Nothing would change my mind
GEORGE'S P.O.V.
Huminga akong malalim habang nakatitig ako sa ini-sketch kong mukha ng sinasabi ni Marcus. Hindi ko alam kung tama ba 'ko ng nararamdaman dahil parang feeling ko, nakita ko na ang taong 'to. Feeling ko lang. Pero kung hindi ko pa man siya kilala, ewan para bang, minsan ko ng nakita ang mukha ng babaeng 'to. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita ang taong 'to.
"Tama na, kanina mo pa 'yan tinititigan" rinig kong sabi ng boses lalaki at tumabi siya sakin.
"Para kasing nakita ko na ang taong 'to, hindi naman sa sinasabi kong kilala ko ang taong hinahanap mo, pero parang nakita ko na kasi siya sa isang lugar, hindi ko lang matandaan" paliwanag ko at tinignan niya ang ini-sketch ko.
"Kuhang kuha ko ba?" tanong ko.
"Oo nga ang kulit mo" sagot niya habang nakatitig sa sketch pad ko. Inilagay niya ang isang kamay sa tapat ko. Tinignan ko ito. May hawak siyang isang paper cup ng kape na galing sa starbucks.
"Kunin mo na, nangangalay na 'ko" reklamo niya. Agad ko namang kinuha ang cup sa kaniya. Tumingin ako sa labas at medyo lumalakas na naman ang ulan. Huminga akong malalim at uminom ako ng kape.
"Kung totoo mang nakita mo na siya sa ibang lugar, siguro malapit lang siya sakin? Pwede bang halungkatin mo ang laman ng utak mo ng malaman ko kung nasaan siya?" pakiusap niya habang nakangiti. Papano kung hindi ko mahalungkat ang utak ko?
"Susubukan ko, hindi ko lang kasi maalala kung saan eh" sabi ko. Hindi ko talaga maalala pero sobrang pamilyar ng mukha niya. Feeling ko, nakita ko na siya sa isang lugar? Hindi ko alam. Hindi ko masyadong maalala eh. Narinig ko ang tiyan ko na tumunog na dahil nagugutom na 'ko. Nagkatinginan lang kami ni Marcus. Ngumiti ako ng awkward at bahagya siyang natawa.
"Kain na tayo? Sabay na tayo" sabi niya at tumango ako. I've never imagine na makakasundo ko ang ex ko. Siguro dahil sa hindi naman niya ginustong gawin ang bagay na ginawa niya. Sabihin na natin na kahit papano, meron parin akong galit, pero he doesn't deserve that. Tinutulungan na nga lang niya kami tapos siya pang napasama.
"Tara" tipid kong sabi at tumayo ako. Dala ko ang bag ko na halos walang laman at ang sketch pad ko. Naglakad kami palabas ng room. Naglakad lang kami sa hallway. Napahinto kami sa paglalakad ng biglang may umakbay saming dalawa ni Marcus. Bigla kasi siyang sumingit sa pagitan naming dalawa. Tinignan namin siyang dalawa ni Marcus samantalang nakangiti lang siya at nagpapalipat-lipat ang tingin saming dalawa ni Marcus.
"Hay ang bigat ng braso mo" sabi ni Marcus at tinanggal ang akbay ni Spencer sa kaniya. Kusa naman niyang tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin. Naglakad kaming muli. Kaming tatlo sa hallway.
"Porket wala ang girlfriend mo, kami ang pinagtitripan mo" sabi ni Marcus kaya napangiti ako sa kanila. Ibig sabihin pala, talagang nangungulit si Spencer kapag wala ang girlfriend niya?
"Sa ibang school kasi siya," reklamo ni Spencer.
"Edi maghiwalay kayo tapos maghanap ka ng bago dito" sabi ni Marcus kaya napatingin kaming dalawa ni Spencer sa kaniya.
"Hindi ko magagawa 'yun!" sigaw ni Spencer kaya napatingin samin ang lahat ng mga students dito sa hallway. Tinignan ko si Spencer at nakapout siya.
"Huy Spencer!" tawag galing sa likod namin kaya napatingin kaming tatlo. Si Zach? Nilapitan niya kaming tatlo.
"Kanina pa kita hinahanap" sabi niya kaya napatingin ako kay Spencer. Unti-unting sumeryoso ang mukha niya.
"Bakit?" tanong ni Spencer.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Ficção AdolescenteFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...