=====Chapter 61=====
Message
GEORGES P.O.V.
Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang taong yun. Nung nakaraan lang ako nagkaroon ng hula na pwedeng siya ang nagbibigay sakin nun. Ang akala ko dati si Marcus ang nagbibigay dahil tinanong ko siya dati kung siya ba yun, hindi daw siya sabi ko. Hindi ko akalain na si Grey nga talaga ang nagbibigay ng mga yun sabi ko lang nung nakaraan, baka siya ang nagbibigay, pero hindi ko akalain na siya nga talaga ang taong yun.
Siya yun, hindi mo lang malaman dahil hindi ka magaling magtingin ng mga taong may sekreto, at isa pa, magaling din siyang magtago ng nararamdaman niya para sayo sabi niya habang naglalakad parin kami sa kalsada. Hindi ko alam kung pano niya naitago ang nararamdaman niya ng ganon katagal.
Sana sinabi niya na sakin simula pa lang, para hindi ganito ang nangyari, tuloy, halosparehas kaming nasasaktan ngayon, pero kahit ganon, parehas din naman kming may mali, mas pinili ko kasi si Marcus kesa sa kaniya, pwede din naman na nung una pa lang din ng maramdaman kong may mali na sa nararamdaman ko, dapat sinabi ko na din ang nararamdaman ko para sa kaniya malunkot kong sabi. Kung nangyri lang ng tama ang lahat, baka hindi kami nasasaktang parehas ni Grey ngayon. Kung naiba lang siguro ang mga nangyari dati, baka hindi kami ngsu-suffer na dalawa ni Grey ngayon sa sakit. Ang sakit na unti-unting nawawala ang kaibigan ko sakin.
Wala kayong kasalanan, sadyang parehas lang kayo ng desisyon niyo kung tutuusin, pinili mong hindi sabihin ang nararamdaman mo para kay Grey dahil natatakot ka na baka mawala siya sayo. Ganon din siya, kahit na alam niyang may namamagitan na sa inyo ni Marcus, hinayaan muna niya, kahit may hinala na siya, hindi ka niya tinanong o ano, inisip niya na wala lang talaga ang lahat. Pero simula ng makita ka niya at ni Marcus sa labas ng bahay niyo sa tapat ng gate, alam niyang hindi na kaibigan lang ang turingan niyo sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya.
Anong ibig mong sabihin? Anong nakita niya? tanong ko.
Kailangan ko pa bang sabihin? tanong niya habang nakangiti. Tumango ako sa kaniya.
Nakita niya kasi ng time na hinalikan ka ni Marcus, sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad.
Dalawang beses yun di ba? Kaya dalawang beses niya ding nakita yun, at dalawang beses din siyang nasaktan dahil dun, hindi lang dahil sa may gusto siya sayo ng time na yun, kundi dahil tinago mo sa kaniya ang lahat, nagtiwala siya sayo ng sobra na hindi mo i-e-entertain ng higit pa sa kaibigan si Marcus, sobra yung tiwalang binigay niya sayo, kahit naghihinala na siya na may iba ng namamagitan sa inyo, binalewala niya dahil may tiwala siya sayo, kaso pabitin niyang sabi at napayuko na lang ako. Parang nasasaktan ako sa mga nalaman ko. Para bang na-i-imagine ko kung gano kasakit ang naramdaman niya ng time na yun. Doble-doble ang nararamdaman niyang sakit. Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari.
Bakit hindi niya sinabi sakin? tanong ko sabay tingin sa kaniya.
Hindi niya sinabi dahil may tiwala siya sayo, bukod sa may tiwala siya sayo, alam niya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya BILANG KAIBIGAN mo, ayaw niya sana na umabot sa puntong isipin mo na dinidiktahan ka niya, na sa tingin ko nangyari talaga kahit na pinigilan pa niya, gusto ka lang sana niyang ilayo kay Marcus dahil alam niyang sasaktan ka lang niya, ilang beses na niyang nakitang may kasamang ibang babae si Marcus, sinabi niya sayo yun isang beses, kaso imbes na maniwala ka sa kaniya, pinutol mo lang ang ugnayan niyong dalawa sabi niya at naramdaman kong may umagos na luha sa pisngi ko.
***
sinabi niya sayo yun isang beses, kaso imbes na maniwala ka sa kaniya, pinutol mo lang ang ugnayan niyong dalawa naalala kong sabi ni Zach. Ang lakas naman makaguilty ng mga sinabi ni Zach. Hindi ko alam na ganon na pala kalala ang nararamdaman ni Grey.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Genç KurguFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...