Chapter 3

96 94 2
                                    

Chess

Naglalakad kami papunta sa ewan ko kung san ba pupunta ‘tong lalaking 'to. Sabi niya kasi lilibre niya ko pero ewan ko kung saan siya pupunta. Kanina ko pa siya sinusundan pero kanina pa din kami paikot-ikot dito. Hindi ko alam kung saan niya ‘ko dadalhin.

“San ka ba talaga pupunta Babycakes?” tanong ko

“Basta” sagot niya at may pinasukan siyang isang lugar. Ewan ko ba kung saan ‘to. Saan ba ‘to? Pagpasok namin sa loob, may nakita akong mga may baril at umaasinta sila sa harapan namin. Lahat sila ganon. Anong gagawin namin dito? Mamaya mabaril pa ‘ko dito.

“Anong gagawin mo?” tanong ko. Tumayo siya sa second to the last ata? Tapos hinawakan niya ang baril na nasa table sa harapan niya. Inayos niya yun.

“Ilagay mo nga sa batok ko yung headphone, dali na,” utos niya. Sinama niya lang ba ‘ko dito para utusan? Kinuha ko ang headphone at sinabit ko sa batok niya. Kinasa niya ang baril at inayos niya ang headphone sa tenga niya. Tinutok niya ang baril sa target sa harapan. Saka bumaril ng ilang beses. Wow, headshot lahat ah? For ninetheen years and seven months, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang gumamit ng baril? At puro headshot pa ah. Tinanggal niya ang headphone niya.

“San ka natuto? Ngayon lang kita nakitang gumamit ng ganyan ah?” tanong ko. Napatingin siya sakin.

“Tinuruan ako ni tito,” sagot niya saka iniwas ang tingin sakin. “Gusto mo subukan?” tanong niya. Tinignan niya ko habang nakangiti. Ako? Ayoko ng mga baril. Ayoko.

“Hindi okay na ‘ko, dito na lang a---“ hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil kinuha niya ang braso ko saka pinuwesto ako sa harapan. Sabi ng ‘wag na eh. Kinasa niya ang baril saka ako tinignan.

“Hawakan mo,” inoffer niya ang baril sakin. Hawak niya yun sa taas sa malapit sa dulo. Unti-unti kong nilapit ang kamay ko. Ayoko talaga nito pero it makes interesting now. “Ang tagal naman” sabi niya sabay kuha ng kamay ko saka nilagay dun ang baril. Hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang baril. Unti-unti niyang itinaas ang braso ko saka tinapat ang baril sa harapan.

“Tingin lang sa target. Focus,” utos niya na ginawa ko naman. Nilagay niya ang headphone sa tenga ko. Tinaas niya ang isang headphone. “Sige na,” bulong niya at binaba ang headphone. I pulled the trigger at hindi ko na headshot pero natmaan naman. Tinanggal niya ang headphone ko.

“Nice shot,” humarap ako sa kanya. “Oh! Yung baril,” sabi niya at binaba niya ang baril na naitutok ko sa kanya. Nginitian ko lang siya at tinitigan ko siya. Buti hindi ko siya nabaril. Hehehe.

“Nagugutom ako,” sabi niya at hinila niya ko palabas ng lugar na yun. Hinila na naman niya ko kung saan at napahimas na lang ako sa batok ko. San kaya ko dadalhin nito? Hay nako,

“San tayo pupunta?” tanong ko habang hila-hila ako. Hindi niya 'ko sinagot at hinayaan ko na lang siya. Dinala niya ‘ko sa isang Mall dito malapit lang sa pinanggalingan namin kanina. Pumunta kami sa grocery. Kumuha siya ng dalawang malalaking noodles, aba naadik na ata siya ah? Binigay niya sakin. Kinuha ko yun. Kumuha naman siya ng dalawang malalaking plastic ng chips at binigay sakin. Ay wow taga hawak niya ‘ko? Hindi siya kumuha ng basket kasi ako ang ginawa niyang basket ah. Binitawan niya ‘ko.

“Saglit lang Gre---“

“Babycakes nga” putol niya sakin.

“Oo na sorry na BABYCAKES. Kukuha lang ako ng basket, ginagawa mo 'kong human basket mo eh” sabi ko at natawa siya. Naglakad ako at naghanap ng basket. Kinuha ko ang isa at ilalagay ko na sana ang mga dala ko ng biglang may nakabangga sakin. Yumuko ako at pinulot ang mga nalaglag na hawak-hawak ko.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon