kahit saglit lang” sabi ko. Grabe talaga ‘tong lalaking ‘to, napakaKJ.



“Hindi parin pwede” sabi niya at nag-iwas siya ng tingin sakin.
“Bahala ka, kapag ‘di mo ‘ko sinama, ako na lang pupunta mag-isa dun sa pupuntahan mo” sabi ko kaya bahagya siyang napaawang ng labi.


“Anong sabi mo?” tanong niya.


“Bahala ka, ayaw mo naman siguro na pumunta ako dun ng mag-isa, sige iwan na kita ah” sabi ko at naglakad ako mag-isa. Bibilang ako ng tatlo, tatawagin na ‘ko niyan.


“Isa,” mahina kong bilang sa sarili ko.


“Dalawa,”


“Tatlo!” “George sandali,” sabi niya at hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko siya.


“Sasama na ba ‘ko?” tanong ko.



“Hindi pa rin” sabi niya kaya napasimangot ako ng bigla.



Nakangiti lang ako habang nakasakay ako sa passenger seat ng sasakyan ni Zach. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at sumama ako. Siguro, gusto ko din na makita si Grey, kahit makita lang siya okay na ‘ko.


Ano kayang mangyayari pagkatapos nito? Ano kayang mangyayari kapag totoo ang sinasabi ni Grey sakin? Mas pipiliin ba niyang lumayo na lang talaga o siya mismo ang lalapit sakin?


Naalala ko din ang mga sinabi niya tungkol sakin dati, ‘yung nakita niya ‘kong kasama ko na si Marcus, nung nalaman niya na meron na talagang kami. Ang huli niyang sinabi…


‘Pero oras na umiyak ka sa kaniya, oras na saktan ka niya, 'wag na 'wag kang lalapit sakin ng umiiyak, ng dahil lang sa iniwan ka niya para sa ibang babae’ pano kung gawin niya ang mga sinabi niya sakin nung time na ‘yun?


Pano kung kahit lapitan ko siya dahil kailangan ko siya, malalaman ko na lang na lalayo na talaga siya. Pano ‘to? Parang nagsisisi na ‘ko sa mga naging desisyon ko dati, parang nagsisisi na ‘ko sa mga nasabi ko dati. Pero wala pa naman, pano kung hindi naman totoo ang sinasabi ni Grey? Nila Zach?


Pano kung mali lang sila ng pagkakaintindi. Ni hindi ko nga alam kung pano nila nasabi. Teka, itanong ko kaya kay Zach? May karapatan naman siguro ako na malaman ‘yun dahil ‘yun ang sinabi nila. Karapatan ko naman na magtanong ng proof nila.


“Zach, pwede bang magtanong sayo?” tanong ko sa kaniya sabay tingin sa kaniya. Siguro naman okay lang kasi kaibigan din naman niya ‘ko. May karapatan din naman ako na malaman ko ‘yun dahil girlfriend ako ni Marcus ngayon.


“Ano ‘yun?” tanong niya habang nagmamaneho. Huminga akong malalim.


“Anong proof niyo na niloloko ako ni Marcus? Wala kasing nasabi si Grey sakin, pwede bang malaman?” mahinahon kong tanong. Ang hirap kasing maniwala ng walang proof.


Kaya ko namang maniwala kay Grey sa kahit anong sitwasyon, pero ang hirap lang paniwalaan lalo na ngayon, napamahal na ‘ko kay Marcus kaya may tiwala na din ako sa kaniya na hindi niya ‘yun magagawa.


Kaya kailangan ko ng proof. Kahit sino naman siguro ganito ang gagawin. Napangiti siya ng bahagya na ikinakunot ng noo ko. Bakit siya tumatawa? Nababaliw na ba siya?


“Kaya naman pala hindi ka naniniwala, hindi pala nasabi sayo ni Grey, kaya naiintindihan ko na, mahirap talagang maniwala ng walang proof, pero, gusto mo talagang malaman?” tanong niya. Tumingin siya sakin pero saglit lang. Tumango ako.



“Oo” deretso kong sagot.



“Gabi na nun, umiinom siya at ako sa bar, saktong dumating din si Rose nun, kaso dahil napagitnaan namin si Grey nila Nate na ay kasama din, medyo na-akward-an siya kaya aalis sana siya, kaso paghara niya…”



Kinuwento sakin lahat ni Zach hanggang sa dulo. Hindi ‘ko akalain na magagawa niya ‘yun. Siguro tatanungin ko din si Rose para talagang 100 percent na ‘kong naniniwala sa kanila. Pero hindi ko naman siguro hihintayin pa ‘yung point na ako nga ‘yung iwan niya.


“Sana naman maniwala ka na” sabi niya. Hindi na lang ako nagsalita.


“Maraming nakakakita ng nangyaring ‘yun, halos mapatay na nga ata ni Grey si Marcus nun kung hindi lang siya inawat, ‘wag mo ring sabihin na kaibigan niya ‘yun, dahil walang magkaibigan na naghahalikan sa labi,” sabi niya at naalala ko ang mga nangyari nung gabi ng prom night. Imbes na si Marcus ang kasama ko, si Grey, buong gabi, siya ang kasama ko.


The dance, the kiss in the middle of the starry night, the smiles, lahat naalala ko pa. Alam ko naman ang tawag dun, cheating, dahil may boyfriend na ‘ko.


Pero kung totoo man na nagloloko si Marcus, quits na kami, kung ilang beses na niyang ginawa ang lahat ng ‘yun, parang sobra naman na ata siya sakin? Kung ginagawa niya ‘yun dahil nakita niya ‘yung ginagawa namin sa prom night ni Grey, ibig sabihin lang nun, ako ang may kasalanan.


Pero kung matagal na niyang ginagawa ‘yun, hindi ko na lang alam. Dahil alam kong wala na sakin ang problema, na kay Marcus na. Pero sana wala talaga, sana mali lang sila ng hinala. Sana lang, dahil ayokong masaktan ulit.


Napamahal na sakin si Marcus at ayokong mawala siya sakin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. May mga bagay kasing hindi ko pa alam kaya siguro ganito ako. Kaya siguro gulong gulo ako.


“Matagal niyo na ba siyang nakikitang ganon?” tanong ko.


“Ako oo, pero si Grey kelan lang, ayoko lang sabihin sayo dahil baka hindi mo lang ako paniwalaan. Kapag kasama ko si Rose sa labas, madalas ko siyang makitang may kasamang iba, hindi sa sinisiraan ko siya sayo, pero ‘yun ang---“


“Okay kang, medyo naniniwala ako sa inyo, kaya okay lang” sabi ko habang nakangiti. Pagkatapos ng sinabi ko ay tahimik na tahimik lang kami sa biyahe.


Kung totoo nga ‘yun, bakit pa ‘ko niligawan ni Marcus ng mahigit sa three months? Bakit pa sita nagtiis ng ganon katagal? Alam kong cassanova siya, pero pano siya nakatiis na ligawan ako ng three months?


Anong dahilan mo Marcus? Kasi kung naghahanap lang siya ng mapaglalaruan niya ng feelings, marami naman siyang babaeng mahahanap pa diyan na isang lapit lang niya, makukuha na kagad niya, pero bakit ako pa? Bakit siya nakatagal sa ganon? Siguradong may dahilan ka Marcus, ang hindi ko lang alam ay kung ano ‘yun.


“Nandito na tayo,” sabi niya at pinarada ang sasakyan niya. Binuksan niya ang sasakyan niya at lumabas. Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na din ako.


Nakita ko siya na nakatayo lang at may kausap na isang babae. Si Rose ‘yan, alam ko. Napangiti na lang ako sa kanila dahil halata kong nag-aalala ng sobra sa kaniya si Zach. Ang swerte nilang dalawa sa isa’t isa.


Naglakad ako papunta sa tapat ng pinto ng bar. Huminto ako sa tapat ng pinto at bubuksan ko pa lang sana kaso bigla ‘yung nagbukas. Nakangiti lang ako kaso ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto ay nagulat ako.


Nakangiti silang dalawa at nakita ko kung pano niya halikan ang kaakbayan niyang babae dahil hindi pa ata nila ‘ko napupuna. Napatingin sakin si Marcus at nawala ang ngiti sa mga labi niya.


“Sino siya? Ang sweet niyo ah,” sabi ko. Parang hindi ako makahinga sa mga nakita ko. Para bang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makahinga.


“Girlfriend ko bakit? May problema ba kung maging sweet kami?” tanong niya at biglang may umagos na luha galing sa mga mata ko. Napanganga ako ng bahagya dahil sa inis ko.


Hindi lang inis ang nararamdaman ko, dahil ang sakit din, ang sakit dahil siya ang mas pinaniwalaan ko kesa kay Grey, ang sakit lang. Naramdaman kong may lumapit sakin mula sa likod.


“George ‘wag ka ng mag-aksaya sa taong ‘yan” rinig kong sabi ni Zach galing sa likod ko.


“Who is she?” malanding tanong ng kasama niyang babae. Hindi nawala ang titig ko kay Marcus na nakatitig din sakin. Pinunasan ko ang luha ko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Huminga akong malalim at tinignan ko siya.


“Wala, girlfriend niya lang naman ako” sabi ko at tumalikod ako. Naglakad ako palayo sa kanila. Bakit ba ‘to nangyayari sakin? Bakit kailangan na lokohin pa ‘ko?


Ang laki ng tiwala ko sa kaniya, sumugal ako sa kaniya at nilayuan ko si Grey tapos ganito lang pala? Pero hindi parin ako makapaniwala na magagawa niya ‘to sakin.


Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang ganitong bagay sakin. Hindi ko akalain na tama nga talaga sila Grey. Sana pala talaga naniwala nga ‘ko kay Grey.



Ang tanga ko para hindi maniwala sa kaniya. Ano bang nagawa ko sa buhay ko? Sana pala hindi na lang ako nagpumilit pa na sumama kay Zach kung ganito din lang.


Huminto ako sa paglalakad ng malaman kong malayo na ‘ko sa bar na ‘yun. Umupo lang ako dahil ang sakit talaga na malaman ang ganong bagay.


Ang sakit kasi, ang sakit dahil mas pinaniwalaan ko ‘yung iba kesa sa kaibigan ko na palaging nandiyan. Grey I’m sorry. Sana matanggap mo ‘yung sorry ko. Grey I’m sorry talaga.


“Sana kaya mo pa ‘kong patawarin” sabi ko sa sarili ko. Kasalanan ko ‘to eh. Bakit ba kasi ang manhid manhid ko? Bakit hindi ko maramdaman ang mga nangyayari sa paligid ko?


Bakit hindi ko alam na matagal na pala niya ‘kong niloloko?! Bakit ang tanga tanga ko?! Minsan nakakainis narin ang sarili ko dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.


Ni hindi ko nga alam kung sino ba talaga ang mahal ko. Hindi ko alam kung ang ba talaga ang nangyayari sakin? Ang sakit oo, sobrang sakit dahil nagtiwala ang sa kaniya ng sobra sobra.


Mas pinaniwalaan ko pa siya kesa kay Grey na totoo naman pala ang sinasabi niya. Naniniwala din naman ako nun ka Grey kaso sinabi ko lang ‘yun dahil gusto kong lumayo na siya sakin.


Dahil masasaktan lang siya, which is dapat hindi ko na ginawa dahil niloloko lang naman ako ni Marcus, ang hirap paniwalaan dahil mas pinili ko pa si Marcus kesa sa kaniya. Mas pinaniwalaan ko si Marcus dahil ayokong mas masaktan pa si Grey at ayoko ding masktan si Marcus dahil akala ko mahal niya din ako.


Ang hirap at ang sakit sakit lang talaga. Ang sakit dahil nasabihan ko pa ng masasakit na salita si Grey para lang lumayo siya sakin. Para lang hindi na siya mas masaktan pa dahil hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya sakin dahil merong kami ni Marcus at ayokong iwan siya, ayoko rin na magmukhang hindi ko minahal si Marcus dahil ang totoo, minahal ko naman talaga siya.


Minahal ko siya ng sobra. Nagkamali lang ako ng pinaniwalaan. Dapat mas naniwala ako kay Grey. Dapat mas naniwala ako sa kaniya. Ang bobo ko!


At ang tanga-tanga ko! Wala ‘kong mukhang ihaharap sa kaniya ngayon. Kahit magsorry naman ako, alam kong hindi niya tatanggapin dahil alam kong gagawin niya kung anong mga sinabi niya dati. Sabi niya, ‘wag akong lalapit sa kaniya kapag nasaktan ako kay Marcus, pero wala na ‘kong ibang pagsabihan.


Gusto kong malaman na niya, gusto kong siya ang unang pagkwentuhan ko pero alam kong hindi niya ‘ko papansinin. Sa ginawa ko ba naman? Tsaka sabi ko lumayo na siya sakin, lumayo naman na siya, ginawa na niya, kaya baka balewalain niya lang ako. Wala akong mapagkwentuhan.


Wala akong mapagsabihan ng problema ko. Gusto kong ilabas lahat sakit na nararamdaman ko kay Grey, gusto ko ng kakampi ngayon, pero baka balewalain niya lang ako, ilang linggo ko ba naman siyang daan daanan lang sa hallway?


Nakakainis talaga ang sarili ko! Ang sakit sakit ng nararamdaman ko! Ang sakit sakit. Parang hindi ko kaya. Sabi ko, ayokong mawala silang dalawa sakin pero eto ngayon, nawala na talaga silang dalawa sakin, lalo na si Grey na ang tagal ko ng nakasama.


Kung lalayuan man niya ‘ko at hindi ako papansinin, tatanggapin ko, irerespeto ko ‘yun katulad ng pagrespeto niya sa desisyon ko. Sana kahit ikaw man lang Grey, ‘wag mawala sakin.


Ngayong alam ko na ‘yung totoo, sising sisi ako na hindi kita mas pinili. Ang pangit naman kasing tignan kung iwan ko ng walang dahilan si Marcus, at piliin kita, i-entertain kita, nagmukha naman akong malandi nun, parang naging katulad lang ako ni Marcus.


Pero sana kung hindi lang ako naging pasaway, kung hindi ko lang in-entertain si Marcus simula pa lang, sana hindi ‘to nangyari. Pero kasi kung hindi ko gagawin ‘yun, mahuhulog lang ako sayo ng sobra sobra. Akala ko kasi, hindi ka talaga magkakagusto sakin kaya ko ‘to ginawa. Pero sana, hindi pa huli ang lahat. Sana may pag-asa pa.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon