Fireworks
Paglabas ko ng room namin ay napatingin ako kay Marcus.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Sasabay ako sayo" sagot niya. Ay si Grey, baka walang kasabaay 'yun.
"Wait lang hanapin ko lang si Grey, baka walang kasabay 'yun eh" sabi ko at maglalakad na sana ako palayo sa kaniya kaso hinawakan niya ang wrist ko kaya napatigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kaniya. Tinignan ko siya ng parang nagtatanong.
"Dun siya pumunta, nakita ko kanina nung nagCR ako," sabi niya at ngumiti ako sa kaniya.
"Hintayin mo na lang ako sa labas ng campus, saglit lang ako" sabi ko. Tumango lang siya habang nakangiti.
"Take your time with your bestfriend" sabi niya kaya natawa ako ng mahina. Pumunta ako sa direksiyon na sinabi niya. Naglakad lakad ako hanggang sa makita ko ang mga classmates niya.
"Zach, si Grey?" tanong ko.
"Ayun oh" sabi niya at tinuro niya si Grey na nakaupo sa taas ng harang ng pader sa gilid ng hallway. Nagpho-phone siya habang nakangiti. May kachat na naman siguro 'tong chicks? Nilapitan ko siya pero parang wala siyang nakikitang tao sa gilid niya.
"Huy Grey!" sigaw ko kaya muntikan siyang mahulog kung hindi ko lang siya nahawakan. Natawa na lang ako sa kaniya. Tinignan niya 'ko at umayos ng upo. Nilaylay niya ang mga binti niya sa baba ng pader.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Wala lang, gusto ko lang itanong kung may kasabay ka" sagot ko.
"Meron, 'di ba sinabi ko na? Hinihintay ko nga siya eh" sagot niya.
"'Yung babaeng liligawan mo?" tanong ko.
"Oo, ikaw may kasabay ka?" tanong niya
"Ah oo, pero favour nga" sabi ko at sumeryoso siya.
"Ano 'yun?"
"Sabay ka nga sakin bukas" sabi ko Napaiwas siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...