Don’t…
Paglabas ko ng gate ay hinanap ko kagad si Grey ng mga mata ko pero wala akong nakita kahit na anino niya. Nasaan na kaya 'yun? Sabi niya sabay daw kami ngayon eh. Baka naman hindi pa nagigising? Ganon naman palagi 'yun, dahil sa anong oras siya palaging natutulog. Tawagan ko kaya siya? Subukan ko kaya siyang tawagan? Baka naman ayaw pa niyang pumasok? Kinuha ko ang phone ko at di-nial ko ang number ni Grey saka siya tinawagan. Sinagot naman niya kagad.
"Grey---"
"Don’t call me, just don’t. Gusto kong mapag-isa" putol niya sa sasabihin ko sana.
"Grey ano bang----"
"George, just leave me alone" sabi niya saka pinatay ang phone niya. Okay lang kaya siya?
"Hi George" sabi ni Zach sa harapan ko kaya napatingin ako sa kaniya. Tinignan ko si Zach ng kunot ang noo ko. Okay lang kaya si Grey? Ano kayang nangyayari sa kaniya? Kahapon lang, okay lang naman siya, pero ngayon, parang may problema na naman siya.
"What is the purpose of your face?" tanong niya.
"Si Grey kasi eh, alam mo ba kung anong nangyayari sa kaniya? Puntahan ko kaya? Mukhang hindi siya okay eh" sabi ko at maglalakad na sana ako papunta sa bahay nila Gry kaso hinawakan ni Zach ang braso ko. Tinignan ko siya.
"Hayaan mo na lang muna siya, baka mag-away na naman kayo" sabi niya at huminga akong malalim. Oo nga, baka mag-away na naman kami. Pero alam kong hindi ako magiging maayos ngayong araw hanggat hindi ko siya nakikita. Gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung anong ginagawa ni Grey ngayon. Baka kung ano-ano ng ginagawa niya. Hindi naman nila maaalis ang hindi ako mag-alala dahil kaibigan ko siya.
"Ayos lang siya, kaya 'wag kang mag-alala, baka mag-away lang kayo ulit, kaya hayaan mo na muna siya" sabi niya at huminga akong malalim.
"Sa bagay, pero sana talaga okay lang siya, alam mo ba kung bakit siya nagkaganon?" tanong ko. Baka naman family problem na naman? O pwede din naman na dahil kay Ynah? Sinabihan ko naman na kasi siya na 'wag na si Ynah, marami pa namang iba diyan, kaso hindi naman siya nakinig. Sana hindi tungkol dun, dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko kay Ynah. Ayoko pa naman na nasasaktan ang kaibigan ko.
"Family problem siguro, tara na, pasok na tayo, wala ka namang kasabay di ba? Wala si Grey eh" sabi niya at naglakad na. Sumabay na lang ako sa kaniya dahil wala naman talaga 'kong kasabay dahil hindi ko pinasabay sakin si Marcus ngayon. Naalala ko na naman si Marcus, sinagot ko na pala siya kagabi. First day pala namin ngayon. Tapos feeling ko hindi pa magiging maayos dahil may problema ang bestfriend ko. Sana okay lang siya. Naglakad ako at sumabay ako kay Zach, sana lang talaga okay lang si Grey. Sana lang talaga. Sana lang talaga okay lang siya. Naglakad na lang kami.
"Hey, hintay!" sigaw ng nasa likod namin sa 'di kalayuan at napahinto kami saka tumingin sa kaniya. Si Spencer. Naglakad siya palapit samin.
"Sabay ako" sabi niya at naglakad na lang kami ulit. Nasa pagitan nila 'kong dalawa.
"Nasan si Grey?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Masama pakiramdam" sagot ni Zach. Sana nga, masama lag ang pakiramdam niya, sana ganon na lang. Bakit kasi lahat na lang ng problema napupunta kay Grey? Pero sana tama nga ang mga sinasabi ng iba na everything happens for a reason, sana lang, sana may magandang purpose ang Diyos kaya niya 'to ginagawa kay Grey.
"Masama pakiramdam? May sakit?" tanong ulit ni Spencer.
"Oo, sakit sa puso" sagot ni Zach.
"Sakit sa puso?" curious kong tanong.
"Oo, 'di ba may problema siya? Edi nasasaktan siya, kaya sakit sa puso" sagot ni Zach. Napailing iling na lang ako.
"Hindi kita maintindihan" sabi ko.
"Ako din" sabi ni Spencer. Ang gulo niya. Wala na atang matitinong tao ngayon sa mundo? Hindi ko alam kung may mga matitinong tao pa bas a mundo. Ni ako nga hindi ko alam kung matino pa 'ko. Naglakad lang kami papunta sa school at pagdating namin sa school ay nagkahiwalay hiwalay na kami ng magsipunta na kami sa mga sari-sarili naming room. Umupo ako sa tabi ni Cally at umupo naman sa tabi ko si Marcus.
"Goodmorning baby" sabi ni Marcus kaya napatingin ako sa kaniya.
"Anong baby ka diyan?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay. Bakit baby? Nakakadiri pakinggan.
"Di ba tayo na?" sabi niya.
"Tapos?" tanong ko.
"Tawag ko sayo 'yun" sabi niya.
"Ibahin mo, ang pangit" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.
"Hindi kaya, tsaka ano bang gusto mo? Babycakes?" tanong niya kaya agad akong napatingin sa kaniya.
"'Wag mong itatawag sakin 'yan" sabi ko.
"Bakit?" tanong niya. Ayaw ni Grey na may ibang nagtatawag sakin ng Babycakes gusto niya siya lang.
"Mapapatay ka ni Grey" sagot ko.
"Huh? Bakit naman?" tanong niya.
"Ayaw niya kasi na may ibang nagtatawag sakin ng ganon, itawag mo na ang lahat ng gusto mong itawag sakin, 'wag lang 'yun" sabi ko. Ewan ko kung bakit ayaw ni Grey na tawagin ako ng ibang tao ng ganon. Basta nagagalit siya, ilang beses na niyang sinasabi sakin na 'wag ko daw hahayaan 'yung iba na tawagin ako sa ganong tawag.
"Ganon? Okay, pero pano kung papatayin niya talaga 'ko dahil ginawa niya 'yun, anong gagawin mo?" tanong niya. Tinignan ko siya.
"Dahil bago pa lang tayo, at matagal na kaming magkaibigan, hahayaan ko siya, hindi joke lang, susubukan kong pigilan siya malamang, pero kung ayaw niyang papigil, bahala kayo" sabi ko.
"Grabe ka ah?" sabi niya habang nakangiti.
"Joke lang, hehehehe" sabi ko at ngumiti ako. Ginulo ko ang buhok niya.
"Tss," 'yan lang ang nasabi niya at natawa ako. Hehehe. Ang cute niya pala kapag nakapout. Ewan ko sa kaniya. Natawa na lang ako.
"Kayo na ba?" mahinang tanong ni Cally kaya napatingin ako sa kaniya.
"Oo" sagot ko.
"Kelan pa?" tanong niya.
"Kahapon lang" sagot ko. Napatango tango lang siya.
"Pano si Grey? Magagalit 'yu kapag nalaman niya" sabi niya.
"Iniisip ko din naman 'yan, pero anong magagawa ko? Eto 'yung gusto ng puso ko?" tanong ko.
"Hindi naman sa pinipigilan kita, kasi oo, sabihin na natin na napamahal ka, pero pano si Grey? Hindi naman siguro masama na isipin din siya di ba?" tanong niya at napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Gusto ko din naman na magkaroon ng sarili kong desisyon kaya sana maintindihan niya. May tiwala naman ako sa kaniya na maiintindihan niya dahil alam niyang dito ako sasaya. May tiwala ako sayo Grey na maiintindihan mo 'ko.
"May tiwala ako kay Grey na maiintindihan niya 'ko" sabi ko at natahimik na lang kami. May tiwala ako sayo Grey. Natapos ang buong klase namin ng hindi ko man lang naiintindihan ang topic namin dahil sa iniisip ko kung ano ng mangyayari oras na malaman ni Grey ang lahat. Iniisip ko din kung okay lang ba siya ngayon?
Hindi ko alam kung tatawagan ko ba siya ulit dahil sinabi niya na 'wag ko daw siyang tawagan dahil gusto niyang mapag-isa. Ano ba kasing problema niya? Pwede naman niyang sabihin sakin para malaman ko. Baka matulungan ko pa siya sa problema niya. Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na 'ko kasama si Marcus. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinitigan ko ang number ni Grey pero hindi ko siya magawang tawagan.
"Okay ka lang?" tanong ni Marcus kaya napatingin ako sa kaniya saka tumango.
"You look not okay, tell me, what‘s wrong?" tanong niya. Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Wala namang masama kung sasabihin ko sa kaniya.
"Si Grey kasi, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya, nag-aalala na 'ko sa kaniya" sabi ko.
"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong niya. Tumango lang ako.
"Bakit di mo puntahan?" tanong niya.
"Baka mag-away na naman kami eh," sagot ko.
"Edi tawagan mo" sabi niya.
"Eh kanina, tinawagan ko siya, pero ang sabi niya, 'wag ko daw siyang tawagan dahil gusto niyang mapag-isa, pero nag-aalala ako sa kaniya kung okay pa ba siya" sabi ko.
"Okay lang 'yun" sabi niya.
"Hindi ako kumbinsido," sabi ko. Tinignan ko siya ng may kinuha siya sa bulsa niya at binigay sakin ang phone niya.
"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko.
"Tawagan mo siya" sabi niya.
"May phone ako" sabi ko.
"Hindi siya sasagot kung number mo ang gagamitin mo, sinabi na niya 'di ba? 'Wag mo siyang tawagan? Try mo sa ibang number, sige na, hindi niya alam ang number ko dahil binago ko" sabi niya at kinuha ko ang phone niya.
"Thanks" sabi ko at pinisil niya ang pisngi ko. Napangiti na lang ako sa kaniya. Di-nial ko ang number ni Grey at tinawagan ko siya. Nagriring palang at maya-maya ay sinagoyt na ni Grey.
"Who‘s this?" tanong ng boses babae? Luh bakit babae ang sumagot? Bigla kong pinatay ang tawag at binalik ko kay Macrus ang phone niya.
"Oh, anong nangyari? Bakit mo pinatay?" tanong ni Marcus at tinignan ko siya ng seryoso.
"Babae sumagot" sabi ko at hinawakan ko ang braso niya at hinila ko siya papunta sa field at naglakad lang kami.
"Kilala mo ba 'yung boses?" tanong niya.
"Hindi" sagot ko.
"Baka naman friend lang?" tanong niya at tinignan ko siya.
"Bakit, kaibigan din naman niya 'ko ah, bakit hindi na lang ako ang tinawagan niya kung kailangan naman pala niya ng kasama? Tsaka, kilala ko si Grey, dalawa lang kami ni Call yang babaeng kaibigan niya kaya imposibleng kaibigan niyang babaeng 'yun" sabi ko. Sino kaya 'yun?
"Eh baka naman si Ynah? Di ba nagkabalikan na sila?" tanong niya. Sa bagay. Pwede din naman pero, nakakatampo lang kasi bakit si Ynah ang tinawagan niya para makasama niya? Samantalang ako na kaibigan niya for almost nineteen years at hindi ko siya niloloko, hindi ako ang tinawagan niya? Pero si Ynah na niloko siya at sinaktan ng sobra, siya pa ang tinawagan niya? Nakakatampo lang, pero anong magagawa ko?
Tsaka kahit na kakabalikan lang nila nung nakaraan, mas lamang parin ata si Ynah, kasi ako, kaibigan niya lang, pero si Ynah, girlfriend niya. Pero bakit ako? Kung papipiliin ako sa ngayon, between Grey and Marcus, siya parin ang pipiliin ko dahil mas kilala ko na siya at mas mahalaga siya sakin dahil hindi na lang kaibigan ang turing ko sa kaniya. Parang kapatid ko na siyang lalaki. Pero siguro kung siya ang papipiliin? Baka mas pipiliin niya si Ynah dahil ako, kaibigan niya lang naman ako.
"Tara na, nagugutom na 'ko, 'wag na lang muna nating pag-usapan 'yan" sabi ko saka ngumiti ng mapait sa kaniya.
"'Wag kang magtampo sa kaniya kung ganiyan ang nangyari" sabi niya at napatingin ako sa kaniya.
"Hindi naman ako nagtatampo," sabi ko.
"Hindi halata sayo" sabi niya. Pagdating namin sa canteen ay siya ang bumili ng lunch naming dalawa at naiwan ako sa table na napili ko. Binuksan ko ang phone ko at nag-online ako. May nakita akong bagong profile ni Grey at kasama niya si Ynah.
Akala ko ba may problema siya? Tinignan ko ang oras ng pagpost niya at ang nakalagay lang ay just now. Siguro kaya niya 'ko gustong hindi siya guluhin dahil kasama niya si Ynah. May mga post pa siya na pictures na kasama niya si Ynah at ang sweet sweet nila at naramdaman ko na lang na may umagos na luha galing sa mga mata ko. Bakit ba 'ko umiiyak?
Dapat masaya ako kasi kami na ni Marcus at first day namin ngayon. Pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito? Hindi ko din alam kung bakit may tumutulong luha galing sa mga mata ko. Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko, ang sabi ng isip ko, mahal ko si Marcus, pero hindi ko alam kung anong meron sa puso ko at hindi siya sang-ayon sa nararamdaman ko.
Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Sana hindi ko masaktan si Marcus, sana matutunan siyang mahalin ng puso ko. Dahil hindi ko malaman kung bakit ibang pangalan at tao ang gusto ng puso ko. Kung sino pa 'yung hindi ko pwedeng mahalin, 'yun pa ang gustong mahalin ng puso ko. Sana maayos ko ito.
"Okay ka lang?" tanong ni Marcus sa harapan ko at ngumiti ako. Tumango ako at umupo siya sa tapat ko.
"Baka may problema ka ah" sabi niya.
"Wala naman, nag-aalala lang talaga 'ko kay Grey" sabi ko. Meron naman talaga 'kong problema pero ayoko lang sabihin sa kanila. Kahit anong gawin ko, hindi ko makalimutan ang nararamdaman ko kay Grey. Hindi ko alam kung pano ko aalisin 'to, at ilipat ang lahat kay Marcus para matapos na.
"Kung may problema ka, sabihin mo sakin" sabi niya at tumango ako. Kumain lang kami hanggang sa matapos ang araw ko na kasama ko si Marcus pero hating hati ang isip ko. Iniisip ko kung ayos ba si Grey. Isang buong araw ko siyang hindi nakausap. Ngayon naglalakad kami sa park at hawak-hawak niya ang kamay ko.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya at napatingin ako sa kaniya.
"We should?" tanong ko.
"Oo, baka hanapin ka nan g parents mo, good girl ka pa naman" sabi niya at napangiti na lang ako sa kaniya. Kahit na may problema ako, nagagawa parin akong mangitiin ng taong 'to, kaya nakakakonsensiya kung masasaktan ko siya.
"Sige na nga" sabi niya at naglakad kami papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan niya 'ko ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob. Hinatid niya 'ko sa bahay at pinagbuksan niya 'ko ng pintuan. Lumabas ako at nginitian ko siya.
"I love you" bulong niya saka ako hinalikan sa noo ko.
"I love you too" sabi ko at ngumiti.
"Matulog ka na ah" sabi niya at tumango ako.
"Goodnight" sabi ko at napangiti siya.
"Goodnight, bye" sabi niya at nginitian ko siya.
"Ingat" sabi ko at tumango siya pumasok ako sa loob ng gate at narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat na 'ko. Tulog na pala sila mama, sakto. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko at napatigil ako ng may nagsalita.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kuya. Ang ingay naman niya.
"'Wag ka ngang maingay" mahina kong sabi.
"San ka kasi galing?" tanong niya.
"Sa labas malamang" sagot ko at biglang nagring ang phone niya. Sinagot naman niya ito kagad.
"Oh? Saan ka na?" tanong niya.
"Ehhh, may pupuntahan pa siya ganitong oras na ng gabi? Isusumbong kita kay mama" sabi ko at napatingin siya sakin.
"Sumbungan tayo?" tanong niya at ngumiti ako ng malapad.
"Sige na, punt aka na, bye, kamusta mo na lang ako sa girlfriend mo" sabi ko sabay pasok sa loob ng kwarto ko. Hayyy….Hinagis ko ang bag ko sa sahig at bumagsak ako sa kama ko. Nakakapagod 'tong araw na 'to kahit na wala naman akong ginawa masyado. Nakauwi na kaya si Marcus? Nakauwi naman na siguro 'yun.
Narinig kong may lumabas sa gate. Siguro si kuya 'yun kakaalis lang. Parang hindi naman ata girlfriend niya ang pupuntahan niya. Parang kaibigan lang niya. Kilala ko 'yan si Kuya, alam kong protective yan pero hindi naman sobra kaya okay lang 'yan.
Tsaka hindi naman katulad ng nililigawan niya dati 'yung girlfriend niya ngayon. Feeling ko mas mabait 'yung nagyon. Narinig kong parang may tao sa gate kaya tumingin ako sa bintana pero wala naman. Makatulog na nga lang.
"Bogsh. Bogsh. Bogsh" kalabog sa gate namin kaya tumayo na 'ko. Hindi ata naririnig nila mama at papa dahil ang lalim ng tulog nila. Lumabas ako ng kwarto ko at naglakad ako palabas ng bahay. Sino ba kasi 'to? Si Kuya siguro 'to? Nasarahan ng gate. Pero pwede naman siyang magtext kaso baka tinatamad lang talaga siya at gusto niya 'kong inisin.
Huminto ako sa tapat ng gate at lumabas ako. Wala namang tao? Tss. Papasok na nga 'ko baka may multo pa dito. Tatalikod pa lang sana ako ng may biglang yumakap sakin at nagulat ako. Tinignan ko ang mukha niya at halatang lasing na lasing 'to. Akala ko ba kasama niya si Ynah kanina? Eh bakit lasing siya? Hay nako naman…
"Grey, ayos ka lang?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Niyakap niya 'ko sa bewang ko ng mas mahigpit. Luh anong nangyayari dito?
"Grey, okay ka lang?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Naramdaman ko ang pagsubsob ng mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang hininga niya at amoy na amoy ko ang alak sa kaniya.
"Grey ano ba? Sumagot ka naman, pano ko malalaman kung okay ka lang kung hindi mo 'ko sinasagot?" tanong ko at nagulat ako ng maramdaman kong umiiyak siya. Hala, anong nangyayari sa kaniya? Bibitawan ko na sana siya para tignan sa mata kaso nagsalita siya na ikinatigil ko.
"Don’t do that, just don’t" sabi niya kaya hinayaan ko siya.
"I just want to hug you" sabi niya at huminga akong malalim.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko.
"Hug me please" sabi niya. Ang kulit naman ng lalaking 'to hindi sabihin kung anong problema niya.
"Ano kasing problema?" tanong ko at unti-unti ko siyang niyakap.
"I cant tell you" sabi niya. Bakit naman hindi niya pwedeng sabihin sakin?
"Bakit naman hindi pwedeng sabihin sakin?" tanong ko.
"Just don’t ask for more, I want to… I want to take some rest" sabi niya at tinignan ko ang ulo niya sa balikat ko na nakapatong. Ano ba kasing nangyayari sa kaniya? Bakit hindi na lang niya sabihin sakin? Mamaya matulungan ko pa siya.
"Hatid na kita sa inyo?" tanong ko.
"No, don’t do that" sabi niya
"Eh saan kita dadalhin? Gabing gabi na oh, magpahinga ka na" sabi ko.
"Don’t take me to home… I just want to be with you" sabi niya na ikinalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong meron ang mga salitang 'yun na galing lang sa kaniya. Simpleng mga salita lang 'yun pero it mean so much to me.
"Eh san kita dadalhin?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Hay nako… Tinulak ko ng paa ko ang pinto ng gate at binitawan ko siya. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin.
"I said I don‘t want to be in my house" sabi niya.
"Bahay namin 'to, kaya pumasok ka na, mabigat ka pa naman" sabi ko at pumasok siya sa loob. Buti na lang at tulog na tulog sila mama. Tsaka kahit magising naman ang mga 'yun, tutulungan nila si Grey kasi parang anak na ang turing nila sa kaniya. Inalalayan ko siya sa paglalakad at umakyat kami.
Binuksan ko ang guest room saka pinasok siya sa loob. Ihihiga ko pa lang sana siya ng bigla siyang bumagsak sa kama at hawak niya 'ko sa bewang ko kaya dalawa kaming napahiga. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nasa ibabaw niya 'ko at nasa magkabilang gilid ng ulo niya ang dalawa kong kamay.
Bumaba ang buhok ko sa mukha niya pero nakapikit na siya. Iginilid ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at tatayo na sana ako kaso pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at mas lalo niya 'kong nilapit sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit. Ano bang ginagawa niya? Baka naman…
Napagkamalan niya lang ako na si Ynah? Hindi naman kasi niya nabanggit ang pangalan ko kanina. Mali 'to. Tatanggalin ko ng isa kong kamay ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko dahil hindi 'to pwede. Alam kong mali 'to at magkaibigan lang kami.
"Don’t. Don’t do that" sabi niya kaya napatigil ako. Baka naman napagkamalan niya 'ko na 'yung babaeng gustong gusto niya? Oo nga, baka nga. Tatanggalin ko sana ulit ang kamay niya ng mas lalo pa niya 'kong yakapin. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa mga mata ko.
"I wish you could be mine someday…I wish you could love me back like I do…" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ano bang sinasabi niya? Bumagsak muli ang buhok ko sa mukha ko at igigilid ko na sana ng magsalita siya ulit.
"Don’t" sabi niya at napatigil ako.
"I will still love you even you love someone else. You‘re so beautiful…" sabi niya at ginilid niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Ganito na ba talaga niya kamahal ang babaeng yun?
"I hope someday you‘ll love me too because…" pabitin niyang sabi.
"Because…"
"I love you so much…" sabi niya at unti-unti niyang pinikit ang mga mata. Aalis na sana ako ng mas hinigpitan pa niya ang yakap sakin. Ang kulit ko talaga.
"Don’t go away from me" sabi niya habang nakapikit.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...