Road Trip
“Nakakainis ka! Hindi ka patas! Ako, nirecord lang kita tapos ako, tapos ako, pinagkunwari mo pa 'kong girlfriend mo?! Haish! Hindi ako sasama sa linggo!” galit kong sabi at naglakad palayo.
“Saglit lang! Halika rito!” sigaw niya pero hindi ako lumingon sa kanya. Hinabol niya ‘ko at hinawakan niya ang braso ko. Hinarap niya 'ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Sumama ka na please, hindi ko naman sinasadya na ikaw ang pagpanggapin na girlfriend ko pero wala akong ibang choice, ayoko naman na iba ang gawin kong girlfriend ko kasi mas may tiwala ako sayo, sorry na” sabi niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Huminga akong malalim. “Kung gusto mo, sasabihin ko na lang sa kanya mamayam para hindi ka lang magalit sakin” dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kaniya.
Natatakot ako sa ganito. Natatakot ako na baka lumalim ang tingin ko sa kanya o baka siya kasi ayokong mabago ang pagkakaibigan naming dalawa. Dahil yung ganitong sitwasyon, mahirap gampanan lalo na kung kaibigan mo. Natatakot ako na baka mahulog ako sa kanya, hindi naman sa iniisip ko na ayoko sa kanya kasi nga mahilig siya sa chicks, kaya natatakot din ako na baka ako lang ang mahulog o baka siya lang, kaya ayoko sa ganitong sitwasyon. Ganito din ang nangyari dati samin. Nung time na nasasaktan siya kay Ynah. Nangako kami na walang ma-fa-fall samin sa isa't-isa kasi ayaw namin na masira ang pagkakaibigan namin. Lalo na kung isa lang ang mahuhulog samin hindi kaming parehas. Natatakot lang kasi ako nab aka mawala ang dating pagkakaibigan naming dalawa. Natatakot ako.
“Fine” sabi ko at ngumiti siya.
“Pero mangako ka” dagdag ko at napatingin siya ng seryoso sakin.
“Mangako?” Tumango ako.
“Mangako ka na hindi magbabago ang tingin mo sakin bilang kaibigan. Na hanggang dun ang talaga tayo” sabi ko at saglit siyang natahimik at nag-iwas ng tingin. Sa sobrang tahimik niya, naririnig ko na ata ang paghinga niya. Muli niyang ibinalik ang paningin sakin at unti-unting ngumiti. Tumango siya.
“Pangako” sabi niya kaya napangiti ako.
“Tsaka hindi ikaw type ko, pangit ka kaya” sabi niya kaya nawala ang ngiti ko sa kanya. Sinamaan ko na naman siya ng tingin. Nagawa pang manginsulto ng gago.
“Ang kapal mo, kagabing lasing ka, ang sabi mo cute ko” sabi ko at natawa siya.
“Ano ka ba, lasing ako nun, hindi ko alam ang sinasabi ko, baka nakita ko lang sayo kagabi yung sweetchicks ko” sabi niya.
“Sinungaling”
“Totoo kaya”
***
“Grey hindi ka tuloy sa sabado?” tanong ko habang naglalakad kami sa tabi-tabi.
“Hindi siguro” sagot niya.
“San ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Ngayon?” tanong niya.
“Hindi sa linggo, san ba tayo pupunta?”
“Sa ilo-ilo,”
“Ang layo naman! Baka mamaya hindi na ‘ko makabalik dito sa manila ah” sabi ko. Ang layo. Pwede naman kasi dito lang sa Luzon pero bakit sa visayas pa? Ang layo naman ng trip nila.
“’Wag kang mag-alala, akong bahala sayo dun, may rest house kami dun, akong bahala, ta ibebenta pa kita dito sa manila” natatawa niyang sabi.
“Hahahahaha nakakatawa” mataray kong sabi. Ibebenta. Mukha niya.
“Joke lang ‘to naman hindi mabiro” sabi niya.
“Ano bang magandang gawin? Nakakaboring dito paikot-ikot lang eh” sabi ko.
“Nood tayo sine” prisinta niya.
“Oh sus, R-18 papanoorin mo ‘wag na, sa phone mo pa lang ang dami na eh” sabi ko.
“Uy wala ah, walang ganon ang phone ko, malinis ang phone ko, baka sayo” sabi niya.
“Aba coming from you huh” sabi ko at natawa siya.
“Sige na, nood na lang tayo, ikaw magdesisyon kung anong papanoorin natin, dali” sabi niya.
“Ay tara na!” sabi ko at hinila ko siya.
***
Pagkatapos naming manood ng sine, lumabas kami ng theatre. Nagkamot siya ng batok niya.
“Ang ganda ng pinanood natin no! Yung nakikita mo talaga yung utak nung tao na lumalabas talaga, tapos yung nahahati yung katawan ‘no? Tapos wala pang blured blured yung movie, ang linaw talaga, tapos yung laman loob nung lalaki kanina talagang lumamabas ‘no” Kwento ko at napatingin ako kay Grey sa tabi ko kaso wala na siya. Nasaan na siya?
“Grey?” tawag ko sa kanya at tumalikod ako. Nakita ko siya na nagpunas ng gilid ng labi niya. Natawa na lang ako at lumapit siya sakin.
“Nagsuka ka ba?” tanong ko habang natatawa. Alam kong ayaw niya ng mga ganong movie. Hindi siya mahilig sa mga patayan, ang gusto niya yung mala love story ang mga kwento. Ewan ko ba kung bakit ganon ang mga gusto niyang pinapanood. Hindi naman siya bakla. Baka sadyang ganong movie lang talaga ang gusto niya. Pero hindi ko talaga makalimutan yung pinanood ko. Ang gandang manood kanina lalo na kumakain ako ng popcorn.
“Ano ba namang choice ang meron ka?” tanong niya.
“Ang ganda naman ah, isa pa? Tara, part two naman tayo” sabi ko habang nakangiti.
“Hehehe ‘wag na, iba naman ang panoorin natin, ako naman ang maghahanap ng papanoorin natin” sabi niya at hinila ako.
“Nakakaboring naman ang pipiliin mo eh, mas maganda yung kanina, tapos kumakain ka pa, oh ‘di ba ang ganda?” nakangiti kong tanong.
“Nakakasuka kaya, buti nga hindi kita nasukahan” sabi niya.
“Grabe, bumaligtad na kagad ang sikmura mo dun? Grabe naman talaga kasensitive ng tiyan mo, ang ganda ganda kaya ng movie tsaka hindi pa nga yun sobra eh, maganda yun tsinitsinso na yung tao tapos yung laman loob eh---“
“Tama na, baka maisuka ko pa ‘tong internal organs ko, lika na, manonood tayo, ako naman maghahanap ng papanoorin natin” sabi niya at hinila ako. Pagpasok namin, ang dami ng tao. Umupo kami sa medyo kalagitnaan ng mga upuan. Ilang sandal lang, nagsimula na ang kawerduhan ng storya at kacheesihan ng palabas para sakin.
Halos lahat naman ng love story ganyan ang nangyayari, masasaktan si ate girl ni kuya, tapos susuyuin ni kuya, tapos ayaw ni ate girl, tapos magkakaroon ng dahilan para lang magkabalikan sila sa dulo, o 'di kaya tragic ang kahahantungan. Pare-parehas lang naman ang mga storya, iba-iba lang ang mga gumaganap, at iba-iba lang ang mga dahilan nila, pero pare-parehas lang sila ng sitwasyon. Sunod-sunod akong kumain ng popcorn at ramdam ko na gusto ng bumagsak ng talukap ng mga mata ko. Inaantok ako……………..
***
Paggising ko, napatingin ako sa sarili ko na nakaupo parin at yakap-yakap ko ang lalagyan ng popcorn ko. Napatingin ako sa sinasandalan ko at nakita ko si Grey na nakaupo lang ng maayos.
“Sarap ng tulog ah?” mahina niyang sabi sakin.
“Eh nakakaboring kasi” sabi ko at kinuha ko ang popcorn niya.
“Kulang popcorn ko eh, akin na lang” sabi ko at nanood na lang ako. Patapos na pala. Pagkatapos ng pinapanood namn, lumabas na kami.
“Grey nood tayo bukas, may papanoorin akong zombie, sige na” sabi ko sa kanya. Huminga siyang malalim at tinignan niya ‘ko.
“Magsusuka lang ako ulit, pero bukas na ang alis natin papunta sa ilo-ilo, kaya hindi pwede, hanggang linggo lang tayo dun” sabi niya. Luh pano yun? Favorite ko pa naman yung zombie na yun.
“Hindi ako sasama, papanoorin ko yun” sabi ko. Ang ganda kaya nun.
“Ni, Babycakes naman, alam ko na! Ganito na lang, sa lunes ng gabi, balik tayo dito, panoorin natin” sabi niya.
“Eh marami ng spoiler nun!” sabi ko.
“Edi ‘wag kang magsocial media ng dalawang araw ‘wag kang mag facebook, ‘wag kang mag-instagram, ‘wag kang magtweeter, ang dali-daling sagot diyan eh” sabi niya.
“Sigurado ka diyan?” tanong ko.
“Oo, pero sunduin mo ‘ko sa bahay, libre ko” sabi niya.
“Libre mo?” paninigurado ko.
“Oo nga ang kulit mo” sabi niya at napangiti na lang ako.
“Uwi na tayo, baka hinahanap ka na ng pinsan mo” sabi niya.
“Alam naman niya na kasama kita” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa laban ng mall.
“Kahit na, tsaka maaga pa tayo bukas” sabi niya. Nauna na siyang naglakad at sumunod na lang ako. Tinignan ko ang relo ko. Luh, nine na pala? Hindi ko napansin ang oras kasi dalawang movie ang pinanood namin. Tapos bawat isang movie, dalawang oras. Luh apat na oras higit. Paglabas namin sa parking lot, sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya.
“Grey, ang ganda talaga nung patayan na pinanood natin 'no, lalo na yung may lumalabas na laman loob---“
“Sige kwento mo ulit, ‘pag ako nagsuka dito” sabi niya at natawa ako. Unti-unti kong sineryoso ang mukha ko.
“Maiba ako Grey, sino ba yung babaeng sinasabi mo na gusto mo?” tanong ko. Hindi ko kasi talaga mahulaan. Hindi din naman niya sinasabi sakin kung sino.
“Secret nga muna, malalaman mo din” sagot niya.
“Kababata mo din ba siya?” tanong ko.
“Oo” sagot niya. Ah sino yun? Bakit ‘di na lang kasi niya sabihin. Tsaka sa pagkakaalam ko na magkakababata samin, ako, siya, si Zach, si Spencer, si Cally, at si Bella. Ah baka si Bella?
“Si Bella ba?” tanong ko. Baka nga siya. Medyo malapit din naman sa kanya ang taong yun. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon.
“Siguro?” sagot niya.
“Sino nga kasi” pangungulit ko.
“Malalaman mo rin”
“Eh bakit ‘di mo na lang sabihin ngayon?”
“Basta, malalaman mo na lang”
“Wala ka naman ng ibang close na babaeng iba ah? Ah alam ko n”
“Sino?” Napatingin siya saglit sakin pero binalik niya din yun sa harapan.
“Ako” pagkasabi ko niyan, bigla siyang naubo.
“Siraulo ka din ‘no? Bakit naman ako magkakagusto sayo? Ang pangit mo kaya” natatawa niyang sabi at nagcross arms ako. Tumingin ako sa bintana. Bahala siya diyan.
“Huy babycakes, sorry na ‘to naman ‘di ko naman sinasadya, pero totoo naman” sabi niya. Nagsosorry siya tapos inaasar na naman niya ‘ko? Haish.
“Mas pangit ka” nakapout kong sabi. Hindi siya kumibo. Pagdating namin sa tapat ng bahay namin, lumabas ako ng sasakyan niya. Lumabas din siya.
“Matulog ka na, susunduin pa kita bukas” sabi niya at tumango ako. Pumasok ako sa loob ng gate.
***
Nagising ako sa ingay ng kalabog ng pinto sa baba. Bumangon ako at lumabas ako ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Grey.
“Hindi ka pa nakabihis?” tanong niya. Nakataas ang isa niyang kilay.
“Bakit naman? Ang aga-aga pa naman ah,” sabi ko habang nagkakamot ng buhok kong magulo. Tinignan ko ang paligid at napakadilim pa ng paligid. Napakaaga naman ng alis namin. Nakaayos naman na ang mga gamit ko. Nakapagpaalam na din naman ako kila mama at papa pati kay kuya. Okay lang naman sa kanila basta kasama ko daw si Grey. Malaki talaga ang tiwala nila sa lalaking ‘to. Para ko na nga siyang kuya eh.
“Anong ang aga-aga? Eh anong oras mo gustong pumunta dun? Ang layo natin sa ilo-ilo Babycakes kaya kung pwede lang, magbihis ka na” sabi niya. Umupo ako sa tapat ng pintuan habang yakap yakap ang gilid ng pintuan.
“Pwedeng mamaya na lang? Inaantok pa ‘ko eh” nakapout kong sabi habang nakatingin sa kanya.
“’Pag hindi ka nagmadali, ako mismo ang magpapaligo sayo, ano?” seryoso niyang sabi.
“Oo na, eto na!” napipilitan kong sabi. Agad akong tumayo saka umakyat sa taas. Pagkatapos kong maligo at magbihis, tinali ko ng mabilisan ang buhok ko. Kinuha ko ang bag ko na kagabi pa nakaayos. Unti lang naman ang dala ko. Kinuha ko din ang gitara ko na nakalagay pa sa bag niya at ang phone ko. Tinanggal ko sa saksakan ang power bank ko. Nilagay ko ang conector ko, ang adoptor ko, ang USB ko, ang netbook ko, at ang isa kong malaking librong napakakapal. Kulay itim siya na may nakadrawing na color yellow, orange, at mga malalapit na kulay sa mga yun sa orchids. Journal ko ‘to. Binigay ni Grey nung last birthday ko kasi nakita niya na mahilig akong magjournal kaya ginawa ko din siyang journal. Dito nakalagay lahat ng pictures ng mga explorations namin, at siya naman ang photographer ko. Magaling siya dun eh. Lumabas ako ng kwarto at naglakad pababa sa sala. Napatingin sakin si Grey at hinila niya ‘ko.
“Hindi ka nakajacket?” tanong niya. Nakajeans kasi ako at nakablack na t-shirt, nakacap ako ng kulay blue.
“Oh, bakit kailangan ko pa ng jacket?” tanong ko. Huminto kami sa paglalakad.
“Gagabihin pa kasi tayo bago makarating dun kaya kailangan mo ng jacket” paliwanag niya.
“Ay ganon? Saglit kukuha muna ‘ko ng---“
“’Wag na, eto nag sakin ang gamitin mo” sabi niya.
“Pero---“
“Sige na, tara na” hinila niya ‘ko.
“Matt alis na ‘ko!” sigaw ko at tuluyan na kaming nakalabas ng bahay. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako. Tinignan niya ‘ko.
“Act like I’m your man okay? ‘Wag kang maiilang sakin” sabi niya. Napaiwas ako ng tingin. Magagawa ko ba ang bagay na yun? Magagawa ko bang i-treat siya na parang boyfriend ko sa harapan nilang lahat?
“Parang hindi ko ata kaya Grey 'wag na lang kaya ‘kong pumunta?” sabi ko at babalik na sana ako papasok sa loob ng bahay kaso pinigilan niya ‘ko.
“Please lang George, kahit ngayon lang” sabi niya.
“Kaya mo yan”
“Tsaka tutulungan ka naman namin Geoge kaya, kayang-kaya mo yan” sabi ni Spencer sa gilid.
“Oo nga, kaya mo yan, ‘wag kang kang mag-alala, nandito kami” sabi naman ni Zach. Huminga akong malalim saka tumingin kay Grey.
“Ano bang sasakyan natin? Tara na” sabi ko. Napangiti si Grey.
“Wait lang wag kangang atat, pero gusto ko, ang tawag mo sakin mamaya sa harapan nila, babycakes, at ang tawag ko sayo, sweetcheecks, tsaka matuto ka namang lumandi kahit konti lang para sakin, alam mo naman siguro kung anong role ng girlfriend ‘di ba?” sabi niya at tumango ako. Malamang alam ko talaga dahil naranasan ko na ang maging girlfriend. Kaso pinagpalit naman ako.
“Tsaka George kapag nakikita mo ng lumalapit si Ynah sa kanya or kapag nakikita mo ng nilalandi niya ulit ‘tong si Grey, matuto kang gumawa ng pader para sa BOYFRIEND mo” sabi ni Zach kaya napangiti ako.
“Marunong naman ako nun” nakangiti kong sabi.
“Mabuti” sabi ni Grey at ginulo niya ang buhok ko.
“Akin na yang gamit mo, ako na” sabi niya at kinuha niya ang mga gamit ko. Wow, ngayon lang naging ganito si Grey sakin ah. Sana palagi na lang siyang ganito.
“Nasaan yung mga gamit niyo?” tanong ko.
“Nandun na”
“Saan?”
“’Wag ka ng magtanong sumunod ka na lang sakin” sabi ni Grey. Akala ko bumait na ang loko. Hindi pa pala. Naglakad sila palabas sa pinaka national road. Sumunod lang ako sa kanila. Pagdating namin sa labasan, may nakita kaming puting van. Dalawang puting van. Naglakad kami papunta sa tapat ng van. Binuksan ni Grey ang likod ng van saka inilagay dun ang gamit ko.
“Saglit lang Grey” sabi ko at kinuha ko ang bag ko.
“Sabi ko babycakes eh” bulong niya sakin.
“Sorry” Kinuha ko ang bag ko na hindi naman masyadong maraming laman dalawang damit at dalawang jeans lang naman ang dala-dala ko.
“Bakit?” tanong niya.
“Pahawak saglit” sabi ko at binitawan ko ang bag ko na kulay blue na suot-suot ko. Pinahawak ko sa kanya yun.
“Bakit ba?” tanong niya.
“Saglit lang” sabi ko at binuksan ko ang bag ko. Kinuha ko ang netbook ko at binigay ko sa kanya.
“Anong gagawin ko dito?” tanong niya.
“Lagay mo diyan sa bag” sabi ko. Kinuha ko ang mga kung ano-anong mga chords sa bag ko. Kinuha ko pa ang libro na dinala ko.
“Nasa sayo parin pala yan?” tanong niya. Tinignan ko siya saka sinara ang bag ko.
“Of coarse” sagot ko. Kinuha ko ang bag ko sa kanya at kinuha niya ang bag na hawak-hawak ko. Pinasok niya sa loob ang bag ko saka sinara ang likod ng van. Hinawakan niya ang kamay ko at inenterwine sa kamay niya. Hindi ko ‘to inaasahan na gagawin niya 'to. Hinila niya 'ko saka binuksan ang van. Ang dami na nila sa loob. Pero dalawa lang ang kilala ko sa kanila. Si Ynah at si Ronnie. Napatingin silang lahat sa kamay namin.
“Aba, may bago ka na pala” tanong ng isa sa kanila na nakasalamin.
“Of coarse I am and actually I love her so much” sabi ni Grey. My God, umurong ata ang dila ko. Kaya mo ‘to George.
“Yieeee” tilian nila ‘di bale lang kay Ynah na seryosong nakacross arms.
“Sige na, kayo na lang hinihintay naamin eh, dito na lang kayo Zach sa likod namin, tapos kayo love birds, dito na lang kayo sa tabi namin” sabi ni Ronnie. Tinignan ko si Grey na parang may iniisp.
“No. I want that seat” sabi ni Grey at tinuro niya ang nasa gitnang parte ng van.
“Sige na, Aaron, dun na lang kayo sa likod” sabi ng isa sa kanila. Yung tinawag niya kasi ang mga nakaupo sa gitna ng upuan na gusto ni Grey. Kailangan talagang paalisin ang iba? Tsss.
“Dalawa lang naman kailangan niyo ‘no?” tanong ng isa pa sa kanila.
“Malamang” nakangiting sagot ni Grey.
“Hindi ka parin talaga nagbago” sabi ulit nung kaninang nagsalita sa kanila.
“I never change, but I change my heart because of this woman” sabi niya at tumingin siya sakin habang nakangiti ng napakatamis. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko sa mga sinabi niya.
“Namumula ka” bulong niya sakin at gulat akong napahawak sa pisngi ko pero hindi niya binitawan ang kamay ko.
“Yieeee” tili ng isang babae sa kanila at si Cally? Kasama pala siya? Okay. So kilala niya si Ynah? Oh baka hindi, baka kasi sinama lang nila Zach at Spencer.
“Tara na” mahina kong sabi.
“Luh kinikilig siya” sabi ni Cally. Napangiti lang ako.
“Stay na lang kayo diyan Ynah at Ronnie dalawa lang naman sila” sabi ng isa sa kanila. Nasa tabi ng bintana si Ronnie at katabi naman niya si Ynah.
“Mauna kang pumasok” sabi ni Grey kaya pumasok na lang ako. Katabi ko si Ynah sa kaliwa at sa kanan si Grey na nasa gilid ng bintana.
“Tara na” sabi ni Grey at sinara ang pinto. Nagsimula ng umandar ang sasakyan.
“Grey” mahina kong tawag sa kanya. Napatingin siya sakin.
“Babycakes nga” bulong niya. Kaming dalawa lang naman ang nagkakarinigan dahil nakaheadset si Ynah. Bat ba lagging nakakalimutan ko?
“Sorry na Babycakes” mahina kong sabi. Binitawan niya ang kamay ko at inakbayan niya ‘ko. Hinayaan ko na lang kasi nasa harapan nila kami. Kung wala lang kami sa harapan nila, sigurado, nasipa ko na ang binti nito.
“Ano ba yung kailangan mo? Bakit mo ‘ko tinawag?” tanong niya.
“Dala mo camera mo?” tanong ko.
“Oo, bakit?” tanong niya.
“Wala naman. Kasi ‘di ba dala ko journal ko?” sabi ko sa kanya.
“Ah okay” sabi niya. Nilagay ko ang bag ko sa lap ko saka yun niyakap. Ang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Napatingin ako ulit kay Grey ng ilagay niya ang unan sa balikat ko at ang headphone sa tenga ko.
“Para hindi ka maboring” mahina niyang sabi.
“Ang sweet naman” rinig kong sabi nila sa likod ko. Binaba ko ang headphone na nilagay niya sa tenga ko.
“Siyempre ah, sweetcheecks ko ‘to” sabi ni Grey at binalik ko na lang ang headphone sa tenga ko. Nag-usap sila. Pinakinggan ko ang kanta sa headphone.
The end of the night
We should say goodbye
But we carry on
While everyone's gone
Never felt like this before
Are we friends or are we more?
As I'm walking towards the door
I'm not sure
Humikab ako dahil sa inaantok ako sa kanta. Bakit ba laging ganito ang mga kanta niya? Kahit sa sasakyan niya, ganito din. Kaya inaantok na tuloy ako. Babagsak na ata ang mga talukap ng mga mata ko. Hindi ko sinasadya pero bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Grey. Nang mahimasmasan ako, inalis ko ang ulo ko sa kanya. Tinignan ko siya at nakangiti lang siya sakin.
“It's okay” sabi niya at siya mismo ang nagsandal ng ulo ko sa balikat niya. Naiilang ako sa ginagawa naming ‘to. Hindi naman kasi kami ganito. Friend friend lang kami kaya nakakapanibago ang ganito kahit na pagpapanggap lang. Parang feeling ko nagiging isa ako sa mga chicks niya kasi ilang araw lang kaming magiging ganito ang trato sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong mangyayari samin pagatapos nito. Ngayon ko lang kasi ‘to gagawin sa kanya. Pero gagawin ko lahat ng makakaya ko as kaibigan niya para matulungan ko siya. Naiintindihan ko naman kasi kung ano ang nararamdaman niya. Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito na halos araw-araw may iba siyang babae. Biruin ba naman kasi, dalawang importanteng babae na sa buhay niya ang ginanito siya. Kaya as a friend, tutulungan ko na lang siyang makaalis sa ganitong sitawasyon niya. Kasi as friend niya, hindi ko na gusto ang mga ginagawa niya kasi siya lang ang mas lalong nasasaktan sa mga ginagawa niya. Hindi ko lang siya minsan pinagsasabihan ng sobra-sobra dahil ayokong pagmulan yun ng away namin.
“Okay” sabi ko at inayos ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya. Inaantok na talaga ‘ko.
***
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at binaba ko ang headphone ko sa batok ko. Tinanggal ko ang unan na nakasabit sa batok ko. Umayos ako ng upo at tingnan ko si Grey na napatingin din sakin.
“Buti naman nagising ka na Sweetcheecks” bati niya sakin habang may ngiting napakatamis sa mga labi niya. Napangiti na lang ako sa kanya at napailing-iling.
“Should I greet you too babycakes?” nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi ako makapaniwalang masasabi ko ‘to sa kanya.
“May endearment na kayo kagad ah?” tanong ni Ronnie.
“Of coarse, she's my one and only,” sabi ni Grey. Kung pwede lang na sabihin ko ang gusto kong sabihin. Siguro sinabi ko na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Halos lahat ng chicks niya sa bar, nadadala niya sa mga ganyan niya pero iba ako.
“Kelan naging kayo?” tanong ng nagmamaneho.
“Last year” “This year” sabay naming sabi kaya bagkatinginan kami. Saglit na natahimik ang lahat.
“No, we just mean this year o last year or whatever dahil saktong 12 ng December 30 it happens” paliwanag ni Grey. Mabuti na lang nakaisip siya kagad.
“Yun naman pala”
“Kaya naman pala”
“Akala ko hindi niyo alam kung kelan naging kayo”
“It’s imposibble” sabi ni Grey na natatawa.
“How ridiculous” pabulong na sabi ni Ynah. Napatahimik ang lahat. Kahit ako hindi ako nagsalita dahil sa ayoko ng gulo.
“Is there any problem Ynah?” seryosong tanong ni Grey sa kanya. Lumingon sa kanya si Ynah habang nakangiti.
“Nothing, I just thinking, you two are in a relationship but she didn’t know what the exact date of that, it's the best day right? So how a perfect woman in your eyes, can forgot your best day of your life? Can you tell us the truth, kayo ba talaga?” sabi niya. Aba talagang nang-iinsulto ang babaeng 'to ah. Hindi porket nag-pe-pretend kami, hindi na 'ko nasasaktan. Kahit sino sigurong nasa posisyon ko, maiinis dahil kahit kaibigan niya lang ako, hindi ko magagawang kalimutan ang mga petsa ng mga importanteng nangyari sa buhay ng kaibigan ko.
“No, it's my fault, I'm the one who says last year, but if just go back. I'm the one who's wrong, the exact time I get her, it’s 12:01 in the midnight. Sinabi ko lang na last year kasi yun ang oras sa relo ko, pero mali yung oras ko, kaya nga nalito ako dun. Tsaka sino ka para kwestiyunin ang pagmamahal ko sa kanya?” tanong ni Grey. Hindi ko na pala kailangan pang sumagot.
“Guys tama na yan”
“Insult me whenever you want to, but never insult her, pero oras na gawin mo ulit ang bagay na yun, sinisigurado ko sayo, hindi mo 'ko makikilala” seryosong sabi ni Grey. Tinignan ko si Grey.
“Tama na” sabi ko. Napatingin siya sakin at ngumiti ng napakatamis. Biglang huminto ang van. Napatingin si Grey sa driver kaya napatingin din ako.
“Lipat kayo Ynah, para walang gulo” sabi ng driver.
“Pati ikaw Ronnie” dagdag niya. Hindi na nagreklamo pa si Ronnie at bumaba na lang sila. Bumalik yung dalawang tinawag na Aaron ni Grey. Hindi ko kasi sila kilala. Hindi naman ako pinakilala ni Grey sa kanila. Baka mamaya oo. Lumipat sila Ynah sa likuran namin at babae ang katabi ko. Tinignan niya 'ko at napangiti siya.
“Gigi nga pala” nakangiti niyang sabi at inoffer niya ang kamay niya sakin. Friendly ah. Baka naman isa dito yung sinasabi ni Grey na gusto niyang babae? Ewan lang.
“Ah…George” nakangiti kong sabi. Tinanggap ko ang kamay niya. Pinaandar muli ng driver ang van.
“Nice to meet you” sabi ko.
“Aba, may kaibigan na ang sweetcheecks ko ah?” puna ni Grey. Napatingin ako sa kanya.
“Masama?” tanong ko.
“Hindi naman, pero pano kung pinagbawalan kita sa kanya? Anong gagawin mo?” tanong niya. Mahirap magpretend pero minsan lang naman 'to kaya okay lang.
“Edi, susundin kita, para hindi ka mawala sakin” napatawa siya ng mahina. Nakangiti lang ako.
“Yiiiieeee, hindi pasaway si Girlfriend” puna ng katabi ni Gigi.
“Masunurin”
“Sana all ng girlfriend ganyan”
“Hindi, hindi kita pagbabawalan diyan” sabi niya. Siguro sanay na ‘tong lalaking ‘to dahil sa dami na niyang nasabihan ng ganito? Para kasing totoo na yung sinasabi niya ngayon. Para bang walang harong biro ang mga sinasabi niya. Kung hindi ko lang kilala ‘tong lalaking 'to, sigurado, maniniwala na ‘ko kagad sa kanya. Ang galing niyang mangloko. At dun siya expert. Siguradong maswerte ang babaeng nagugustuhan niya.
“Hay nako mga love birds” puna ng driver.
“Pakilala mo naman kami sa SWEETCHEECKS mo Grey” sabi ng katabi ni Gigi.
“Ah okay sige, guys si George, George, ahmmm…..Sabihin niyo na lang pangalan niyo sa kanya” sabi ni Grey.
“Nice name huh” bati ng katabi ni Gigi.
“Aaron” sabi ng katabi ni Gigi.
“Hailey”
“James”
Yung iba nagpakilala pa sakin pero hindi ko sila maalala. Hindi ako mabilis sa memorization.
“Naalala mo sila lahat?” tanong ni Grey. Napatingin ako sa kanya.
“Hindi masyado, pero siguro makikilala ko din sila lahat” sabi ko.
“Nagugutom ka?” tanong niya.
“Ah hindi pa naman, okay pa ‘ko” sagot ko. Napatango tango siya. Hindi ko alam na ganito pala siya kaalaga pagdating sa girlfriend niya. Kaya pala nafall sa kanya si Ynah ng ganon kabilis kasi maalaga siya. Sana makayanan kong hindi mafall sa kanya. Gagawin ko ang lahat para pigilan ko ang sarili kong hindi tuluyang mahulog sa kanya. Kaibigan lang kami at sigurado na kapag nafall ako sa kanya, he wont feel the same way. Kasi hindi ako ang tipo niya.
Alam kong hanggang kaibigan lang ang turing niya sakin kaya gagawin ko ang lahat. Hindi naman ako nafall sa kanya ng ninetheen years kaya siguro kaya ko naman ‘tong gawin para sa kanya. Ayokong mawalan ng kaibigan at siya ang pinakamahalaga sakin. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa may isang nafall samin at yung isa, hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ng kaibigan niya.
So fortunately, lalayo ang isa sa kanila dahil kahit kelan, hindi magiging magbestfriend ang dalawang tao, lalo na kung ang isa sa kanila ay may iba ng nararamdaman para sa kaibigan niya. A person will never treat her/his one and only as a friend. Kahit kelan hindi itatrato ng isang tao ang mahal niya bilang isang kaibigan lang, lalo na kung sobrang lalim na nito.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...