Meeting
Naglalakad akong mag-isa pauwi dahil wala naman akong makasabay ngayon. Si Zach, kasama si Spencer, may ginawa ata sila. Kaya ako na lang ang mag-isang umuwi ngayon. Mukhang medyo malayo pa ang uuwian ko ah. Masakit na ang paa ko.
"Sabay ka na" sabi ng nasa gilid ko kaya napatingin ako sa gilid ko. Nakasakay siya sa sasakyan niya at nakasalamin pa siya. Akala mo naman ang taas ng araw. Hindi naman niya kinagwapo ang salamin niya.
"'Wag na, okay lang ako" sabi ko at naglakad na 'ko.
"Sige na sabay ka na, malayo pa ang uuwian mo eh lika na, tsaka, wala 'yung bestfriend mo, nakita ko kanina, may pinuntahan ata sila ni Bella, kaya tara na" sabi niya.
"Hindi ka talaga titigil hangga‘t hindi ako sumasakay 'no?" tanong ko. Natawa siya ng mahina.
"Buti alam mo" sabi niya habang nakangiti. Umikot ako at binuksan ko ang sasakyan niya saka ako pumasok sa loob. Kinuha ko ang shades niya at sinuot ko ito. Tinignan niya 'ko at tinignan ko din siya habang nakangiti.
"Bagay ba?" tanong ko.
"Yup" sagot niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Pinaandar na niya ang sasakyan niya. Sana hindi talaga magalit si Grey sa ginagawa kong 'to. Isang taon na din naman ang nakakalipas ng iwan ako ni Nate kaya nakamove-on naman na 'ko.
"Hatid na ba kita? O sasama ka sakin?" tanong niya.
"May pupuntahan ka?" tanong ko.
"Meron sana, gusto mo bang sumama?" tanong niyang muli. Naalala ko, ngayon pala ang meeting nila mama at mamaya pa namang eight ng gabi 'yun kaya okay lang naman siguro.
"San ka ba pupunta?" tanong ko.
"Diyan lang kung saan-saan" sagot niya. Parang Grey lang ah. Pupunta kung saan-saan.
"Ano, sama ka?" tanong niya.
"Sige, wala naman akong gagawin, wala din naman si Grey" sagot ko.
"Edi tara na" sabi niya. Ngumiti lang ako.
***
"Bye" sabi niya habang nakangiti at naglakad papunta sa sasakyan niya. Nginitian ko lang siya at umalis na siya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...