=====Chapter 58=====
Hill Climbing?
GREY'S P.O.V.
"Minsan kasi kahit na alam mong talo ka, kahit anong seryoso ang gawin mo, kung hindi siya para sayo, hindi talaga" sabi ko. Katulad ng ginawa ko kay Ynah. Nagseryoso naman ako. Pero wala talaga. Kung naghiwalay man kami, hindi ko na kasalanan 'yun. Dahil alam kong hindi ako nagkulang.
"Mag move on ka na nga Babycakes, meron ng iba yung ex mo," sabi niya at kumuha ng chocolate wafer sa table namin. Paboritong paborito talaga niya ang wafer. Napangiti na lang ako sa kaniya. Kung alam mo lang George, ikaw ang dahilan kung bakit ako nakamoove-on. Kung wala ka, hindi ko na siguro alam ang gagawin ko.
Kaya nung hindi mo 'ko pinapansin, parang sirang sira na buhay ko. Sabihin ko kaya sa kaniya na gustong makipagbalikan sakin ni Ynah? May karapatan naman talaga siya na malaman ang tungkol dun. Kaibigan ko siya. Hindi ko lang siya kaibigan. Dahil kung wala ang feelings ko para sa kaniya, parang nakababatang babaeng kapatid ang turing ko sa kaniya.
"Gusto niyang makipagbalikan" sabi ko.
"'Wag mong sabihin na babalikan mo pa siya ah?! Matapos kang saktan ng sobra---"
"I'm inlove" putol ko sa kaniya. Ewan ko kung magandang way 'to. Pero sana naman makaramdam na siya sakin. Sana naman maramdaman niya.
Sana naman makaramdam siya na may gusto talaga 'ko sa kaniya. Ayoko na ng kaibigan lang ako. Oo nangako ako sa sarili ko dati na ayokong magkagusto sa kaniya, pero wala na 'kong magagawa. Ito na 'yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung pano ako kapag nawala siya.
Wala namang masama kung hindi ako susugal dahil ayokong mag-stay lang sa ganito. Ayoko. Hindi pa 'ko handing sabihin sa kaniya kaya sana, makaramdam ka naman George. Sana 'wag ka ng maging manhid. Two years na 'kong may gust pero parang hindi mo parin napapansin. Ganon na ba 'ko kagaling magtago? O sadyang ikaw ang manhid?
"Grey hindi ka pa ba nadadala? Magpapaloko ka na naman sa babaeng yun? Tapos kapag niloko ka, magpapa-comfort comfort ka? Hay nako Grey ah, kapag ikaw nasaktan na naman sa babaeng yan, 'wag na 'wag kang lalapit sakin dahil---"
"Teka, alam mo ba kung kanino ako inlove?" putol ko sa kaniya. Parang akala ata niya kay Ynah parin ako inlove? Move-on na 'ko dun. Dalawang taon na. At dahil sa kaniya 'yun.
"Kanino?" seryoso niyang tanong. Napangiti na lang ako at kumain ako ng chips na nasa table. Hindi nga talaga niya alam. Pano ko ba ipaparamdam sayo?
"Secret muna" sabi ko habang nakangiti.
"Ang daya mo palagi" sabi niya at tinanggal niya ang paa ko sa lap niya. Binalik kong muli sa lap niya ang mga paa ko. Nakaharap ako sa kaniya habang siya ay nakaside view sakin.
Nakasandal lang ako sa arm rest. Napangiti na lang ako dahil ang sama ng tingin niya sakin. Hinawakan niya ang isa kong paa at tinanggal niya ang medyas ko. Ang lamig sa paa.
"Ibalik mo 'yan sa paa ko" utos ko sa kaniya habang kumakain ako ng chips na nakalagay sa lap ko. Ang sarap kaya nito.
"Bakit naman kita susundin?" tanong niya. Kumakain lang ako habang ginagalaw galaw niya ang paa ko. Ramdam kong nakatingin siya sakin pero hindi ko siya tinignan.
"Ayoko nga" sabi niya
"Isa"
"'Yoko"
"Makabilang ako ng tatlo humanda ka sakin" pagbabanta ko. Wala talaga siyang balak na ibalik sa paa ko ang medyas ko na kulay pink. Wala namang masama kung magsuot ako ng pink na medyas. Hindi naman ako bakla. Kapag may nagsabi sakin na bakla ako, hahalikan ko talaga.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...